Share

Chapter 3

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-10-08 16:11:10

Ria Elaine's POV

HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos.

Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang.

Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako."

"Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo.

"Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo while I'm not around, okay?"

"Yes, Mommy. I love you!"

"I love you, too," sabi ko sabay halik ko sa kanyang ulo. "Kuya, sa 'yo muna si Kian."

"O siya, sige. Mag-iingat ka." Ngiti lang ang naging tugon ko sa sinabi ni Kuya.

"Kumain ka roon bago ka pumasok sa klase mo!" pahabol pa ni Lolo.

"Opo!"

Nagmamadali na akong lumabas ng unit at nag-abang ng masasakyan. 'Di nagtagal ay may humintong taxi sa harap ko. Dali-dali akong sumakay.

Makaraan ang ilang minuto ay narating ko rin ang main campus ng Maxford University. Sa gate pa lang ay tumambad na sa akin ang bilang ng mga estudyanteng papasok sa loob. May ilang mga naka-civillan, pero karamihan sa kanila'y nakasuot na ng blazer uniform.

As I enter the school premises, ang unang nakatawag ng pansin ko ay ang tingin sa akin ng mga taong nadaraanan ko. Kung tignan kasi nila ako ay parang ngayon lang sila nakakita ng tao.

'Di ko na lang pinansin iyon at dire-diretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang building ng College of Business and Accountancy kung saan ako naka-assign na magturo.

"Miss Salazar!" Mula sa harap ng Dean's office ay sinalubong ako ni Ma'am Marisa Abadiño, ang Dean ng CBA.

I already met her during my job interview dahil bukod sa HR staff ay isa siya sa mga nagtanong sa akin doon kaya madali ko siyang namukhaan. She has a kind soul and is very professional.

"Good morning po, Ma'am. How are you?"

"I'm good. Thank you," she replied in a sweet, caring voice. "Are you ready for your first day on the job?"

"Yes, Ma'am," ganado kong sagot.

"Okay. I believe you already have your schedule, right? But before you begin with your first class, I'll introduce you to the entire faculty. Follow me." Tumango ako at sumunod sa kanya.

Dinala niya 'ko sa faculty room na ilang hakbang lang ang layo mula sa opisina niya at kanya akong ipinakilala sa mga teachers doon na halos lahat ay may edad na, maliban sa isa.

Itinuro ni Ma'am kung saan ang mesa ko. Nagpaalam din siya dahil marami pa raw siyang aasikasuhin sa opisina niya. Paglapit ko sa table ko ay nginitian ako ng babaeng nakaupo sa katabing mesa.

Siya 'yong tinutukoy kong teacher na medyo bata pa. If I have the right guess, I'd say she's just the same age as me.

Nakausot siya ng asul na sheath dress at may mahabang buhok na naka-ponytail. Maputi at makinis din ang balat niya. Sa mukha pa lang niya, masasabi kong mabait siya dahil napakaamo nito na parang anghel.

"Hello, Ganda! Welcome to Maxford," bati niya pa saka nito nilahad ang kanyang kamay. "I'm Samantha Sarmiento but you can call me Sami. Nice to meet you."

I smiled back and gave her a warm handshake. "A pleasure to meet you too, Sami," sambit ko at naupo na kami sa kanya-kanya naming mga mesa.

"Huwag kang mahiya ha, mababait kaming lahat dito," paniniguro niya. "You want coffee? I'll get one for you."

"Hindi, okay lang. Bawal ako sa kape, e. Pasensya na."

"Gano'n ba? Okay. Basta kung may kailangan ka, magsabi ka lang. Hindi kami nangangagat dito. Nanunuklaw lang. Cheret!"

'Di ko napigilang matawa sa naging asal sa 'kin ni Sami. Ang lively kasi ng personality niya, nakakatuwa.

"I sure will. Thank you," I replied.

At that moment, sinamantala naming dalawa ang bakanteng oras para magkwentuhan. Taga-Pampanga pala siya at doon din nakapagtapos ng pag-aaral.

She's been teaching for quite some time before her previous school closed down. That's when she decided to test her fate in Manila, hoping to get a job here at Maxford despite its high standards. She was lucky to be chosen. Currently, nasa six months na siya sa university at maganda naman daw ang experience niya rito.

Nakuwento ko rin sa kanya na isa akong single mom na galing Palawan. Nabanggit ko rin kung gaano kahirap ang naging sitwasyon namin ni Kian bago kami nakatungtong ng Maynila.

