Share

Chapter 4

Penulis: Venera
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-16 09:43:43

Ria Elaine's POV

PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko.

I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone.

"Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin.

"Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman.

"Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain."

"Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayon lang kasi kita nakita."

"Oo. Na-hire ako nitong Mayo lang. Eh, teka, paano ba ako napunta rito sa clinic?"

"Dinala ka rito ng mga estudyante mo na taga-CBA dahil nag-collapse ka raw sa gitna ng klase. Turns out, mababa ang blood pressure mo kaya naglagay ako ng unan sa paa mo."

Ngayong nabanggit niya ang tungkol doon ay nanumbalik sa memorya ko ang huling mukhang nakita ko bago ako nawalan ng malay.

Si Keith Jasper Sawada. Ang kauna-unahang estudyante na nambalahura sa akin sa university na siyang sumubok ng pasensya ko. What's even more interesting is that this guy isn't just a student who acted so big in my class. He's actually the guy I slept with four years ago.

It feels surreal, but it's true. Sinong mag-aakalang sa laki ng Maynila ay magkikita pa kami ng lalaking iyon at sa dinami-rami ng magiging papel niya sa buhay ko ay estudyante ko pa talaga!

Napahawak ako sa noo nang maisip ko 'yon. Ah, mukhang kailangan ko munang magbawi ng lakas. Pag-uwi ko'y saka ko pag-iisipan ang magiging hakbang ko upang manatiling sikreto ang nakaraan namin ng lalaking iyon.

__

DUMATING din ang pagkain na pinasuyo ko kay Nurse Innie. Nang makakain ako ay plano ko na sanang magpahinga muna uli nang biglang pumasok ang isang pamilyar na mukha sa loob ng clinic.

"Ria..."

It was Sami. Naglakad siya palapit sa direksyon kung saan ako nakahiga. Naupo ito sa monoblock chair na nasa gilid ng kama.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo. Hinimatay ka raw," aniya. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Hay naku, sisteret. Bumagsak ang BP dahil walang kain kaya tumawag ako sa cafeteria para um-order ng pagkain," ang sabi naman ni Nurse Innie na ikinagulat ko. They know each other?

Napabuga ng hangin si Sami. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e. Nag-suggest pa ako sa 'yo na dumaan muna tayo ng cafeteria bago mag-start ang klase pero in-insist mo na okay ka lang at kaya mong magturo."

"I know, Sami. I should've listened to you. I'm sorry," I told her.

"It's okay, but next time don't be so hard on yourself. Alam kong mahalaga ang first impression sa unang araw ng trabaho pero wala naman masama kung maglaan ka ng kaunting oras para sa sarili mo."

"Sami's right, Ma'am. Saka hindi naman sa first impression nakikita kung sino ka talaga. It's how you treat people around you with respect. I don't know you, but from what I observed, you seem like a nice and dedicated person. It's all that matters," Innie said genuinely. I can see it through his chinky eyes and wide smile.

"Your words are encouraging. Thank you. I appreciate it," ang sabi ko sa dalawa. "Nga pala, Sami. Magkakilala pala kayo nitong si Nurse Innie?"

"Oo. Ka-batch ko ito sa Pampanga. Apat na taon din 'tong tumira sa boarding house ng mama ko noong college kaya naging magkaibigan kami. Siya rin ang nag-recommend sa akin na sumubok mag-apply sa Maxford kaya napadpad ako rito sa Maynila. Wait, if I remember correctly, Inocencio pa ang tawag sa 'yo ni Mama sa tuwing sinisingil ka niya ng bayad sa renta," natatawang tudyo ni Sami kay Nurse Innie.

"Girl, please. Stop! Kinikilabutan ako sa tuwing nababanggit mo ang tungkol sa bagay na iyan!"

Nagpalitan ng tawa ang magkaibigan habang ako'y nakisabay na rin. Nakakatuwa dahil iisa lang ang ugaling nananalaytay sa dugo nila - pareho silang kalog at masiyahin. 'Di katakatakang naging magkaibigan sila.

"By the way, Ria. Maiba lang. Nabalitaan ko pala sa mga estudyante rito na nasa klase mo raw si Sawada?"

"Gagi, legit? Estudyante ni Ma'am ang lalaking 'yon?" gulat na reaksyon ni Nurse Innie. Tumango si Sami bilang tugon.

"Bakit, ano bang meron kay Keith Sawada?" kunot-noong tanong ko.

