LOGINMabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya.
Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng makina, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napa-sandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata.
"Salamat, Anthony. Pasensya ka na talaga sa abala," mahinang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong blazer.
"Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para lubayan na ako ng Montigalore na 'yon. Napakakulit at napaka-arogante, akala mo kung sinong pwedeng mag-utos—"
"Siya ba?"
Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Anthony.
Nilingon ko siya. Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa manibela, hindi pa rin pinapaandar ang kotse, at diretso lang ang tingin sa kalsada.
"Anong... anong siya ba?" takang tanong ko, pilit na nagpapanggap na walang alam.
Isang mabigat na singhal ang pakawalang binitawan ni Anthony bago niya ako dinaluhong ng tingin. Seryoso ang kaniyang mga mata—ang tinging ginagamit niya sa korte kapag alam niyang nagsisinungaling ang testigo sa harap niya.
"Siya ba ang ama ng anak mo, Vanessa?" Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig ko.
Nanigas ang buong katawan ko, napanganga ako ngunit walang salitang lumabas sa aking mga labi. Ang lalamunan ko ay biglang natuyo na parang disyerto.
"A-Anthony, anong pinagsasabi mo—"
"Huwag mo akong daanin sa ganiyang reaksyon, Van. Abogado ako, kriminal ang hinaharap ko araw-araw, kaya alam ko kung kailan may itinatago ang isang tao," putol niya sa sasabihin ko.
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya pero naroon pa rin ang bigat ng kaniyang boses.
"Nakita ko kung paano ka tumingin sa kaniya. Nakita ko ang takot sa mga mata mo na hindi lang basta takot sa isang ex-batchmate, stalker or what. Takot 'yon ng isang ina na may gustong protektahan."
Naramdaman ko ang mabilis na pamumuo ng luha sa aking mga mata. Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, ngunit ang unang patak ng luha ay mabilis na gumuhit sa aking pisngi. Ang pader na pitong taon kong itinayo para itago ang katotohanan ay tila gumuho sa isang saglit sa harap ng kaibigan ko.
"Oo..." nanghihinang bulong ko habang nakatitig sa aking mga kandungan. "Siya... si Raiven Simon ang ama ni Liam."
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Anthony, kasunod ng bahagyang paghampas niya sa manibela, hindi dahil sa galit sa akin, kundi dahil sa bigat ng sitwasyon.
"Sabi ko na e.. Ang bilyonaryong real estate mogul na 'yon ang ama ni Liam… Kaya pala takot na takot ka.”
"Paano akong hindi matatakot, Anthony?" sa wakas ay bumuhos na ang emosyon ko, humarap ako sa kaniya habang tuloy-tuloy ang pag-iyak. "Iniwan niya ako noon! Pagkatapos ng gabing may mangyari sa amin, umalis siya nang walang paalam papuntang ibang bansa! Nalaman kong buntis ako noong wala na siya. Pitong taon ko itong itinaguyod mag-isa kasama si Bea. At ngayon, babalik siya na parang walang nangyari? Na parang pwede lang niyang ituloy ang 'naudlot' sa amin dahil lang mayaman at makapangyarihan na siya?"
Huminto ako para lumunok at ayusin ang boses ko.
"Makapangyarihan ang mga Montigalore, Anthony. Alam mo kung paano gumalaw ang mga tulad nila. Kapag nalaman niyang may anak siya, gagamitin niya ang lahat ng pera, koneksyon, at impluwensya niya para agawin sa akin si Liam. Hinding-hindi ko kakayanin 'yon. Mamatay ako kapag kinuha sa akin ang anak ko."
Hinayaan ako ni Anthony na umiyak nang ilang sandali bago niya inabot ang isang pirasong tissue sa akin. Hinintay niyang medyo kumalma ako bago muling nagsalita nang may seryosong tono.
"Naiintindihan ko ang takot mo, Van. At nandito ako para protektahan kayo, alam mo 'yan," panimula ni Anthony, ang boses niya ay bumalik sa pagiging kalmado at rasyonal na abogado.
"Pero kailangan nating maging praktikal dito. Hanggang kailan mo balak itago si Liam kay Montigalore?"
Napatitig ako sa kaniya, pinatutuyo ang mga luha. "Habangbuhay kung kailangan."
Umiling si Anthony.
"Hindi ganoon kadali 'yan, Van. At alam mo 'yan bilang abogado rin. Lumalaki ang bata. Pumasok na siya sa eskwelahan. Si Raiven Simon ay nandito na sa Pilipinas at mukhang hindi aalis dahil sa mga proyekto ng kumpanya niya. Maliit lang ang mundo natin sa legal at corporate world. Isang pagkakataon lang... isang maling krus ng landas sa mall, sa park, o sa labas ng opisina, at makita niya ang mukha ni Liam... tapos na ang laro."
