Share

Chapter 2

Napapikit ako sa sakit nang dahan-dahan akong tumayo. Sobrang sakit sa ibabang parte ng katawan ko. Galit ko namang tiningnan ang mukha sa lalaking naging rason kung bakit ako nagkaganito. Kahit na sobrang gwapo ng mokong na’to ay di ko pa rin mapigilang mainis. Ilang beses akong nagmakaawang ayaw ko na. Damn it! We lasted until midnight! Gustong-gusto ko talagang sakalin ang demonyong ‘to nang di na tuluyang makahinga. Kaya lang, nang natapos iyon ay nawala na rin ang pagkahilo ko, ang kakaibang sensasyon sa katawan ko kanina ay nawala rin.

“Kristina…” Galit na bulong ko sabay kuyom sa ilang hibla ng kumot sa kama. Hindi ko kailanman inasahan na ganito ka pala. I had always thought you’re different from your mother. Kinaibigan mo lang pala ako para makuha ang posisyon ko sa kompanya ni Mommy. Now, I have lost my chastity, knowing how conservative my family is, I’m sure na mawawala na sa’kin ang lahat. But I still have my father. Kung sasabihin kong kagagawan nila Kristina ‘to ay sigurado akong paniniwalaan niya ako.

Tumayo ako at hindi na inabala ang sakit ng katawan ko dulot ng nangyari kagabi. Hindi ko na rin nilingon ang lalaking himbing parin ang tulog hanggang ngayon. Baka masakal ko na talaga ng tuluyan ‘yan kaya di ko na lang tiningnan ulit.

Kailangan ko nang umuwi. I have to tell this to my father!

Kinuha ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig at isinuot ulit. Pinihit ko ang pintuan kaya lang ayaw paring bumukas. Damn it! Where’s the key?! Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at napahinto iyon sa ibabaw ng cabinet malapit sa kama. I tiptoed at kukunin na sana iyon nang may humablot sa bewang ko at napabagsak ulit sa kama!

“Hmmm.” He hummed and hugged me. I stiffened at tiningnan ulit ang mukha niya. Napahinga ako ng maluwag nang malamang tulog pa rin pala. T*ngina lang talaga, ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng isang ‘to kahit kalian! Pinigilan kong sikmurain siya at nagtitimping inalis ang kamay niyang nakabalot sa bewang ko.

Napahinga ako nang tuluyan na akong nakawala sa yakap niya at nakuha ko na rin ang susi. Binuksan ko ang pintuan at nilingon ang lalaking nakahiga parin sa kama.

‘See you never!’ Malakas na sigaw ko sa isipan.

Umuwi ako sa mansion na pagmamay-ari ni mommy. Umuwi akong nagbabaka-sakaling paniwalaan ni Daddy ang sasabihin ko sa kanya. I was hopeful. Pero…

“What is this?!” Sigaw niya sabay tinapon sa mukha ko ang mga litratong di ko alam na ginawa ko. Mga eskandalong litrato na kasama ko sa kama ang isang matandang lalaki. Siya iyong dapat na papakasalan ko sa susunod na mga araw. Kunot-noo akong napatingin doon at may halong di makapaniwalang ekspresyon sa mukha ko. How can I be with that old man?! I was never with him! What’s with this picture?!

“Ayaw mong magpakasal pero ginawa mo ‘to?! I never thought you would do this kind of thing Adeloiza! This is so much scandal! You ruined our company’s reputation! And to think you’re the successor!” Mahabang litanya niya.

“D-dad this is not true! Hindi ko ginawa ang mga ‘to!” Pagdedepensa ko. Hindi ko kailanman magagawang maging isang malandi! I’m an educated woman!

“Shut it! The evidence is clear!”

“Dad! Believe me! Paniwalaan mo naman ako kahit ngayon lang please! Di ko ginawa ang mga ‘to Dad! I was never with him!” Sigaw ko habang umiiyak. Damn it!

“Then where were you last night? These pictures were uploaded last night!” Turo niya sa mga litrato. Wait uploaded? What do you mean upload?

“Yes! This pictures are all over the internet! Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito sa kompanya?! The media is still calling me non-stop for an interview! The only way to calm things down is to marry him and take responsibility Adeloiza. You must marry him!” Sigaw niya. Di makapaniwalang tiningnan ko siya.

“I was never with him. How can you do this to me Dad?” Mahinang sagot ko sa kanya. How can you marry me off just like that? And to an old man just for the sake of the company?! Company, company… all just for the sake of the company!

“Whether this is true or not, all these pictures are now ruining the company. You have no choice but to marry him. You’re my good daughter, you must help Daddy right?” Niyakap niya ako sabay bulong ng mga katagang parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa’kin. Hindi ako napakilos ng ilang saglit dahil di ko parin matanggap ang mga sinabi niya.

Tinulak ko siya palayo habang nanginginig ang buo kong katawan sa galit at pagkabigla. He… didn’t believe me. No, he never has the intention to believe in me. Ang gusto niya lang ay ang makasal ako para sa kompanya.

“Ha…haha! Hahaha!” Malakas na tawa ko. For the 18 years of my life, I have always believed in him, respected him and loved him. Kasi sa pagkaka-alam ko ay dahil Daddy ko siya. Daddy? Ito ba ang tamang gagawin ng isang ama sa kanyang anak? Ngayon ko lang narealize ang totoong intensyon niya. Ang natitirang pag-asa ko ay biglang nawala. I trusted him because he’s my Dad. He’s my Dad after all. My flesh and blood. Kaya lang, parang isang malaking pagkakamali na pinagkatiwalaan ko siya. I hoped that he can save me out of this predicament.

“You never once believed in me. How can you do that? You’re my Dad… We were once perfect. I mean when Mom was still alive. But then, this two came.” Sabi ko sabay tingin sa dalawang babaeng tahimik na nagmamasid sa gilid. Kitang-kita ko pa ang malatagumpay na ngiti nila. Kaya lang nang lumingon si Dad sa kanila ay nag-iba ang ekspresyon ng kanilang mukha. Umiiyak sila. Yes, that’s right. I never knew that this two scheming bitches are like this. I was fooled because I’m a fool.

“Alam mo ba Dad kung anong ginawa nila sa’kin kagabi? They drugged me, locked me up in a room with a man.” Iyak ko. Tiningnan ko ang pagkagulat ng mukha niya at para bang may kung anong maliit na pag-asa akong naramdaman.

“So you really lost your chastity, Adeloiza?” Sagot niya at naging madilim ang mga titig nyang ibinigay sa ‘kin.

Napatuwid ako ng tayo at unti-unti nawala ang kutiting na respetong naiwan ko para sa kanya. Malamig ko siyang binigyan ng tingin. In the end, he still thinks about the damned reputation.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status