เข้าสู่ระบบ7 Years Later…
Maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang anak kong si Liam para sa pagpasok niya sa school. Grade 2 pa lang si Liam, pero mukhang namana niya ang talino ko dahil humahakot na ito ng award. Nailalaban na rin siya sa mga quiz bee competition sa division and I’m so proud of him—kahit pa hindi ko siya gaanong natututukan minsan dahil sa pagiging busy ko bilang isang practicing lawyer. Sa totoo lang, hindi naging madali ang pinagdaanan ko matapos kong malaman na buntis pala ako dahil sa una’t huling gabi na nangyari sa amin ni Raiven Simon. Nang malaman kong nagbunga ang gabing iyon, isang taon muna akong huminto sa pag-aaral ng Law at isinekreto ang aking pagbubuntis. Ang mga allowance na ipinapadala sa akin ni Mommy noon ay pinalipas ko at tinipid para gamitin sa paghahanda sa aking panganak. Walang kaalam-alam si Mommy sa nangyari; ang tanging nakasaksi at nakaramay ko sa madilim na yugtong iyon ay ang matalik kong kaibigan na si Bea. Kapag kinukulang ang pera ko, laging handang tumulong si Bea. Kahit pa sabihin niyang huwag ko nang bayaran, inililista ko pa rin ang bawat sentimo. Kaya naman nang makapagtapos ako, makapasa sa bar, at maging isang ganap na abogado, ang unang ginawa ko nang maging financially stable ay bayaran ang lahat ng utang ko sa kaniya. Ngayon, bukod sa nasusuportahan ko nang maayos ang anak kong si Liam, malaya na ako sa mga utang ng nakaraan. “Goodbye, Mommy!” ani Liam sa akin pagbaba niya ng kotse sa tapat ng gate ng paaralan. “Tita Bea will fetch you later, okay? Be a good boy,” paalala ko naman sa kaniya. Tumango siya nang masigla at patakbong pumasok sa loob. Sobrang thankful ko na may Bea ako sa buhay ko. Tila kapatid na ang turingan namin. Kahit abala siya bilang CEO ng sarili niyang Cosmetic Company, nagagawa niya pa ring isingit ang pagsundo kay Liam kapag nakiusap ako—lalo na ngayon na may bago akong kliyente. Ayon sa paunang salaysay, hindi na tinatigilan ang kliyente ko ng isang associate mula sa isang dambuhalang real estate company para pilitin itong ibenta ang kaniyang lupa. Ayaw niyang ibenta, at kailangan kong alamin kung bakit ganoon na lamang kapursigido ang kumpanyang iyon na gipitin ang isang matandang ginang. “Hello, Attorney Calma. Good morning po,” bati sa akin ng mga law clerks at junior trainees pagpasok ko sa firm. “Good morning,” nakangiting bati ko pabalik. Dumeretso ako sa sarili kong opisina. Huminga ako nang malalim, inilapag ang bag ko sa desk, at bahagyang inayos ang kabundok na papel na naghihintay sa akin. Umupo ako sa aking swivel chair at muling binuksan ang case file ng aking kliyente. Alas-diyes pa naman ang paghaharap namin, kaya may tatlumpung minuto pa ako para mag-relax. Habang humihigop ng kape, patuloy ang pagbasa ko sa mga dokumento. Medyo masalimuot ang sitwasyon. Isang sikat at makapangyarihang Real Estate conglomerate pala ang gustong bumili sa lupa ni Gng. Paras. Halos lahat ng establisyimento sa compound na iyon ay nasakop at nabili na ng kumpanyang ito; ang kliyente ko na lang ang natitirang nakatayo at nagmamatigas. “Attorney Calma, nasa conference room na po si Mrs. Paras,” pag-imporma sa akin ni Pamela, isa sa mga junior trainees. Agad akong tumayo. Bitbit ang case file at ang aking tablet, lumabas ako ng opisina at dumeretso sa conference room. “Good morning, Mrs. Paras,” bati ko sa ginang. “Good morning, Attorney Calma. Masaya po akong kayo ang hahawak sa kaso ko,” nakangiting saad nito, bagaman bakas ang pagod sa kaniyang mga mata. “Ganoon din po ako. We will do everything para tigilan na kayo ng kumpanyang gustong umagaw sa lupa ninyo,” paninigurado ko sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Nang makaupo kami, hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nasa edad 30s. May hawak din itong tablet at tahasang umupo sa tapat naming upuan. “Good morning. I am Marco Reyes, a representative of Montigalore Global Developments,” pagpapakilala nito na agad na nagpabilis sa tibok ng puso ko. Montigalore? Isang pamilyar at masakit na kaba ang biglang gumuhit sa dibdib ko sa pagkabanggit ng apelyidong iyon. “Kilala na kita at hindi mo na kailangang magpakilala pa ulit!” biglang pag-gaspang ng boses ng kliyente ko. Hinampas ni Mrs. Paras ang mesa sa galit. “Hindi ka namin inimbita rito para makipagnegosasyon. Ang nais ko lang ay matapos na ang pangungulit at panghaharas ninyo sa akin!” Agad kong hinawakan ang braso ni Mrs. Paras para pakalmahin muna siya. “You know, it would be best for everyone if you just accepted the offer from Montigalore Global Developments. It’s not that difficult. The benefits are clear, at makikinabang naman kayo nang malaki,” sabat naman ni Marco Reyes sa isang aroganteng tono. Imbes na kumalma ay muling nag-alab ang galit ng matanda. “Mr. Reyes,” malamig kong pinutol ang sasabihin pa niya. Tinitigan ko siya nang diretso. “I understand your point and your company’s offer. However, my client is the rightful owner of this property, and