Share

Chapter 2

Isang matangkad, gwapo at mabangong lalaki ang humila sa akin palayo sa nakatunganga na si Patrick. Sandali akong natigilan.

Sino ang lalaki na ito? At ano raw ang sabi niya.. girlfriend? Kung sapakin ko kaya ang matambok niyang puwit hindi ko nga siya kilala e.

"Teka lang," tigagal na sambit ko. "Teka lang. Sandali!" pigil ko sa gwapong lalaki na hila-hila parin ako palabas ng bar.

Huminto siya. Salubong ang kanyang makapal na kilay nang lingunin niya ako.

"Mister. Baka pwede po bitawan niyo na ang kamay ko," sabi ko.

Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Call me mister when we get married."

Napatanga ako sa kanyang sinabi. Nagpatianod nalang ako nang muli niya akong hilain palabas ng bar. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napa subra ba ang pag inom ko?

"Oy, teka! Saan mo ako dadalhin?"

Kinakabahan na tanong ko ng nagpatuloy siya sa paglalakad habang hawak ang kamay ko. Nasa labas na kami ng bar pwede na naman sigurong bitawan ang kamay ko diba?

"I'll take you home," sagot nito at hindi man lang ako nilingon.

"What?" asik niya ng hindi ako natinag ng hilain niya ako muli.

"Kahit gwapo ka nababanas na ako sayo. Kanina mo pa ako hinihila lalong sumakit ang kamay ko."

Hindi niya parin binitawan ang kamay ko pero maluwag na ang paghawak niya doon. Sino ba 'to at anong karapatan niyang hawakan ng ganito ka tagal ang kamay ko? Tsansing rin 'to e. O, baka may nag bugaw sa akin kanina sa loob ng bar at siya ang... Oh my god! Ayokong isipin.

" Pwede ba bitawan mo ang kamay ko. At hoy!" dinuro ko siya. "Hindi kita kilala para hilain mo lang ako bigla doon sa loob at ipangalandakan doon sa ex ko na girlfriend mo ako. Gets mo? "

" So, your not Cheska? "

" Cheska mo mukha mo! "

Singhal ko at binaklas ang kamay ko na hawak niya at padabog na tinalikuran siya. Akalain mo 'yon may kamukha pala ako.

"Hey! Miss, wait!"

Hindi ko nilingon ang lalaki at nagmadali akong sumakay sa aking kotse. Nakakasira siya ng moment, pagkataon ko na sana na masapak ko si Patrick tapos umeksina pa siya pero naalala ko, I don't harm animals pala.

Tiningnan ko sa side mirror ang lalaking inangkin akong girlfriend niya, nakapamaywang ito at batid kong galit ito habang may kausap sa kanyang cellphone. Sira ba ang mata niya para mapagkamalan niya ako na ako ang girlfriend niya? Tsk, tsk mabuti pa at umuwi na lang.

Napabuntong hininga ako ng makita ko ang kapatid ko pag pasok ko ng bahay, umiinom ng beer at mukhang lasing na.

Tumabi ako sa kanya at kumuha ng can beer at agad iyon tinungga hindi alintana ang pait nitong lasa.

Mabuti at hindi na madalas ang pag lasing niya ngayon, once a week na lang. Na realize niya siguro na hindi pa niya ma hanap si Dina ay sunog na ang atay niya. Mukhang malas ata kami sa pag-ibig ng kapatid ko.

Nilingon ko ang kapatid ko. Nakatulog na pala siya sa balikat ko. Mabuti nalang at mattress itong inupuan namin. Pinaghandaan talaga niya ito dahil alam niya na dito siya makatulog dahil sa kalasingan.

Pinahiga ko siya sa mattress. Mukhang mapapasubo ako sa inuman nito. Binuksan ko ang isang can at tinungga ulit. Napangiwi ako sa pait nito.

May papait pa ba sa sakit na nararamdaman ko?

Hindi ko namalayan naka ubos na pala ako ng limang can beer. Ipiniling ko ang aking ulo ng makaramdam ng hilo.

Nilinis ko muna ang kalat bago pumanhik ng kwarto. Padapa akong sumampa sa kama. Kahit ngayong gabi lang gusto kong matulog ng matiwasay.Walang Patrick na iniisip. Walang heart break na iniinda. Pinikit ko ang aking mata ngunit ang imahe naming dalawa ni Patrick ang aking nakikita.

Ang saya naming pareho. Kita ko sa kanyang mata kung gaano niya ako ka mahal. Kung gaano siya ka caring sakin. Pero bakit humantong kami sa ganito?

Kung sakaling ibinigay ko sa kanya ang sarili ko ay hindi ako masasaktan ng ganito ngayon?

Kung sakali ibinigay ko sa kanya ang sarili ko kami pa kaya hanggang ngayon?

Kung sakali---.

Hindi ko napigilan ang mapahikbi.

Siya ang unang lalaki na minahal ko. Ang unang naging boyfriend ko.

Unang ka holding hands. First kiss.

Ang unang lalaki na nagparamdam na mahalaga ako.

Ang unang lalaki na naging confident ako dahil wala siyang paki-alam sa panlabas kong anyo.

Ang unang lalaki na nagturo sa akin kung paano maging matatag at lumaban sa hamon ng buhay.

Ang lalaking una sa lahat ng naranasan ko.

At siya rin ang unang lalaki na nagwasak ng puso ko.

Ang lalaki na bumawi ng confidence ko sa sarili.

Ang lalaking naging dahilan ng insecurities ko.

Ang lalaking dahilan ng trauma ko sa isang buhay pag-ibig.

Ngunit gaya ng sabi nila.

Huwag kang gumanti, bagkos gawin mo iyon na aral upang sa susunod hindi na maulit.

Ang sikip sa dibdib, gusto kong sumigaw sa subrang sakit na nararamdaman ko.

Insecurities agad ang naramdaman ko. Tiningnan ko ang sarili ko.

Chubby.

Haggard.

Manang manamit.

Boring na tao.

Kasalanan ko rin naman dahil ka palit-palit ako.

Ang masama lang dahil pati self confidence ko ay nawala narin.

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin at humihikbi.

Umayos ako ng higa at niyakap ang kapatid ko. I slowly tapped his arm while one of my hands was caressing his hair. And humming his favorite song You Are The One.

Ito ang routine namin simula noong naghiwalay sila ni Dina. Parang noong dati lang. Noong bata pa kami, kapag wala sina mommy at daddy ganito rin ang ginagawa niya. Bago matulog dapat nandoon ako sa tabi niya. Kapag nagising siya ng madaling araw at wala na ako sa tabi niya ay lilipat siya sa kwarto ko at muling tatabi sa akin.

Gusto kong magsumbong sa kanya tulad ng ginagawa niya lagi sa tuwing nasasaktan siya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ka sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit nang tingnan ko ang kapatid ko, kung paano siya naging miserable ng mga panahon na nangyari sa sitwasyon nila ni Dina, kung paano siya nasaktan, na realize ko bakit ko pa sasabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa akin? Bakit kailangan ko pa siya bigyan ng panibagong iisipin at aalahanin, ate ako kaya dapat ay kaya ko, hindi ako pwede maging mahina dahil may kapatid akong kailangan ako.

Simula ngayon wala akong ibang iisipin kundi ang nararamdaman ng kapatid ko.

Dahil darating din ang araw na Lahat ng pighati at sakit na nararamdaman ko ay lilipas..sa tamang panahon.

Bago ako naka idlip ang mukha ng gwapong lalaki na naka kunot ang noo at salubong kilay ang nito ang huling imahe na nakita ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status