Share

Chapter 5

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-11-16 15:32:36

Keith Jasper Sawada's POV

Makalipas ang ilang araw...

TAHIMIK kong nilalakad ang hallway ng CBA para pasukan ang kaisa-isang subject ko ngayong hapon. 'Di sana ako papasok dahil tinatamad ako, sadyang pinilit lang ako ng mga katropa ko dahil may pupuntahan daw sila pagkatapos ng klase at plano nila akong isama.

Iba't ibang mukha ang nakakasalubong ko sa mataong gusali. May mga babae na halos manlaway na sa kakatitig sa akin at meron din mga lalaki na hindi mawari kung naiinis o natatakot sa presensya ko.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid. Bago pa ako makarating sa dulo kung saan ang hagdan patungong second floor, natanaw ko ang isang estudyante na may kalakihan ang katawan.

Nakaharang ito sa daraanan ko kaya basta ko siyang binunggo at nilampasan.

"Ano ba! Wala ka bang mata? Nakita mo nang nakatayo ako rito hindi ka pa umiwas! Gago!" bulyaw ng mokong na pumukaw sa atensyon ng ibang estudyante.

Awtomatikong huminto ang mga paa ko at nilingon ang lalaki para tapunan siya ng nakamamatay na tingin. Halos manigas ito sa takot at hindi na nakaimik pa.

Hindi ko na hinintay pang makalayo ito at muli kong binagtas ang daan papunta sa second floor. Ilang hakbang bago ko marating ang classroom, isang babae naman ang biglang lumapit at binunggo ako.

"Ouch!" daing ng babae. Napasalampak ito habang nagkalat naman ang mga dala niyang libro sa sahig.

I just stood there, staring her down, waiting for her to finally cut the damn act but she didn't.

"H-Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" pagsusumamo pa nito.

"Suit yourself. I have no time to play with your stupid drama."

"What are you talking about?" she asked nervously.

"Don't play dumb. You intentionally bumped me to take advantage of my time and concern, and I'm not gonna fall for that," I uttered flatly. "Enough with your gibberish acting and grab your things on the floor. You're making a fool out of yourself."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinasawalang-bahala lang ang mga nangyari. Sa katunayan, hindi na bago sa 'kin ang gawaing ito lalo na kapag nag-iisa ako.

They're doing the same old trick to get my attention and it's getting on my nerves sometimes. Kahit anong katangahan siguro ay kayang gawin ng mga babaeng 'to makuha lang ang gusto nila. Pwes, nagsasayang lang sila ng oras dahil sa hinaba-haba ng pila ay meron nang nauna sa kanila.

Damn. I cannot wait to see her face again.

__

"YOU'RE late for thirty minutes, Mr. Sawada. Isn't this the second time already? Nilipat ko na nga sa hapon ang schedule natin nakukuha mo pang magpa-late sa klase ko," sermon sa 'kin ni Miss Salazar pagpasok ko ng classroom.

Binalewala ko lang ang pagbubunganga niya at basta ko siyang nilampasan. The room was covered in silence as I walked towards my seat. I leaned back in my chair with all eyes on me, but I don't give a fuck.

"This is your third warning. Sa susunod na ma-late ka pa hindi na kita papapasukin. Understood?"

"Yeah, right. Whatever you say," nayayamot kong sagot.

"Don't whatever me, Mr. Sawada. Keep in mind that attendance will only be recorded for those who arrived on time. Your tardiness can affect not only your performance in my class, but also your grade for the mid-terms. Marami ang bumabagsak dahil sa kakulangan ng attendance kaya mag-isip-isip ka dahil ayokong one of these days pupunta ka sa faculty room para magmakaawa sa 'kin na bigyan ka ng passing grade-"

"Tss. Haha! Mukha ba ako 'yong tipong luluhod at magmamakaawa sa harap mo para pumasa? Give me a break, Miss. Hindi mo ako masisindak sa attendance na 'yan dahil sa tagal-tagal kong ginagawa ito, hindi ko pa natikman ang bumagsak," natatawa kong wika.

Ibinaba ni Miss Salazar ang hawak niyang libro at humalukipkip.

"Ah, gano'n? Pwes, 'wag kang pasisiguro dahil baka sa unang pagkakataon eh makatikim ka ng namumulang grado. Hindi ako katulad ng ibang teacher dito na nababahag ang buntot pagdating sa 'yo, Mr. Sawada. Kayang-kaya kong dungisan ang transcript of records mo kung hindi ka magpapakatino sa klase ko kaya huwag kang mayabang diyan."

