Teilen

Hiding My Enemy's Son
Hiding My Enemy's Son
kkyrieehale

PROLOGUE

last update Veröffentlichungsdatum: 22.05.2026 16:47:19

Vanessa Calma’s point of view.

“Cheers para sa mga susunod na abogado at lider ng bayan!”

Umalingawngaw ang hiyawan, kalantog ng mga baso, at ang malakas na tugtog sa loob ng sikat na bar kung saan idinaraos ang graduation party ng departamento namin. Lahat masaya. Lahat nakangiti. Malaya na kami sa wakas mula sa apat na taong puyat at pagod sa kolehiyo.

Maliban sa akin.

Naka-upo ako sa dulo ng mahabang sofa, marahang pinaiikot ang alak sa baso ko habang nakatitig sa lalaking sentro ng atensyon sa gitna.

Raiven Simon Montigalore

Napakalakas ng tawa niya habang nakikipag-apir sa mga kaklase namin. Gwapo, matalino, paborito ng mga propesor. Pero sa likod ng perpektong mukhang iyan, may nakatagong demonyo. Siya ang dahilan kung bakit imbes na maging pinakamasayang araw ng buhay ko ang graduation, ay naging pinakamalungkot ito.

Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya noong nakaraang taon. Pinagkalat niya sa buong campus na may nangyayari sa amin, na kami na raw—isang napakalaking kasinungalingan! Dahil sa tsismis na binuo niya, iniwan ako ni Mark, ang ex-boyfriend ko mula sa kabilang department. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Gumuho ang dalawang taong relasyon namin dahil lang sa mapanirang bibig ni Raiven.

Mula noon, isinumpa ko ang pangalan niya. Si Raiven Montigalore ang mortal kong kaaway.

“O, Vanessa, bakit mag-isa ka rito sa sulok? Baka naman iniisip mo pa rin ang ex mong mabilis maniwala sa tsismis?”

Napaangat ang tingin ko. Nakatayo na si Raiven sa harap ko, may nakakalokong ngisi sa labi at hawak ang kanyang baso. Ang lakas ng loob niyang asarin ako sa mismong gabi ng graduation namin!

Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng init ng alak at galit sa dibdib ko. “Umalis ka sa harap ko, Raiven. Huwag mong sirain ang gabi ko.”

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Atty. Calma,” pabulong niyang sabi, sapat lang para marinig ko sa kabila ng maingay na musika. “Masyado kang seryoso. Mag-celebrate ka naman. O baka naman… gusto mong ako ang magpasaya sa’yo?”

Kapal ng mukha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pabagsak kong ibinaba ang baso ko sa lamesa, tumayo ako, at walang lingon-likod na nag-walk out. Rinig ko pa ang panunukso ng mga kaklase namin sa likod, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang makahinga. Gusto ko lang lumayo sa presensya niya.

Mabilis akong naglakad patungo sa dulo ng hallway, malapit sa comfort room kung saan mas tahimik at madilim ang ilaw. Huminto ako at humawak sa pader, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Ramdam ko ang tama ng alak, pero mas matindi ang tama ng galit ko.

“Vanessa, sandali.”

Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa likod ko. Haharap pa lang sana ako para sigawan siya nang bigla niyang iharang ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko, ikinukulong ako sa pader.

Nacorner niya ako. Ang bango ng pabango niya na may halong amoy ng mamahaling alak ay agad na sumakop sa sistema ko.

“Anong ba, Raiven?! Umalis ka nga!” Pilit ko siyang itinutulak sa dibdib, pero parang pader ang katawan niya sa tigas.

“Makinig ka muna, please,” seryoso ang boses niya, wala na ang nakakalokong ngisi kanina. Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata. “I’m sorry, okay? I’m really sorry sa nagawa ko noong nakaraang taon. Alam kong gago ako para gawin ’yon. Alam kong nasaktan kita.”

Natawa ako nang mapait, ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil sa halo-halong emosyon. “Sorry? Isang simpleng sorry lang ba ang tingin mo sa sinira mo, Raiven? Sinira mo ang relasyon namin ni Mark! Ginawa mo akong katatawanan sa school! Tapos ngayon, isang sorry lang?”

