Ria Elaine Salazar's POV
DUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon. Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila. Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko? Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo. My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger. Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko. Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabutan ko si Mama na nagkakape kasama ang stepfather kong si Tatay Felix. "Ma, puwede ko po ba kayong makausap? May sasabihin lang po akong importante." __ "TAMA ba ang narinig ko? Buntis ka?" gulat na tanong sa 'kin ni Mama. Halos 'di maipinta ang mukha nila ni Tatay Felix gawa ng rebelasyong isiniwalat ko. Hindi ako makakibo at ang tanging nagawa ko lang noo'y hayaan ang mga luha kong bumagsak sa aking pisngi. Tumayo si Mama at dahan-dahang naglakad palapit sa kinatatayuan ko. "Speak up, Ria," aniya, mababa ngunit malamig ang tono ng kanyang pananalita. Tumango-tango lang ako habang patuloy sa pag-iyak. "He's the father, right?" she asked, referring to Brent. Umiling-iling ako. "I'm sorry, 'Ma-" Nayanig ang sistema ko nang dumampi ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Napahawak ako sa mukha nang maramdaman ko ang hapdi ng kanyang sampal. "Rachel!" ani Tatay Felix. Tumingin ako kay Mama, halatang namumula siya sa galit habang hawak-hawak siya sa magkabilang braso ni Tatay Felix. "Since when did this happen, huh? Sino'ng ama niyan? Sumagot ka!" "Matapos kong hiwalayan si Brent no'ng nasa Manila ako, nagpunta ako sa isang bar at may nakilala akong lalaki. Dala ng kalasingan ko, naibigay ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ko lubos akalaing paggising ko'y tatakbuhan niya ako-" Nagawa niyang makakalas kay Tatay Felix. "So sinasabi mo sa 'kin na 'di mo alam kung sino'ng nakabuntis sa 'yo? My goodness, Ria Elaine! Hindi kita pinalaki para maging disgrasyada!" aniya habang sapo ang noo. "I'm sorry, 'Ma! Nagawa ko lang naman 'yon dahil nasaktan ako sa ginawa sa 'kin ni Brent-" "Well, that's not an excuse para pumunta ka sa bar at kumerengkeng ka kung kani-kanino! Hindi mo man lang nirespeto ang sarili mo, kababae mong tao! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa 'yo? Nilagay mo hindi lang ang pamilyang 'to sa kahihiyan, kundi pati na rin ang sarili mo! "Ngayon paano mo hahabulin 'yang nakabuntis sa 'yo? Paano mo dadalhin sa mundo ang batang 'yan nang mag-isa, lalo na ngayon na nagmamasteral ka pa? Hindi ka nag-iisip!" Nanatili akong walang kibo at malayang sinalo lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Mama. Hindi ko siya masisisi kung gano'n na lang ang reaksyon niya dahil sa laki ng kasalanan ko, kahit sinong ina siguro ay maghuhuramentado talaga. Pero paano ko nga ba malulusutan ang malaking problema na pinasok ko? Isang tanong na walang kasiguraduhan kung may kasagutan ba, lalo na ngayon na pakiramdam ko'y mag-isa ako sa laban. "I know I made a mistake, a huge mistake indeed. Labis-labis po ang pagsisisi ko to the point na kung maibabalik ko lang ang panahon ay gagawin ko ang lahat para maituwid ang pagkakamaling nagawa ko." Kinuha ko ang kamay ng dalawa at nagpatuloy. "'Ma, 'Tay Felix, patawarin ninyo ako. Bigyan niyo sana ako ng isa pang chance para ayusin ang sarili ko. I'll be a better person from now on and I'll do everything I could to regain the trust you gave me. Please, samahan niyo