Share

Chapter 3

Nagising ako na masakit ang aking ulo at mata. Hindi pa ako na sanay araw-araw naman na ganito ang gising ko.

"Ayos ka lang ate? Namumugto mga mata mo?" nag alala na tanong ng kapatid ko habang kumakain kami ng agahan.

"Na subrahan lang to sa kapanood ko ng K-drama. 'Wag kang mag-alala ayos lang ako."

I smile at him widely gaya ng lagi kong ginagawa noon para itago na hindi ako okay.

"Lagi ka na ata nagpupuyat, tingnan mo 'yang mukha mo ang stress. Halata na kulang ka sa tulog," puna niya at dinuro pa ang mukha ko. I pouted like a baby for what he said.

"Pumayat kana rin, nag da-diet ka ba?" alanganin akong tumawa sa tanong niya. Ayoko sabihin na pumayat ako dahil hindi ako makakain nang maayos mula ng maghiwalay kami ni Patrick.

"Ipagpatuloy mo 'yan. Lalo kang gumanda pero," binigyan niya ako ng nagbabantang tingin. "Kapag nagkasakit ka dahil sa diet diet na 'yan dito ako titira at ako ang magpapakain sayo hanggang sa tumaba ka ulit."

"Sus, hindi ka pa ba dito nakatira sa lagay na iyan? Kulang nalang ay dalhin mo dito lahat ng mga gamit mo e," napakamot siya sa kanyang ulo.

Dito siya natutulog sa apartment ko, umuuwi lang siya sa apartment niya kapag may importante siyang kukunin doon.

"Doon na ulit ako sa apartment ko matutulog."

"Sigurado ka?"

"Mmm, kahit naman dito o doon sa apartment ko wala namang magbabago e."

Malungkot na ngumiti ako sa kanya.

"Basta huwag kang gumawa ng bagay na ipag-alala ko. Nandito lang ang ate palagi handang dumamay sayo."

Sino pa ba ang dadamay sa kanya maliban kay mama ta papa kundi ako na ate niya ako na kayang umintindi sa kanya. Ang magpagaan ng loob niya. Ang makikinig sa paulit-ulit na iyak niya. Ang kasama niyang maglasing, ang hindi magsasawa na makinig sa paulit-ulit niyang kwento. Kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit ayoko magsabi sa kanya sa nangyari sa akin. Hindi nga niya kaya ang sakit na nararamdaman niya paano pa kaya kong sasabihin ko pa ang akin, kaya ko naman na sarilinin nalang.

"Tumawag nga pala si mama, naki chismis kung bakit kayo naghiwalay ni Patrick. Mukhang lately niya lang ata nalaman."

Nawalan ako ng gana kumain ng marinig ko ang pangalan niya. Kung maaari ay ayaw ko ng marinig ang pangalan ng lalaking iyon, lalo na ang makita siya. Ang kaso nakita ko siya kagabi kung saan nasa kalagitnaan ako ng pag e-emote. Paano ako makapag move on kung ang laging bukambibig ng taong nakapaligid sa akin ay siya?

I sighed. "Hindi ko sinabi sa kanya. Panigurado ang daming tanong 'yon kung ako mismo magsasabi."

"Then, much better you turn off your phone."

Hinablot ko agad ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa para patayin, ngunit huli na dahil tumatawag na si mama. Mariin akong pumikit bago sinagot. Nagkibit-balikat lang ang kapatid ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Ma.." panimula ko.

"Pwede kang umiyak anak."

When I heard my mother's voice I cried painfully. Sa pamamagitan ng sinabi niya, pakiramdam ko may karapatan akong umiyak at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit boses lang ni mama ang narinig ko pakiramdam ko nandito siya sa tabi ko dinadamayan at sinasabi na nandiyan siya palagi iwan man ako ng lahat.

Naramdaman ko ang pagyakap ng kapatid ko, hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Sa loob ng dalawang buwan na pagkimkim mailabas ko na ngayon lahat .

"Ang sakit, Ma." Halos walang boses na sambit ko.

