Share

2

last update Last Updated: 2025-11-09 11:03:08

Matamlay akong pumasok sa trabaho. After nong may nangyare samin ni Sage ay ginugol ko na ang oras ko sa pagt-trabaho at baka sakaling kahit sandali ay makalimutan ko ang sakit sa puso ko.

Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na wag na siyang mahalin gagawin ko pero hindi ko kaya. Siya at siya lang ang itinitibok ng puso ko.

We used to be a good friends back then. He's sweet, caring and he treat me like a princess pero nagbago ang lahat dahil sa isang pagkakamali.

Hindi ko naman sinasadya 'yon e. Kung alam ko lang na mangyayare 'yon hindi ko na sana ginawa ang bagay na 'yon.

Nagalit siya sakin at halos sumpain na niya ko. At ang pagiging sweet and caring niya sakin napalitan ng galit at pagiging marahas niya sakin. He always throw me a hurtful words at lagi din niyang pinapamukha sakin ang kasalanan ko.

Pero kahit ganon ay mahal ko parin siya. Kahit kailan hindi nagbago 'yon.

"Hoy December gumising ka nga!" Nabalik ako sa reyalidad ng pumitik sa harap ng mukha ko si Ashleigh. Ang kaisa-isang kaibigan ko na alam ang lahat ng nangyayare sa buhay ko. Siya rin ang nagiging sandalan ko pag nagb-break down ako.

"Ikaw pala Leigh." Sabi ko at inayos ang mga gamit sa table ko. Umupo naman siya sa upuang nasa harap ko.

"Anyare sayo at tulala ka na naman? Ano na namang ginawa sayo ng lalaking 'yon?" Mataray na tanong niya habang nakataas ang kilay ko.

Galit na galit siya kay Sage dahil sa ginagawa nito sakin. Sinasabihan niya na ko na tumigil na pero hindi sumasang-ayon ang puso ko. Hindi ko kasi kayang hindi makita si Sage. Kahit 'yon man lang magiging masaya na ko.

"Wala. Wala siyang ginawa sakin Leigh. Nga pala kamusta itong Cafe? Ilang araw din akong hindi nakapasok." Umirap naman ito sakin at padabog na sumandal sa upuan niya at nag cross arm.

"Fine. Kunware naniwala ako sayo. As usual marami pa ding dumadayo dito at lagi ding puno itong Cafe natin. I already told you naman to stop pursueng that jerk December. Wala kang mapapala don. Why don't you just focus in our business at kalimutan mo na ang lalaking 'yon. Marami pang ibang lalaki diyan day na sure akong magmamahal sayo ng totoo." Napa- iling nalang ako dahil heto na naman siya sa mga advice niya na ni minsan hindi ko naman sinusunod.

"You know that i can't do that. I love him and i can't live without him in my life Leigh."

"Hoy tigil-tigilan mo ko diyan sa mga linyahan mo ah! Anong you can't live without him? Bakit siya ba ang nag-ire sayo? Siya ba ang mama mo? Naku naku December tumigil ka na diyan sa kakahabol sa lalaking iyan dahil gaya ng sinasabi ko wala kang mapapala don!" Inis na sabi niya at tumayo na saka lumabas ng office ko.

Nakangiting napa-iling nalang ako. Kung di ko lang talaga kaibigan 'to e masasaktan ako sa mga pinagsasabi niya pero sanay na ko sa mga linyahan niya.

Ashleigh is my bestfriend when i was in college days. Alam niya rin ang story na meron kami ni Sage at kung bakit humantong sa ganito ang lahat. She's always telling me to stop this nonsense na para sakin ay hindi ito nonsense kundi may sense pero hindi ko lang talaga magawang itigil dahil ganoon ko siya sobrang kamahal 'yon nga lang hindi niya ko magawang suklian dahil una sa lahat sukdulan ang galit niya sakin at pangalawa may mahal siyang iba.

Ang saklap diba? Magmamahal na nga lang ako don sa taong may mahal ng iba pero ako naman ang unang nakilala niya 'yon nga lang hindi ako ang minahal niya.

Dahil sa isiping 'yon ay mapait akong ngumiti bago bumuga ng hangin at itinuon nalang sa trabaho ang aking attensyon.

"Oy hindi kapa ba uuwe? Gabi na." Napatingin ako kay Leigh na pumasok sa office ko at napatingin sa labas.

Tama nga siya at gabi na. Madilim na sa labas. Dahil sa sobrang focus ko sa trabaho ay hindi ko na namalayan ang oras.

May mga papers kasi akong nireview about sa cafe. Magtatayo din kasi kami ng branch na ito sa ibang bansa o ibang lugar.

Bale business partners nga pala kami ni Leigh sa Cafe na ito.

