ログインRia's POVThe following day...ANDITO kami ni Sami sa clinic para sana yayain si Innie na mananghalian kasama namin. Tamang-tama dahil Sabado ngayon at kaunti lang ang pumapasok na estudyante kaya wala masyadong ganap sa campus. Sasamantalahin na namin ang pagkakataong makapag-bonding kaming tatlo dahil tiyak na busy na naman kami sa mga susunod na linggo bilang paghahanda sa nalalapit na mid-term examination."Saan tayo mag-lunch, mga beh?" tanong ko kina Sami at Nurse Innie."Sa SM na lang kaya? Try natin 'yong bagong Japanese restaurant na nakita ko do'n nang maiba naman. Sawa na 'ko sa buffet at lutong ulam sa cafeteria, eh," suhestyon ni Sami."Ang layo, nakakatamad mag-commute. 'Di ba tayo ma-late niyan pagbalik?" reklamo naman ni Nurse Innie, abala sa pagkiskis ng mga kuko sa hawak na nail strip."Ang lapit-lapit ng mall mula rito kinatatamaran mo pa? Hindi tayo mal-late niyan. Ano ka ba? Kakain lang naman tayo do'n. As if naman na magsh-shopping pa tayo at tatambay nang matag
Ria's POV ALAS-QUATRO ng hapon nang marating namin ni Sami ang gymnasium kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Maxford pageant. Nagmistulang mga langgam ang mga tao sa loob dahil sa dami ng mga estudyanteng manonood. Mabuti na lang, maaga si Nurse Innie at nakakuha siya ng magandang pwesto sa harap kaya agad namin siyang pinuntahan. "Wow! Akala ko hindi na kayo sisipot! Alam niyo bang muntik ko nang ibigay do'n sa dalawang third year students ang upuan ninyo?" sermon ni Nurse Innie sa aming dalawa ni Sami. "Pasensya na, Innie. Eh, ito kasing si Sami ang tagal-tagal mag-retouch sa CR, akala mo naman siya 'yong sasali sa pageant!" katwiran ko pa. "Ay, sorry naman, beb! Kasalanan ko bang maganda ako?" aniya pero hindi ko na 'yon pinansin pa dahil paglapit ko sa aking upuan ay napukaw naman ang atensyon ko sa babaeng nakapwesto sa kanan ko. "Eunice," tawag ko rito. Tumingin siya sa 'kin at bahagyang nagulat sa presensya ko. "Oh. It's you, Ate Ria. I didn't expect you to be her
Ria's POV HUMINTO si Sawada sa harap ni Eunice na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng pasilyo. Nabigla ako at napaamang nang basta niyang inangkin ang labi ng babae. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumirot sa puso ko nang masaksihan ko kung paano niya halikan ang pinsan ko na para bang walang ibang tao sa paligid. Mahahalata rin sa paraan ng paghalik ni Sawada 'yong tuwa at matinding pagkasabik na makasama niya ang kanyang nobya na marahil, ilang linggo niya ring hindi nakita. Kumalas din si Eunice at nagyakapan sila ng lalaki. As I stepped towards them, they drew apart, ending their sweet embrace. Agad din naman nilang napansin ang paglapit ko kaya ngumiti sa 'kin si Eunice. "Good morning, Ate Ria—I mean, Ma'am Salazar," masiglang bati nito. "Good morning din, Eunice. Magkakilala pala kayo nitong si Sawada?" patay-malisya kong tanong sabay turo ko sa lalaking tuod nasa tabi niya. "Yes po. We've been going out for over a year now. We met through his father, who happens to
Ria's POV NAKAUWI ako ng bahay bago pa kumagat ang dilim. Pagbukas ko pa lang ng gate ay nasulyapan ko agad si Kuya na lumabas mula sa apartment unit namin dala ang malalaking eco bag. Hindi ako nag-atubiling lapitan siya. "Kuya, saan ang punta mo?" bungad kong tanong sa kanya. "Diyan lang sa drop-off area. Idadaan ko lang itong mga parcel na kailangan kong i-ship. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. May bisita tayo ngayon galing Bulacan," aniya na naghatid ng tuwa sa sistema ko. "Talaga, Kuya? Sino?" "Nasa salas siya ngayon kausap ni Lolo Ramon. Pasok ka lang, ako'y lalakad na muna at baka magsara na 'yong opisina ng courier. Didiretso na tuloy ako sa palengke nang makapamili na 'ko ng hapunan natin." "Sige, Kuya. Mag-iingat ka, ha." Kinawayan ko siya bago ito tumalikod at lumabas ng gate. Pumasok na ako sa loob at mula sa salas ay naabutan ko si Lolo Ramon na kakwentuhan ang isang babae sa couch. Agad din niya 'kong nakita kaya kumaway ito sa akin. Dumiretso ako sa living roo
Ria's POV LUCKILY, he didn't faint. However, he was so weak that he couldn't walk further, so Sami and I agreed to take him home instead. Walking distance lang naman iyon mula sa spot kung saan siya natumba kaya hindi kami nahirapang dalawa na pasanin siya. Agad namin siyang inihiga sa kama pagpasok namin sa boarding house niya. Halos maligo ito sa pawis kaya inalis ko muna ang suot nitong blazer at tinanggal ang ilang butones ng kanyang polo. "Sami, pasuyo naman ng ice at gamot sa botika. Ako na muna ang bahala rito kay Sawada," pakli ko na sinunod niya naman. Nag-prepare na ako ng batiya at alcohol habang hinihintay ko si Sami. Nakabalik din siya makaraan ang ilang minuto. Gamit ang pinigang towel na nilubog ko sa malamig na tubig at alcohol ay ipinatong ko iyon sa noo ni Sawada. Pinalis niya ang towel mula sa kanyang noo. "Iwan niyo na nga ako. Kaya kong alagaan ang sarili ko," pagmamatigas nito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Halos hindi ka na nga makatayo kanina sa
Ria's POV MULI kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa 'kin ay ang kamao ng lalaki na muntik nang lumanding sa mukha ko. Kung nagkataong walang pumigil sa 'min, tiyak nalagay na sa alanganin ang sitwasyon ko. Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng pamilyar na boses. Hindi ako nagkamali, nasa harap ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapakita sa akin no'ng mga panahong iyon. "Sawada..." halos ibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan. Dahan-dahang ibinaba ng lasing na lalaki ang kanyang kamay. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may knight and shining armor ka pala, Miss." Humarap ito kay Sawada at kanya itong nilapitan. "Ano? Andito ka ba para iligtas ang mahal na prinsesa?" may pagkasarkastikong wika nito at nasundan iyon ng malalakas na tawa mula sa kanyang mga kasama. "Ano bang sabi ko? Hindi naman siguro kayo mga bingi, 'di ba? Pakawalan niyo siya," malamig na utos ni Sawada. Nakatulong ang sapat na liwanag mula sa streetlights para masilayan ko ang n







