Share

CHAPTER 3

(Yvonne's Point Of View)

"Yvonne! May mga binili akong pasalubong para sa pamangkin ko!" malakas na bungad ni Aliah pagkapasok niya sa apartment.

Kadadating lang ni Aliah galing sa mall. Akala ko ay bibili lang siya ng grocery pero puro gamit ng baby lang ang binili niya. Hindi pa namin alam ang gender ng anak ko kaya mga panlalaki at pambabae ang mga pinili niya. Meron ring mga laruan ng mga bata na matagal-tagal pa magagamit ng isang sanggol. Masyado talaga siyang excited sa paglabas ng anak ko.

Hindi na ako magagalit dahil alam ko naman na para sa anak ko ang mga binili niya. Ang saakin lang, hindi naman kailangan bumili ng ganitong karaming laruan at mga damit. I already bought a lot of stuffs for my baby so she don't need to buy more things. Sapat na ang pagtulong at pag-aalaga niya saakin habang nandito kami sa England.

Mas close ko si Dexon kaysa kay Aliah pero dahil mas nakakasama ko si Aliah ngayon, I feel closer and more comfortable with her. Mabuti na lang talaga ay naasahan ko siya sa mga kailangan ko. Kung wala si Aliah, hindi ko alam kung kanino ako tatakbo ngayong punong puno ako ng problema.

It's been 4 months since I found out that I'm pregnant. Hindi pa rin ako nakapagdedesisyon kung sasabihin ko ba kay Dexon ang tungkol dito o hindi. Alam ko naman na may karapatan siyang malaman at makilala ang anak namin pero natatakot ako sa posibleng maging reaksyon niya.

Tinanong ko siya noon kung may balak ba siya magkaroon ng anak pero 'wala' ang sagot niya. He even said that he doesn't want to have a kid or children even if he gets married. He hates the idea of having a child, so how could I tell him about my pregnancy? I don't want him to hate our child. Mas gugustuhin ko na lang na palakihin nang mag-isa ang anak ko kaysa makasama ang isang taong kinakamuhian ang anak ko. He can live whatever the life he want basta't tigilan niya na lang ako.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang tiyan kong medyo malaki na rin ang umbok. Nakaupo ako sa tapat ng bintana at pinapakingan ang patuloy na bumabagsak ng ulan. Rain might be a bad weather for other people, pero kabaligtaran ako. I've always love how comforting the rain sounds and how loud but beautiful the thunder is. Gusto kong makapag-relax ngayon para makapag-isip-isip.

"Aliah, maraming salamat. But you know you don't need to do this for me. Mga mamahalin pa ang binibili mo," saad ko at ngumiti. "Matatambakan na ang apartment mo ng mga gamit. We don't even know the gender yet. Huwag ka namang masyadong excited kasi baka masayang lang ang bibilhin mo." natatawang sabi ko pa pero sumimangot lang siya.

"Pabayaan mo na ako, Yvonne! Walang sayang-sayang sa pamangkin ko, 'no! Wala naman akong boyfriend na pwedeng pag-gastusan kaya hayaan mo nang i-spoil ko ang anak mo." aniya at inilapag ang mga paper bags sa sahig.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang tiyan ko. "Ilang buwan na lang ay makakasama na natin si baby. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na si Kuya ang magiging ama ng anak mo, Yvonne. Noon ay hinihiling ko talaga na ikaw ang makatuluyan ni Kuya Dexon pero sumuko na ako noong nagkaroon ka ng boyfriend. But now that you broke up with that asshole, may pag-asa na kayo ni Kuya 'di ba?"

"I thought you hate your brother."

Natigilan siya sa sinabi ko pero agad ding nagsalita. Sa sobrang excited niya sa paglabas ng anak ko, parang nakakalimutan niya na may galit siya sa kuya niya."Well, yeah. I hate my Kuya for siding my good-for-nothing ex boyfriend but he's the father of your child and I can't hate him for that. Siguro mapapatawad ko siya, lalo na kung magkakatuluyan talaga kayo."

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga at muling hinawakan ang tiyan ko. Aliah probably noticed my reaction so she held my hand with a comforting smile.

