Share

Hiding Her Identity
Hiding Her Identity
Author: Diena

Chapter 1

Maingay at nakakasilaw na patay-sindi ng ilaw ngunit tulala lang ako na naka upo sa isang tabi hawak ang isang bote ng beer dito sa loob ng bar.

Dalawang buwan na ang lumipas pero masakit parin sa akin ang paghiwalay namin ni Patrick. Akala ko kaya niyang mahalin ng totoo ang isang katulad ko na mababa lang ang antas sa buhay pero... tangina iba lang pala ang habol niya sa akin.

Tinungga ko ang alak na hawak ko nang maalala ko ang nangyari tatlong buwan ang nakaraan.

~flashback~

"Makipag-hiwalay ka sa akin?Bakit?" emosyonal, hindi makapaniwala na tanong ko kay Patrick.

Ang saya ko nang tumawag siya para magkita kaming dalawa dahil ang akala ko ay na miss niya ako at gusto niya akong makita, iyon pala makipag-hiwalay siya.

"Huwag mo nang itanong kung bakit. Masaktan ka lang, Elise."

Natawa ako ng mapakla. "Bakit? Sa tingin mo hindi pa ako nasaktan sa biglaan mong pakipaghiwalay sa akin?"

Anong ini-expect niya tatawa ako?Maglulundag ako sa tuwa dahil makipag-hiwalay siya? Kung sapakin ko kaya siya nang magising siya. Baka tulog pa ang kumag na 'to at nananaginip.

"Makipag-hiwalay ka sa akin nang wala man lang senyales. Ang sweet mo pa sa akin noong isang araw. Ang saya pa natin tapos ngayon bigla mo nalang sabihin na maghiwalay na tayo? Ano sa tingin mo hindi ako masasaktan?!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Baka na bingi na siya at hindi ako marinig.

"I don't want to hurt you, Elies." aniya.

"Nasaktan mo na nga ako, e!" hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Sagarin mo na, Patrick para isang bagsakan lang ang sakit. Hindi iyong sasakit pa ang ulo ko sa kakaisip kong ano ang dahilan kong bakit gusto mong makipag-hiwalay sa akin!"

Napa-hawak siya sa kanyang batok at bumuntong-hininga. Pinag-iisipan kong sasabihin ba niya sa akin ang rason niya o hindi. Ano pa ang silbi ng alibi niya na ayaw akong masaktan e nasaktan na ako. Hindi ko alam kong bobo ba to o sadyang tanga lang.

O, baka pinag-iisipan niya kung paano niya babawiin iyong sinabi niya. Sayang din ang isang taon na relasyon namin. Iyong mga effort niya, iyong mga ginastos niya sa date namin. Iyong mga binili niyang regalo. Sayang din iyon.

"Mahal kita, Elies alam mo 'yon. Pero-" he pause. Nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya o hindi. I give him a sabihin mo na look.

He sighed. "I cheated on you. Dalawang buwan na," lumamlam ang kanyang mata. "I'm sorry."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Bakit pinatagal mo pa?" marahang tanong ko sa kanya. "Bakit mo iyon ginawa? Dahil ba mas maganda siya? Sexy? Mabait?Mayaman? Ano Patrick?" nag-uunahan nang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Dahil ba hindi ako kagandahan? Hindi ako sexy? Hindi mayaman ay ipagpalit na niya ako?Kung ganon sana umpisa pa lang hindi na niya pinasok ang buhay ko.

"Hindi sa ganun, Elies."

"Kung hindi ano, Patrick?"

"Dahil binigay niya ang pangangailangan ko bilang isang lalaki na hindi mo kayang ibigay sa akin, Elies."

"Putang-ina!" sa buong buhay ko ngayon lang ako nagmura dahil sa lalaking 'to.

"Kung mahal mo ako hindi ka maghahanap ng iba dahil lang sa bagay na iyon, Patrick. Kung mahal mo ako handa kang maghintay, rerespetohin mo ako bilang isang babae. Pero hindi ko akalain na dahil lang hindi kita pinagbigyan ay maghahanap ka ng babae na handang punan ang pangangailangan mo bilang lalaki! "

Ang sakit. Akala ko iyon lang ang dahilan niya kaya siya nakipaghiwalay may ibang rason pa pala. Dahil lang hindi ko siya pinagbigyan sa hiling niya na magpaubaya sa kanya ay naghanap siya ng iba. Naghanap siya ng babae na kayang punan ang pangangailangan niya. Bakit kailangan pa niya maghanap pwede naman siya mag sarili.

