Share

Kabanata 12

KABANATA 12

Shuen's POV

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal para kay Diovanni. Alas-kwatro ng umaga ako bumangon at tulog pa siya, kaya diretso na ako sa kusina. Buti na lang at nakapamili ako kahapon ng mga kailangan sa pagluluto. Paborito ni Diovanni ang Italian Frittata para sa almusal, isang omelet na may keso, karne, at gulay. Gusto niya ito kasabay ng Macchiato habang nagbabasa ng dyaryo sa umaga.

Simula nang dumating si Amang Linda sa bahay, siya na ang nag-aasikaso kay Diovanni, na dapat sana'y trabaho ko bilang asawa. Pero hindi ako makatutol dahil utos ito ni Mama. Pero ngayon, maaga akong nagising para magluto bago pa man magising si Amang Linda. Ang mga kasambahay ay nagigising ng alas-singko, kaya naisipan kong gumising ng mas maaga para walang makialam.

Halos tapos na ako sa pagluluto nang magising ang ibang kasambahay kasama si Amang Linda na dumiretso sa kusina. Nagulat siya nang makita akong nagluluto.

"Shuen? Bakit ka nagluluto?" tanong niya na kunot ang noo
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status