Share

Hiding My Student's Son
Hiding My Student's Son
Author: Venera

Simula

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-10-08 16:04:07

"MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career mo? 'Yon pala iba ang tinatrabaho mo?!" sabi ko habang pinaghahampas ko si Brent sa braso.

Sunod ko namang hinablot ang buhok ng babae. "At ikaw! Ang kapal ng mukha mong sipingan ang boyfriend ko! Malandi ka!"

"'Wag mong saktan ang girlfriend ko!" Mabilis kong nabitawan ang babae nang itulak ako nang malakas ni Brent kung kaya't napasalampak ako sa sahig.

Galit siyang nakatingin sa akin habang yakap-yakap niya pa ang babae, bagay na lalong nagpakulo ng dugo ko kaya agad akong napatayo.

"Wow! So girlfriend mo na pala 'yan? Paano naman ako? Brent, bumyahe ako mula Palawan para sana sorpresahin ka sa mismong anniversary natin pero ano 'to? Ako pa 'yong nasurpresa? Bakit, Brent? Bakit mo 'ko nagawang ipagpalit sa babaeng 'yan?!" bulalas ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

"Hindi mo pa rin ba alam ang sagot sa tanong na 'yan? Kailanman hindi ako naging seryoso sa 'yo kung inaakala mo! Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa pangit mong 'yan pinatulan kita? 'Yon ay dahil ikaw ang susi para makatakas ako sa lintik na kahirapan!"

Kumunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko?

"Oo, pera-pera lang ang lahat, Ria. Kung alam mo lang kung gaano ako sukang-suka sa tuwing kasama kita, pero wala akong magawa kundi pagtiisan ka dahil kailangan ko ng pera! At alam mo ang mas nakakagulat? Nagsasama na kami nito bago pa kita makilala at alam niya lahat ng mga plano ko. Pasensya na, Ria. Tao lang ako na may matinding pangangailangan."

Para akong sinaksak nang paulit-ulit sa dibdib nang marinig ang mga pinagsasabi sa 'kin ni Brent. Hindi ako makapaniwala. Dalawang taon ang sinayang ko para sa lalaking 'to na all this time ginagatasan lang ako?

Ang masakit pa'y nakikinabang ang babaeng 'to sa perang hinuhuthot niya sa 'kin! Para akong ginisa sa sarili kong mantika!

Sa galit ko'y muli ko siyang sinugod at sinampal. "At talagang pinagmalaki mo pa sa 'kin kung gaano ka kawalanghiya? Ang kapal ng mukha mo! You know what, magsama kayong dalawa tutal bagay na bagay kayo dahil pareho kayong abusado!

"Isang malaking pagkakamali ang nahulog ako sa walang kwentang katulad mo! Magpakasaya ka sa perang hinuthot mo sa 'kin dahil huli mo na 'yan!"

Padabog akong naglakad palabas ng apartment unit niya, mabigat ang loob at wasak ang puso. Hindi alintana kung may makakita man sa 'kin na umiiyak. Gusto kong ilabas 'yong magkahalong lungkot, galit at frustration ko dahil sobrang sakit ng ginawa niya!

Brent was my first boyfriend. Fourth year college ako nang makilala ko siya at opisyal na naging kami sa mismong araw ng graduation namin.

Hindi ko nga lubos-akalaing sa hitsura kong 'to may magkakagusto sa 'kin. Si Brent ang unang lalaking nagparamdam sa 'kin ng kakaibang pagmamahal kaya naman grabe 'yong tiwalang binigay ko sa kanya.

Nagpunta siya ng Maynila para i-pursue ang career niya sa musika, at bilang girlfriend niya, sinuportahan ko siya lalo na sa aspetong pinansyal dahil aware akong hindi biro ang pagpasok sa music industry.

Bagama't napapadalas ang paghingi niya sa 'kin ng pera, inisip ko na lang na para 'yon sa aming dalawa. 'Ika niya, magtiwala lang daw ako sa kanya, at nangako siya na ako lang ang babae sa buhay niya, na hindi niya ako ipagpapalit sa kahit sino.

Wala akong kaide-ideya na sa likod ng mabulaklak niyang mga salita ay nakakubli ang isang malaking kasinungalingan - na ATM lang ako na patuloy niyang ginagamit sa pansariling interes.

"I should have known!" sigaw ng isip ko.

Pinilit kong maglakad palayo sa apartment building na 'yon kahit pakiramdam ko'y pasan ko ang mundo. Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan kaya kailangan kong makahanap ng matutuluyan dahil bukas pa ang flight ko pabalik ng Palawan.

