Share

HTGT:6

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-08-11 05:49:59

Limang araw na ang lumipas noong pumunta ako sa bahay nila Harris. Nandito ako ngayon sa bahay nila Cindy para magpatulong sa pagpili ng susuutin kong gown sa kasal namin ni Harris.

Sa isang linggo na ang kasal namin dahil gusto ng parent's ni Harris na padaliin ang kasal namin. Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa gusto ng mga magulang namin.

Isang linggo na rin walang imik si Harris. Lagi itong lasing kahit umaga pa ay umiinom na ito, hindi nagustuhan ni tito Arnold ang ginagawa ng anak niya. Napabayaan na rin ni Harris ang pamumula sa kumpanya nila at kung magpapatuloy pa ang pagiging pabaya ni Harris ay maaaring mapalitan siya sa pagiging CEO niya.

Hindi na rin ito tumutol sa kagustuhan ng magulang niya. Nagtataka ako dahil hindi ito sang- ayon sa arrange marriage na nasa pagitan naming dalawa. Pero, ang hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sa akin ni Harris noong kaming dalawa lamang ang naiwan sa living room sa bahay nila.

"I think, magiging masaya kapag magkasama na tayo sa iisang bubong."

Hindi ko maintindihan kung ano ang gustong iparating niya sa akin, gusto ko man siyang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin ay mas pinili ko n lamang na manahimik. Ayaw kong maging bad mood siya sa akin.

Napa- ayos ako ng upo ng bumukas ang pintuan ng banyo ni Cindy. Nakasuot ito ng crop top na kailanman ay hindi ko naranasan na magsuot ng ganiyang klaseng damit. Sabagay, hindi naman ako katulad ng kaibigan ko na pasyonista.

"Okay, ba? " Tanong niya habang nagsusuklay sa katamtamang haba ng kulay itim niyang buhok.

Tumango ako. "Ayos naman, bagay na bagay sa'yo." Pagpuri ko sa kaniya, sumilay ang ngiti niyang nakaloloko.

"Paniguradong marami ang makikipag sayaw sa akin mamaya," sambit niya. Napailing ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko, hindi na ako magtataka kung ano ang nais niyang iparating sa akin. Mahilig siyang gumimik kasama ang mga friends niya. Samantalang ako, wala akong mga kaibigan maliban sa kaniya. Si Cindy lamang ang kaibigan ko at ang pinagkakatiwalan ko.

"Pupunta ka naman sa club,” sambit ko. Nagtungo ito sa ibabaw ng kama niya at naupo.

“Parang hindi mo naman ako kilala, hindi ka naman nasama sa mga gimik ng mga kaibigan ko.” Sabi nito.

“Kilala mo ako, Cindy. Wala akong hilig sa mga ganiyan,” sabi ko.

“Si Harris na lang kaya ang yayain ko para naman may kasama ako. Sa tingin mo, Elle?” Nakangising sabi nito, napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

“Kalokohan mo, sa tingin mo naman sasama sa'yo si Harris.” Sabi ko.

“Biro lang, hindi ko naman aagawin sa'yo ang groom mo.” Sabi nito at tumawa.

“Tigilan mo nga ako Cindy,” kunwaring naiinis kong sabi. Para ilayo ang topic kay Harris.

“Bakit ka nga pala pumunta dito? ” Pagiiba niya sa usapan. Tinignan ko naman ito ng nagmamakaawang tingin.

“Magpapasama sana ako sa'yo,” sabi ko.

Tumaas naman ang kilay nito at naghihintay ng susunod ko pang sasabihin. “Tulungan mo akong pumili ng wedding gown para sa kasal namin ni Harris,” sabi ko.

Kumunot ang noo nito. “Bakit ako ang isasama mo?” Tanong nito, napabuntong hininga ako.

“Wala naman sasama sa akin. Ikaw lang naman ang kaibigan kong makakasama ko,” sabi ko.

“Nasaan ang groom mo?” Tanong nito.

“Sa tingin mo ba sasama siya? Malabong sumama ‘yon sa'kin, Cindy.” Sabi ko.

“ Kung ako lang ang nasa katayuan mo, Elle. Hindi ako makakapayag na hindi siya ang makakasama ko sa pagpili ng wedding gown ko. Kahit arrange marriage pa 'yan,” supladang sabi nito.

“Kaya lang, si Cindy ka at hindi ka si Elle.” Biro ko, nakatanggap ako ng irap niya.

“Kunwari lang naman,” mataray na sabi nito.

“Sasamahan mo ba ako?” Tanong ko.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko, edi sasama na rin ako para naman makapamili 'din ng susuutin ko sa araw ng kasal ko.” Sabi nito, nangunot ang noo ko. Wala pa naman siyang kasintahan at bakit siya mamimili ng wedding gown?

“May boyfriend ka na ba?” Takang tanong ko.

“Wala pa, malay mo someday makakakilala rin ako ng katulad ni Harris.” Sabi niya at ngumiti ng malapad.

“Bakit ba si Harris lagi ang naiisip mo pagdating sa mga lalaki?” Takang tanong ko, nag kibit balikat lamang ito.

“Wala lang, maiba nga tayo. Hintayin mo muna ako sa living room, nandoon naman sila mom.” Sabi nito, tumango ako.

“O, sige. Hihintayin na lang kita sa baba,” ayon na lamang ang sinabi ko at tumayo na upang lisanin ang kwarto niya.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at lumabas. Bago ko isara ang pintuan nag salita muna siya. “ Magpapaganda muna ako, ” sambit nito. Napailing na lang ako bago isinara ang pintuan. Naglakad ako pababa sa hagdan upang pumunta sa living room dito sa bahay nila Cindy. Hanggang second floor lang ang bahay nila Cindy at masasabi kong maganda ang mga painting dito sa palibot .

Nang makatungo ako sa living room nakita ko ang mommy ni Cindy habang may hawak hawak na diyaryo. Nakaupo ito sa single couch habang seryosong nagbabasa.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng mommy ni Cindy. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.

“Halika dito, Elle.” Nakangiting sabi ng mommy ni Cindy, naupo ako sa kaharap niyang couch.

“Pansenya na po sa abala, tita.” Nahihiyang sabi ko, narinig ko naman na tumawa ng mahina ito.

“Don't worry, Elle. Mabuti nga at niyaya mo si Cindy,” sabi ni tita.

“Wala po kasi akong makakasama sa pagpili ng wedding gown ko,” nahihiyang sabi ko.

“Oo, nga pala. Ikakasal ka na nga pala next week. Buo na ba ang desisyon mo, