Share

Chapter 3.2

NAGING matagumpay ang pagpasok ni Mavi sa Ibarra College of Education (ICE) sa tulong ni Reign Ibarra. Nagmistulang intramural meet ang school sa dami ng estudyanteng sabik na makita ang kanilang idolo; subalit wala ni isa ang nagawang makalapit kay Mavi dahil napapalibutan siya ng dalawang bodyguards na sina Robert at Luther kasama ang ilan sa mga hired escort nito.

"MAVIII!" Tanging pagkaway, pagsulyap at pagsigaw lang ang nagawa ng mga estudyanteng humahanga sa taglay niyang galing at kaguwapuhan.

Nais man niya kawayan ang mga kabataang ito, mas pinili na lang ni Mavi na pagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bagay gaya ng pagtuturo sa eskwelahan ito. From now on, he no longer considers himself a pop icon, but a new professor on campus. He believes that one of these days, magsasawa rin sila sa pagmumukha niya at ituturing din siyang normal gaya ng iba.

Isa-isang kinamayan ni Mavi ang piling faculty members at staff na sumalubong sa kanya bago siya inimbitahan ni Mr. Magdiwang, ang head ng science department na libutin ang buong campus.

Mula sa guard house ay bubungad ang malaking gusali na nagsisilbing daan papasok sa mismong campus field—ang administration building. Dito rin matatagpuan ang Office of the Student Affairs, Director's Office, Registrar's Office at Dean's office. Napakalawak ng campus para i-facilitate ang humigit-kumulang 2,000 students na kasalukuyang naka-enroll sa kursong Education. Itinayo rito ang football field, cafeteria, bookstore, teacher's lounge, school library, computer laboratory at ang community lab na madalas gamitin ng mga science major students.

Hindi rin mawawala ang iconic attraction ng ICE—ang 'Ibarra's Fountain of Love' na mayroon din ang alma mater niya noon. Napapalibutan din ng mga puno at halaman ang paligid ng paaralan. Nagbibigay ito ng sariwang hangin na siyang nalalanghap ng mga tao.

Each building is designed for one major specialization with two floors and ten classrooms, a lavatory and faculty room. Malayang nakakapasok ang hangin mula sa labas dahil walang bintana na humaharang dito.

The beauty of ICE filled him with astonishment. It brings back good memories when he was a student. Ang pinagkaiba nga lang ng sitwasyon niya ngayon, isa na siyang ganap na teacher at ang babaeng kasama niyang nag-aral noon ay estudyante sa paaralang ito.

"Each room here is completely soundproof, so you have nothing to worry about the noise," banggit ni Sir Magdiwang habang nilalakad nila ang science building kung saan siya naka-assign na magturo. Tahimik na sumang-ayon si Mavi sa pamamagitan ng pagtango.

Huminto ang kanilang mga paa sa isang bakanteng silid sa pinakadulo ng hallway. Hindi na kailangan pang tanungin ni Mavi kung anong meron doon sapagkat kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang kanyang pangalan na nakaukit sa silver plate. Nakadikit ang plaka sa pintong gawa sa magandang klase ng kahoy.

"This office is exclusively for you, Mister Villahermosa," nakangiting sabi ng head, "a gift from Miss Reign."

His eyebrows jerked up as his jaw dropped down in surprise. "Really? That's nice," manghang papuri ni Mavi. "Where is she, by the way? I haven't seen her since I got here," usisa niya pa. Palinga-linga ito sa paligid na tila hinahanap ang presensya ni Reign.

"She's out of town with her father but she was expecting to return in a couple of days. Mahigpit kang pinagbilin sa 'kin ni Miss Reign. She wants to make sure that every service provided by her will be granted to you."

"Oh. I see," he replied in satisfaction.

This woman is something! sigaw ng kanyang isipan na ang tinutukoy ay si Reign. Matapos ang kahihiyang ginawa niya sa kapatid nitong si Bradford ay nakuha pa siyang bigyan ni Reign ng sariling opisina. Gano'n ba siya ka-espesyal sa dalaga? Sobra 'to sa inaakala niya.

Inilabas ni Sir Magdiwang ang keychain na may susi at ipinasa kay Mavi. "So here's the key to your new office. I hope you enjoyed walking around the campus. If you have any questions, don't hesitate to ask me. I'm available at anytime."

Inilahad ni Mavi ang palad niya at kinuha ang susi. "Wonderful. Thank you so much," ani Mavi bago tuluyang nagpaalam ang department head at bumalik sa admin building upang gampanan ang asignatura nito.

Mavi carefully inserted the key into the lock. Pinihit niya ang doorknob at itinulak ang pinto. He entered the room alone, leaving his men outside his office. Mavi gently closed it, then he leaned against the door.

His mouth twisted into a wry smile. "You can run, but you can't hide from me, Vesper. I'll be able to catch you and no one in this campus can stop me. You'll see..."

__

MAVI attended his first lecture at 9:00 AM. Hindi gaya ng nasaksihan niyang commotion kanina, tahimik at naging maayos ang pagtuturo niya sa tatlumpung estudyante ng first year, block three sa subject na Chemistry.

Unfortunately, wala ang babaeng hinahanap niya sa klaseng 'yon. Her name is written on his records but she was marked absent. Ano kayang nagtulak sa babaeng 'yon na huwag pumasok sa klase niya? Aware na kaya ito sa pagdating niya kaya iniiwasan na siya?

Mavi declared early dismissal after an hour of discussion. Naunang lumabas ng classroom si Mavi bago ang iba pa. Without looking at them, he beckoned to his two bodyguards who are patiently waiting outside. Robert and Luther followed their boss, completely clueless about where he was heading to.

Hindi batid ni Mavi ang mga matang nakapukol sa kanya habang nilalakad nila ang mahabang pasilyo palabas ng gusali. Sa higit pitong taon niya sa music industry, sanay na siyang pinagtitinginan ng mga tao. Therefore, people watching his every move seems usual to him.

Huminto ang kanyang mga paa sa tapat ng fountain kung saan kasalukuyan itong naglalabas ng malinis na tubig mula sa itaas, paibaba.

"Luther," pakli niya sa bagong bodyguard na agad lumapit upang kunin ang hawak na learning materials ni Mavi.

Mula sa side pocket ay dinukot ni Mavi ang cellphone niya at nagsimulang mag-picture taking, kabilang na ang mag-selfie sa paligid ng attraction. Naudlot lamang iyon sa biglang pagkawala ng tubig sa fountain. Isinilid na lang niya uli ang cellphone sa bulsa.

Pag-angat niya ng tingin ay tumambad sa kanya ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

"Vesper?" Mavi named the woman who's been sitting on the opposite side of the fountain. Naglaban ang lungkot, awa at pagsisisi ni Mavi nang makita niya kung gaano kalaki ang pinagbago ni Vesper sa nakalipas na walong taon.

Gusto niyang maiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status