ako sa laban kong ito. Kailangan ko kayo, 'Ma. Patawad!" pagsusumamo ko habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng aking luha. Tahimik lang si Tatay Felix na tila ibinabalato niya ang desisyon kay Mama na ngayon ay emosyonal na rin. Ikinulong ko siya sa bisig ko. Iyon bang hindi pagpalag ni Mama nang yakapin ko siya, parang nabawasan 'yong bigat na dala-dala ko. Sa puntong ito, nararamdaman ko 'yong pagmamahal niya sa akin kahit 'di niya ipakita, kahit hindi niya sabihin. Tunay ngang 'di kayang tiisin ng isang ina ang kanyang anak. Nang kumalma ang sitwasyon, naupo kami sa couch. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Mama at naghihintay lang ako ng sasabihin niya. "Tungkol diyan sa tatay ng bata, tutulong kami ng Tatay Felix mo para matukoy at mahanap ang kinalalagyan niya. Hindi ako papayag na lalaki 'yang bata nang walang kinikilalang ama," aniya. "Okay lang, 'Ma. Hindi na kailangan. Kakayanin ko na 'to nang wala siya sa buhay ko." "Ano?" "Iniwan niya ako sa motel matapos ang gabing iyon. Clearly, wala siyang balak na panagutan ako, so bakit pa tayo magsasayang ng oras sa taong ayaw magpakaama? Kung ayaw niya, pwes wala siyang karapatan na makita at makilala ang anak ko," mariing wika ko. Napahawak ako sa tiyan at sinabing, "Sa oras na maisilang ko ang batang ito, dadalhin niya ang apilyedo ko at ako ang kikilalanin niyang ama at ina hanggang sa paglaki. Pasensya na po, pero sa aspetong ito, ako ho ang magdedesisyon dahil ito ang mas makabubuti para sa bata." "Naiintindihan ko, kung 'yan ang gusto mo," sagot ni Mama. Ikinagulat ko ang biglang paghawak niya sa kamay ko, bagay na 'di ko in-expect na gagawin niya matapos ang lahat. "Basta kung kailangan mo ng tulong, andito lang kami para umagapay sa 'yo. Tutulungan ka namin ng Tatay Felix mo." Dumikit ako kay Mama saka ko isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Salamat, Mama. Maraming salamat..." I said in tears. __ HINDI naging biro ang mga sumunod na buwan dahil bukod sa naging maselan ang pagbubuntis ko ay kailangan kong ipagpatuloy ang masteral ko. Mabuti na lang, andiyan si Mama para suportahan ako. Tinulungan niya 'ko mula sa aking pagbubuntis hanggang sa araw na isinilang ko sa mundo ang anak kong si Kian Jett. Nag-focus ako sa pagiging full-time mom at estudyante. Luckily, I was able to get my master's degree in a certain timeframe. Gayunpaman, isinantabi ko muna ang pangarap kong magturo sa isang university dahil gusto ko munang tutukan ang anak ko lalo't maliit pa ito. Nang lumaki-laki si Kian, nagpasya akong tulungan si Tatay Felix na mapalago ang grocery store na pag-aari nito hanggang sa nagkaroon na ng tatlong branch. Paraan ko ito upang masuklian ang kabutihan nila ni Mama sa akin sa loob ng ilang taon. Natutunan ko ring paglaanan ng oras ang sarili ko at yakapin ang pagbabago. I got my braces to fix my crooked teeth, nagpakonsulta rin ako sa isang dermatologist para sa aking facial treatment. May binigay siya sa 'king skin care routine upang hindi na bumalik pa ang mga tagyawat ko sa mukha at para na rin ma-maintain ang ganda ng aking balat. Whenever I look in the mirror, I always see a brand new version of myself—malayong-malayo sa Ria na naging biktima ng dalawang kalalakihan dahil sa kanyang hitsura. Kung anong ganda ng mukha ko ay siya ring ikinaganda ng buhay ko ngayon. That's how my life has turned 180 degrees after four years. Ngayon, masasabi