"Grabe naman pala ang nangyari sa inyong mag-ina, 'no?"

"Oo nga, e. Pero sa kabila n'on, hindi naging balakid sa 'kin ang ano mang pagsubok maitaguyod lang ang anak ko. Ako lang ang inaasahan ni Kian, at bilang ina, handa kong suungin lahat ng hirap, matiyak ko lang na makakakain siya ng tatlong beses sa isang araw at may maayos na higaan gabi-gabi. Iyon lang, ikalulugod na ng kalooban ko."

"Alam mo, hanga ako sa inyong mga single mom. Wala sa bokabularyo niyo ang sumuko kahit bagsakan kayo ng langit at lupa, pipilitin niyong makatayo para sa mga anak ninyo. Ikaw 'yong halimbawa ng isang ina na dapat tularan."

"Ginagampanan ko lang ang obligasyon ko sa bata, Sami. Sino ba namang ina ang gustong nakikitang nahihirapan din ang anak nila, 'di ba?"

"Tama ka diyan," pagsangayon niya na sinuklian ko naman ng ngiti.

Napatingin ako sa wall clock na nasa bandang itaas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras.

"Naku, mag-a-alas otso na pala, kailangan ko nang pumunta sa first class ko!" halos maibulalas ko ang salitang 'yon dahil sa panic.

"Now that you mention it, ako rin. Tara, sabay na tayo. Hinihintay na ako ng mga naguwa-guwapuhang mga first year!" excited niya pang sambit saka siya tumayo.

Nang makatayo ako sa kinauupuan ay nakaramdam ako bigla ng pagkahilo kaya napahawak ako sa ulo.

"Uy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Sami.

"H-ha? Oo, medyo nahilo lang ako't baka dala lang ng gutom. Hindi kasi ako nakakain kanina."

"Dumaan kaya tayo ng cafeteria nang makapag-breakfast ka muna? Mahirap na't first day mo ngayon tapos bigla kang mag-collapse sa gitna ng klase."

"Hindi na, okay lang ako, Sami. Isa pa, wala na akong time para dumaan sa canteen. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos ng unang klase ko. Saglit lang naman 'to."

"Sure kang kaya mo?"

"Oo. Tara na, mahuhuli na tayo!" Dinampot ko na ang mga kailangan kong dalhin tulad ng marker, textbook at folder na may lamang records at lumabas na ng faculty room.

Hindi pa man kami nakakalayo, andyan na naman 'yong mga matang nakapalibot sa akin. Majority ng mga estudyanteng madaanan namin ay sa amin nakatingin. Bakit kaya?

"Kanina ko pa napapansin, ah. Pagpasok ko pa lang sa gate, pinagtitinginan na ako ng mga tao. 'Yong totoo, may something ba sa mukha ko?" napatanong tuloy ako kay Sami.

"Oo. Alam mo kung ano? Kagandahan."

"Ha?"

"Nagagandahan sila sa 'yo, 'te! Para ka kasing manika sa totoo lang! Kakaiba 'yong beauty mo na hindi mo mahahanap sa kahit sinong estudyante rito."

Bahagyang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Gano'n ba ako kaganda?" pabulong kong sabi.

"Ay, ano ba sa tingin mo? Sa hitsura mong 'yan, 'di na ako magtataka kung pati 'yong tinaguriang kilabot ng university mabighani sa 'yo!"

"At sino naman 'yon?" nagtataka kong tanong.

"Malalaman mo rin in no time. O siya, pasok na ako sa klase ko. Balitaan mo ako mamaya kung ano'ng naging ganap, ha? Good luck!"

"Sige," sabi ko at doon na kami naghiwalay ni Sami.

Umakyat na ako sa third floor kung saan ang silid aralan na aking papasukan. According to my schedule, my first class would be in room 303, third year, block 1. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang palapit ako nang palapit sa mismong classroom.

Huminto ako sa harap ng pinto at huminga muna nang malalim bago pumasok. Tumambad sa 'kin ang mga estudyante na sa tantiya ko'y nasa 25-30 ang bilang.

Sabay-sabay silang tumayo mula sa kanilang mga upuan at bumati nang may paggalang. "Good morning, Ma'am!"

"Good morning everyone," matamis kong sambit at naglakad papunta sa teacher's table upang ilapag ang aking mga gamit.

Saglit kong pinagmasdan ang lahat ng estudyante. They are so well-behaved that no one bothers to talk while I'm in front. Nakatingin lang sila sa 'kin na para bang may anghel sa harapan nila. Mukhang magiging maganda ang experience ko sa klaseng ito, ah.