“Dahil nagseselos ako!” medyo malakas na sabi niya, na ikinatigil ko. Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng kanyang mga mata, pero naroon pa rin ang pamilyar na tindi.

"At sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?! alam ko na alam mo sa sarili mo na kaya mo ginawa ‘yon para mas inisin ako! para patunayan mo na wala akong laban sayo!” Sigaw ko sakaniya, wala na akong pakialam kung may makarinig man samin.

“Hindi totoo yan, nagawa ko yun kasi sobrang nagseselos ako, Vanessa…”

Bago pa man ako makapagsalita ulit, bigla niyang iniyuko ang kanyang ulo at mabilis na nilapat ang kanyang labi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Pilit ko siyang itinutulak, pero mas lalo niyang diniinan ang paghalik sa mga labi ko—marahan sa umpisa, hanggang sa naging mapusok. Ang init ng kanyang katawan, ang lasa ng alak sa kanyang labi… nahihilo ako. Alam ko ang ginagawa ko, alam kong si Raiven ito, ang lalaking kinasusuklaman ko. Pero bakit imbes na itulak siya, ay unti-unting nanghina ang mga kamay ko sa dibdib niya? Bakit tila sumasabay na ang mga labi ko sa bawat galaw ng sa kanya?

Nang dahan-dahan siyang humiwalay, kapwa kami naghahabol ng hininga. Ang mga mata niya ay madilim, puno ng pagnanasa at ng isang bagay na hindi ko mawari. Nagkatitigan lang kami sa ilalim ng malamlam na ilaw ng hallway. Walang nagsasalita. Ang galit ay biglang napalitan ng isang mapanganib na atraksyon.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi marahas, kundi mahigpit at tila natatakot na bitawan ako.

Hinila niya ako patungo sa isang pinto sa dulo ng hallway—isang VIP room na nakalaan para sa mga espesyal na bisita. At ako, na parang na-hipnotismo ng alak at ng titig niya, ay sumunod lang nang walang reklamo.

Nang sumara ang pinto ng tahimik na silid, doon na tuluyang nawala ang lahat ng natitirang katinuan namin.

Binalot ng katahimikan ang silid, tanging ang mabibigat naming hininga ang naririnig. Hindi na kami nag-aksaya ng salita. Muling sumakop ang mga labi ni Raiven sa akin, mas nagmamadali, mas mapusok. Isinandal niya ako sa saradong pinto bago dahan-dahang dinadala ang aking katawan patungo sa malambot at malawak na kama.

Nang bumagsak kami sa kutson, ramdam ko ang bigat at init ng kanyang katawan sa ibabaw ko. Ang mga kamay niya ay nagsimula nang gumapang—mula sa aking baywang, paitaas sa aking likod upang hanapin ang zipper ng aking suot na cocktail dress. Sa bawat haplos ng malamig niyang palad sa aking mainit na balat, parang may kuryenteng gumuguhit sa buo kong katawan.

"Raiven..." Umungol ako nang mahina nang mag-umpisa niyang iwanan ng maiinit na halik ang aking panga pababa sa aking leeg.

Alam ng utak ko na mali ito. Si Raiven ito—ang lalaking sumira sa akin. Pero ang katawan ko ay may ibang sinasabi. Ang alak sa aking sistema ay tila naging gasolina na nagpaalab sa matagal nang nakatagong tensyon sa pagitan naming dalawa.

Mabilis niyang hinubad ang kanyang polo, inilalantad ang matipuno niyang dibdib. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng silid, nagkatitigan kami. Walang saplot ang aming itaas na bahagi, at ang pagdait ng aming mga balat ay nagdulot ng kakaibang panginginig sa akin. Marahan niyang hinubad ang natitira naming saplot hanggang sa tuluyan kaming maging hubad sa harap ng isa't isa.

Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang dalawa niyang kamay, binalot muli ang aking labi ng isang mapag-angking halik habang ang kanyang tuhod ay dahan-dahang pumuwesto sa pagitan ng aking mga hita.

