LOGINAlasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad.
Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.
Agad kong nakita si Raiven Simon sa dulo ng isang VIP table. Naka-de kuwatro siya habang may hawak na baso ng alak, mukhang kalmado at pormal, pero bakas ang awtoridad sa bawat galaw.
Huminga ako nang malalim bago umupo sa tapat niya.
“Narito na ako, Raiven. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”
Tumingin siya sa akin, may pamilyar na nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi.
“You’re late, Ms. Calma. Pero okay lang, worth it naman ang paghihintay kung ikaw ang kaharap ko.”
“Kung nanggagalaiti ka lang para asarin ako tulad noong college, aalis na ako—”
akma akong tatayo pero pinigilan niya ako gamit ang kaniyang baritonong boses.
“Maupo ka, Vanessa. I’m just making a conversation,” seryoso pero arogante niyang sabi habang sumasandal sa upuan at pinaiikot ang alak sa baso.
.“Masyado kang seryoso ngayon. Alam mo, pitong taon akong nawala, pero sa tuwing naaalala ko ang gabing ’yon bago ako umalis... hindi ko mapigilang maisip na sayang.”
Kumunot ang noo ko. “Anong sayang?”
“Sayang ang panahong pinalipas natin,” diretsong sabi niya, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at yabang, malayo sa isang taong nagsisisi.
“We had chemistry, Vanessa. You can't deny it. Kaya bakit hindi natin ituloy ngayon? Pwede naman nating ituloy ang naudlot at naiwan natin noon, ’di ba? Mas mayaman ako ngayon, mas makapangyarihan. Nabibigay ko na ang lahat ng gusto mo.”
Natawa ako nang mapait sa kaniyang kayabangan. Napakakapal talaga ng mukha! Akala ba niya ay mabibili niya ako sa pera niya? Akala ba niya ay ganoon lang kadali ang lahat pagkatapos niya akong iwanan?
“Nasisiraan ka na ba ng bait, Raiven? Pagkatapos ng pitong taon, babalik ka at sasabihin mo ’yan na parang walang nangyari? Isang malaking pagkakamali ang gabing ’yon!” asik ko sa kaniya sa mababang boses.
“Pagkakamali? Pero sumabay ka sa akin noon, ’di ba?” nakangising hamon niya.
Gigil na gigil ako.
Sasagutin ko pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng restaurant. Awtomatikong napalingon ang paningin ko roon at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Anthony na kakapasok lang, mukhang naghahanap ng mauupuan para mag-dinner din.
Diyos ko, hindi pwedeng makita kami ni Raiven!
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahaupo, na ikinagulat ni Raiven Simon.
“Aalis na ako. Sinusundo na ako ng fiancé ko,” mabilis kong sabi kay Raiven bago pa man siya makasagot.
Hindi ko na hiningi ang reaksyon niya. Mabilis akong naglakad patungo sa direksyon ni Anthony habang abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Nang makalapit ako, agad kong hinila ang kamay ni Anthony, dahilan para magulat siya.
“V-van? Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ni Anthony.
“Sumakay ka na lang sa sasabihin ko, please. Huwag kang maingay,” mabilis at pabulong kong utos sa kaniya habang hihilahin ko na sana siya palabas ng pinto.
Ngunit huli na.
“Vanessa, sandali.”
Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Raiven Simon mula sa likod namin. Pagka-lingon ko, nakatayo na siya sa harap namin ni Anthony. Madilim ang kaniyang mukha at nakapako ang tingin niya sa kamay kong nakahawak pa rin sa braso ng kaibigan ko.
Tiningnan ni Raiven si Anthony mula ulo hanggang paa nang may halong pangmamaliit at pagiging arogante.
“So, ito ba ang sinasabi mong fiancé mo?”
Bumaling si Raiven kay Anthony, malamig at mapanghamon ang tinig. “Ikaw ba talaga ang fiancé niya?”
Bago pa man makasagot si Anthony, pasimple kong inaabot ang kaniyang tagiliran at bahagyang kinurot ito nang mabilis—isang hudyat na kailangan ko ang saklolo niya ngayon.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkabigla ni Anthony sa kurot ko, pero bilang isang matalinong abogado, agad niyang nakuha ang sitwasyon. Inayos niya ang kaniyang tindig at sinalubong ang matalim na tingin ng bilyonaryo.
“Oo. Ako nga,” matapang at seryosong sagot ni Anthony sabay akbay sa akin palapit sa kaniyang katawan.
Pasimple kong ibinaba ang aking kaliwang kamay at ikinubli iyon sa likod ng beywang ni Anthony. Wala akong suot na kahit anong singsing, at alam kong matalas ang mata ni Raiven. Kung tititigan niya ang mga daliri ko, siguradong mabubuko ang kasinungalingan namin sa isang saglit lang.
Nakita ko ang mabilis na pag-igting ng panga ni Raiven Simon sa narinig. Nabura ang kaniyang aroganteng ngisi, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang awang at gulat sa kaniyang mga mata.
