Nagtatrabaho ako bilang sales clerk sa B.E.A Construction Supply, ang malaking construction supply dito sa Dalisay.
May pinag-aralan ako, college degree ang natapos ko bilang BSBA pero pinili ko ang ganitong posisyon sa trabaho bago ako mapunta sa posisyon na nararapat para sakin. Hindi biro ang maging isang tindera, nakatayo kalang hanggang sa matapos ang trabaho mo. Kailangan mong maging magalang at maayos sa harap ng costumer mo kung ayaw mong ma s***k ka sa trabaho. Kahit nakakapagod ay kailangan tiisin para saan ba't mapunta rin tayo sa trabahong angkop sa atin.Nandito kami ngayon sa karenderya na nanghalian, kasama ko si Gianna at Stella. Wala akong balak kumain, wala akong gana pero hindi ako makatanggi kay Gianna,kapwa ko tindera at kaibigan na rin.Simula nang maghiwalay kami ni Patrick, kaunti nalang ang kinakain ko, minsan prutas lang o di kaya biscuit. Nai-insecure ako kapag may nakikita akong payat at sexy na babae.Chubby ako at mas lalong hindi sexy. Manang din manamit, kaya sabi ko sa sarili ko, pwede ko naman baguhin ang panlabas kong anyo. Ang sumubok sa ibang bagay. Dahil sa break up namin, aaminin ko na depress ako.Nabawasan agad ang timbang ko sa loob lamang ng ilang linggo. Dahil nabawasan naman ang timbang ko tinudo ko na.Nag diet ako sa tamang paraan at tamang proseso. Ayoko magkasakit. Ayoko magsisi na nang dahil sa pag da-diet ay magkasakit ako."Hoy! Anong ginagawa mo?Pinagnanakawan mo kaibigan ko. Ibalik mo 'yan!"Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na ninanakawan na pala ako. Namutla ang lalaki, nanginginig ang kamay niyang inabot sa akin pabalik ang wallet ko, nasa mukha nito ang pagsisisi.Napabuntong-hininga ako."Hawakan mo, sis. Huwag mong bibitawan,tatawag ako ng pulis," sabi ni Gianna kay Stella na nagpataranta sa lalaki."Huwag po, ma'am. Sorry po, ma'am," humarap siya sa akin." Maawa po kayo, ma'am. Huwag niyo po ako isuplong sa pulis.""Nagnakaw ka! Inaasahan mo na iyon na ipapulis ka kapag nahuli ka." si Stella."Anong huwag? Dapat sa'yo ipakulong nang hindi kana maka biktima pa ng ibang tao," sabat ni Gianna."Ma'am, nagmamaka-awa po ako. Huwag niyo po ako ipakulong."Kulang nalang lumuhod siya sa harapan ko. Kita ko ang pagsisi sa kanyang mukha, na kung pwede lang ibalik ang oras ay sana hindi niya iyon ginawa."Guy's, kalma lang. Mukhang may malalim siyang dahilan kung bakit siya nagnakaw," awat ko sa dalawa."Elies naman. Muntik ka na niyang manakawan," hindi makapaniwalang sambit ni Stella."Muntik lang naman," pa balang na sagot ko."Paano kung natuloy? Hindi 'yan magtatanda kung hindi mo bibigyan ng leksyon. Dapat sa kanya managot sa kasalanang ginawa niya.""Alam ko, pero sa hirap ng buhay ngayon hindi lahat ng nagnakaw ay masama. Ang iba ginagawa iyon para sa kumakalam na sikmura."Kinuha ko ang kamay ni Stella na nakahawak sa braso ng lalaki."Kaya siya nag nakaw dahil kailangan niya ng pera, tapos ipakulong ko pa? Paano kong hindi na 'yan makalabas ng kulungan?Paano ang pamilya niya na umaasa sa kanya? Edi, mamamatay sila na dilat ang mata dahil sa gutom."Humarap ako sa binatilyo. "Bakit ka nagnakaw? Ano ang rason mo para gawin iyon nang walang pag-alinlangan?" tanong ko."Pasensya po, ma'am sa ginawa ko. Kailangan ko talaga ng pera para sa gamot ng nanay ko.""At ito ang nakikita mong rason? Ang magnakaw? Paano kapag nalaman ng nanay mo na ang iniinom niyang gamot araw-araw ay galing sa pagnanakaw, sa tingin mo matutuwa siya? May maraming paraan para magka pera ka," hindi ko napigilan ang sarili ko na pangaralan siya sa kanyang maling ginawa."Sus! Modus 'yan." si Giana."Nagsasabi po ako ng totoo ma'am. Hindi po ako nagsisinungaling. Kakalabas lang ni nanay sa hospital at wala na kaming natira na pera. Hindi rin ako tinatanggap sa ina-aplayan kong trabaho kaya po ako nagnakaw. Hindi pwedeng hindi maka inom si nanay ng gamot, iyon ang bilin ng doktor. Maam, maawa po kayo, huwag niyo po ako ipa kulong. Walang