Share

UNDERWEAR

Noah Oliver

"You look at the list I sent you a while ago." Ani ni Arwen sa akin habang tumitingin siya ng meat. "Mark them kung nakuha mo na ba, para 'di ka malito. Pag ikaw nagkaroon ng mali diyan mamaya, pababalikin kita." Dagdag na banta niya pa sa akin.

Nag-salute pa ako bago umalis at hanapin ang nasa listahan na sinend niya sa akin.

Hindi ko malaman kung asawa ko ba ang nag-uutos. Para kasing nanay. Baka siya talaga nanay ko ano? Tapos ako ang nag-iisang gwapong anak.

Nung makita ko agad yung vinegar, huminto ako at kumuha. "Vinegar. I got it." Saad ko at nilagyan ng check mark ang listahan ko.

Although kahit para siyang nanay kung umasta sakin every Sunday, I would not deny na useful yung skill niya. Never pa kaming nagkaroon ng kahit anong problema pagdating sa ganitong bagay, dahil lagi naman kaming may stock. Ngayong Sunday na lang ulit kami pumunta sa supermarket para mamili.

Isa-isa kong hinanap ang mga nasa listahan, kahit minsan pabalik balik na ako dahil hindi ko makita kung saan ko ba pwedeng mahanap.

Naabutan naman niya akong nagtitingin.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Ayos naman ako dito sa Pilipinas, Love." Tawang sagot ko. "Ikaw kamusta?" Tanong ko pabalik.

"Heto at isasaksak ko sayo 'tong mga kinuha ko ng hilaw." Mataray na sagot niya.

Nakarinig naman ako ng tawa mula galing sa mga tao sa paligid.

Kahit si Arwen ay napa-tigil at napatingin sa paligid bago tumawa ng hilaw.

Funny niya banda do'n. Tawang hilaw. Laughtrip. Pwede na ba tumawa ngayon?

Hindi pa man ako nakakatawa ay binalikan na agad ako ng tingin ni Arwen ng masama.

"Sorry na, Love. Aga aga galit ka agad sa akin. Look mo oh, nahanap ko na yung ibang needs natin." Malambing na sabi ko.

Mabilis naman siyang nag-lakad paalis kaya mabilis ko siyang sinundan.

"Hindi ka naman marunong maki-sakay sa trip." Pang-aasar ko. "Sabay sabay din minsan, para happy life." Dagdag ko.

"Ihahatid kita agad sa impyerno, gusto mo sumakay?" Tanong niya pabalik.

Napanguso na lang ako. "Eto talaga laging impyerno gustong hatiran sa akin. Alam ko naman na ikaw papalit sa pwesto ni Satanas doon sa baba, kalmahan mo lang. Highblood ka lagi." Komento ko.

Kailan ba 'to hindi nagalit sa akin.

Wala pa akong maalala na hindi siya galit sa akin.

Araw-araw, minu-minuto, oras oras laging galit. Walang pahinga galit nito sa akin.

"Eh sa nanggigigil ka kasi. Kada buka ng bibig mo puro pang-aasar, sino ba naman hindi maiinis sayo?" Tanong niyang nanunumbat. "Yung bunganga mo walang mabuting sasabihin sa akin lagi." Dagdag niya.

"Lakas mo naman mag-sabi niya. Nag reklamo ba ako sa busangot mong mukha lagi? Hindi naman ah." Panunumbat ko rin. "Patas lang tayo dito 'no." Dagdag ko.

Eh sa ang cute niya asarin.

Yung mga masarap asarin ay yung laging naiinis. Grabe satisfaction na natatanggap ko sa kanya every time aasarin ko siya. Hindi lang makikita sa mukha niya yung inis eh, hanggang salita at kilos.

Sino ba naman titigil mang-asar sayo? Shempre hindi ako! HAHAHAHA.

Manggalaiti lang siya sa akin. Ayos lang sanay naman na ako sa kanya.

Minsan niya na nga akong binato ng lata noon. Dumugo pa ulo ko, pero ayos lang siya rin naman nag-asikaso sa akin.

Minsan niya na rin akong hinagisan ng kawali, kutsilyo, hanger, plantsa at ang mas malupit niyang sandals na may takong.

Naging mabilis na nga rin reflexes ko with her help. Pag makupad ang reflexes, paniguradong dadampi ang kung ano mang ihahagis niya.

Dahil ayoko namang masaktan sa loob ng supermarket. Tahimik akong sumunod sa kanya at tumulong sa pagbili ng kailangan namin bilhin. Matapos ang ilang minuto ng pamimili, nakapila na kami ngayon sa cashier counter.

"May freshmilk ba tayo tsaka pineapple juice?" Pagdo-double check ko nang makakita ng freshmilk at pineapple juice sa stall.

Tahimik niya namang sinipat ang pinamili namin. "Meron na." Sagot niya.

Kumuha naman ako ng chocolates sa stall. "Pwede dagdag natin 'to?" Tanong ko pa.