Kinabukasan, maaga akong gumising kahit sobrang bigat ng katawan ko. Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa text ni Raiven at sa kwento ni Liam tungkol sa “mabait na tito”.“Mommy, bakit po ang aga natin ngayon?” tanong ni Liam habang kinakain ang cereal niya.“Mommy will take you to school today, baby,” sagot ko habang inaayos ang necktie niya. “Tita Bea has an early meeting kaya ako na muna ang susundo at maghahatid sa’yo.”“Yehey!” masaya niyang sabi. “Taxi tayo, Mommy?”“Oo, taxi tayo.” Wala pa akong sariling sasakyan. Lahat ng ipon ko ay napupunta sa tuition ni Liam, sa apartment, at sa iba pang gastusin. Pero mas importante sa akin ngayon na personal kong makita kung ano ang sitwasyon sa school niya.Pagkatapos naming kumain, nag-taxi kami papunta sa school. Buong biyahe ay nakatitig ako sa anak ko, sinusuri ang bawat galaw niya. Nang makarating kami sa harap ng school gate, hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.“Baby, remember what Mommy said last night ha?
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng apartment, narinig ko na agad ang malakas na tawa ni Liam mula sa sala. Parang agad na nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papaano.“Mommy’s home!” sigaw niya nang makita ako. Tumakbo siya palapit at yumakap nang mahigpit sa binti ko, tulad ng palagi niyang ginagawa.“Hi, baby…” sabi ko habang lumuluhod para yakapin siya nang maayos. Hinalikan ko ang kanyang noo, inamoy ang amoy niya na laging nagpapakalma sa akin. “Miss na miss kita.”Nasa likod niya si Bea, nakangiti pero may pag-aalala sa mga mata. Alam na alam niya kung gaano ako kabigat ngayon.“Bea, thank you talaga,” sabi ko habang tumatayo. “Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka.”“Sus, drama queen. Alam mo namang favorite ko ‘to eh,” sagot niya sabay haplos sa ulo ni Liam. “O, Liam, baby, magpaalam ka muna kay Tita. Aalis na si Tita Bea.”“Bye, Tita Bea! Thank you po sa pag-sundo at sa ice cream kanina!” masayang sabi ni Liam.“Bye, my handsome boy. Be good ha?” Bea gave him a ki
Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising. “Mommy, can I have pancakes today?” tanong ni Liam habang nakasandal sa countertop, hawak ang kanyang maliit na plato.Ngumiti ako kahit puno ng kaba ang dibdib ko. “Of course, baby. With chocolate chips?”“Yes please!” Habang niluluto ko ang pancakes, hindi ko maiwasang mapatingin sa anak ko. Bukas na bukas ang kanyang ngiti, at sa tuwing tumatawa siya, parang naririnig ko ang tawa ni Raiven noong college — malakas, mapanghamon, at puno ng buhay. Kahit ayaw kong aminin, mas lalong lumalabas ang mga katangian ng ama niya sa kanya habang lumalaki.Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng makita, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.Pagkatapos kong ihatid si Liam sa school, diretso na ako sa firm. Buong araw ay abala ako sa papeles, dalawang client meetings, at isang deposition. Pero kahit gaano ko kabusy ang sarili ko, hindi ko mapigilang sumilip sa bintana paminsan-minsan, parang may kung anong multong naghihintay sa labas.“Van, okay ka lang?”
Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng makina, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napa-sandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata."Salamat, Anthony. Pasensya ka na talaga sa abala," mahinang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong blazer. "Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para lubayan na ako ng Montigalore na 'yon. Napakakulit at napaka-arogante, akala mo kung sinong pwedeng mag-utos—""Siya ba?"Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Anthony. Nilingon ko siya. Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa manibela, hindi pa rin pinapaandar ang kotse, at diretso lang ang tingin sa kalsada."Anong... anong siya ba?" takang tanong ko, pilit na nagpapanggap na walang alam.Isang mab
Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa dulo ng isang VIP table. Naka-de kuwatro siya habang may hawak na baso ng alak, mukhang kalmado at pormal, pero bakas ang awtoridad sa bawat galaw.Huminga ako nang malalim bago umupo sa tapat niya. “Narito na ako, Raiven. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”Tumingin siya sa akin, may pamilyar na nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. “You’re late, Ms. Calma. Pero okay lang, worth it naman ang paghihintay kung ikaw ang kaharap ko.”“Kung nanggagalaiti ka lang para asarin ako tulad noong college, aalis na ako—” akma akong tatayo pero pinigilan niya ako gamit ang kaniyang baritonong boses.“Maupo ka, Vanessa. I’m just making a conversation,” seryoso pero
“Mommy! You’re home!”Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.Si Liam. Ang nag-iisa kong kayamanan.“Hi, baby,” nakangiting saad ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang matambok na pisngi at hinalikan siya sa noo. “Did you behave well with Tita Bea?”“Opo! We ate ice cream, and I finished my math homework already!” pagmamalaki niya habang itinuturo ang kaniyang maliit na lamesa sa sala kung saan nakalatag ang kaniyang mga libro.Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Bea na kakalabas lang mula sa kusina, may hawak na baso ng juice at nakangiti sa amin. “Sinasabi ko sa iyo, Van, ang taba ng utak ng anak mo. Grade 2 pa lang pero ang advanced mag-isip. Suplado nga lang kapag tinuturuan ko, parang laging may sariling mundo.”Natawa ako nang mahina pero may kung







