Mag-log inDalawang beses pang kumatok sa pintuan bago ito tuluyang bumukas. Isang babaeng teacher ang sumilip sa loob, may hawak na ilang folders sa dibdib habang maingat na tinitingnan kaming dalawa. “Sorry, Sophia. Your next class is starting in a few minutes. Kailangan mo nang bumalik,” sabi niya, at agad kong napansin kung paano tila nabunutan ng tinik si Sophia.Napabuntong-hininga siya nang malalim, bumagsak ang mga balikat na kanina pa niya pinipigilan, bago niya mabilis na inayos ang strap ng bag niya. Sandali lamang iyon, pero sapat na para mapansin ko ang relief sa mukha niya.“Opo, Ma’am.” Tumayo siya at inayos ang uniform niya bago tumingin sa akin. “Thank you po, Attorney.”“Of course,” sagot ko habang isinasara ang notebook ko. “But we're not done yet. We'll continue this conversation another time.”Bahagya kong pinanatili ang tingin ko sa kanya, naghihintay kung may magiging reaction siya, pero ngumiti lamang siya nang maliit at tumango. “Opo.” Pagkatapos ay lumabas na siya kas
Tahimik ang guidance office nang tuluyan nang magsara ang pinto. Sa labas, may ilang estudyanteng nag-uusap habang naglalakad sa hallway, pero mabilis ding naglaho ang kanilang mga boses nang lumayo sila. Naiwan kaming dalawa ni Sophia sa loob, magkaharap sa maliit na mesa na nasa gitna ng silid.Umupo ako sa tapat niya at inilapag ang notebook ko sa harapan ko. Hindi ko muna binuksan iyon. Instead, pinagmasdan ko muna siya. Kanina pa siya panay ang paghila sa zipper ng bag niya, binubuksan at isinasara iyon kahit wala naman siyang kinukuha. Halatang kinakabahan.“You said may naalala ka tungkol sa gabing namatay si Clarisse,” mahinahon kong simula habang bahagya kong isinasandal ang likod ko sa upuan. “I want you to tell me everything you remember. Kahit maliit na bagay lang.”Napatingin si Sophia sa pintuan bago siya muling humarap sa akin. Saglit siyang nagdila sa tuyong labi at marahang huminga.“Hindi ko po alam kung importante ba talaga ’to, Attorney.”“Hindi ikaw ang magde-deci
Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos hatinggabi na ako nakatulog. Hindi nawala sa isip ko ang message ni Sophia, lalo na ang huling sinabi niya tungkol sa gabing iyon. Ilang beses ko pa iyong binasa bago ako tuluyang nakatulog, at sa bawat pagkakataon ay pareho lang ang tanong na bumabalik sa isip ko. What happened that night? Mas nakakabahala dahil wala akong maalalang kahit anong reference sa isang partikular na gabi sa mga records na hawak ko. Walang incident report, walang guidance note, at wala ring witness statement na tahasang tumutukoy sa isang pangyayaring ganoon. Kung talagang may nangyari na may kinalaman kay Clarisse, bakit parang buong school ang nakalimot—o mas nakakatakot, bakit parang may mga taong piniling kalimutan iyon?“You're thinking too much again.”Napalingon ako kay Raiven na nakatayo malapit sa bintana habang hawak ang dalawang paper cups ng kape. Nakaayos na siya at mukhang ilang minuto na siyang gising, samantalang ako ay nakaupo pa rin sa gilid ng
Matagal kong tinitigan ang dalawang messages ni Sophia habang nakaupo sa gilid ng kama, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawagan o hayaan muna siyang magsalita sa sarili niyang pace. Ilang minuto lang ang nakalipas, magaan pa ang pakiramdam ko dahil kasama ko sina Raiven at Liam, pero isang notification lang ang sapat para bumalik na naman sa isip ko ang buong kaso. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, mahimbing na natutulog si Liam habang yakap-yakap ang stuffed toy na pinili niya kanina, at si Raiven naman ay tahimik na nagliligpit ng mga pinagkainan namin.Sophia: Attorney, I remembered something about Clarisse.Sophia: Something we never told the school.Mabilis akong nag-type ng reply habang nakakunot ang noo.Me: What is it?Lumabas ang typing indicator sa screen, pero ilang segundo lang ay nawala rin iyon. Bumalik ulit, saka na naman nawala. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang hinihintay ang sagot niya, at nang wala pa rin itong dumarating ay napatingin ako kay Raiven. Nap
“Mommy, can we go somewhere?”Napatingin ako kay Liam na nakaupo sa gilid ng kama habang kumakain ng breakfast na dinala nila ni Raiven. Halatang pinag-isipan niya ang tanong dahil ilang segundo niya muna akong tinitigan bago niya muling sinabi, “Just us. Me, you, and Daddy.” Hindi ko napigilang ngumiti sa paraan ng pagkakasabi niya, lalo na nang makita kong tumingin siya kay Raiven na para bang humihingi ng approval.“Wala naman akong hearing today,” sagot ko habang iniisip ang schedule ko. “So I guess we can.”“Yes!” Napatalon siya sa kama bago agad siyang pinigilan ni Raiven.“Easy. Hotel room 'to, hindi playground.”Napatawa ako habang pinagmamasdan silang dalawa. “Saan mo gustong pumunta?”“Mall!”“Of course,” sabi ko, natatawa. “Ano bang meron sa mall?”“Everything.”Napatingin ako kay Raiven, na kasalukuyang umiinom ng kape habang pinipigilan ang ngiti. “You raised him well.”“I did my best.”“Hindi ba dapat may budget muna?”“Mommy,” singit ni Liam, “I have my own money.”Napa
Kinabukasan, nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pinto. Sa una ay binalewala ko iyon, iniisip na baka housekeeping lang o kaya naman staff na may kailangang ihatid. Bumalik ako sa pagkakahiga at hinila ang kumot hanggang balikat, pero makalipas ang ilang segundo ay kumatok ulit. This time, mas malakas at mas matagal, kaya napapikit akong napabuntong-hininga bago tuluyang bumangon. Magulo ang buhok ko, antok pa ang mga mata ko, at ang unang nasa isip ko ay kung sino ang nagdesisyong guluhin ang tulog ko nang ganitong kaaga.“Coming,” sigaw ko habang inaayos ang robe ko.Lumapit ako sa pinto at hindi na nag-abala pang silipin ang peephole. Pagkabukas ko nito, automatic akong napaatras.Napatitig ako sa dalawang taong nasa harapan ko. Si Raiven. At si Liam.Pareho silang nakangiti.“Surprise!”Ilang segundo akong walang nasabi habang pinagmamasdan silang dalawa. Si Liam ay may maliit na backpack sa balikat at hawak ang isang paper bag, habang si Raiven naman ay parang walang kaabog-a
Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng ma
Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa
7 Years Later… Maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang anak kong si Liam para sa pagpasok niya sa school. Grade 2 pa lang si Liam, pero mukhang namana niya ang talino ko dahil humahakot na ito ng award. Nailalaban na rin siya sa mga quiz bee competition sa division and I’m so proud of hi
Vanessa Calma’s point of view. “Cheers para sa mga susunod na abogado at lider ng bayan!” Umalingawngaw ang hiyawan, kalantog ng mga baso, at ang malakas na tugtog sa loob ng sikat na bar kung saan idinaraos ang graduation party ng departamento namin. Lahat masaya. Lahat nakangiti. Malaya na kami