"Pagmamayabang na pala ang pagsasabi ng katotohanan. Tsk, such a dense," I said in a loud whisper.

Ibig-ibig kong matawa sa naging reaksyon ni Miss Salazar sa sinabi kong 'yon. Halos malukot kasi ang noo niya sa sobrang pangungunot nito. Idagdag pa 'yong expression ng mukha niya na halatang nagtitimpi lang pero parang gusto niya na akong sakalin.

Haha, ang sarap asarin ng babaeng 'to.

"May marinig pa talaga ako mula diyan sa bibig mo, palalabasin na kita sinasabi ko sa 'yo!" sambit niya kung kaya't hindi na ako nag-aksaya ng laway na i-rebut siya; pero bilang ganti ay hinayaan kong sumilay ang isang nakakalokong ngiti mula sa labi ko.

Naiiling na dinampot ni Miss Salazar ang textbook na kanina'y binitawan niya at ipinagpatuloy ang naudlot niyang discussion.

Wala sana akong planong makinig at balak kong matulog na lang sa klase niya tutal ay nakapag-advance study naman ako kagabi, pero may kung anong enerhiya ang nagtulak sa 'kin para manatiling aktibo noong mga oras na 'yon.

Naka-focus ako, hindi sa tinuturo niya, kundi sa bawat anggulo ng kanyang mukha...

"Titig na titig kay Ma'am Ria, ah. Aminin mo, nagagandahan ka rin sa kanya, 'no?" tudyo ng katropa kong si Sleng na nasa tabi ko.

"Siraulo. Ba't ako magagandahan diyan eh hindi ko naman type 'yan? Isa pa, hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa pisara. Binabasa ko 'yong mga nakasulat doon," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay halos hindi ko na maalis ang tingin ko kay Miss Salazar.

"Sus kunwari ka pa. Ang sabihin mo binabasa mo 'yong maganda niyang mukha!" aniya pa sabay sundot nito sa pisngi ko.

Dala ng inis ko ay hindi ko napigilang ambahan si Sleng. "Eh kung i*****k ko kaya sa bibig mo 'tong kamao ko? Tarantado ka."

"Hoy, ano ba 'yan? Tumigil nga kayong dalawa, nagd-discuss si Ma'am, oh!" saway ng isa ko pang tropa na si Dylan.

"Tsk. Eh, pagsabihan mo 'tong kaibigan mo, nang-aasar akala mo nakikipagbiruan ako sa kanya."

"Bakit, totoo naman, ah? Halos 'di na nga kumurap 'yang mga mata mo katitingin kay Ma-"

"Mr. Magbanua at Mr. Sawada, ba't ang iingay niyo riyan sa likod? Kung wala kayong balak makinig sa tinuturo ko puwede ba lumabas na lang kayo?" sermon sa 'min ni Miss Salazar kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumahimik na lang.

"'Yan kasi. Ang gugulo niyo. Puwede ba mamaya na lang kayo magbugbugan pagkatapos ng klase?" ani Dylan. Lumapit ito nang kaunti sa akin at bumulong. "Pero par, matanong lang. Bakit ka nga ba nakatitig kay Ma'am?"

"Isa ka pa."

"Eh bakit nga kasi?"

"Nothing. I just find her strange that's all," I said and that's the truth. I didn't really notice it when I first arrived, but now that I'm observing her, I realize there's something different about her aura.

Bakit parang pakiramdam ko'y may tinatago siyang sikreto?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lovehearts
hello waiting sa update Po miss A
goodnovel comment avatar
Venera
Hello. Pa-wait lang po, tinatapos lang po ang chapter 6. Salamat
goodnovel comment avatar
Lou
ganda nag story..kaya lang walang update sayang....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 9