her decision is final—she does not wish to sell at this time. As her legal counsel, there is nothing we can do if the owner genuinely refuses. My only goal is to protect her interests and ensure that every step is in accordance with the law. If anyone tries to force or harass her, there will be severe legal consequences.” Imbes na matakot, mabilis na sumilay ang isang nakakabwisit na ngisi sa labi ni Marco Reyes. Tila ba ang mga binitawan kong salita ay isang malaking biro lang para sa kaniya. “May nakakatawa po ba?” tanong ko, pilit na ikinukulong ang inis sa aking boses. “Yes, Attorney…?” “Calma. Attorney Vanessa Calma.” “Okay, Attorney Calma. Hindi niyo po ba kilala kung sino ang CEO ng MGD?” tanong niya na tila ba ipinananakot ang pangalan ng kaniyang amo. Napangisi rin ako. “Hindi. At ano naman kung kilala ko siya? Hindi mababago ng presensya ng CEO ninyo ang desisyon ng land owner. Hindi pa ba sapat ang nakuha ninyong parte sa compound na iyon?” “That compound was already demolished by the government three years ago, Attorney. Pero dahil matigas ang ulo ninyo, nagtayo pa rin kayo ng mga bagong establisyimento sa lupang iyon,” mayabang niyang sagot sabay latag ng mga litrato, legal documents, at maging ng mga lumang clipping ng pahayagan sa ibabaw ng mesa. “Pasalamat nga kayo at binabayaran pa kayo ng kumpanya.” Namintig ang tainga ko sa narinig. “Even if the government cleared the old structures years ago, my client still holds the absolute legal title to that land. Any attempt to pressure or intimidate her into selling is not only unethical—it’s illegal, Mr. Reyes.” Pinalakas ko ang boses ko habang nananatiling mukhang propesyunal sa kabila ng pagnanais kong busalan ang bibig ng lalaking nasa harap ko. “Diba, Attorney? Kita mo kung gaano kayabang ang tao na iyan? Akala mo naman siya ang magmamana sa kumpanya ng amo niya!” parinig ni Mrs. Paras na bahagya kong ikina-ngiti. “Hindi ako mayabang, Mrs. Paras. Ginagawa ko lang ang trabaho ko at kailangan ko lang ang kooperasyon ninyo para matapos na ito,” pagtatanggol ni Marco Reyes sabay baling sa matanda. “Bakit ba nagmamatigas ka pa? Paniguradong wala nang magpupunta riyan sa maliit mong restaurant dahil puro giba na ang paligid.” “Mr. Reyes,” mariin kong muling agaw sa atensyon niya. “May I ask if the CEO of Montigalore Global Developments is aware of your aggressive style in dealing with people? Shouldn’t you be a bit more gentle? From the tone of your words, it seems that pressuring and harassing come naturally to you.” “I taught them to be strong, Ms. Calma. So why should they be gentle with people who are stubborn?” Napatigil ang buong paligid. Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng pinto kung saan nanggaling ang baritono at malamig na boses na iyon. At sa isang saglit, tila nanuyo ang aking lalamunan at huminto ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino ang pumasok. Raiven Simon Montigalore. “Mr. Montigalore,” agad na tumayo si Marco Reyes at magalang na yumuko sa kaniya. Hindi ako makakilos, hindi ako makapagsalita. Sinundan ko lang siya ng tingin habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa tabi ni Marco Reyes at marangyang umupo roon. Mas lalo siyang naging matipuno, mas lalong nag-mature ang mga tampok ng kaniyang mukha, at ang kaniyang aura ay bumabalot sa buong silid ng isang nakatutunaw na kapangyarihan. Tumingin siya nang diretso sa akin. May pamilyar at nakatutuksong ngisi sa kaniyang mga labi na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa takot at galit. “Did I teach them wrong… Ms. Calma?” pabulong ngunit mariin niyang tanong na tuluyang nagpahirap sa aking paglunok. No… This can’t be happening. Matapos ang pitong taon ng pananahimik, ng pagtatago, at ng pag-iingat… muli kong hinarap ang lalaking isinumpa kong hindi ko na muling makikita. Ang lalaking kumuha sa akin ng lahat, at basta na lang lumipad patungong ibang bansa, na para bang isang laruan lang ako na iniwan niya.Kinabukasan, maaga akong gumising kahit sobrang bigat ng katawan ko. Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa text ni Raiven at sa kwento ni Liam tungkol sa “mabait na tito”.“Mommy, bakit po ang aga natin ngayon?” tanong ni Liam habang kinakain ang cereal niya.“Mommy will take you to school today, baby,” sagot ko habang inaayos ang necktie niya. “Tita Bea has an early meeting kaya ako na muna ang susundo at maghahatid sa’yo.”“Yehey!” masaya niyang sabi. “Taxi tayo, Mommy?”“Oo, taxi tayo.” Wala pa akong sariling sasakyan. Lahat ng ipon ko ay napupunta sa tuition ni Liam, sa apartment, at sa iba pang gastusin. Pero mas importante sa akin ngayon na personal kong makita kung ano ang sitwasyon sa school niya.Pagkatapos naming kumain, nag-taxi kami papunta sa school. Buong biyahe ay nakatitig ako sa anak ko, sinusuri ang bawat galaw niya. Nang makarating kami sa harap ng school gate, hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.“Baby, remember what Mommy said last night ha?
