“Anong itinatayo ni—” tanong ni Naila sa sarili ng makita niya ang pamilyar na bulto ni Ashton sa tapat ng kumpanya nila.
“Kanina pa nga iyan diyan, Ma’am. Kayo po pala ang hinihintay niya.” Sabi ni Manong Guard na siyang naka-duty kanina pang umaga.
“Talaga po?” pero imposibleng siya ang hinihintay nito. Isa pa, anong magiging dahilan nito? At saka, bakit parang dumadagundong sa kaba ang dibdib niya?
“Opo, ma’am.” Sabi pa nito.
Naglakad siya palabas ng gate. Nakatalikod pa din si Ashton.
Pero hindi niya pwedeng lapitan ito dahil wala naman siyang dahilan para gawin iyon.
Napaatras pa siya ng biglang humarap ito. Agad na nagsalubong ang mga mata nila. Hayun na naman ang pagdagundong ng kung ano sa dibdib niya. Gusto niyang iwasan ang mga mata nito pero ayaw gumalaw ng mga eyeballs niya.
“Oh, hi… Naila.” Lumapit ito sa kanya. “Dito ka pala nagtatrabaho. I thought you are a daughter—”
“Shut up!” agad na sambit niya. Mang-aasar lang pala ito. Agad na naglakad siya palayo dito.
Tumawa ito. “I was just kidding. Napakaseryoso kasi ng itsura mo.”
Well, tama ito. Simula ng malaman niya ang bagahe sa balikat niya ay naging ganoon na siya. Palaging malalim ang iniisip niya at palagi siyang nakatulala. At wala siyang balak makipagbiruan dito dahil hindi siya kumportableng pag-usapan ang tungkol sa pinaggagawa niya dahil alam niyang kahiya-hiya iyon. “Bakit ka ba sunod ng sunod?”
“Hindi kita sinusundan.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Simula kaninang nasa tapat sila ng kumpanyang pinagtatrabauhan niya at ngayong malapit na siya sa restaurant ay nandoon pa rin ito sa likod niya. Di kaya totoo ang sinasabi ng guard na siya nga ang sinadya nito? “Talaga?” tatalon siguro sa tuwa ang dibdib niya.
“Yes, ibinigay ko lang dun sa binatilyo iyong ipinangako ko. E may naging kaklase kasi akong nagtatrabaho malapit doon kaya ako nagtagal.”
Parang nahiya siya sa sarili kaya tumahimik siya.
“May date ba kayo ni Larry?” he asked as it was so obvious that he was annoyed.
Bakit ba kailangan nitong itanong iyon e hindi naman sila close? Pero sasagutin na rin niya ito dahil wala naman sigurong masama kung sasagutin niya iyon. “Hindi. First and last date na namin iyong kagabi.” Dahil wala naman pala siyang mapapala dito. She felt guilty telling Larry that she’s no longer going to date him. Pero anong magagawa niya? Kailangan niyang gawin iyon. At isa pa, hindi naman siya in love dito katulad ng mga naunang naka-date niya. But he is such a good guy. Masaya ding kakwentuhan ito. Hoping that he will find the right woman for him. Iyong babaeng hindi pera ang habol dito.
“Really?”
Bakit nakangiti yata ito ng sabihin iyon? “Bakit parang masaya ka pa?” hindi niya napigilang hindi itanong.
Biglang nawala ang pagkakangiti nito na halata namang itinatago lang. “Dahil hindi kayo bagay.”
“Bakit? Dahil nagsisinungaling ako sa kanya?”
Nagulat ito sa sinabi niya. “Hindi. Dahil may ibang lalaking mas babagay sa iyo.”
She smirked. “Diyan ka nagkakamali. Walang lalaki na babagay sa akin.” Dahil kahit na magkaboyfriend man siya sa mga oras na iyon ay hindi siya babagay sa lalaking iyon dahil fake siya. She’s a total user. Walang lalaki ang deserve ang babaeng katulad niya. Mangagamit siya!
Hindi ito nakapagsalita dahil sa lalim ng sinabi niya. Gustong magsalita nito pero wala ng lumabas na salita sa bibig nito.
“I like you, Naila.”
Muntik ng malaglag ang puso niya dahil sa sinabi nito. Nangti-trip na naman ba ito? Pero hindi, eh! She could read in his eyes that he really meant it.
“I don’t know why or how but when I first saw you. I felt this way. I’ve always wanted to see you.” Tumawa ito dahil hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi nito. “And you’re right! Hindi lang dahil doon sa binatilyo kung bakit ako nandoon.”
She found herself not breathing. All she wanted to do is listen to what Ashton would say. It gives ease on her worrying mind and heart. Ganoon pala ang pakiramdam ng may isang lalaking sinasabi ang feelings nito sa babaeng gusto nito.
“Maybe… it is also because of you, Naila.”
Suddenly, she felt like she was floating on cloud nine. It was the first time she had ever felt this kind of thrill. His words sent a rush of excitement through her, making her heart race with nervousness and joy—so much so that it felt like it had leapt out of her chest and bounced straight to Ashton.
She has never fallen in love with anyone nor experienced what it feels like to be confessed to. Nor how to react to it. Pero isa lang ang alam niya na masaya siya na gusto siya nito dahil gusto din niya ito. Katulad nito ay gustong-gusto niyang makita ito. Just like how it adds melody to her ears every time she hears his voice.
“I know it was just the second day that we met but I’m being sincere, Naila. I really like you. I really do.” Yumuko ito na parang biglang nahiya dahil sa mga pinagsasasabi nito. “Naila, magsalita ka naman. You’re making me feel too embarrassed.” Tumango ito. “Well… I’m not really used to this kind of stuff.”
Yes, she knew that. Kahit na kahapon lang niya nakita ito ay alam niyang ito ang tipo ng lalaki na hahabulin ng mga babae. Alam niya na ang babae pa ang gagawa ng first move para mapansin nito.
To think that he did that for her gives happiness on her system.
“I won’t force you to like me back now. Pero bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam sa iyo na sincere ako sa mga sinabi ko. Try to date me, Naila.” Pagmamakaawa nito.
“Try to date me, Naila.”
Nanigas siya bigla ng marinig ang mga salitang iyon. Hindi pwede! Hindi niya ide-date ito. NEVER!
“Please,” pagpapa-cute pa nito.
“Sorry! Hindi kita type.” Hindi niya alam saan nanggaling ang mga iyon pero iyon iyong alam niyang tama at saka siya nagmamadaling umalis doon.
Alam niyang naiwan itong tulala.
“I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na
“Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i
Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito
Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.
“I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk
“Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?