"Later Leigh. Tatapusin ko lang 'to." Sabi ko at tinuro ang paper na binabasa ko. Tumango naman ito at lumapit sakin saka b****o bago nag paalam na aalis na.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko ng mag ring ang cellphone na nasa tabi ko. Bahagya akong napangiti ng makita kung sino ang tumatawag at dali-dali ko itong sinagot.

"H.. hello Sage? Nag dinner kana?" Agaran kong sagot dito. Madalang lang kasi siyang tumawag sakin at masaya na kong tumatawag siya sakin kahit alam kong kung ano ang itinatawag niya.

[ "Come here, i need you to do something for me." ] After that he end the call.

Nakaramdam man ng lungkot dahil man lang siya sumagot sakin atleast narinig ko ang boses-- malamig nga pero para sakin mas nakaka inlove ang ganong tono ng boses niya.

Dali-dali akong tumayo at kinuha ang bag saka cardigan ko at lumabas na ng office ko.

"Clean up the mess." Yan agad ang sinalubong niya sakin.

Nilibot ko ang paningin sa buong lugar at magulo nga. May mga damit na nakakalat, magulong sofa at may mga basag ding picture frame.

Kumirot naman ang puso ko dahil alam ko kung bakit magulo ang paligid. Dahil.. dahil nandito siya at may ginawa sila.

"Hon, is that your maid?" Sabay kaming napalingon ng lumabas mula sa kwarto ang isang babae na tanging bathrobe lang ang suot.

'Si Leandra.. nandito nga talaga siya.'

"Yeah she is. I told her to clean our mess." Sagot ni Sage at bumaling ulit sakin. "Do your job maid." Aniya at umalis na sa harap ko para lapitan si Leandra. Sabay naman silang pumasok ulit sa kwarto.

Napasalampak nalang ako sa sahig at hindi ko namalayan na tuloy-tuloy na palang umaagos ang masaganang luha ko.

Akala ko kasi wala na sila ni Leandra. Akala ko iniwan na niya siya. Naglasing pa nga siya nong isang araw diba? Kaya ko nga nagawang ibigay ang sarili ko sakanya pero mukhang nagka-ayos na sila ulit.

Napayuko nalang ako at napahawak sa dibdib ko.