"Yvonne, ayokong pilitin ka. I know you have your reasons. Matagal kayong naging magkaibigan ni Kuya Dexon at naiintindihan ko na nahihirapan kang tanggapin ang nangyari pero wala ka nang magagawa ngayon. You have to accept that he is the father of the child inside you, and it's unfair kung hindi niya malalaman ang tungkol dito. My brother is a good man and you know that. You will surely fall in love with him."

Her words are too much for me to accept but I kept a smile. Nagpaalam siya sa kusina at ibinalik ko naman ang atensyon ko sa panonood ng ulan sa bintana.

The pain that my ex boyfriend caused me is not completely healed yet. Natatakot ako na maranasan ulit ang sakit na 'yon. But if it's Dexon... He will never hurt my feelings, right?

Pero paano si Cassandra na totoo niyang mahal? Paano ang pangarap niya? Possibleng masira ang career niya dahil saakin. Paano kung hindi namin magawang mahalin ang isa't isa? Paano kung masira lang ang buhay namin sa huli kung maling desisyon ang pipiliin namin? I don't want to make this child's life miserable. I need to think wise and more than twice.

Nagpalipas ako ng ilang oras sa panonood ng ulan sa tapat nang bintana. Nang tumila ang ulan, tatayo na sana ako para pumunta sa kusina at magluto ng hapunan nang marinig ko ang nag-pa-panic na sigaw ni Aliah habang papalapit saakin.

"Yvonne! Yvonne! Omg! Omg!" tili niya kaya agad na napakunot ang noo ko. Alam ko naman na madalas nagiging OA itong babaeng ito pero iba siya kung mag-panic ngayon kaya hindi ko rin mapigilang kabahan.

"Ano ba? Para kang baliw."

"N-Nandito sila! Shems!"

"Ano? Sinong sila? Huminahon ka muna!"

Huminga muna siya nang malalim para kumalma at magpatuloy sa pagsasalita. "Nandito si ex boyfie ko! Si gagong Alex. H-He's with Kuya and he's looking for us!"

"Ano!?" Agad akong napatayo dahil sa gulat. Tama ba ang narinig ko? How did they find us? Paano nila nalaman na magkasama kami ni Aliah sa England!?

"What to do? Hindi pwede nila ako pwedeng mahanap! I don't want to meet that jerk again and receive my Kuya's scolding!"

"Lalo naman ako! I am not ready to meet your brother yet!"

I am not planning to hide from him forever but this is not the right time! I need more time to think wisely for the decision I will make.

"We have to leave! Nakita daw ni Nica si Kuya dito sa England and they're searching for us! We have to leave dahil maabutan nila tayo!"

Nica is Aliah's filipina friend. She already met Dexon and Alex kaya imposibleng hindi totoo ang sinabi niya kay Aliah.

Binilisan naming dalawa ang pag-iimpake ng mga gamit namin para umalis sa apartment. Hindi namin alam kung saan kami pupunta pero ang mahalaga ay hindi muna kami mahanap ni Dexon. We were finally ready to leave the apartment but when we opened the door, agad na nanigas ang buong katawan ko nang bumungad ang lalaking ilang buwan kong tinaguan sa harapan ko.

D-Dexon!

His well-built body is infront of me. Hindi ko pa man inaangat ang ulo ko para makita ang mukha niya, alam ko na agad na siya ang nasa harapan ko ngayon dahil na rin sa pamilyar na perfume na naamoy ko.

"Yvonne..."

Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang boses niya. It's been 5 months since I last saw him. I still can't believe that he's in front of me now.

I bit my lower lip as I stepped back. Huminga muna ako nang malalim bago umangat ng tingin. Bumungad agad saakin ang matatalim na mata ni Dexon na nakatitig saakin. Kapansin-pansin rin ang eye bags niya at halatang kulang na kulang siya sa tulog. I can't help to feel guilty. Am I the reason of his sleepless nights?

"W-Why are you here?" I asked with a calm but firm voice. Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit ko pa ring tumayo nang tuwid. "Are you looking for your sister? She's--"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla niya kong hinila papunta sa kanya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Binaon niya ang ulo niya sa leeg ko saka ko narinig ang mahina niyang paghikbi.