Nang mag-umpisa siyang pumasok sa akin, napakapit ako nang mahigpit sa kanyang malalapad na balikat. Napaarko ang aking likod sa biglang tindi ng sensasyon. Masakit, pero kasabay niyon ang isang nag-aalab na sarap na unti-unting pumapawi sa lahat ng galit ko.

Nagsimula siyang gumalaw—marahan sa umpisa, tila tinitiyak kung kaya ko ang bawat lalim ng kanyang pagpasok. Ngunit habang tumatagal, ang bawat tulak niya ay nagiging mas mabilis, mas mariin, at mas mapusok. Ang tunog ng aming balat na nagkakatamaan at ang mabibilis naming paghinga ay pumuno sa silid.

"Vanessa... ah..." Hinaing niya, binabanggit ang pangalan ko na tila ba matagal na niya itong gustong gawin.

Nawawalan na ako ng katinuan. Ang bawat haplos niya sa aking balakang, ang bawat pagdiin ng kanyang katawan sa akin ay nagdadala sa akin sa isang rurok na hindi ko pa kailanman narating.

Napakapit ako sa kanyang buhok, hinahila siya palapit sa akin, sumasabay sa bawat ritmo ng kanyang paggalaw. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko kung sino kami. Nakalimutan kong magkaaway kami. Ang natira na lang ay ang init at ang ligaya na hatid ng bawat sandali.

Habang papalapit kami sa sukdulan, mas lalong naging marahas at mabilis ang kanyang pag ulos. Sabay naming narating ang rurok ng ligaya, isang matinding pagsabog ng sensasyon na nag-iwan sa aming kapwa naghahabol ng hininga at basang-basa ng pawis.

Humiga siya sa tabi ko, ngunit hindi niya ako binitiwan. Inilapit niya ako sa kanyang dibdib, habang ang kanyang kamay ay marahang hinahaplos ang aking buhok.

At sa gitna ng katahimikan, habang abot-abot pa rin ang kaba ng aking dibdib at unti-unting bumabalik ang bigat ng alak at pagod sa aking katawan, naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking noo. Kasabay niyon ang isang mahinang bulong na tila nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso.

“Matagal na kitang gusto, Vanessa… sobra. Ikaw lang.”

Para iyong isang mahinang bulong sa hangin. Narinig ko, malinaw kong narinig. Pero sa tindi ng pagod, emosyon, at ng alak na tuluyang sumakop sa aking sistema, hindi ko na nagawang sumagot o mag-isip kung totoo ba iyon.

Unti-unting nawalan ng lakas ang aking mga bisig, at bago pa man tuluyang magliwanag ang aking isip, ay tuluyan na akong binalot ng kadiliman at mahimbing na nakatulog sa piling ng aking kaaway.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 8

    Kinabukasan, maaga akong gumising kahit sobrang bigat ng katawan ko. Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa text ni Raiven at sa kwento ni Liam tungkol sa “mabait na tito”.“Mommy, bakit po ang aga natin ngayon?” tanong ni Liam habang kinakain ang cereal niya.“Mommy will take you to school today, baby,” sagot ko habang inaayos ang necktie niya. “Tita Bea has an early meeting kaya ako na muna ang susundo at maghahatid sa’yo.”“Yehey!” masaya niyang sabi. “Taxi tayo, Mommy?”“Oo, taxi tayo.” Wala pa akong sariling sasakyan. Lahat ng ipon ko ay napupunta sa tuition ni Liam, sa apartment, at sa iba pang gastusin. Pero mas importante sa akin ngayon na personal kong makita kung ano ang sitwasyon sa school niya.Pagkatapos naming kumain, nag-taxi kami papunta sa school. Buong biyahe ay nakatitig ako sa anak ko, sinusuri ang bawat galaw niya. Nang makarating kami sa harap ng school gate, hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.“Baby, remember what Mommy said last night ha?

