Share

Chapter 2

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-10-08 16:09:17

Ria Elaine's POV

"'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib.

"Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko.

"'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito.

"Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis at nagbait-baitan sa inyo. Napapagod na rin ako. Isa pa, dapat nga'y magpasalamat ka't pinagbigyan ko pa kayong mag-ina na makita ang nanay mo hanggang sa araw ng libing niya dahil kung tutuusin ay dapat pinalayas ko na kayo noong gabing namatay siya!" singhal niya pa, dahilan para makapukaw iyon ng atensyon ng mga kapitbahay namin.

Hindi ko pinansin ang mga nakikiusyoso sa paligid. Naiiling akong tumingin kay Tatay Felix, hindi makapaniwala sa naririnig kong mga salita mula sa kanya.

"Grabe. All this time, inakala kong okay ang lahat, na tanggap niyo ako bilang parte ng pamilyang 'to kahit ang tingin ng iba sa 'kin ay disgrasyada pero isang pagkakamali ang naniwala ako. All these years, nakisama ako sa isang tao na walang puso?"

"Anong sabi mo?"

"Mawalang-galang na ho pero 'yon ang totoo."

"Wala kang utang na loob! Baka nakakalimutan mo na kung 'di dahil sa 'kin ay matagal na kayong natutulog sa kalsada niyang anak mo!"

May kung anong tapang ang sumanib sa akin para soplahin siya. "Para lang sa kaalaman ninyo, may utang na loob ako sa mga taong may malasakit sa akin at sa anak ko. Unfortunately, hindi kayo 'yon kundi ang nanay ko.

"Siya ang kumupkop at sumuporta sa akin noong mga panahong dapang-dapa ako, hindi kayo. Siya ang nagpakaama sa akin mula noong mamatay si Papa, hindi kayo. Kaya 'wag kayong magsalita na para bang ang laki ng ambag niyo sa buhay namin ni Kian dahil wala kayong ginawa kundi magpakasarap lang sa buhay!"

"Sumusobra ka na!"

Hindi ko inaasahan na bigla niya akong susugurin at aambahan kaya naging mahigpit ang pagkakayakap ko kay Kian na ngayon ay umiiyak na.

Napapikit na lang ako at hinintay na dumapo ang kanyang kamay sa balat ko pero hindi iyon nangyari.

"Huwag mong sasaktan ang kapatid ko!"

Napamulat ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Natagpuan ko nalang si Tatay Felix na nakasalampak sa semento matapos itong itulak ng taong hindi ko inaasahang susulpot noong mga oras na iyon.

"Kuya Ralph!" I called my half-brother but he didn't bother to respond.

Lumipat ang tingin ko sa kanyang kamao na nakakuyom, na parang pinipigilan ang sarili na saktan si Tatay Felix.

"Anong karapatan ninyong pagbuhatan ng kamay si Ria? Buong buhay niyan hindi 'yan nakatikim ni pitik kay Papa samantalang kayo, nagbabalak pang manakit? Kalalaki niyong tao!" singhal niya rito.

Mula sa pagkakayakap ko kay Kian ay sandali akong kumalas para hawakan sa magkabilang braso si Kuya Ralph. "Tama na, Kuya. Huwag mo na siyang patulan. He's not worth it," sabi ko.

Dahil sa namumuong tensyon sa paligid, isang residente na ang lumapit para tinulungan si 'Tay Felix na makatayo. Hawak-hawak nito ang matanda subalit hindi maawat ang matanda at patuloy na nagwawala.

"Hoy, 'wag ka ngang makialam dito! Wala kang alam sa nangyayari!" bulyaw nito kay Kuya.

"At bakit hindi makikialam si Ralph, eh mga apo ko 'yang winawalanghiya mo?"

Isang pamilyar na boses na naman ang narinig namin mula sa 'di kalayuan. Kapwa kaming napalingon sa direksyon na pinanggagalingan niyon at hindi ako nagkamali.

"Lolo Ramon!" usal ko. Paika-ika itong naglakad palapit sa amin hawak ang kanyang baston.

"Haha, ano ba 'to, family reunion sa harap ng pamamahay ko?" may pagkasarkastikong saad ni 'Tay Felix.

Humito si Lolo sa harap ni Tatay Felix. "Pasensya na kung dito pa namin piniling mag-reunion nitong mga apo ko. Sa katunayan ay plano naming bisitahin 'tong mag-ina gayong 'di kami nakaabot sa libing ni Rachel. Akalain mong ito pa ang bubungad sa 'ming eksena rito sa labas? Paano kaya kung hindi kami dumating? Baka kung ano na ang nangyari sa mag-inang 'to!"

Itinaas ni Lolo ang hawak niyang baston at itinapat iyon malapit sa dibdib ni 'Tay Felix, bagay na ikinagulat ng magaling kong tatay-tatayan.

"Ito na ang huling beses na wawalanghiyain mo ang miyembro ng pamilya ko, Felix. Nawa'y huwag na tayong magkita pa dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" malamig nitong banta.