"Why did you leave? A-Ayaw mo ba talaga saakin? I've been looking for you. Paano kung hindi agad kita nahanap? Ano'ng gagawin ko, Yvonne?"

I pursed my lips as I tried to hold back the overflowing emotions I feel. Napakahigpit ng yakap niya saakin na tila ba ayaw niya akong pakawalan. I closed my eyes at hinayaan ko na siyang yakapin ako hanggang kailan niya gusto.

"K-Kuya..." I heard Aliah's voice in my back. Dexon lifted his head to look at her.

"Why are you holding your things?" Bumaba din ang tingin niya sa maletang hawak ko at nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. "Y-You're trying to leave me again? No... Please don't leave. I'll do anything, but please don't leave me again!" nagsimula nanamang tumulo ang luha niya habang nagmamakaawa saakin.

This is the first time I saw him like this. I knew that he's looking for me but I didn't expect that he's this desperate. Tuluyan na akong nanghina at nabitawan ang maleta. I touched his face as I wiped his tears using my fingers.

"Don't cry, Dexon. I'm sorry. I just thought that this is the best for us. Hindi ko lang matanggap na nangyari ito. Para na tayong magkapatid, eh. I feel so guilty so I decided to leave." I uttered as my tears fell down, too.

But now that he's here, wala na talaga akong takas. I need to be brave and fix this whether I'm ready or not.

"Yvonne, lalabas muna ako. Mag-usap muna kayo ni Kuya," narinig kong saad ni Aliah at lumabas ng apartment. She closed the door, leaving us alone.

"Hindi ka na aalis, hmmm?"

Huminga ako nang malalim at tumango. Paano ko pa magagawang umalis kung nandito na siya at walang tigil sa paghikbi?

He smiled and kissed my forehead. Naramdaman kong nag-init ang pisnge ko dahil doon. Dahil sa ngiti niya, nagkaroon na ako ng lakas loob na sabihin sa kanya ang totoo.

"I wasn't really planning to hide from you forever. Natatakot lang ako na gumawa ng desisyong baka pagsisihan ko sa huli. I just needed time. Natatakot lang kasi ako na baka hindi mo ako matanggap."

"What are you saying? Bakit naman hindi kita tatanggapin? Will I search for you like crazy kung hindi kita kanyang tanggapin? You have no idea how hurt I was when I found out that you left just to hide from me. Para akong mababaliw and there's no way I'm letting you leave me again."

"Really? You will accept me?" Kinuha ko ang kamay niya at inilagay 'yon sa tiyan ko. Natigilan siya at halatang nagtataka. Napatingin siya sa tiyan ko habang nakaawang ang labi. "Will you accept us?"

It took him seconds to comprehend what I said. Napansin niya siguro ang umbok ng tiyan ko at dahil do'n ay unti-unti niya nang na-realize ang ibig kong sabihin. His eyes slowly widened then his jaw dropped.

Yes, I'm pregnant with your child. Magagalit ka ba, Dexon? Will you abandon me just like how my father tried to abandon my mother when he found out that she's pregnant?

"Yvonne, you're..."

Umiwas ako ng tingin. "You once told me that you never want to have a child. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako na bumalik sa'yo..."

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero nanatili siyang tahimik. Is he disappointed? Does he really hate the idea of having a child? Kung gano'n nga, ano ang gagawin ko?

"If you don't want to have a child, then don't. I can raise my baby without---"

"I'm going to be a father...?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita. I looked at him and I was surprised to see his expression. He looks really shocked but happy at the same time. Nanunubig pa nga ulit ang mga mata niya.

Wait, he's happy? I thought he doesn't want to have a child?

"It's my child in your belly? O-Our baby?" he muttered, smiling. Parang hindi siya makapaniwala.

Hindi ko maintindihan ang expresyon niya pero tumango ako. Tumulo agad ang luha niya at muli akong binigyan ng mahigpit na yakap.

"I will never let you leave me again. Papakasalan kita, Yvonne. Sa ayaw mo man o gusto." desedidong sabi niya.

Marriage...

Magagawa ba talaga naming maging masaya? A marriage without love, can we do that? Hindi ko ba pagsisihan ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status