"Kaya nga nagpanggap tayong engaged, 'di ba? Para lumayo siya," giit ko.
"Gumana 'yon kanina dahil nagulat siya," seryosong sagot ni Anthony.
"Pero si Montigalore 'yon. Sa tingin mo ba maniniwala 'yon nang ganoon kadali nang walang ginagawang imbestigasyon? Kung ako sa kaniya, ipapa-background check ko ang lalaking biglang umakbay sa babaeng hinahanap ko pagkatapos ng pitong taon."
Kinabahan ako sa sinabi ni Anthony. Tama siya. Masyadong matalino at mapusok si Raiven para sumuko sa isang salita lang.
"Anong... anong dapat kong gawin, Anthony?" tanong ko, bakas ang kawalan ng pag-asa.
Tumingin sa akin nang diretso si Anthony at hinawakan ang aking balikat.
"Sa ngayon, panindigan natin ang pagpapanggap natin. Mas magiging maingat ako, at tutulungan kita sa pagbabantay kay Liam. Pero tandaan mo 'to, Van... kailangan nating maghanda para sa pinakamalalang sitwasyon. Dahil kapag ang katotohanan ang mismong humarap kay Raiven Simon Montigalore, hindi na sapat ang pekeng fiancé para harangan siya."
At sa sinabing yun ni Anthony ay tuluyan na akong bumigay, humagugol lang ako ng humagugol dahil natatakot akong dumating ang araw na kukunin ni Raiven sakin ang anak ko.
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang dalawang letrang nakita ko sa bracelet at kahit gaano ko gustong isipin na malinaw na ang ibig sabihin nito, may parte sa akin na ayaw basta gumawa ng conclusion. Oo, maaaring initials iyon ni Clarisse Limbao. Pero maaari ring ibang tao. Sa isang kaso kung saan halos lahat ng tao ay may itinatagong bahagi ng kuwento, hindi sapat ang dalawang letra para sabihin kong may sagot na ako. Kinabukasan, maaga akong bumalik sa school dala ang notebook ko at ang evidence bag na maingat kong itinago sa loob ng bag. Hindi ko muna sinabi kay Raiven ang tungkol sa initials. Gusto kong i-confirm muna iyon bago ako magsimulang mag-isip ng kung anu-anong posibilidad. Pagdating ko sa guidance office, nakita ko si Ms. Delvin na nag-aayos ng ilang folders sa mesa. Nang mapansin niya ako, agad siyang nag-angat ng tingin at bahagyang ngumiti. “Back again, Attorney?” tanong niya habang inilalagay ang folder sa isang
Pagbalik ko sa hotel, unang bumungad sa akin ang pamilyar na boses ni Liam na nagmumula sa living area ng suite. Nakasubsob siya sa carpet habang abala sa pagbuo ng isang malaking puzzle, samantalang si Raiven ay nakaupo sa sofa, hawak ang laptop niya pero halatang hindi talaga iyon ang buong attention niya. Nang makita niya akong pumasok, agad niyang isinara ang laptop at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri kung may nangyari na naman sa akin sa school. “Finally,” sabi niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. “You look like you just solved a murder case.” Napabuntong-hininga ako habang ibinababa ang bag ko sa tabi ng sofa. “I haven't solved anything.” “Good.” Kinuha niya ang bag ko at inilagay iyon sa armchair bago niya ako hinila papunta sa sofa. “Because you look exhausted.” “I'm fine,” sagot ko habang nauupo, pero bago pa ako makapagsalita ulit ay sumulpot si Liam sa harapan namin, hawak ang isang puzzle piece sa magkabilang kamay. “Mommy, look! Din
Dalawang beses pang kumatok sa pintuan bago ito tuluyang bumukas. Isang babaeng teacher ang sumilip sa loob, may hawak na ilang folders sa dibdib habang maingat na tinitingnan kaming dalawa. “Sorry, Sophia. Your next class is starting in a few minutes. Kailangan mo nang bumalik,” sabi niya, at agad kong napansin kung paano tila nabunutan ng tinik si Sophia.Napabuntong-hininga siya nang malalim, bumagsak ang mga balikat na kanina pa niya pinipigilan, bago niya mabilis na inayos ang strap ng bag niya. Sandali lamang iyon, pero sapat na para mapansin ko ang relief sa mukha niya.“Opo, Ma’am.” Tumayo siya at inayos ang uniform niya bago tumingin sa akin. “Thank you po, Attorney.”“Of course,” sagot ko habang isinasara ang notebook ko. “But we're not done yet. We'll continue this conversation another time.”Bahagya kong pinanatili ang tingin ko sa kanya, naghihintay kung may magiging reaction siya, pero ngumiti lamang siya nang maliit at tumango. “Opo.” Pagkatapos ay lumabas na siya kas