But then, I noticed the only vacant chair at the back. Nasa pagitan iyon ng lalaking may kalakihan ang katawan, at ng isa na medyo payat at mukhang chinito. Naku, kung may hahabol man sa klase ko, aba sana'y kasing tino ng mga tao rito dahil ayoko ng sakit sa ulo.

"First and foremost, my name is Ria Elaine Salazar, and I will be your instructor in Strategic Cost Management for this semester. Before I begin my discussion, I'd like to get your COR first. So please pass it to the student in front of you."

Sumunod naman ang mga estudyante at kanilang ipinasa ang mga certificate of registration nila. Ibinalik ko rin 'yon matapos kong pirmahan at sinimulan ko nang i-discuss ang course outline.

Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang pinto na pumukaw sa atensyon naming lahat. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki na wolfcut ang buhok.

Basta na lang ito naupo sa nag-iisang bakanteng upuan sa likod. Binati naman siya ng dalawang katabi niya. Mukhang katropa niya 'ata ang mga ito.

Tumikhim ako upang tawagin ang kanyang atensyon. "Excuse me. Are you enrolled in this class?"

"Ano sa palagay mo?" pabalang niyang sagot habang prenti itong nakasandal sa upuan.

Agad na nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.

"Well, I've been standing here for about twenty minutes and you just barged into my class without presenting your COR so how would I know? Sinisiguro ko lang na walang nags-sit-in sa klase ko," paniniguro ko.

Hindi siya kumibo, sa halip, nakuha niya pang ngumisi na tila nag-aasar pa. Mabilis na kumulo ang aking dugo. Anong klaseng estudyante ito? Alam niyang teacher ang kaharap niya and yet ganito siya kung umasta? Napakawalang-modo!

Despite his unpleasant behavior, I took a deep breath to compose myself. "Anyway, just give me your COR and I'll sign it."

Tumayo ito at preskong naglakad papunta sa direksyon ko hawak ang isang dokumento. Habang palapit siya sa 'kin ay ramdam ko ang pag-slow motion ng paligid. Doon ko napag-aralan ang kanyang mukha na tila pamilyar sa akin.

Huminto siya sa harap ko at padabog niyang nilapag ang COR nito sa mesa ko.

"Go ahead and make it quick. I don't have all day," he said in the rudest way possible, however, I couldn't move so I just stared at his face.

This guy, not only he looked familiar but he also resembles my son! Parang nakikita ko ang mukha ni Kian sa kanya! Posible ba talaga ito?

"Pipirma ka, o magtititigan na lang tayo rito?"

Doon lang ako nahimasmasan at saka ko kinuha ang papel na nasa mesa. Binasa ko ang nakasulat sa COR niya at hindi ako labis makapaniwala sa pangalan na nakalagay roon.

NAME: SAWADA, KEITH JASPER L.

AGE: 22

PROGRAM: BSBA - FINANCIAL MANAGEMENT

YEAR LEVEL: THIRD YEAR

It was the same name written on the stranger's bracelet he left on my bed four years ago. Walang duda, ang lalaking ito ay ang ama ng anak ko!

Nanginginig ang mga kamay ko hawak ang papel habang kumakabog ang aking dibdib. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na magawang tumingin sa mga mata ng lalaking kaharap ko. Unti-unti akong nakakaramdam ng panghihina hanggang sa nag-blackout na ang aking paningin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 3

    Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis a

  • Hiding My Student's Son   Chapter 1

    Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta

  • Hiding My Student's Son   Simula

    "MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career mo? 'Yon pala iba ang tinatrabaho mo?!" sabi ko habang pinaghahampas ko si Brent sa braso.Sunod ko namang hinablot ang buhok ng babae. "At ikaw! Ang kapal ng mukha mong sipingan ang boyfriend ko! Malandi ka!""'Wag mong saktan ang girlfriend ko!" Mabilis kong nabitawan ang babae nang itulak ako nang malakas ni Brent kung kaya't napasalampak ako sa sahig.Galit siyang nakatingin sa akin habang yakap-yakap niya pa ang babae, bagay na lalong nagpakulo ng dugo ko kaya agad akong napatayo."Wow! So girlfriend mo na pala 'yan? Paano naman ako? Brent, bumyahe ako mula Palawan para sana sorpresahin ka sa mismong anniversary natin pero ano 'to? Ako pa 'yong nasurpresa? Bakit, Brent? Bakit mo 'ko naga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status