He pressed the tip of his stick against my stepfather's chest, causing sweat to break out on his forehead. Dahan-dahang napaatras si Tatay Felix, gayon din ang residente na tumulong sa kanya at dali-daling sumibat sa eksena.

"Magsasama-sama kayong apat! Mga salot!" pahabol niya pang wika bago ito nagdesisyon na pumasok sa loob ng bahay at isarado ang gate.

"Mommy..." lumuluhang tawag sa akin ni Kian.

Patuloy kong hinahaplos ang kanyang likod. "Shhh... Tahan na, anak. Andito si Mommy. Wala nang mang-aapi sa atin."

"Ayos ka lang ba kayong dalawa?" pangungumusta sa 'min ni Lolo.

"Oho. Eh, si Kian lang po medyo natakot at ngayon lang niya nakitang gano'n si Tatay Felix."

"Naku, apo. Hayaan mo hangga't nandito kami ng Tito Ralph mo, walang mananakit sa inyo ng Mommy mo. Ayos ba 'yon?" ang sabi ni Lolo kay Kian.

Hindi sumagot ang bata at sa halip ay sumubsob lang siya sa akin. Bukod sa takot ay marahil nahihiya pa rin ito kay Lolo dahil all these years, sa videocall lang nila nakikita ang isa't isa.

Niyaya kami nina Lolo at Kuya sa pinakamalapit na fastfood chain para kumain, habang ang mga gamit namin ay naiwan muna sa barangay hall.

Um-order na kami pagpasok namin sa loob. Kaunti pa lang ang tao kaya hindi kami nahirapang maghanap ng mauupuan. The food has been served in no time kaya kumain na kami.

Habang ine-enjoy ang in-order naming chicken with spaghetti and drinks, sinamantala na namin ang pagkakataong kumustahin ang isa't isa.

Hay, ang tagal din naming hindi nagkita-kitang tatlo. Huling beses 'ata na nakasama ko sina Lolo ay no'ng bumyahe kami ng Bulacan ni Mama para pumunta sa burol ni Papa. Third year college pa lang ako no'n kung hindi ako nagkakamali.

Tubong Bulacan kasi ang pamilya ni Papa, habang si Mama naman ay tagarito sa Palawan. Si Kuya Ralph ay kapatid ko sa ama, bale anak siya sa unang karelasyon ni Papa na basta na lang naglaho matapos iwan si Kuya sa labas ng bahay nina Papa noon.

Kapwa kaming nagtapos ni Kuya sa kursong Business Administration, pero sa aming dalawa, ako lang ang nakapag-masteral dahil mas priority ni Kuya noon na magtrabaho agad.

Ngayon ay siya ang kasa-kasama ni Lolo Ramon habang pinapatakbo niya ang kanyang online business na nakakatulong sa expenses nila, bukod sa kinikita ng kanilang paupahan na nasa Maynila.

"Nga pala, hija. Pasensya ka na't hindi kami nakapunta kahit sa burol ng nanay mo. Eh, alam mo namang kagagaling ko lang sa sakit at ngayon lang naka-recover. Pupunta sana kami sa libing, hindi naman kami nakaabot kay na-delay ang flight namin papunta rito," mahabang paliwanag ni Lolo.

"Naku, 'Lo, okay lang po 'yon. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon. Sapat na po sa 'min na binisita niyo kami ni Kian, lalo pa ngayon na nagkaroon pa kami ng pagtatalo ni 'Tay Felix. Ipinagpapasalamat ko na andito kayo ni Kuya Ralph," sabi ko sabay higop ng iced tea sa baso.

"Eh, anong balak mo ngayon, bunso? Sa nakikita namin mukhang tuluyan ka nang tinakwil niyang ama-amahan mo?" tanong ni Kuya Ralph. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

"'Yon na nga, e. Hindi pa nga kami nakaka-recover sa pagkamatay ni Mama, heto't may panibagong pagsubok na naman ang dumating. Sa ngayon siguro maghahanap muna kami ng matitirahan habang iniisip ko kung paano kami mabubuhay ni Kian."

"Eh, kung magsama-sama na lang kaya tayo? Kaysa umupa pa kayo ng bahay, ba't 'di na lang kayo sumama sa amin pabalik? 'Di ba, 'Lo?"

"Tama si Ralph," sangayon ni Lolo. "'Di ba nabanggit ko sa 'yong may pinatayo akong apartment building sa Maynila? 'Yong pinakamalaking unit sa ibaba ay kami ni Ralph ang nakatira. Kasyang-kasya tayong apat doon at wala na kayong iintindihin pang mga bayarin na kung-ano-ano."

"Ano, Kian? Sama ka sa 'min? Marami kang makakalarong bata roon na kasing-edad mo! Tapos sasakay tayo ng airplane! Gusto mo?" panghihikayat ni Kuya sa bata na tinugunan naman ni Kian ng ngiti at pagtango.

"Naku, maraming-maraming salamat sa inyo. Hulog talaga kayo ng langit sa amin ng anak ko," saad ko na medyo nahihiya pa.