Tahimik ang guidance office nang tuluyan nang magsara ang pinto. Sa labas, may ilang estudyanteng nag-uusap habang naglalakad sa hallway, pero mabilis ding naglaho ang kanilang mga boses nang lumayo sila. Naiwan kaming dalawa ni Sophia sa loob, magkaharap sa maliit na mesa na nasa gitna ng silid.Umupo ako sa tapat niya at inilapag ang notebook ko sa harapan ko. Hindi ko muna binuksan iyon. Instead, pinagmasdan ko muna siya. Kanina pa siya panay ang paghila sa zipper ng bag niya, binubuksan at isinasara iyon kahit wala naman siyang kinukuha. Halatang kinakabahan.“You said may naalala ka tungkol sa gabing namatay si Clarisse,” mahinahon kong simula habang bahagya kong isinasandal ang likod ko sa upuan. “I want you to tell me everything you remember. Kahit maliit na bagay lang.”Napatingin si Sophia sa pintuan bago siya muling humarap sa akin. Saglit siyang nagdila sa tuyong labi at marahang huminga.“Hindi ko po alam kung importante ba talaga ’to, Attorney.”“Hindi ikaw ang magde-deci
Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos hatinggabi na ako nakatulog. Hindi nawala sa isip ko ang message ni Sophia, lalo na ang huling sinabi niya tungkol sa gabing iyon. Ilang beses ko pa iyong binasa bago ako tuluyang nakatulog, at sa bawat pagkakataon ay pareho lang ang tanong na bumabalik sa isip ko. What happened that night? Mas nakakabahala dahil wala akong maalalang kahit anong reference sa isang partikular na gabi sa mga records na hawak ko. Walang incident report, walang guidance note, at wala ring witness statement na tahasang tumutukoy sa isang pangyayaring ganoon. Kung talagang may nangyari na may kinalaman kay Clarisse, bakit parang buong school ang nakalimot—o mas nakakatakot, bakit parang may mga taong piniling kalimutan iyon? “You're thinking too much again.” Napalingon ako kay Raiven na nakatayo malapit sa bintana habang hawak ang dalawang paper cups ng kape. Nakaayos na siya at mukhang ilang minuto na siyang gising, samantalang ako ay nakaupo pa rin sa gilid
Matagal kong tinitigan ang dalawang messages ni Sophia habang nakaupo sa gilid ng kama, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawagan o hayaan muna siyang magsalita sa sarili niyang pace. Ilang minuto lang ang nakalipas, magaan pa ang pakiramdam ko dahil kasama ko sina Raiven at Liam, pero isang notification lang ang sapat para bumalik na naman sa isip ko ang buong kaso. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, mahimbing na natutulog si Liam habang yakap-yakap ang stuffed toy na pinili niya kanina, at si Raiven naman ay tahimik na nagliligpit ng mga pinagkainan namin.Sophia: Attorney, I remembered something about Clarisse.Sophia: Something we never told the school.Mabilis akong nag-type ng reply habang nakakunot ang noo.Me: What is it?Lumabas ang typing indicator sa screen, pero ilang segundo lang ay nawala rin iyon. Bumalik ulit, saka na naman nawala. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang hinihintay ang sagot niya, at nang wala pa rin itong dumarating ay napatingin ako kay Raiven. Nap
Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa
“Mommy! You’re home!”Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.Si Liam. Ang nag-iisa kong kayaman
Abala ako sa pagsasaayos ng iba't ibang papeles na nasa desk ko. Lahat na yata ng kaso na kailangan kong hawakan ay nabasa ko na dahil sa tindi ng inis ko kay Raiven Simon. Ewan ko ba, kapag galit o naiinis ako, imbes na madistract ay mas nagiging pokus ako sa mga bagay na kailangan kong tapusin.H
7 Years Later… Maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang anak kong si Liam para sa pagpasok niya sa school. Grade 2 pa lang si Liam, pero mukhang namana niya ang talino ko dahil humahakot na ito ng award. Nailalaban na rin siya sa mga quiz bee competition sa division and I’m so proud of hi