Makaraan ang ilang minutong paglalakad, may namataan akong motel na kalapit lang ng isang bar. Sa una'y hindi ko pinansin ang bar na 'yon at basta akong dumiretso sa motel para mag-check-in.

Pero habang nasa loob ako ng kwarto, mas nakaramdam ako ang matinding lungkot. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang matulog ngayong gabi matapos ang mga nangyari sa akin.

Doon biglang sumagi sa isip ko ang bar na nadaanan ko kanina. Ang bar na may nagliliwanag na neon lights sa karatula nito.

A tear fell off my cheek. Mukhang ito lang ang tanging paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

__

"KUYA, isang shot pa nga!" hiling ko sa bartender na nasa aking harapan.

"Hinay-hinay lang, Miss. Ang dami mo nang nainom, baka hindi ka na makauwi niyan-"

"'Wag kang makialam! Bigyan mo na lang ako puwede? Gusto kong makalimutan lahat ng sakit na binigay sa 'kin ng walang kwenta kong boyfriend!"

Walang nagawa ang serbidor kundi punuin ang shot glass na hawak ko at saka ko tinungga iyon na parang tubig.

Kanina pa ako rito sa bar counter at nagpapakalunod sa alak habang tinitiis ang dumadagundong na musika at hiyawan ng mga tao sa dance floor.

Sinusubukan kong i-compose ang sarili ko kahit nakakaramdam na ako ng pagkahilo. "Iisa na nga lang ang naging jowa ko, niloko pa ako! Gano'n ba ako kapangit para paglaruan lang ng mga lalaki?"

Muli akong tumagay ng isa pang shot. Kasunod no'n ay nakarinig ako ng sigawan mula sa 'di kalayuan kung saan kaliwa't kanan ang mga nagsasayawan.

"Heto bayad ko. Keep the change." Nilapag ko ang pera sa mesa at nagpasya akong lisanin ang bar counter.

Hinayaan akong dalhin ng mga paa ko sa dance floor at nakisabay sa kantang pinapatugtog ng DJ.

Tinodo ko ang paggiling habang kinakanta ang lyrics ng isang club song. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid, probably because of my presence.

Sino ba naman kasing mag-aakala na susulpot sa dance floor ang isang pangit na katulad ko? Pwes, wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa paligid ko noong mga panahong iyon. Gusto kong i-enjoy ang moment na ito na walang lungkot at pagkabigo sa buhay.

Ayoko munang isipin ang problemang idinulot sa akin ni Brent. Gagawin ko kahit ano, makalimot lang kahit saglit...

"Ay, sorry!" sabi ko sa lalaking aksidente kong nabunggo. I think he was holding a bottle of beer or something.

Hindi siya kumibo, bagkus, nakisabay lang din siya sa 'kin sa pag-indak. Pinainom niya rin ako ng dala niyang alak na lalong nagpainit ng aking sistema to the point na isinaboy ko sa aking katawan ang natitirang laman nito.

Mistula kaming wala sa sarili noong mga oras na 'yon. The crowd was filled with scream and laughter. Parang napawi 'yong kaninang lungkot at pagkabigo na halos pumatay sa akin dahil napalitan 'yon ng nag-uumapaw na kasiyahan.

Pagkagaling namin sa dance floor, hinatak ako ng lalaki sa madilim na parte. I gasped when he claimed my lips as if it was his greatest possession.

Basta kong tinugunan 'yon nang mas mariin pa. "Hmmm," I moaned in satisfaction.

Pagkuwa'y kumalas din siya. "Take me to your place, and help me forget the pain that's slowly killing me inside," he said closer to my ear. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na kumiliti sa balat ko.

Walang pagdadalawang-isip na nagpatianod ako sa agos at nilisan ang maingay na lugar na iyon kasama ang lalaking ni pangalan ay hindi ko alam.

__

NAGISING ako dahil sa kalabog ng pinto. Mula sa pagkakasubsob sa malambot na unan ay maingat akong umalis sa pagkakadapa at bumangon sa higaan.

Napahawak ako sa noo. "Aray!" daing ko't parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit.

Madilim na no'ng mga oras na 'yon, sa tantiya ko, mga alas-singko pa lang ng madaling araw at tanging ilaw lang sa bedside table ang nagsisilbi kong tanglaw.

Sinipat ko ang sarili at napagtantong nakalabas pala ang aking dibdib, habang ang kalahati ng katawan ko ay balot ng makapal na kumot.