mag-aalaga sa nanay ko," naiiyak na paliwanag niya.Hindi ako pabor sa taong gawing rason ang kumakalam na sikmura para magnakaw o gumawa ng masama para may pambili ng pagkain para sa pamilya.Na alala ko si mama, paano kong nasa ganito rin kami na sitwasyon, siguro gagawin ko rin ang masamang gawain para sa mama ko. Ilang taon siyang nagsakripisyo sa amin kaya kailangan ko rin magsakripisyo para sa kanya para sa buhay niya kahit ipahamak ko pa."Ilang taon kana?" Tanong ko."Nineteen po.""Alam mo ba na pwede ka ng makulong? Paano kung ibang tao iyon? Paano kung ipakulong ka?Hindi mo ba iniisip kung ano ang maramdaman ng nanay mo? Hindi mo iniisip kung ano ang kahinatnan mo sa ginawa mo," huminga ako ng malalim, pakiramdam ko kapatid ko ang sinisermunan ko. "I'm sorry, alam ko wala akong karapatan na magsabi sa'yo nang mga ito, pero sana huwag mong masamain ang mga sinabi ko. Nasa iyo na iyon kung gawin mong aral at sundin ang mga sinabi ko o mangpatuloy sa masamang gawain para sa nanay mong may sakit.""Pangako po, hindi ko na uulitin. Tatandaan ko po lahat ng sinabi niyo," mabilis na sagot niya sa akin at nakataas pa ang kanyang palad na parang nanunumpa."Iyon po ang magnanakaw." Rinig kong sabi ng babae di kalayuan sa amin. Namutla ang binatilyo nang makita ang pulis na patungo sa aming direksyon.Napatulala ako nang magtagpo ang aming tingin. Ang kanyang kayumanggi na mata na parang kinukuha ang enerhiya ko.Napahawak ako sa silyang nasa harapan ko ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko. Ang kanyang presensya na nagpakabog ng puso ko. What the heck in this man? Bakit may ganito siyang kakayahan? Ano siya mangkukulam?Kulam sa pamamagitan ng tingin?"May nag report na may pagnanakaw raw na naganap dito, at siya ang suspek?" sabi nito nang makalapit sa amin.Damn that voice. Ang manly. Ang tangos ng ilong, ang mga mata niya. Oh my god! Bakit ang perfect naman ng pagkahulma sa lalaking ito."Pumunta nalang kayo sa presinto miss para-""Huwag na," mabilis na sagot kk. "Ayoko maabala. Hindi ako mag rereport tutal hindi naman natuloy ang pagnakaw niya," umiwas ako ng tingin sa pulis.Hindi ko kaya ang tumitig pa sa kanya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Hindi ko alam kong magkano iyon at binigay sa binatilyo. Gulat siyang napatingin sa akin, hindi makapaniwala sa ginawa ko."Tawagan mo ang numero na iyan Sabihin mo ang code na E.A kapag naka-usap mo sila," sabi ko sa binatilyo pagkabigay ko ng calling card.Iniwan ko siyang nakatulala doon. Umalis ako ng walang paalam sa kasama ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko kaharap ang lalaking pulis na iyon.Pulis pala ang gwapong kumag na may matambok na puwit na iyon? Sh*t!KENZO JOAQUIN pov.Nakatanggap ako ng hampas, batok at kurot sa kapatid ko nang maka alis si Elies. Paano ba naman kasi, naka tulala lang ako sa harap niya pagkatapos niya akong alokin ng kasal. Naiiyak ako sa subrang saya. Parang naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. “Nasaktan si Ate Elies sa ginawa mo!” galit na singhal sa akin ng kapatid ko. “Ano bang pumasok sa kukute mo at tulala ka!” himapas niya ulit ako sa balikat.“ Buti nga na manage ko pa ang sarili ko na hindi mahimatay. Syempre, dala ng gulat, pagkabigla at saya na naramdaman ko matulala talaga ako. Nag proposed sa akin ang mahal ko,” sagot ko dito. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay kaagad na nabura nang maalala ang sitwasyon ko. “Pero ayaw ko siyang paasahin, Princess. Kapag tinanggap ko ang alok niya, paano naman ang pangako ko sa mga magulang natin?”“I’m here pa, kuya. Pwedeng ako ang maging sagot sa problema natin–,”“No,” matigas na sambit ko. “Hindi ka madadawit dito, naintindihan mo? Ako ang kuya, ako ang