kong masaya na 'ko dahil sa wakas, nakamtan ko rin ang ginhawa kasama ang mga mahal ko sa buhay... __ IT'S BEEN four years since the last time I experienced pain and suffering. Akala ko, tuluyan na akong nakabangon mula sa matinding pagkakadapa pero nagkamali ako. Last week, my mother was diagnosed with stage 5 renal disease, and eventually passed away before she could undergo her first dialysis session. Bilang anak, napakasakit sa akin ang mawalan ng ina na naging karamay ko sa buong buhay ko. Hindi ko matanggap na kukunin siya sa 'kin sa isang iglap lang gayong ang dami ko pang naiisip na gawin kasama siya. "Ako nang bahala kay Kian, 'Ma. Salamat sa lahat. Hanggang sa muli. Mahal na mahal kita..." humahagulhol kong sabi bago ko isinara ang takip ng kanyang kabaong. Napuno ng iyakan sa paligid ng libingan ni Mama habang tumutugtog ang malungkot na musikang parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ko noong mga oras na 'yon. Sinimulan na nilang ibaba ang casket kaya naupo na muna ako katabi ang isang batang lalaki. Ikinulong ko ito sa aking bisig upang kahit papa'no maibsan ang sakit na nadarama ko. "Mommy," tawag niya sa akin. "Tayong dalawa na lang ang magkasama, anak, pero 'di bale, kakayanin ni Mommy ito—kakayanin nating dalawa," sabi ko habang pinapanood ang pagbuhos ng lupa sa kabaong ni Mama. Nanatili akong nakayakap kay Kian dahil siya lang ang pinagkukunan ko ng lakas sa gitna ng pagsubok kong ito. Ngayong wala na si Mama, pakiramdam ko'y napundi rin ang ilaw ng aming tahanan. Pero gayunpaman, kailangan kong tumindig at magpakatatag dahil sa akin lang umaasa si Kian at bilang ina, gagawin ko ang lahat, mabigyan lang siya ng mas komportableng pamumuhay. Matagal kaming naupo sa harap ng puntod ni Mama na ngayon ay natatabunan na ng lupa't mga bulaklak. Kapansin-pansin din ang pagnipis ng bilang ng mga taong nakipaglibing. Wala na rin si Tatay Felix sa eksena. "Tara na, anak. Baka hinihintay na tayo ni Tatay Felix sa sasakyan," pag-aaya ko na sinangayunan naman ng bata. I took a glance at my mother's grave before we left. Pero nang palabas na kami ng sementeryo, napansin namin na nakaalis na pala ang kotse ni Tatay Felix. Marahil nainip 'yon kahihintay sa 'min kaya iniwan na kami. Sa huli, nagpasya kaming mag-commute ni Kian. Pagbaba namin ng tricycle ay laking gulat ko nang makita ang kasambahay namin na inilalabas ang mga gamit naming mag-ina, at mula sa gate ay nakatayo si Tatay Felix na tila hinihintay ang aming pagdating.Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi
Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis a
Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta
"MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career mo? 'Yon pala iba ang tinatrabaho mo?!" sabi ko habang pinaghahampas ko si Brent sa braso.Sunod ko namang hinablot ang buhok ng babae. "At ikaw! Ang kapal ng mukha mong sipingan ang boyfriend ko! Malandi ka!""'Wag mong saktan ang girlfriend ko!" Mabilis kong nabitawan ang babae nang itulak ako nang malakas ni Brent kung kaya't napasalampak ako sa sahig.Galit siyang nakatingin sa akin habang yakap-yakap niya pa ang babae, bagay na lalong nagpakulo ng dugo ko kaya agad akong napatayo."Wow! So girlfriend mo na pala 'yan? Paano naman ako? Brent, bumyahe ako mula Palawan para sana sorpresahin ka sa mismong anniversary natin pero ano 'to? Ako pa 'yong nasurpresa? Bakit, Brent? Bakit mo 'ko naga