"Dagdagan mo na pa ng isa. Tig-isa tayo." Sagot niya.

"Ay gusto ko 'yan, couple tayo sa chocolates." Pang-asar kong saad sa kanya. "Titingin nanaman 'yan ng pamatay oh. Diba? Kasasabi ko pa lang ginawa mo na agad." Dagdag ko at inilagay na ang chocolates sa cart namin. "Oo nga pala, anong gusto mong food natin pag-uwi? May ituturo bang bagong recipe?" Tanong ko.

Three years na kaming kasal ni Arwen, kaya ang dami ko nang natutunan na lutuin. Ang isa rin sa maipagmamalaki ko sa kanya ay marunong at masarap siya mag-luto. Lutong nanay na mapapa-ilang kain ka talaga. Basta 'wag na lang siya mag-salita. Iba kasi takbo ng kamay at bibig niya eh.

Nung una ayokong matuto mag-luto, dahil bakit ko naman 'yon pag-aaralan eh pang wife duty naman 'yon. Kaya every Sunday noon na gigisingin niya ako mga ilang oras muna kami mag-aaway bago gawin ang dapat gawin.

Pero as the time goes by, habang natututo ako na-realize ko na hindi lang siya pang wife duty. Mas maganda pala talaga na may alam ka rin sa paglu-luto kasi pag nainis siya sa akin, masarap ulam niya tapos hindi niya ako bibigyan. Ang ending mag-oorder na lang ako sa fastfood.

"Sa sunod na lang siguro. Aalis kasi ako mamaya after lunch. Need ko mag-prepare." Sagot niya.

Taka akong tumingin sa kanya. "Saan ka?" Tanong ko. "Sama, wala ako magawa sa bahay." Ani ko pa.

"I am going out with my friends, sasama ka?" Balik na tanong niya sa akin.

I nodded back. "I can. Maybe we can tell them about us naman na." Panghahamon ko sa kanya.

Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay malaman ng lahat na kasal na kami.

Imagine pa nalaman ng mga students sa school about sa amin. I can see their shock expressions already.

Tapos sasabihin ko lang sa kanila 'Ano ba kayo? Kami lang 'to'

"Let's just graduate together as enemies." Sagot niya.

"Ayaw mo bang pag-usapan tayo na enemies turn to lovers?" Pang-aasar ko ulit.

Agad naman na nalukot ang mukha niya at akma akong kukurutin. Umiwas na ako agad agad. Masakit 'yan mangurot eh, parang tanggal pati laman. Gigil na gigil.

"So, anong oras ka na lang uuwi?" Maayos na tanong ko this time.

"Bakit ka ba nagtatanong?" Mataray na tanong niya. "Hindi naman kita pinakekealaman sa alis mo tapos sa akin tanong ka ng tanong. Tatay ba kita?" Dagdag na sabi niya, inis nanaman agad sa akin.

Tanong ko pa lang 'yon, inis na agad. Paano pa kaya pag may action pa ako? Baka nanggagalaiti nanaman 'to sa akin.

"Masama ba mag-tanong? Nag-aalala lang naman baka late ka umuwi. Lo-lock-an sana kita ng pinto para madala ka na kung sakali." Sagot ko. "Mamaya kung ano pa mangyari sa iyo, edi lagot ko sa mga kuya mo. Sabihin hindi kita inaalagaan. Baka bugbugin pa ako ni Kuya Arlo." Dagdag ko.

Lagi pa naman akong pinapaalalahanan ni Kuya Arlo kay Arwen. Hangga't maari raw ay siguraduhin kong ayos at ligtas, dahil kung anong mangyari sa kanya malalagot ako kay kuya.

Si Kuya Atticus naman, tropa na kami no'n. Nung unang taon lang hindi, pero ngayon nakakainuman ko na.

"Hindi naman ako magpa-paabot ng gabi. Mga hapon nasa bahay na siguro ako."

"Siguro?" Tanong kong muli sa kanya. "Ayusin mo yung siguro mo. Dapat may exact time." Ani ko pa.

"Six pm. Happy?" Mabilis niyang sagot na ikina-ngiti ko.

"Okay, copy." Sagot ko sa kanya. "Pag wala ka pa ng six, ikaw maglu-luto ng dinner, deal?" Aya ko sa kanya.

Hindi niya lang ako pinansin at itinuon ang tingin sa cellphone niya.

"Grabe ka naman, Love. Nakaka-hurt ka ng feelings." Malungkot na sabi ko. "Parang walang pinagsamahan naman 'to. Tama ba 'yon?" Pangongonsensya ko sa kanya. "Sige na kasi, let's have some fun naman kahit minsan. We rarely do this too. Deal?" Tanong ko ulit.

Binalikan naman niya ako ng tingin. "Paano kung maka-uwi ako on time?" Tanong niya sa akin pabalik.

"Then I will be the one who will cook our dinner." Sagot ko sa kanya.

"It is your turn to cook for our dinner. What the hell are you scheming right now?" Bwelta niya sa akin at tinataasan nanaman ako ng kilay.