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng apartment, narinig ko na agad ang malakas na tawa ni Liam mula sa sala. Parang agad na nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papaano.“Mommy’s home!” sigaw niya nang makita ako. Tumakbo siya palapit at yumakap nang mahigpit sa binti ko, tulad ng palagi niyang ginagawa.“Hi, baby…” sabi ko habang lumuluhod para yakapin siya nang maayos. Hinalikan ko ang kanyang noo, inamoy ang amoy niya na laging nagpapakalma sa akin. “Miss na miss kita.”Nasa likod niya si Bea, nakangiti pero may pag-aalala sa mga mata. Alam na alam niya kung gaano ako kabigat ngayon.“Bea, thank you talaga,” sabi ko habang tumatayo. “Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka.”“Sus, drama queen. Alam mo namang favorite ko ‘to eh,” sagot niya sabay haplos sa ulo ni Liam. “O, Liam, baby, magpaalam ka muna kay Tita. Aalis na si Tita Bea.”“Bye, Tita Bea! Thank you po sa pag-sundo at sa ice cream kanina!” masayang sabi ni Liam.“Bye, my handsome boy. Be good ha?” Bea gave him a ki
Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising. “Mommy, can I have pancakes today?” tanong ni Liam habang nakasandal sa countertop, hawak ang kanyang maliit na plato.Ngumiti ako kahit puno ng kaba ang dibdib ko. “Of course, baby. With chocolate chips?”“Yes please!” Habang niluluto ko ang pancakes, hindi ko maiwasang mapatingin sa anak ko. Bukas na bukas ang kanyang ngiti, at sa tuwing tumatawa siya, parang naririnig ko ang tawa ni Raiven noong college — malakas, mapanghamon, at puno ng buhay. Kahit ayaw kong aminin, mas lalong lumalabas ang mga katangian ng ama niya sa kanya habang lumalaki.Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng makita, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.Pagkatapos kong ihatid si Liam sa school, diretso na ako sa firm. Buong araw ay abala ako sa papeles, dalawang client meetings, at isang deposition. Pero kahit gaano ko kabusy ang sarili ko, hindi ko mapigilang sumilip sa bintana paminsan-minsan, parang may kung anong multong naghihintay sa labas.“Van, okay ka lang?”
Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng makina, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napa-sandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata."Salamat, Anthony. Pasensya ka na talaga sa abala," mahinang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong blazer. "Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para lubayan na ako ng Montigalore na 'yon. Napakakulit at napaka-arogante, akala mo kung sinong pwedeng mag-utos—""Siya ba?"Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Anthony. Nilingon ko siya. Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa manibela, hindi pa rin pinapaandar ang kotse, at diretso lang ang tingin sa kalsada."Anong... anong siya ba?" takang tanong ko, pilit na nagpapanggap na walang alam.Isang mab
Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa dulo ng isang VIP table. Naka-de kuwatro siya habang may hawak na baso ng alak, mukhang kalmado at pormal, pero bakas ang awtoridad sa bawat galaw.Huminga ako nang malalim bago umupo sa tapat niya. “Narito na ako, Raiven. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”Tumingin siya sa akin, may pamilyar na nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. “You’re late, Ms. Calma. Pero okay lang, worth it naman ang paghihintay kung ikaw ang kaharap ko.”“Kung nanggagalaiti ka lang para asarin ako tulad noong college, aalis na ako—” akma akong tatayo pero pinigilan niya ako gamit ang kaniyang baritonong boses.“Maupo ka, Vanessa. I’m just making a conversation,” seryoso pero
“Mommy! You’re home!”Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.Si Liam. Ang nag-iisa kong kayamanan.“Hi, baby,” nakangiting saad ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang matambok na pisngi at hinalikan siya sa noo. “Did you behave well with Tita Bea?”“Opo! We ate ice cream, and I finished my math homework already!” pagmamalaki niya habang itinuturo ang kaniyang maliit na lamesa sa sala kung saan nakalatag ang kaniyang mga libro.Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Bea na kakalabas lang mula sa kusina, may hawak na baso ng juice at nakangiti sa amin. “Sinasabi ko sa iyo, Van, ang taba ng utak ng anak mo. Grade 2 pa lang pero ang advanced mag-isip. Suplado nga lang kapag tinuturuan ko, parang laging may sariling mundo.”Natawa ako nang mahina pero may kung