"Bhie, siya 'yong sinasabi ko sa 'yong kilabot ng university. Sakit 'yan sa ulo mula noong lumipat 'yan sa CBA."

"Lumipat?"

"Oo. Ayon sa kuwento ng ibang kasamahan natin sa faculty, dating architecture student 'yang si Sawada galing CEAT. Incoming second year na sana 'yan doon nang bigla raw nag-stop sa 'di malamang dahilan. Well, nagawa naman niyang makabalik nang sumunod na taon pero sa halip na ipagpatuloy ang architecture ay nagdesisyon siyang kumuha ng business course sa CBA.

"Anyway, naging usap-usapan din daw na noong unang araw pa lang niya sa CBA ay nakatapat na raw niya ang pinakamatapang na estudyante rito sa campus. Tanging si Sawada lang daw ang nakapagpa-bahag ng buntot nito at mula n'on ay kinatakutan na siya ng karamihan."

"So doon nag-originate 'yong bansag sa kanyang kilabot ng Maxford," naisip ko.

"Yup, at gaya nga ng nabanggit ko kanina, hindi lang siya basta kinatatakutan ng mga estudyante rito. Isa rin siyang kupal at basagulero. Alam mo ba, maski teacher o staff hindi kaya ang ugali niya?

"Ultimo si Mrs. Abadiño na auntie niya ay nagka-altapresyon nang dahil sa kanya. Naku, kung hindi nga lang dahil sa impluwensya ng ama niyang multimillionaire, matagal na 'yang expelled dito dahil sa dami ng pinaggagawa niyang mga kalokohan."

"Sinabi mo pa, girl. But we can't deny the fact na sa kabila ng pagiging badboy niya ay marami pa ring babae ang nagkakandarapa sa kanya," pagsingit ni Nurse Innie sa usapan.

"Well, yeah. Hindi naman maitatangging may hitsura rin talaga si Sawada at matalino pa kaya halos pagpantasyahan siya ng mga babaeng estudyante rito. But from the looks of it, I don't think anyone would stand a chance. You see..."

Inilapit ni Sami ang sarili niya kay Nurse Innie at bumulong. Nanlaki ang mata ng nurse sa sinabi ni Sami sa kanya.

"Oh? Ngayon ko lang 'yan nalaman!" bulalas ng nurse.

Naging palaisipan man sa akin kung ano 'yong ibinulong ni Sami ay hindi ko na inusisa pa. Sapat na 'yong mga ikinuwento nila sa 'kin tungkol kay Keith Sawada para lalong sumakit ang ulo ko.

Napahawak ako sa sentido at hinilot-hilot iyon. Unang araw ko pa lang sa Maxford and yet ang dami nang nangyari. This was supposed to be a great day but it turned out to be a disaster.

Parang gusto ko na lang umuwi at huwag nang bumalik pa.

__

NANG makarating kay Mrs. Abadino ang nangyari ay siya mismo ang nag-advice sa akin na magpahinga na lang. Hapon na nang makalabas ako ng clinic at nagdesisyon nang umuwi.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Kuya Ralph sa pintuan. "Ang aga mo 'atang umuwi, bunso," aniya.

Nagtungo ako sa salas at inilapag ang bag ko sa sofa saka ako naupo.

"Maagang natapos ang lecture ko today kaya dumiretso na ako pauwi," I lied to cover the fact that I was in the clinic the whole time. "Si Kian nga pala?"

"Ando'n sa kuwarto natutulog. Mayamaya lang gising na 'yon." Tumango ako.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng katabing silid kung saan iniluwa nito si Lolo Ramon.

"Andyan na pala ang apo ko," nakangiti niyang wika. Inalalayan siya ni Kuya Ralph palapit sa couch.

Tumayo ako para kunin ang kamay ni Lolo. "Mano po, 'Lo."

"Salamat, apo. Kumusta nga pala ang first day mo sa trabaho?"

"Okay lang po. Nairaos naman po kahit papaano. Nagkita rin po kami ni Ma'am Abadiño kanina at siya mismo ang nagpakilala sa akin sa buong faculty ng CBA. They're really nice," paglalahad ko. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa nangyari sa akin kanina gayong ayoko silang mag-alala pa.

Bakas ang tuwa sa ngiti ni Lolo dahil sa narinig niya. "Still the same as ever. Bless their hearts!" Ngumiti ako pabalik.

"Eh, kumusta naman 'yong mga estudyante mo? Hindi ka ba inii-stress?" tanong naman ni Kuya Ralph.