I raised my arms. "Kalma." Saad ko sa kanya. "Kaya nga deal eh. If I win, I won't do it. If I lose, then I will have to cook for our dinner. That easy." Paliwanag ko pa sa kanya.

She nodded. "Okay." Sabi niya. "I will be at home before six pm." Pagtanggap niya sa deal.

"Now, we are talking!" Excited na sabi ko. "Diba? There is nothing wrong with this. Let's do this more. Let's try to bond, okay? It's been three years since we married each other and we are living together." Ani ko pa sa kanya.

"As long as hindi ka talkshit." Komento niya.

"Ikaw din naman eh." Komento ko pabalik. "Pero seriously, I am comfortable naman na with our situation. It still the same since then, the only difference is that we are married." I shared. "Kailan kaya tayo magdi-divorce?" Tanong ko sa kanya out of curiosity.

"Pag nauna kang sumalangit." Sagot niya.

"Grabe ka naman! Knock on wood." I fired back at her.

"There is no wood here, sorry I guess?" Sagot niya pabalik, shrugging her shoulder.

"You know how to tease now." Proud na sabi ko at ginulo ang buhok niya. "Dati puro ka lang death threats at hagis. Ngayon, you know how to fire back na. I am proud of you, payakap naman." Sabi ko at lumapit sa kanya para yakapin siya.

"Yakapin mo lelang mo!" Mariin na sabi nito sa akin habang tinutulak ako palayo.

"Ikaw na nga yayakapin, ikaw pa choosy? Everybody in school wants to hug me tapos binibigay ko lang sayo for free, tatanggihan mo pa? Grasya na to, Arwen." Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

Cute naman pala tumawa.

First time 'yan. Ganyan ang bonding.

"Sorry, but I am not them." Natatawa niyang sabi. "Hindi naman lahat ng students sa school ay may gusto sayo or gusto ka yakapin 'no. Yayakapin ko na lang sarili ko rather than you." Dagdag niya pang sabi.

Talas talaga ng tabas ng dila. Gusto ko nang gupitin. Itabi niyo, ako na gugupit.

Natahimik pag-aasaran namin nung turn na namin sa cashier.

Dahil si Arwen ang nagbu-budget ng pera namin, siya ang on hands sa payment sections. Even in our electricity, water, and Wi-Fi bills. Lahat siya nag-aasikaso. Duty wife niya 'yon eh. Ako, tamang luto and wash lang ng plates alternately.

After namin mamili, sumakay na kami ng taxi pauwi sa apartment. We ordered for our lunch na lang since aalis nga si Arwen.

"Uy, Love. Pahiram naman ako ng notes, nung isang araw pa ako nanghihiram sa 'yo tapos hindi mo naman ako pinapahiram." Sigaw ko dahil nasa loob pa siya ng kwarto niya. "Parang others naman ako sayo."

"Bakit ka sa akin nanghihiram ng notes. May sarili kang classmates. Bakit hindi ka sa kanila mag-tanong? Bakit sa akin pa?" Tanong niya pabalik.

"Eh gusto ko sa 'yo. Mas complete notes mo. Proven and tested." Sagot ko. "Parehas naman tayo ng professor, bakit mo pa ipagdadamot sa akin. Grabe ka naman." Pangongonsensya ko.

Pero wala ata siyang konsensiya dahil hindi naman na niya ako sinagot.

Umupo ako sa sofa at binukas ang TV. Hindi ko na lang siya papalabasin ng bahay ng hindi niya ipapahiram sa akin ang notes niya.

Pag-labas niya ng kwarto ay may hinagis siya sa akin.

"Grabe, Love. Notes ang gusto ko hiramin, hindi underwear mo." Pang-aasar ko dahil nung hinagis niya yung notebook sa akin, naisama yung underwear niya. "Ikaw ha, inaakit mo ako. Marupok pa naman ako." Pang-aasar ko nanaman sa kanya.

"Akin na nga 'yang notebook ko!" Inis na sabi niya at pilit na inaagaw sa akin ang notebook niya.

Agad ko naman itong niyakap at pilit na dinedepensahan mula sa kalaban na nagngangalang Arwen.

"Akin na 'yan!" Sigaw niya pa.

Napahiga na ako sa sofa sa kaka-tago ko sa katawan ko ng notebook niya.

"Pahiram na. Pinapahiram mo na tapos babawiin mo, tama ba 'yon?" Tanong ko sa kanya.

Ngayon na mas kalmado na ako, ngayon ko lang na-realize na nakapatong na siya sa akin.

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo na gumawa ng baby. Hindi pa po ako ready." Pang-aasar ko sa kanya at kunwaring itinatago ang katawan ko sa kanya.

Agad naman siyang namula at mabilis na umalis papunta sa banyo.

"Kita kong nag-blush ka! Ikaw ha? Crush mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya at mas nilakasan ang boses para marinig niya.

"SHUT UP!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status