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 7

    Pagbukas ko pa lang ng pinto ng apartment, narinig ko na agad ang malakas na tawa ni Liam mula sa sala. Parang agad na nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papaano.“Mommy’s home!” sigaw niya nang makita ako. Tumakbo siya palapit at yumakap nang mahigpit sa binti ko, tulad ng palagi niyang ginagawa.“Hi, baby…” sabi ko habang lumuluhod para yakapin siya nang maayos. Hinalikan ko ang kanyang noo, inamoy ang amoy niya na laging nagpapakalma sa akin. “Miss na miss kita.”Nasa likod niya si Bea, nakangiti pero may pag-aalala sa mga mata. Alam na alam niya kung gaano ako kabigat ngayon.“Bea, thank you talaga,” sabi ko habang tumatayo. “Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka.”“Sus, drama queen. Alam mo namang favorite ko ‘to eh,” sagot niya sabay haplos sa ulo ni Liam. “O, Liam, baby, magpaalam ka muna kay Tita. Aalis na si Tita Bea.”“Bye, Tita Bea! Thank you po sa pag-sundo at sa ice cream kanina!” masayang sabi ni Liam.“Bye, my handsome boy. Be good ha?” Bea gave him a ki

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 6

    Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising. “Mommy, can I have pancakes today?” tanong ni Liam habang nakasandal sa countertop, hawak ang kanyang maliit na plato.Ngumiti ako kahit puno ng kaba ang dibdib ko. “Of course, baby. With chocolate chips?”“Yes please!” Habang niluluto ko ang pancakes, hindi ko maiwasang mapatingin sa anak ko. Bukas na bukas ang kanyang ngiti, at sa tuwing tumatawa siya, parang naririnig ko ang tawa ni Raiven noong college — malakas, mapanghamon, at puno ng buhay. Kahit ayaw kong aminin, mas lalong lumalabas ang mga katangian ng ama niya sa kanya habang lumalaki.Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng makita, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.Pagkatapos kong ihatid si Liam sa school, diretso na ako sa firm. Buong araw ay abala ako sa papeles, dalawang client meetings, at isang deposition. Pero kahit gaano ko kabusy ang sarili ko, hindi ko mapigilang sumilip sa bintana paminsan-minsan, parang may kung anong multong naghihintay sa labas.“Van, okay ka lang?”

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 5

    Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng makina, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napa-sandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata."Salamat, Anthony. Pasensya ka na talaga sa abala," mahinang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong blazer. "Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para lubayan na ako ng Montigalore na 'yon. Napakakulit at napaka-arogante, akala mo kung sinong pwedeng mag-utos—""Siya ba?"Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Anthony. Nilingon ko siya. Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa manibela, hindi pa rin pinapaandar ang kotse, at diretso lang ang tingin sa kalsada."Anong... anong siya ba?" takang tanong ko, pilit na nagpapanggap na walang alam.Isang mab

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 4

    Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa dulo ng isang VIP table. Naka-de kuwatro siya habang may hawak na baso ng alak, mukhang kalmado at pormal, pero bakas ang awtoridad sa bawat galaw.Huminga ako nang malalim bago umupo sa tapat niya. “Narito na ako, Raiven. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”Tumingin siya sa akin, may pamilyar na nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. “You’re late, Ms. Calma. Pero okay lang, worth it naman ang paghihintay kung ikaw ang kaharap ko.”“Kung nanggagalaiti ka lang para asarin ako tulad noong college, aalis na ako—” akma akong tatayo pero pinigilan niya ako gamit ang kaniyang baritonong boses.“Maupo ka, Vanessa. I’m just making a conversation,” seryoso pero

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 3

    “Mommy! You’re home!”Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.Si Liam. Ang nag-iisa kong kayamanan.“Hi, baby,” nakangiting saad ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang matambok na pisngi at hinalikan siya sa noo. “Did you behave well with Tita Bea?”“Opo! We ate ice cream, and I finished my math homework already!” pagmamalaki niya habang itinuturo ang kaniyang maliit na lamesa sa sala kung saan nakalatag ang kaniyang mga libro.Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Bea na kakalabas lang mula sa kusina, may hawak na baso ng juice at nakangiti sa amin. “Sinasabi ko sa iyo, Van, ang taba ng utak ng anak mo. Grade 2 pa lang pero ang advanced mag-isip. Suplado nga lang kapag tinuturuan ko, parang laging may sariling mundo.”Natawa ako nang mahina pero may kung

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status