ELIES ABEGAIL pov. Hindi ako sabik sa sex. Ginawa ko iyon dahil takot ako na iwan niya ako kung sakaling hindi ko siya pagbibigyan. Baka ganoon rin ang gawin niya sa ginawa ni Patrick sa akin. Hindi ko kaya. Dahil subrang mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat manatili lang siya sa akin at hindi mawala ang pagmamahal niya.. kahit sex ang kapalit... Kahit iyong iniingatan na bagay ko pa ang kapalit. Pero mali ako. Dahil hindi sa sex nasusukat ang pagmamahal sa akin ni Kenzo. Hindi ko man siya pinagbigyan sa gusto niya, hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa akin. Higit pa niya akong minahal ngayon.Sigurado na ako sa kanya. Siya ang gusto kong pakasalan at wala ng iba pa. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para mag settle down. I want to be a full time mom and a wife, soon. At hindi pa ako handa para bitawan ang trabaho ko. Siguro sa ngayon, sulitin muna namin ang panahon na kami lang dalawa. Wala pang meet and great sa both parents ang naganap. Hinihintay ko muna na ipa
KENZO JUAQUIN pov.Hindi ko alam kung paano sulosyonan ang problema ng pamilya namin. I badly wanted to tell Elies about this pero natatakot ako na baka layuan niya ako. At ayaw kong manyari na ang sitwasyon ng pamilya namin ang maging ugat para mag-isip si Elies na pera lang nila ang habol ko kaya ko siya natiis ng ilang taon.Hindi niya sinabi sa akin ang pagkakilanlan nilang magkapatid. Kung ano ang alam ko at nakikita ko sa kanila iyon na ‘yon wala ng iba. Siguro ayaw nilang makilala sila ng publiko dahil bukod sa mayaman sila baka maging magulo ang buhay na kinasanayan nila. Kahit isang beses hindi nailabas o naipakita sa news ang family picture ng mga Buenavedez. Sa mga interview naman laging ang mag-asawa lang palagi ang humaharap dahil busy raw ang mga anak nila sa kani-kanilang buhay.Napa ubo ako ng peke nang maramdaman ang palad ni Elies na sumakop sa ari ko. Inosente siyang tumingala sa akin ng mahina kong paluin ang braso niya. I kissed her forehead, nanatili roon ang la
KENZO JUAQUIN Pov.WARNING: Slight SPG.Linggo ngayon at rest day ko, bonding time sana namin ngayon ni Elies pero heto ako nakahiga at nagmumukmok sa apartment ko. Dalawang linggo ko na siya iniiwasan at nagpalipat pa ako ng night shift para wala akong choice kundi panindigan ang plano ko. Ayaw ko itong gawin dahil sarili ko lang ang pinapahirapan ko, pero kailangan. Ayaw ko na masanay si Elies na nariyan ako lagi sa tabi niya, na lagi akong kasama dahil baka mahirapan siya kapag tuluyan na akong mawala sa buhay niya.Kinausap ako ng parents ko, nagmakaawa sila sa akin na pumayag sa gusto nila na magpakasal kay Cathyrn alang-alang sa mga negosyo namin na pinaghirapan nil. Dahil kung hindi, ang kapatid ko ang hanapan nila ng mapapangasawa. Binaba ko ang pride ko at inintindi sila, pumayag ako sa kagustuhan nila pero ako ang mag desisyon kung kailan ang kasal.Kaya ako umiwas kay ELies. Pero hindi ko na kaya na hindi siya makita. Kaya bandang alas singko ng hapon pumunta ako sa aprtment
ELIES ABEGAIL pov.Panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain kami. Hindi ko naman nakitaan ng galit ang kanyang mukha dahil sa pagtutol ko na may mangyaring love making sa amin kanina lang. I felt guilty. Hindi naman sa ayaw ko na may mangyari sa amin, pinoprotektahan ko lang ang mahalagang bagay ko dahil ayaw kong magsisi sa huli kapag sinuko ko ang sarili ko sa kanya.Wala kaming imikan habang kumakain. Bukod sa wala akong masabi, nahihiya rin ako dahil sa nangyari. Nahawakan at nakita niya ang dibdib ko pati ang ibaba ko nakita at nahawakan niya, sa ibabaw lang ‘yon pero nahawakan niya parin ‘yon. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala paring nagsalita sa amin.Hindi na ako nakipagtalo nang siya na ang naghugas ng plato. Nakaupo parin ako dito at pinagmamasdan ang likod niya. Gusto kong magsalita at kausapin siya pero wala akong masagap na salita. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, nagpaalam na siyang umuwi dahil mamayang alas otso ng gabi ang duty niya.“Aalis na ako. May