'Hanggang kailan ba ko iiyak ng dahil sayo Sage? Hanggang kailan ako masasaktan ng dahil sayo? Sana.. sana hindi ako mapagod na mahalin ka dahil sa totoo lang unti-unti ng napapagod ang pagkatao ko na mahalin ka Sage.'

~~~

Pagod akong umupo sa sofa dito sa sala ng condo ni Sage. Kakatapos ko lang linisin ang mga kalat at naibalik ko na din sa dating ayos ang mga gamit na magulo kanina.

"My gosh Hon stop doing that it's tickled."

"I just miss you so much hon. I can't stop myself from wanting you."

"Hahaha ang pilyo mo talaga."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa aking mga naririnig. Rinig na rinig ko sila hanggang dito dahil hindi naman soundproof ang kwarto.

Masakit na marinig kong tumatawa siya kapag ang babaeng mahal niya ang kasama niya. Magmula ng magalit siya sakin hindi ko muling nakita ang pagtawa o ni ang pagngiti niya.

Nanlalambot man ang mga tuhod ko ay nagpasya na kong umalis na. Hindi ko kaya pang marinig ang na tumatawa siya kay Leandra pero hindi sakin. Ayoko na ding makita pa kung gaano siya ka sweet sakanya. I just can't bear it. I feel like broken into pieces.

"Good morning miss December." Nginitian ko lang ang mga empleyadong bumabati sakin at nagpatuloy papunta sa opisina ko.

Maaga akong pumasok sa Cafe dahil sa ilang araw kong hindi pagpasok ay tambak din ang mga papeles na kailangan kong ireview. May mga new recepe din ang idadagdag sa menu.

Nilapag ko ang shoulder bag ko table ko at naupo at saka sinimulan na ang trabaho ko.

Isang oras ang ginugol ko sa mga gawain ko at sa wakas ay natapos din. Kailangan ko nalang ipakita kay Leigh ang mga new recepe na pinirmahan ko para maidagdag na sa menu.

"Hello to the world! Good morning my friend."

And there she is. Walking like a model- ah oo nga pala model pala siya. Sumaside line kasi siya sa pagm-model ewan ko ba kung bakit e ang yaman yaman naman niya pero sabi nga niya She's an independent woman. 'yon nga lang puno ng kaartehan at sobrang katarayan sa katawan.

"Mukhang maganda ang umaga mo ah." Tukoy ko dito matapos niyang makipag-beso sakin.

"Duh! Lagi namang maganda ang umaga ko." Pataray na sabi niya at lumapit sa may coffee maker at gumawa ng kape. "Siya nga pala i need to buy the needed ingredients for our new recepe. Wanna come?" Aniya habang nakatalikod sa gawi ko at busy sa pagtimpla ng kape niya.

"Sige, wala din naman akong gagawin. I already sign the recepe that we should add to our menu. Paki double check nalang if ok na sayo." Sabi ko.

Humarap naman siya sakin na may dalang dalawang tasa ng kape at inilapag sa harap ko ang isa habang dala naman niya ang isa saka humigop don.

"I don't need to double check it December. I trust your taste naman so for sure papatok 'yang napili mo. Kailan ba naman hindi diba e lahat ata ng nasa menu natin ikaw ang pumipili." I just smiled at humigop na din sa kapeng ginawa niya.

We just talk a little bit until we finished our coffee. After that we decided to go the mall to buy the ingredients that we need.

Sa amin na talaga nakatoka ang pagbili ng ingredients at hindi na namin inuutos-- well maliban nalang kung sobrang busy namin.

"Dito ka and doon ako. Nandiyan naman na sa list na 'yan ang mga kailangan nating bilhin. Let's just see at the cashier." Sabay abot niya sakin ng listahan ng mga bibilhin. I nod at umalis na siya.

Nag-umpisa ko ng itulak ang cart na hawak ko at kumuha na ng mga nasa listahan. Hindi rin naman ako nagtagal sa pamimili at natapos din.

Tulak-tulak ko ang cart habang papunta na sa cashier para bayaran ang mga pinamili ko. Naglalakad lang ako ng mag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bag at agad na sinagot.

"Yes hello? December's speaking." Sagot ko habang nagpatuloy sa paglakad. Medyo may kalayuan kasi mula dito sa pinagbilhan ko ang cashier.

["Where are you?"/ Napatigil ako sa paglakad ng marinig ang malamig at seryosong boses sa kabilang linya. Tinignan ko pa nga ang caller ID at napanganga ng makitang si Sage ang tumatawag.

Like i didn't expect na tatawagan niya pa ko. 1 mean mukhang nagka-ayos na sila ni Leandra so why is he still contact me? Hindi ko gets.

"I.. ikaw pala Sage. Uhm nandito ako sa mall may binili lang para sa cafe." Nakangiting sabi ko kahit hindi naman niya nakikita.

Siguro tanga na ko kung matatawag. Ilang beses na niyang pinumukha sakin na hinding-hindi niya ko magugustuhan pero heto ako at masaya parin siyang kina-kausap.

'martyr na kung martyr. Anong magagawa ko e mahal ko siyang talaga.'

("Come to my condo i need you."}

Natigilan ako sa sinabi niya.

Need me? For what? I mean ano naman kayang ipapagawa niya sakin this time?

"Ah sure sure pupunta--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niyang ibaba ang tawag. Hindi ko namang maiwasang mapasimangot at ibinalik nalang sa bag ang phone ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding His Child    18

    "Mommy!" Nakangiting sinalubong ko ng yakap ang anak ko pagkapasok niya sa office ko.Tumawag kasi kanina si tita na dito sila didiretso after nila sa school."How's your day Gust?" Tanong ko at pina-upo siya sa kandunga ko nang maka-upo ako sa sofa."It's fine Mommy. Ang ganda po ng school na pinuntahan namin. I'm so excited to study there." Nakangiting hinalikan ko ito sa pisngi."Naka-usap na namin ang principal ng school na lilipatan ni August at sabi niya maayos naman na daw ang mga papeles ni Gust kaya by monday ay pwede na siyang pumasok." Aniya ni tita na naka-upo sa harap ko."Thank you po tita, tito. Kung hindi lang po ako busy dito ay ako na sumama kay Gust." Actually wala naman talaga akong masyadong ginagawa dito pero hindi ko rin ito pwedeng iwan. I still need to check the food that they served and the performance of all the crew kung maayos naman ba."Wala yon hija. Dito na namin idiniretso si Gust dahil hindi na siya makapaghintay na makita ka." I just smile at mas hin