    Ria's POV NAKAUWI ako ng bahay bago pa kumagat ang dilim. Pagbukas ko pa lang ng gate ay nasulyapan ko agad si Kuya na lumabas mula sa apartment unit namin dala ang malalaking eco bag. Hindi ako nag-atubiling lapitan siya. "Kuya, saan ang punta mo?" bungad kong tanong sa kanya. "Diyan lang sa drop-off area. Idadaan ko lang itong mga parcel na kailangan kong i-ship. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. May bisita tayo ngayon galing Bulacan," aniya na naghatid ng tuwa sa sistema ko. "Talaga, Kuya? Sino?" "Nasa salas siya ngayon kausap ni Lolo Ramon. Pasok ka lang, ako'y lalakad na muna at baka magsara na 'yong opisina ng courier. Didiretso na tuloy ako sa palengke nang makapamili na 'ko ng hapunan natin." "Sige, Kuya. Mag-iingat ka, ha." Kinawayan ko siya bago ito tumalikod at lumabas ng gate. Pumasok na ako sa loob at mula sa salas ay naabutan ko si Lolo Ramon na kakwentuhan ang isang babae sa couch. Agad din niya 'kong nakita kaya kumaway ito sa akin. Dumiretso ako sa li

  • Hiding My Student's Son   Chapter 8

    Ria's POV LUCKILY, he didn't faint. However, he was so weak that he couldn't walk further, so Sami and I agreed to take him home instead. Walking distance lang naman iyon mula sa spot kung saan siya natumba kaya hindi kami nahirapang dalawa na pasanin siya. Agad namin siyang inihiga sa kama pagpasok namin sa boarding house niya. Halos maligo ito sa pawis kaya inalis ko muna ang suot nitong blazer at tinanggal ang ilang butones ng kanyang polo. "Sami, pasuyo naman ng ice at gamot sa botika. Ako na muna ang bahala rito kay Sawada," pakli ko na sinunod niya naman. Nag-prepare na ako ng batiya at alcohol habang hinihintay ko si Sami. Nakabalik din siya makaraan ang ilang minuto. Gamit ang pinigang towel na nilubog ko sa malamig na tubig at alcohol ay ipinatong ko iyon sa noo ni Sawada. Pinalis niya ang towel mula sa kanyang noo. "Iwan niyo na nga ako. Kaya kong alagaan ang sarili ko," pagmamatigas nito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Halos hindi ka na nga makatayo kanina sa

  • Hiding My Student's Son   Chapter 7

    Ria's POV MULI kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa 'kin ay ang kamao ng lalaki na muntik nang lumanding sa mukha ko. Kung nagkataong walang pumigil sa 'min, tiyak nalagay na sa alanganin ang sitwasyon ko. Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng pamilyar na boses. Hindi ako nagkamali, nasa harap ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapakita sa akin no'ng mga panahong iyon. "Sawada..." halos ibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan. Dahan-dahang ibinaba ng lasing na lalaki ang kanyang kamay. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may knight and shining armor ka pala, Miss." Humarap ito kay Sawada at kanya itong nilapitan. "Ano? Andito ka ba para iligtas ang mahal na prinsesa?" may pagkasarkastikong wika nito at nasundan iyon ng malalakas na tawa mula sa kanyang mga kasama. "Ano bang sabi ko? Hindi naman siguro kayo mga bingi, 'di ba? Pakawalan niyo siya," malamig na utos ni Sawada. Nakatulong ang sapat na liwanag mula sa streetlights para masilayan k

  • Hiding My Student's Son   Chapter 6

    Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit

  • Hiding My Student's Son   Chapter 5

    Keith Jasper Sawada's POV Makalipas ang ilang araw... TAHIMIK kong nilalakad ang hallway ng CBA para pasukan ang kaisa-isang subject ko ngayong hapon. 'Di sana ako papasok dahil tinatamad ako, sadyang pinilit lang ako ng mga katropa ko dahil may pupuntahan daw sila pagkatapos ng klase at plano nila akong isama. Iba't ibang mukha ang nakakasalubong ko sa mataong gusali. May mga babae na halos manlaway na sa kakatitig sa akin at meron din mga lalaki na hindi mawari kung naiinis o natatakot sa presensya ko. Dire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid. Bago pa ako makarating sa dulo kung saan ang hagdan patungong second floor, natanaw ko ang isang estudyante na may kalakihan ang katawan. Nakaharang ito sa daraanan ko kaya basta ko siyang binunggo at nilampasan. "Ano ba! Wala ka bang mata? Nakita mo nang nakatayo ako rito hindi ka pa umiwas! Gago!" bulyaw ng mokong na pumukaw sa atensyon ng ibang estudyante. Awtomatikong huminto ang mga paa ko at nilingon a

  • Hiding My Student's Son   Chapter 4

    Ria Elaine's POV PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko. I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone. "Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin. "Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman. "Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain." "Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?" "Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status