ELIES ABEGAIL pov.“John Alezander Buenavedez!!” Sigaw ko sa pangalan niya nang makapasok ako sa kanilang bahay. Nakapamewang na tiningala ko siya sa ikalawang palapag ng bahay nang makita ko siyang lumabasa sa kanilang kuwarto. Pumupungas ito at humihikab pa mukhang bagong gising. Humawak siya sa barandilya at dumungaw sa akin.Dinuro ko siya. “Bumaba ka, mag-usap tayo!” ma awtoridad na utos ko.Kinusot niya ang kanyang mata. “Tungkol saan, ate?”“Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”“Sinabi ang alin?” maang-maangan na sagot niya.“Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!” nanggalaiti sa inis na bulyaw ko. “Kailangan ko pa bang sabihin iyon sayo? Kailan mo pa nalaman?”“Kung ano ‘yong sinabi niya iyon na ‘yon,” pabalang na sagot niya, nababagot.“Alam mo....” nagtitimpi sa inis na dinuro ko siya ulit. “Kahit kailan talaga! Ikaw! Paano kung namatay ako sa plano niyong pagkidnap sa akin, aber?”“E, buhay ka naman. At saka tinulungan ko lang ang kaibigan ko.”“At iyon talaga ang paraan ng t
KENZO JUAQUIN pov.~present time~ Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin noong araw na pinuntahan ko ang aking ama sa hospital. Maliban sa pinag-usapan namin ng magulang ko..sa problema ng pamilya at tungkol sa pagpapakasal ko dahil nalulugi na ang aming negosyo.Ayoko sabihin sa kanya baka isipin niya ginagamit ko lang siya kaya ako muling nagpakita sa kanya. Sa ilang taon na nakilala ko silang magkapatid, kaunting impormasyon lang ang alam ko tungkol sa buhay nila. Ngayon, alam ko na ang buong pagkatao nila, nalaman ko iyon noong mga panahon na sinusundan ko Elies dahil hindi ko kaya na hindi siya makita.Nalaman ko na anak pala sila ni Mr. and Mrs. Buenavedez na nagmamay-ari ng malaking Construction Supply sa New Baveda at dito sa Dalisay kung saan nagtatrabaho si Elies bilang sales clerk noon. Sila rin ang nagmamay-ari ng JAZ Corporation at base sa balita na nasagap ko nasa list sila ng RICHES FAMILY IN THE PHILIPPINES.Nang malaman ko ang tunay na istado nila sa buhay b
KENZO JUAQUIN pov.Papunta sana ako sa bahay nila J.A ng muntik na ako makabangga ng tao dahil sa pangungulit ng kapatid ko sa kabilang linya habang nag-uusap kaming dalawa tungkol kay Elies. And, unluckily si Elies ang taong iyon. Bakit sa ganitong paraan ko pa siya nakita? At muntikan ko pa siya ma bundol. Pero, bakit nagpanggap siyang hindi niya ako kilala at galit ang nakita ko sa mga mata niya? Kungsabagay, sino ba ang hindi magalit sa ginawa kong paghintay at paasa sa kanya. Siguro, paraan rin niya iyong pagpanggap na hindi ako kilala at pag deny niyang siya si Elies.“Kahit ilang taon pa kitang hindi makita, makilala parin kita at matandaan dahil nakaukit na sa isipan ko ang maganda mong mukha na kahit mabulag ako matandaan parin kita.”Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang kapatid, matyaga akong naghintay dito sa loob ng sasakyan ko hanggang sa maka uwi siya sa apartment niya. I texted J.A na magk
ELIES ABEGAIL pov.Kinabukasan, tinadtad ako ng text galing sa mga pinsan ko. Kaya ang ending, gumawa ako ng group chat at doon nalang nag reply sa messenger. Hindi unlimited ang pang text ko at isa pa hindi importante ang text nila para mag aksaya ako ng pera pang load para lang replayan sila isa-isa. Ni replayan ko ang kapatid ko na okay lang ako at inignora ang mensahe ni mama. Maki tsismis lang ‘yon. Naikuwento siguro ni Dina ang nangyari.I did my morning routine. Nang matapos gumayak na ako papuntang trabaho. Nagulat pa ako nang makita si Kenzo sa labas ng bahay ko, naka pulis uniform ito at mukhang papasok na sa trabaho. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan, nakayuko ang ulo kaya’t hindi niya nakita ang paglabas ko ng bahay.Tatawagin ko na sana siya ngunit naalala ko ang sinabi ni Dina sa akin kagabi. Hmm, it’s payback time. Tingnan natin kung hanggang saan ang paghahabol mo sa akin. Pumasok ako sa aking sasakyan, nanatili paring nasa lupa ang kanyang tingin, doon lang siya uma