"Umiyak ka lang,ate. Nandito ako handang punasan ang mga luha mo. Nandito lang kami dadamay sayo."

Simpleng salita na nagpagaan ng loob ko. Nakikinig lang si mama ng iyak ko sa kabilang linya. Humihikbi rin ang kapatid ko. Ito ang unang beses na nakita niya akong umiyak ng ganito.

Uminom ako ng tubig ng mahimasmasan na ako. Hindi ako makatingin ng diritso sa kapatid ko. Alam ko gusto niyang magtanong, gusto niyang malaman kong ano talaga ang nangyari sa amin ni Patrick.

Ano pa ang silbi ng paglihim ko, nakita na niya kung paano ako umiyak sa subrang sakit ng nararamdan ko. Huminga ako ng malamin at sinabi sa kanya kung ano talaga ang dahilan ng paghiwalay hiwalay namin ni Patrick.

"Hindi deserve ng lalaking iyon ang mga luha mo, ate," his jaw tightened. "G*go pala siya e."

"Sayang, gusto ko pa naman ang batang 'yon. Maraming pera.e

Engineer, e," sabat ni mama sa kabilang linya at nasa tono nito ang panghihinayang.

"Ma!"

Hindi makapaniwalang sambit namin ng kapatid ko.

"Bakit? Totoo naman a. Kaya pala wala na akong chocolate at flowers na natatanggap galing sa kanya matagal na pala kayong wala."

"Ako na magbibigay sa'yo mula ngayon, Ma. Huwag mo ng isali sa usapan ang lalaking 'yon," ma awtoridad na sabi ni J.A.

Tumawa lang si mama sa inasta ng kapatid ko, pati ako ay natawa narin ng sumimangot siya at gusto pang pagsabihan si mama.

"Anak, nandito lang palagi si mama kung kailangan mo nang makaka-usap," napangiti ako sa sinabi niya.

"Iniyak ko na po lahat kanina, Ma. At sisikapin ko na hindi na iyon ma uulit. Tama po si J.A hindi niya deserve sa mga luha ko."

Nandito parin ang sakit, pero hindi na katulad nang dati na ang bigat sa dibdib.

Noong panahong kami pang dalawa. Hindi ko inisip na hahantong kami sa ganito kasi ipinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako ka mahal Kung paano niya ako alagaan, protektahan sa lahat ng kinakatakutan ko.

Na ako ang babaeng pinakamamahal niya. Dahil doon ako naka fucos hindi ko namalayan na unti-unti na pala iyon nabubura. Unti-unti sa iba na niya iyon ipinaparamdam at ipinapakita nang hindi ko namamalayan.

Ang laki ng tiwala ko sa kanya, ngunit sa isang iglap Lahat nang iyon ay nagbago. Lahat ay nawala. At sa isang iglap nagising na lang ako sa katotohanan na wala na siya sa buhay ko.

"May magandang dulot naman ang break up niyo, anak. Naging sexy ka na daw sabi ng kapatid mo dahil pumayat ka-."

Binatukan ko ang kapatid ko." Ang daldal mo," nag peace sign lang siya akin at bumulong. "Si mama ang madaldal. Sabi ko huwag niyang sabihin sayo. Tingnan mo, parang hindi tayo magkasama para sabihin niya iyon sa'yo."

"John Alezander Buenavedez, naririnig kita! Hindi ako bingi para hindi marinig iyang mga bulong mo. Ikaw nga hindi pa-,"

"Sige po, ma. Tatawag po ako ulit sa inyo, kwentuhan tayo," agad na sabi ko at pinatay ang tawag.

Alam ko na kung saan hahatong ang usapan na'to. Ganoon lagi si mama kapag talo siya sa usapan nila J.A kesyo daw ang tanga ni J.A kaya naging broken hearted at parang bata na umaatungol na nagsusumbong kay mama.

Ika nga nila, The Mother know what is best for her child.

Kahit ganun manalita si mama, alam namin na iyon ang paraan niya para pangaralan kaming magkapatid.

Tinapos ko na ang aking almusal at papasok pa ako sa trabaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status