Share

Chapter 20

“You have a problem with that? Anong pangalan mo?” Tanong ko sa kanya at sinenyasan siyang lumapit sa akin. She’s still a junior pero kung makaasta ay para bang siya ang may mas mataas na posisyon sa aming dalawa. Ayoko sa lahat ay ‘yong nasosobraan na ng kayabangan, hindi man lang marunong lumugar. Pero unang araw ko pa lang dito kaya palalampasin ko ang isang ‘to.

“Hannah. Ayaw ko magplastikan kaya sasabihin ko na sayo ‘to. Hindi kita gusto at hindi ko rin gusto na napunta ako sa team na ito. As a leader, ang simple-simple mo tingnan, hindi ko alam kung may taste ka ba o wala. Tingnan mo sila ni Briona at Thian, isang tingin pa lang alam mo ng may maibubuga. I refused to be trained under you. I want a transfer.” Deretsong sabi niya na ni hindi man lang siya pumipikit ng mata habang sinasabi iyon sa pagmumukha ko. Tahimik lang akong nakinig sa sinabi niya at napalibut ng mata sa ibang taong nakatingin sa amin.

“You

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status