เข้าสู่ระบบ[4]
Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo. "Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin. Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy." Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya. "Miss Montiel!" Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko. Narinig ko ang yabag ng sapatos niya sa semento. Huminto ang isang itim na SUV sa tabi namin, at bumukas ang pinto nito. Lumabas si Lionel, sa sasakyan niya at naglakad patungo samin. "The sun is too hot. Let me give you and your daughter a ride home." alok niya "Mommy, sakay nalang tayo please." pakikiusap sakin ni Liovie at agad naman akong umiling "Huwag na po, Sir Lionel. Malapit lang naman ang bahay namin. Sanay kami maglakad." mabilis kong sagot, hindi tumitingin sa mga mata niya "Please, it's the least I can do after what happened in the office." "No, thank you. Sapat na po yung pagtatanggol niyo samin kanina" matigas kong saad Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Tinitigan niya ako, tila sinusukat kung bakit parang diring-diri ako sa presensya niya. "Why is it that every time I see you, I feel like you are always try to run away from me? Did I do something to offend you?" Muntik na ako mapatigil sa paglalakad. Pinilit ko pang binilisan ulit ang paglalakad. Hindi na ako lumingon sakaniya at nagpanggap na hindi ko siya naririnig. "Wait---AHHHH!" Hindi natapos ni Lionel ang sasabihin niya. Bigla siyang napaatras nang subukan niyang humakbang palapit. Mukhang hindi niya napansin ang lubak sa gilid ng kalsada. Narinig ko ang mahinang "crack" at ang impit na pagdaing niya. "Sir!" bulalas ko. Napaupo siya sa gilid ng kotse, hawak ang kanyang kanang bukung-bukong. Kita ko sa mukha niya na namimilipit siya sa sakit. "Ayos ka lang ba?" hindi ko na napigilan ang mag-alala Ibinaba ko si Liovie at agad lumuhod sa harap niya. "Looks like you sprained it." "I'm fine... I just twisted it," aniya, pero halatang hirap siyang tumayo "Wag mo na subukan ilakad, baka mamaga pa yan." sabi ko habang tinitingnan ang paa niya Lumingon ako sa paligid. Walang tricycle na dumadaan sa tapat ng school dahil oras ng klase. "Liovie, baby, help Mommy hold his other arm." Sa huli, wala akong nagawa kundi tulungan siyang makatayo. Pero imbes na sa mamahalin niyang sasakyan kami sumakay, isang tricycle ang dumaan at pinara ko ito. "Dito na lang tayo sa tricycle, mas madaling makapasok sa eskinita namin." wika ko Lionel, the great CEO, looked completely out of place sitting inside a cramped tricycle. His long legs were folded awkwardly, and his head almost hit the roof. Pero hindi siya nagreklamo. Tahimik lang siya, nakatingin sa akin habang inaalalayan ko ang paa niya. Pagdating sa bahay ni Mama, gulat na gulat ang siya nang makita kaming may kasamang ibang tao. "Savine? Sino 'to?" tanong ni Mama, usisero ang tingin kay Lionel "Ma, si Mr. Lazaro po. Nakatapak sa lubak sa labas ng school. Dito ko na muna pinatuloy para mabigyan ng cold compress." paliwanag ko habang inaalalayan si Lionel sa lumang sofa namin "Ay, naku! Yung Lazaro ba na laging sponsor sa mga event dito sa Malvaran? Napakaguwapong bata mo naman pala. Sandali, kukuha ako ng yelo." masayang wika ni Mama. Habang hinihintay na mag-subside ang pamamaga ng paa niya, nagpaalam ako para magluto ng tanghalian. Pakiramdam ko ay kailangan kong lumayo sa sala dahil ang titig ni Lionel ay nakasunod sa bawat galaw ko. Naiilang tuloy ako na tumingin sakaniya. Binilisan ko na ang pagluluto ko dahil medyo late na rin ang tanghalian namin. Naghiwa ako ng bawang, sibuyas, at luya. Nagluto ako ng tinola g manok, ito ang paboritong ulam ni Lionel noong bulag pa siya. Naisip ko na ngayon ko lang ulit siya maipagluluto simula nung magkahiwalay kami. Inihanda ko ang mesa at tinawag ko na sila Liovie at Mama para kumain. "Sir, kain na po muna kayo para makainom kayo ng pain reliever." Umupo si Lionel sa maliit naming hapag-kainan. Kumuha siya ng kutsara at sumubo ng sabaw. Nakita ko ang biglang pagtigil niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang hawak ang pitsel ng tubig. Pumikit siya nang mariin, tila ninanamnam ang lasa. "This taste..." bulong niya. "Familiar." Bumilis ang kabog ng puso ko. Huli na nung naisip ko na baka matandaan niya ang lasa ng mga luto ko dati. "Ah... ganyan po talaga ang luto ng tinola dito sa Malvaran, Sir. Marami pong ganyan sa karinderya." mabilis kong palusot Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Ah kaya pala." Nakahinga ako nang maluwag nang ibaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Mula sa pwesto niya, tanaw dito ang lawa ng Malvaran. Tanaw na tanaw din dun ang isang maliit na kubo kung saan kami nagsama dati. "That hut..." turo niya sa maliit na bahay sa tapat ng lawa "Kanino yun?" "Dating tinutuluyan ng mga mangingisda. Bakit po?" Kumunot ang noo niya, di ko alam kung naniwala siya sa sinasabi ko. "Matagal na po ba kayo dito?" tanong ni Lionel samin "Naku iho, simula dalaga ako nandito na ako. Pati yan si Savine, dito yan pinanganak. Bakit