"Well, mababait naman halos lahat ng estudyanteng nahawakan ko ngayong araw. 'Yon nga lang..."

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa kawalan. I lost my words just now. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko na naman ang mukha ng lalaking iyon sa klase ko.

"Bunso, okay ka lang?"

"Paano kung sabihin ko sa inyong isa sa mga estudyante ko ang ama ni Kian? Maniniwala ba kayo?"

Halos 'di maipinta ang mukha nina Lolo sa rebelasyong isiniwalat ko. Hindi ko sila masisisi dahil sino ba namang mag-aakalang posible palang mangyari 'yon?

"Teka sandali, paano nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Kuya.

"Iyan nga rin ang tanong ko sa sarili ko pero marahil tadhana na ang nagdala sa amin sa sitwasyong ito. Totoo nga ang sabi nila, na kahit anong tago ang gawin mo, hinding-hindi mo matatakasan ang multo ng iyong nakaraan."

"Anong plano mo ngayon? Alam na ba niya ang totoo?"

"Hindi pa kuya, at hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa akin at sa anak ko," walang pagdadalawang-isip na sabi ko.

At this point, buo na ang desisyon ko. Kung totoo 'yong mga tsismis sa akin nina Sami at Nurse Innie tungkol kay Keith Sawada, nangangahulugang hindi siya mabuting ehemplo para kay Kian.

"Pero paano ka nakasisigurong maitatago mo ang totoo? Sa palagay mo ba alam niyang ikaw rin 'yong babaeng nakilala niya noon?"

Pagak akong natawa sa tanong ni Kuya. "Apat na taon nang patay ang dating Ria na pangit at iniwan niya noon. Sa laki ng pinagbago ng hitsura ko, maliit ang tsansang mamukhaan niya pa ako.

"At sakali mang mali ako, hindi naman niya makikita si Kian, e. I can just deny all his assumptions about me. As long as I do my job without minding each other's business, wala akong magiging problema sa kanya," pahayag ko na sinangayunan din ni Kuya sa huli.

"Rerespetuhin ko ano man ang maging desisyon mo, apo," ani Lolo Ramon kung kaya't binalingan ko siya. "Pero lagi mong tatandaan na may hangganan ang lahat. Walang lihim ang hindi nabubunyag sa tamang panahon."

Dahan-dahan akong napaiwas ng tingin kay Lolo nang sabihin niya 'yon. Ewan ko, pero iba talaga ang dating sa 'kin ng kasabihang 'yan lalo pa ngayon na may tinatago akong sikreto.

Natatakot ako na kinakabahan dahil alam kong 'di biro ang pamilya ng lalaking 'yon, isa pa'y hindi ko pa siya lubusang kilala. Kung mapatunayan kong problematic person si Sawada, may chance na hindi niya tanggapin si Kian at ayokong maramdaman 'yon ng anak ko.

"Pasensya na, Keith Jasper Sawada, pero hindi ko hahayaang magulo ang tahimik naming buhay nang dahil sa 'yo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hiding My Student's Son   Chapter 6

    Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit ko. Tut

  • Hiding My Student's Son   Chapter 5

    Keith Jasper Sawada's POVMakalipas ang ilang araw...TAHIMIK kong nilalakad ang hallway ng CBA para pasukan ang kaisa-isang subject ko ngayong hapon. 'Di sana ako papasok dahil tinatamad ako, sadyang pinilit lang ako ng mga katropa ko dahil may pupuntahan daw sila pagkatapos ng klase at plano nila akong isama.Iba't ibang mukha ang nakakasalubong ko sa mataong gusali. May mga babae na halos manlaway na sa kakatitig sa akin at meron din mga lalaki na hindi mawari kung naiinis o natatakot sa presensya ko.Dire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid. Bago pa ako makarating sa dulo kung saan ang hagdan patungong second floor, natanaw ko ang isang estudyante na may kalakihan ang katawan.Nakaharang ito sa daraanan ko kaya basta ko siyang binunggo at nilampasan."Ano ba! Wala ka bang mata? Nakita mo nang nakatayo ako rito hindi ka pa umiwas! Gago!" bulyaw ng mokong na pumukaw sa atensyon ng ibang estudyante.Awtomatikong huminto ang mga paa ko at nilingon ang lal

  • Hiding My Student's Son   Chapter 4

    Ria Elaine's POV PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko. I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone. "Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin. "Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman. "Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain." "Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?" "Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayo

  • Hiding My Student's Son   Chapter 3

    Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis at

  • Hiding My Student's Son   Chapter 1

    Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status