Tumingin ako sa kaliwa at napagtantong wala na akong katabi sa higaan. Sa puntong iyon, unti-unti kong naalala ang nangyari sa 'kin kagabi.

"Anong katangahan 'to, Ria? Bakit ka nagpagalaw sa lalaking hindi mo naman kilala? Ang masaklap, matapos niyang simsimin ang katawan mo'y tinakasan ka pa! Paano kung mabuntis ka? Hindi ka nag-iisip!"

Naluha na lang ako at walang nagawa kundi sisihin ang sarili ko sa nangyari. I was so selfish and desperate to forget Brent that I ended up making a huge mistake!

Ngayon, paano ko hahabulin ang lalaking nakasama ko kagabi? Sigurado akong nakalayo na 'yon. Wala man lang akong idea kung sino siya o kung taga-saan ba ito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng luhang walang tigil sa pagpatak.

I can't just stand here doing nothing. Kailangan kong mahanap ang taong iyon.

Tuluyan kong inalis ang kumot at bumaba sa kama. "Ouch!" daig ko hawak ang aking pagkababae.

Paika-ika ang paghakbang ko dahil ando'n pa rin 'yong sakit. Habang isa-isa kong pinupulot ang nagkalat kong damit sa sahig, isang chained bracelet ang nakaagaw ng pansin ko.

Pinulot ko 'yon at tinignang mabuti ang pangalang nakaukit dito.

"KEITH S."

Malamang pangalan ito ng lalaking 'yon. But then, hindi sapat na basehan 'to para malaman kung sino siya gayong 'di ko naman alam kung ano 'yong letrang "S".

Sa halip na ubusin ang oras ko sa pag-iisip, agad-agad akong nagbihis at lumabas ng motel room dala ang gamit ko. Nilapitan ko ang staff sa front desk at nagtanong.

"Miss, alam niyo ba kung saan nagpunta 'yong lalaking kasama ko kagabi? Bigla na lang kasi siyang umalis nang walang paalam."

"Ay, Ma'am, napansin ko nga kanina, nagmamadali siyang lumabas ng building pero wala akong ideya kung saan siya papunta. Pasensya na po."

My shoulders fell in dismay. "Okay, salamat."

Pagkatapos ko mag-checkout ay umalis na ako. Sunod kong binalikan ang bar na pinuntahan ko kagabi pero maski sila ay wala ring maibigay na impormasyon tungkol sa lalaking 'yon.

Nagtanong-tanong din ako sa lugar, at iisa lang ang sagot nila sa akin. Hindi nila kilala ang lalaki.

Napaupo na lang ako sa gilid ng isang saradong gusali at napasapo na lang ng noo.

"Nagtataka ka pa kung bakit iniiwan ka ng mga lalaking 'yon? It's because of your face, Ria! Napakapangit mo!" naluluha kong kutya sa sarili.

Mula sa bulsa ng aking bag ay dinukot ko ang bracelet na iniwan sa 'kin ng Keith na 'yon. Sa galit ko'y naibato ko iyon sa semento.

"Ikaw ang nagpatunay na wala nang matinong lalaki sa mundong ito dahil wala kang pinagkaiba kay Brent! Pare-pareho kayong mga manggagamit! Mga walanghiya!" sa loob-loob ko.

"Pinapangako ko sa 'yo, Keith, na sakali mang magbunga ang nangyari sa atin, hindi-hindi mo makikilala ang magiging anak mo dahil walang karapatan na maging ama ang isang lalaking walang paninindigan!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 3

    Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis a

  • Hiding My Student's Son   Chapter 1

    Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta

  • Hiding My Student's Son   Simula

    "MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career mo? 'Yon pala iba ang tinatrabaho mo?!" sabi ko habang pinaghahampas ko si Brent sa braso.Sunod ko namang hinablot ang buhok ng babae. "At ikaw! Ang kapal ng mukha mong sipingan ang boyfriend ko! Malandi ka!""'Wag mong saktan ang girlfriend ko!" Mabilis kong nabitawan ang babae nang itulak ako nang malakas ni Brent kung kaya't napasalampak ako sa sahig.Galit siyang nakatingin sa akin habang yakap-yakap niya pa ang babae, bagay na lalong nagpakulo ng dugo ko kaya agad akong napatayo."Wow! So girlfriend mo na pala 'yan? Paano naman ako? Brent, bumyahe ako mula Palawan para sana sorpresahin ka sa mismong anniversary natin pero ano 'to? Ako pa 'yong nasurpresa? Bakit, Brent? Bakit mo 'ko naga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status