mo naman natanong?" wika ni Mama "May babae po kasi akong matagal nang hinahanap dito, nagbabakasakali lang na kilala niyo siya." sagot nito Nanigas na naman ako sa pwesto ko. Don't tell me he is still looking for me. "Ano bang hitsura niya? Baka naman kilala ko." tanong ni Mama "Hindi ko po alam dahil bulag ako nung panahon na yun pero ang pangalan po niya ay El--" Bigla akong napatayo kaya hindi na natuloy ni Lionel ang gusto niyang sabihin. Lahat sila ay napatingin sakin. "O-okay na po ba yung paa niyo?" tanong ko kay Lionel Napatingin naman siya sa paa niya at sinubukan galawin yun. "Medyo masakit pa rin pero tingin ko kaya ko na 'to ilakad." wika nito "Mas mabuti siguro kung ipapahinga mo muna kahit isang oras bago mo ilakad." advice ko at tumango naman siya "Mr. Lionel, look! I drew you!" masayang sabi ng anak ko Ipinakita ni Liovie ang drawing niya. Isang lalaking nakatayo at may kapa sa likod. Lionel chuckled, a sound that melted the ice in my chest for a brief second. "Why am I a superhero?" "Because you saved me in the office earlier!" nakangiting sagot ni Liovie Lionel reached out and ruffled Liovie's hair. Di ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko. If I didn't run away that night, I could have this view every day. Alam ko na hindi possible yun, kung gusto ko maging ligtas si Liovie kailangan naming lumayo. Pero kahit anong paglayo na gawin ko, parang tadhanan na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kami. "Ang cute mo namang bata ka." Nagpatuloy ang kwentuhan nina Mama at Lionel. Nalaman ko na hindi pa rin pala siya kinakasal. Sabi niya, naging busy siya sa kumpanya. "Miss Savine..." tawag niya sa akin nang mag-a-ala-una na ng hapon "Thank you for the meal. And for helping me." "Wala ho yun, Sir. Sana po ay maging maayos na ang paa niyo." Tumayo siya, kahit medyo iika-ika pa. Bago siya lumabas ng pinto, huminto siya at tumingin sa akin nang seryoso. "I'll see you around." Kumaway pa siya kay Liovie bago siya nagpatuloy sa paglabas. Nang makaalis ang sasakyan niya, napasandal ako sa pinto. Basang-basa ng pawis ang likod ko. I just invited the man I supposed to avoid in our house! Why am I so dumb?! Hindi ko talaga kaya ipagsawalang bahala na lang pag nakikita kong nasasaktan si Lionel. Nawawala na sa utak ko na kailangan ko siyang iwasan. I just hope hindi ko na siya ulit makasalubong sa Malvaran dahil hindi ko na alam kung gaano katagal ko kayang itago ang totoo sa mag-ama ko. ***[5]Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko."Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan."Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob."Dito na lang po muna kayo, Ma'am." p
[4]Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo."Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin.Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy."Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya."Miss Montiel!"Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko.Narinig ko an
[3]Napabuntong hininga ako matapos ko mahugasan ang huling pinggan at inilagay iyon sa dish rack. "Mama, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ko kay Mama"Katatapos ko lang. Medyo maigi na nga pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Siguro nakabuti sakin na nandito kayo ni Liovie." wika niya bago siya naupo muli sa kaniyang tumba-tumbaSasagot na sana ako sakaniya kaso biglang tumunog ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ko.Unknown number ang tumatawag pero sinagot ko naman ito."Hello, is this Emilia Savine Montiel? Mother of Savanna Liovie Montiel?" tanong sakin ng tao sa kabilang linya"Yes po? Ano pong meron?""Nasa disciplinary office po ngayon si Savanna Liovie. Gusto po kayo makausap ng principal." sambit nitoNapakunot naman ang noo ko. Disciplinary office?! "Ano pong nangyari?! Bakit nasa disciplinary si Liovie?" tanong ko ulit"Mas mabuti po kung pupunta kayo dito para mas maexplain namin ng maayos."Yun lang ang sinabi niya bago nito ibinababa ang tawag.Wala pang d
[2]Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to.Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli."Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis.Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel."Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti."We're home."Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to.Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya
[1]Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.Positive.Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim.May anak kami.Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.Napalingon siya agad, nakakunot ang noo."Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala.Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot."W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang.""Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo."Lionel is blind. He lost his sight due to an accident.Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot."Your face is puffy. Kaya a