  • Hiding His Child    17

    Gaya nga ng napag-usapan ay sila tita at tito ang sumama kay Gust na mag punta sa lilipatan niyang school since kailangan ako dito sa Cafe dahil sa mga bagong dating na pangangailangan ng Cafe.Maaga palang ay pumasok na ko dahil gusto ko ding makita ang Cafe. Anim na taon ba naman akong hindi naka tapak sa lugar na ito. May mga nagbago na dito dahil mukhang pina- iba ni Leigh ang interior design ng Cafe."Welcome back miss December. Nasabi na po samin ni miss Leigh ang pagdating niyo." Bati sakin ng isang crew pagkapasok ko palang sa Cafe. Konti palang naman ang tao so hindi naman kami ganoong nakaka agaw ng pansin ng mga customers.Iilan sa mga crew ay ngayon ko lang nakita while yong iba naman ay familiar na sakin. At itong kumausap sakin ay si Merna."Mukhang maraming nagbago dito ah. Kamusta naman kayo?" Tanong ko habang nililibot ang aking paningin."Ah opo. Marami nga pong nagbago dito simula nong umalis kayo. May mga pina-iba po kasi si miss Leigh pero yong iba ay katulad pari

  • Hiding His Child    16

    "Mom why do we need to move to manila? We're fine naman dito e." Tanong ni Gust habang nakatingin pa din sa librong kasalukuyan niyang binabasa.Ngayon ang alis namin papuntang manila. Nag-presinta din si Wyatt na ihatid kami don. Ayoko sana pero mapilit siya e kaya hinayaan ko nalang and about Leigh tumawag siya last night that she's in Paris dahil medyo urgent daw ang photoshoot niya kaya agad silang umalis ng bansa."Wala kasing magm-manage sa Cafe natin don Gust kasi wala ang tita Leigh mo so i need to replace her for the meantime." Sagot ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin namin. Hindi ko naman dadalhin lahat ng gamit namin since babalik din kami dito pagka-uwe ni Leigh.We're staying at her parents house for the meantime. Sinabi ko naman sakanya na magc-condo nalang kami pero ayaw niya at nami-miss din daw kami nila tita at tito lalo na si Gust so i had no choice but to stay with them. Mabait naman sila tita para na nga ding anak ang turing nila sakin e."But what about

  • Hiding His Child    15

    December's POV"O anong itsura yan Gust? Inis na inis ka ata nak?" Natatawang tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin ang itsura niya. Parang may naka-away siya dahil sa sama ng tingin niya. Hanggang ngayong naka-uwe na kami ay ganon parin."I'm pissed mom." Lumapit naman ako dito at umupo sa tabi niya. We're already here in his room. It's 6 in the evening ng maka-uwe kami. Wala na dito si Leight dahil bumalik na sa manila pinatawag kasi siya ng mommy niya at may importante daw sasabihin. Si Wyatt naman ay hinatid lang kami at umalis din agad. May lakad din daw sa kompanya nila."And why is that?" Tanong ko at inayos ang magulo niyang buhok. Yumakap naman ito sakin kaya sinuklay-suklay ko lang ang buhok niya."I meet an old man earlier." Aniya at mas humigpit ang yakap sakin."Old man? Siya ba ang rason kaya ka inis na inis?""Yes mom. I don't that old man he keeps on pestering me and calling me a kid." Natatawa ko namang ginulo ang buhok niya. Ayaw na ayaw talaga niyang tinatawag siy

  • Hiding His Child    14

    "D*mn dude! Bakit ba kailangan ko pang sumama?" Inis na reklamo ni Jenkins. Actually kanina pa siya reklamo ng reklamo magmula nong umalis kami sa kompanya.It's not my fault though. Siya ang nag punta sa company ko para mangbwesit and since i don't have a driver because he's in a vacation might as well isama na tong playboy na ito."I need a driver." Tipid na sabi ko at pinikit ang mga mata. I'm tired at kulang na kulang din ang tulog ko dahil sobrang busy sa kompanya.Meeting dito meeting duon. Hindi na matapos-tapos."Kaya ako ang ginawa mong driver ganon? Sa gwapo kong to gagawin mo lang driver woah iba ka dude." Sarcastic na sabi niya na hindi ko na lang pinansin.Para siyang babae sa sobrang daldal niya that i want to put a f*cking tape in his d*mn annoying mouth."Tss. Hindi ka talaga maka-usap ng matino." Inis paring sabi niya at nag patuloy sa pagmamaneho. Ilang minuto kaming natahimik nang mag salita na naman siya. "Ano ba kasing gagawin natin sa Palawan? Wala ka namang busi

  • Hiding His Child    13

    Nandito kami ngayon sa isang amusement park. We're having a picnic right now. Tamang-tama at maganda ang sikat ng araw.Maraming mga bata ang nandito with their families.Naglatag kami ni Leigh ng tela para maupuan at para duon ilagay ang mga pagkain na dala namin. Kaming dalawa lang ang nandito dahil sinamahan ni Wyatt si Gust sa kung saan. Hindi naman ako nagw-worry dahil alam kong safe ang anak ko kay Wyatt."Ang lalim yata ng iniisip mo. Care to share?" Napalingon ako kay Leigh na patuloy sa pag-aayos ng mga pagkaing dala namin.Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Leigh ang mga gumugulo sa isip ko."Today is our bonding, you can't make that kind of face dahil kapag nakita 'yan ng anak mo for sure magtatanong na naman 'yon." Aniya at tumingin sakin saka ako inabutan ng bottled water. Tamang-tama at nakakaramdam na din ako ng uhaw.Ininom ko ito at pinunasan muna ang labi ko bago sumagot."I'm just thinking if my decision was right." Wala naman siguro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status