Compartir

Chapter 5

Autor: FanFayre
last update Última actualización: 2026-02-02 19:19:23

[5]

Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko.

"Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"

Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan.

"Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid

"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"

Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.

Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob.

"Dito na lang po muna kayo, Ma'am." pigil sa akin ng isang nurse bago tuluyang sumara ang pinto ng ICU.

Dalawang oras.

Dalawang oras na akong pabalik-balik sa tapat ng pintuan. Ang bawat segundo ay parang isang taon. Hindi ako mapakali. Ang mga kamay ko ay mas malamig pa sa yelo at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Paano kung mawala si Mama? Siya na lang ang meron ako. Siya ang dahilan kung bakit ako bumalik dito.

"Mommy, is Lola going to be okay?" mahinang sabi ni Liovie. Nakaupo siya sa waiting bench, yakap ang kanyang maliit na sketchpad na hindi niya rin magawang sulatan sa sobrang kaba.

"Oo, baby. Malakas si Lola." bulong ko, pero mas sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko kaysa sa kanya

Patuloy ako sa paglalakad nang pabalik-balik. Labas, pasok. Tingin sa relo. Tingin sa pinto. Wala pa ring lumalabas na doktor. Sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pag-aalala. Sa sobrang taranta ko, hindi ko na napansin ang dinadaanan ko hanggang sa malakas akong bumangga sa isang matigas na dibdib.

"I-I'm sorry, I'm so sorry." nauutal kong sabi habang pinapahid ang luha ko.

"Savine?"

Napatigil ako. Inangat ko ang paningin ko at doon, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lionel.

"Lionel? Anong... anong ginagawa mo rito?"

"I was visiting the facility. May mga tinatapos kaming paperwork para sa bagong wing ng ospital." paliwanag niya

"What happened? Bakit ka nandito? Is it Liovie?"

Nang marinig ko ang pangalan ng anak ko, tila bumigay ang lahat ng pader na pilit kong itinatayo. Ang hikbing kanina ko pa kinikimkim ay tuluyang kumawala.

"Si Mama..." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Naninikip yung dibdib niya kaya dinala namin siya dito. Kanina pa sila sa loob. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Lionel. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nag-aalala ako kay Mama."

Hindi siya nag-atubili. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad, ang pamilyar na pakiramdam na dati-rati ay siya rin g nagpapatigil sakin sa pag-iyak tuwing nalulungkot ako.

"Savine, relax. Everything will be okay." mahinahong sabi niya

"Take a deep breath. I'm here."

Humarap siya kay Liovie na ngayon ay nakatingin sa amin. Ngumiti siya nang bahagya sa bata.

"Liovie, come here." tawag niya

Lumapit naman ang anak ko.

"I'll take care of Liovie for a while habang inaasikaso mo ang sarili mo. Go to the restroom, wash your face. I won't leave her. I promise."

Tumango ako, ni hindi na ako nagsalita. I'm such a mess right now. Mabilis akong nagtungo sa banyo at naghilamos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Gulo-gulo ang buhok, namamaga ang mga mata.

Paglabas ko, nakita ko silang dalawa sa bench. Nakaupo si Lionel, karga-karga niya sakaniyang braso ang natutulog na si Liovie.

A feel a warm sensation in my heart when I see them together.

"Sir, sorry natagalan ako." wika ko

Kukunin ko na sana si Liovie sakaniya pero sumenyas siya na wag.

"Magpahinga ka nalang muna, maupo ka. Ako na bahala kay Liovie, baka magising pa ulit pag kinuha mo." sambit ni Lionel

That's when I realized how many moments with Liovie I've taken away from him. He'd make such a great dad.

"Thank you, Sir." bulong ko.

"Don't be so polite. Just call me, Lionel."

"O-okay L-lionel."

Tiningnan ko kung paano niya tinatapik si Liovie.

"She is adorable. Most kids are actually afraid of me. Pero tingnan mo, nakatulog siya ng mahimbing sakin." wika niya habang tinitingnan ang natutulog na si Liovie.

"Buti naisugod niyo nang maaga ang mama mo." sambit niya nung napatingin kami sa pinto ng ICU

Yumuko ako.

"Swerte lang kami at malapit ang ospital na 'to. Kung dati ito nangyari, baka wala na kaming naisugod. Tatlong oras pa ang kailangang lakbayin bago makarating sa kabilang bayan."

Tumingin si Lionel sa paligid ng ospital, naging malalim ang ekspresyon niya.

"This hospital is one of my company's priority projects, I founded this place three years ago."

Napatingin ako sa kanya at gult na gulat.

"Ikaw ang nagpatayo nito?"

Tumango siya.

"When I got into that accident five years ago... I was blind. I was broken. And the woman who saved me... she had to treat me in her own small house because there was no medical facility nearby. We were isolated. If I had been in a more critical condition, I would have died because of the distance of the hospitals."

Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko. Alam ko ang kwentong ito dahil ako ang babaeng iyon.

"I built this for her, it was my gift to her. Kahit hindi ko siya mahanap, gusto kong masigurado na wala nang ibang tao sa bayang ito ang makakaranas ng hirap na naranasan niya noong kailangan niyang gamutin ang isang lalaking hindi niya naman kilala. I wanted this hospital to be a sanctuary, a place where no one has to travel for hours just to survive."

Napatulala ako sa kanya. Ang buong ospital na ito...ang mga kagamitan, ang mga doktor, ang bawat pader ay itinayo niya para sa akin? Dahil sa akin?

Limang taon akong nagtatago, iniisip na baka kinalimutan na niya ako o baka galit siya sa akin. Pero heto siya, nagtayo ng isang buong monumento ng pasasalamat para sakin. Ni hindi ko naisip na ganoon kalalim ang naging epekto ko sa kanya. Na sa bawat buhay na naililigtas ng ospital na ito, ako ang dahilan.

"She must be very special to you," mahina kong sabi, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko.

Hinarap niya ako. Ang mga mata niya ay tila nanunuot sa kaluluwa ko.

"She wasn't just special, Savine. She was my light when everything was dark. And until now, even if I can see everything clearly... She is still the light I am looking for."

Iwas-tingin ako agad. Hindi ko kaya ang bigat ng mga salita niya. Paano ko sasabihin sa kanya na ang babaeng na hinahanap niya ay nasa harap lang niya, pagod at takot, at may dalang sikretong hinding-hindi niya maaaring malaman?

Pag nalaman niya ang tinatago ko, magagalit ba siya? Kaya niya a rin ba akong tanggapin pag nalaman niyang tinago ko ang anak niya sakaniya sa loob ng ilang taon?

Eksaktong bumukas ang pinto ng ICU at lumabas ang doktor. Agad akong napatayo, dahilan para magising si Liovie.

"Ms. Montiel?" tawag ng doktor.

"Doc, kamusta po ang nanay ko?"

"Stable na siya. It was a mild heart attack, but it’s a good thing naisugod niyo siya agad. Another thirty minutes and it could have been fatal. We need to monitor her for a few days, but she’s out of danger now. We will transfer her to a standard room. She's still unconscious for now, you just have to wait for the assigned doctor’s instructions regarding her medicines."

Nawala ang bigat sa dibdib ko na kanina ko pa nararamdaman. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.

"Salamat po."

Naramdaman ko ang kamay ni Lionel sa likod ko, hinahaplos ako para pakalmahin.

"I told you, she’s strong."

Tumagal pa kami nang kaunti sa ospital hanggang sa mailipat si Mama sa isang private room, isang kwarto na sigurado akong si Lionel ang nag-ayos dahil ang sabi ng nurse ay VIP room daw iyon.

Nang mag-uumaga na, kailangan na ring umalis ni Lionel para sa kanyang mga meeting. Inalalayan niya kami hanggang sa tapat ng kwarto ni Mama.

"I have to go, I'll come by when I have a free time para kamustahin kayo." sambit nito

Umiling naman ako agad.

"No need for that. Masyado ka na namin inaabala. Thanks a lot for everything. Hindi ko na alam kung paano ka pasasalamatan."

"You don't have to, Savine. Don't worry about it." ani niya bago siya tuluyang lumakad paalis

Habang pinapanood ko siyang maglakad palayo sa hallway ng ospital, hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib ko.

Lionel built a world for me. A hospital, a future, a legacy. Habang ako, ang nagawa ko lang ay magtago at magsinungaling.

Hanggang kailan ko kayang panindigan ang paglayo, kung ang bawat hakbang ko palayo ay tila lalong naglalapit sa aming tatlo?

Tiningnan ko si Liovie na ngayon ay masayang nakatingin sa kwarto ng Lola niya. Pagkatapos ay tiningnan ko ang pangalan ng ospital sa labas ng bintana.

Malvaran Community Hospital.

Bukod sa pagpapatawad ay puno rin ako ng pasasalamat sakaniya na nagpapasikip ng dibdib ko. Dahil sa bawat pasasalamat ko sa kanya, mas lalong bumibigat ang kasalanan ko sa aming dalawa.

***

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Hiding Mr. Lazaro's Daughter    Chapter 5

    [5]Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko."Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan."Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob."Dito na lang po muna kayo, Ma'am." p

  • Hiding Mr. Lazaro's Daughter    Chapter 4

    [4]Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo."Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin.Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy."Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya."Miss Montiel!"Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko.Narinig ko an

  • Hiding Mr. Lazaro's Daughter    Chapter 3

    [3]Napabuntong hininga ako matapos ko mahugasan ang huling pinggan at inilagay iyon sa dish rack. "Mama, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ko kay Mama"Katatapos ko lang. Medyo maigi na nga pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Siguro nakabuti sakin na nandito kayo ni Liovie." wika niya bago siya naupo muli sa kaniyang tumba-tumbaSasagot na sana ako sakaniya kaso biglang tumunog ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ko.Unknown number ang tumatawag pero sinagot ko naman ito."Hello, is this Emilia Savine Montiel? Mother of Savanna Liovie Montiel?" tanong sakin ng tao sa kabilang linya"Yes po? Ano pong meron?""Nasa disciplinary office po ngayon si Savanna Liovie. Gusto po kayo makausap ng principal." sambit nitoNapakunot naman ang noo ko. Disciplinary office?! "Ano pong nangyari?! Bakit nasa disciplinary si Liovie?" tanong ko ulit"Mas mabuti po kung pupunta kayo dito para mas maexplain namin ng maayos."Yun lang ang sinabi niya bago nito ibinababa ang tawag.Wala pang d

  • Hiding Mr. Lazaro's Daughter    Chapter 2

    [2]Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to.Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli."Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis.Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel."Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti."We're home."Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to.Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya

  • Hiding Mr. Lazaro's Daughter    Chapter 1

    [1]Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.Positive.Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim.May anak kami.Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.Napalingon siya agad, nakakunot ang noo."Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala.Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot."W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang.""Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo."Lionel is blind. He lost his sight due to an accident.Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot."Your face is puffy. Kaya a

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status