"Wala 'yon, apo. Sino-sino bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang? Oo nga pala, mabanggit ko. Nakaraan kausap ko 'yong dati kong estudyante na nagtatrabaho ngayon sa HR ng Maxford University. Hiring daw sila ng instructor, baka gusto mong mag-apply? Saktong-sakto may master's degree ka, 'yan ang kailangan nila ngayon."

"Sige ho! Mag-a-apply ako. Pangarap ko pa namang makapagturo sa M.U. noon pa. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito. Malaking tulong din ito para makapagsimula uli kami ni Kian!" sabi ko nang may sigla.

Agad napawi ang mga alalahanin ko sa naging alok sa amin ng dalawa. Grabe, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib after all the drama we've been through.

Hindi lang kami nakahanap ng matitirahan, matutupad ko na rin ang pangarap kong makapagturo sa isa sa kilalang unibersidad sa bansa. Magandang simula ito para sa amin ni Kian.

And all of this wouldn't be possible if it wasn't for Him.

"Thank you po," sa isip ko habang tanaw ko ang bughaw na kalangitan mula glass window ng fast food chain.

__

NAGAWA namin ni Kian na maka-book ng flight pa-Maynila sa mismong araw na iyon. Tuwang-tuwa si Kian dahil for the first time ay nakasakay siya ng eroplano.

On the other hand, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil babalik ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Apat na taon din ang nakalipas noong huli akong nakapunta ng Maynila. Dito ko lang naman nahuli ang ex-boyfriend ko na may kinakamang ibang babae at 'yon ang naging daan para mapunta ako sa bar at makilala ang lalaking nakabuntis sa akin na siyang ama ni Kian.

Bumuga ako ng hangin upang itaboy ang nararamdaman kong kaba. Hindi, imposible. Sa laki ng Maynila, maliit ang chance makita ko pa sila.

Alas-siete ng gabi na kami nakarating sa sinasabing paupahan na pag-aari ni Lolo Ramon. May limang unit ito sa taas at apat sa ibaba, kabilang na 'yong kina Lolo na merong tatlong bedroom.

Nagpahinga na rin kami dahil pare-pareho kaming pagod sa biyahe. Makaraan ang ilang araw, nagtungo ako sa Maxford dala ang mga requirements ko. In-interview rin ako the next day at sa kabutihang palad ay naipasa ko naman.

Nakakatuwa dahil nang malaman nilang apo ako ng isang Professor Ramon Salazar ay lalo silang nagkainteres na bigyan ako ng regular position sa paaralan.

"Iba ka talaga, 'Lo!" sa loob-loob ko.

Nakangiti akong naglalakad sa hallway ng admin building matapos ang matagumpay na job interview ko. Hapon na noong mga oras na 'yon pero kapansin-pansin ang mahabang pila ng mga estudyante sa registrar's office na abot hanggang sa labas ng gusali.

Ngayong araw lang 'ata nag-start ang enrollment period para sa darating na pasukan sa Hunyo. I'm quite surprised to see how many people are still waiting in line at this point. May mga gwardya ring nakabantay sa bawat opisina para ma-maintain ang maayos na pila at hindi magkagulo.

I can't afford to stay in a crowded place like this, so I headed to the gate. Palabas na sana ako ng campus nang biglang...

"Tabi!" Isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket ang dumaan mula sa likod ko at binangga ako.

Hindi ko na nagawang mag-react pa sa ginawa ng walang modong 'yon at napatingin na lang ako sa exit dahil bukod sa nagmamadali siyang lumabas ay bigla na lang kumabog ang aking dibdib.

Feeling ko hindi dahil binunggo niya ako. Ando'n 'yong takot, e. May takot akong naf-feel na hindi ko ma-explain. Basta ko na lang 'yon naramdaman nang nilampasan niya ako.

Sino ba ang lalaking 'yon at bakit gano'n na lang kaba ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 3

    Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis a

  • Hiding My Student's Son   Chapter 1

    Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta

  • Hiding My Student's Son   Simula

    "MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career mo? 'Yon pala iba ang tinatrabaho mo?!" sabi ko habang pinaghahampas ko si Brent sa braso.Sunod ko namang hinablot ang buhok ng babae. "At ikaw! Ang kapal ng mukha mong sipingan ang boyfriend ko! Malandi ka!""'Wag mong saktan ang girlfriend ko!" Mabilis kong nabitawan ang babae nang itulak ako nang malakas ni Brent kung kaya't napasalampak ako sa sahig.Galit siyang nakatingin sa akin habang yakap-yakap niya pa ang babae, bagay na lalong nagpakulo ng dugo ko kaya agad akong napatayo."Wow! So girlfriend mo na pala 'yan? Paano naman ako? Brent, bumyahe ako mula Palawan para sana sorpresahin ka sa mismong anniversary natin pero ano 'to? Ako pa 'yong nasurpresa? Bakit, Brent? Bakit mo 'ko naga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status