"I'm really sorry, Elies."

"Hindi mabubura ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko, Patrick," lumuluhang sambit ko.

Ang sarap niyang sampalin. Ang sarap niyang bugbugin. Pero kahit gawin ko iyon hindi parin mababawasan ang sakit dito sa puso ko.

"Kung iyon pala ang nais mo ,sana una palang sinabi mo na agad sa akin," humihikbi na sambit ko. "Sana hindi mo pinatagal ng isang taon. Sana hindi sa ganitong subrang mahal na kita." pinahid ko ang mga luha sa pisngi. "Sana hindi mo nalang pinasok ang buhay ko. Sana hindi mo nalang ako ginulo. Edi, sana hindi ako nasaktan ng ganito."

Sex ba ang pundasyon sa isang matibay na relasyon?

Sex ba ang basehan matawag mo lang na mahal niyo ang isa't isa?

Sex ba ang rason upang isa sa inyo ay hindi maghanap ng iba?

Kasi kung ganon hindi na pagmamahal ang tawag doon.

Kung mahal mo siya hindi mo na dapat kailangan na hilingin ang bagay na iyon.

Kung mahal mo siya, handa kang maghintay sa tamang panahon.

Kung mahal mo siya hindi mo gawing rason iyon upang iwan at ipagpalit siya sa iba.

Dahil ang tunay na nagmamahal handang maghintay. Marunong makontento, tapat at totoo.

"Mahal mo ba siya?" Lakas-loob na tanong ko.

"Elies..."

"Mahal mo ba siya?" ulit na tanong ko sa kanya.

Kuta na ako sa sakit. At ito lang ang gusto kong marinig.

He sighed bago tumango. "Oo, mahal ko siya".

Tumango ako. Hindi naman siya makipaghiwalay sa akin kong hindi niya iyon mahal.

Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, pero anong laban ko kung ang panangga ng babaeng iyon ay ang pagmamahal ni Patrick sa kanya.

Mabuti pa ay sumuko nalang. Ayoko nang sumugal pa dahil alam kong sa huli ay talo ako.

"Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. And thank you for hurting me," I said and walking away from him.

"I'm sorry, Elies...."

~end of flashback ~

Pinunasan ko ang pisngi kong nasaba ng luha galing sa mga mata ko.

Sorry.

Wala na bang ibang sasabihin bukod sa sorry kapag nasaktan mo ang isang tao? Kasi hindi sapat ang sorry lang para ma bura ang sakit na dinulot mo dito. Sana yong sakit na dinulot niya ay pwedeng mabura agad at walang peklat na maiiwan.

Napatingin ako sa aking gilid ng may umupo doon.

"Patrick!?" gulat na sambit ko nang makita ko ang mukha niya.

Anong ginagawa niya rito? Sino ba ang kasama nito?

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko.

Umupo siya ng paharap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I missed you. Come back to me, please."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Tulala lang akong nakatingin sa kanyang mukha. Natinag ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo! ?" singhal ko at tinulak siya.

"I love you. Come back to me."

Sinisinok na saad niya. Lasing pala ang gago. Baka napagkamalan niyang ako ang girlfriend niya. Pero teka.. anong sabi niya, come back to me? Kung ganoon hiwalay na sila nang girlfriend niya?

"Hindi mo ako mahal. At wala ka nang babalikan!!" Mariin sa saad ko sa kanya at tumayo para iwan siya.

Ngunit pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

" Ano ba! Bitawan mo nga ako !" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.

Gago siya! Gusto ko siyang sapakin sa subrang inis at galit ko sa kanya.

"No! Hindi ka aalis. Mag-usap tayo." Matigas na sambit niya at hinila ako pa upo.

Sa lakas ng paghila niya at sumalampak ang puwit ko sa upuan. Shit! Ang sakit ng puwit ko. Binaklas ko ang kamay ko at tumayong muli ngunit hinuli niyang muli ang kamay ko at sa puntong ito subrang higpit na nang pagkahawak niya.

"Bitawan mo ako, Patrick. Nasasaktan na ako."

"No! Hanggat hindi tayo mag-usap ng maayos. "

" Ano ba! Bitawan mo nga ako! Wala na tayong dapat na pag-usapan. Matagal na tayong wala. Ano ba! " pagpupumiglas ko.

Tangina! Ang sakit na ng kamay ko.

"Get off your fucking hands away from my girlfriend if you don't want to break your hands. " Someone said.

At walang ka hirap-hirap na binaklas ang kamay ko na hawak ni Patrick.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status