[6]Tahimik ang paligid sa loob ng VIP room. Malayo sa ingay at gulo ng ER, dito ay tanging ang mahinang huni lang ng heart monitor at ang banayad na buga ng aircon ang naririnig. Nakahiga si Mama sa malambot na kama, mahimbing na natutulog. Kahit may mga tubo sa katawan niya, mas payapa na ang mukha niya ngayon kumpara kaninang madaling-araw.Napaupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya."Ma, magpagaling ka ha," bulong ko"Mommy, can I draw here?" tanong ni Liovie. Nakaupo siya sa maliit na couch sa gilid. Kahit pagod, gising na gising ang diwa niya dahil sa bagong paligid."Yes, baby. Just stay there, okay? Huwag kang lalabas."Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Inasahan ko na nurse ang papasok para tingnan ang dextrose ni Mama, pero isang lalaking naka-white gown ang tumambad sa akin. Matangkad siya, maaliwalas ang mukha, at may suot na salamin.Napatitig ako sa kanya. May kung ano sa mukha niya na pamilyar.Napatigil din siya sa paglalakad nang magtama ang paning
Read more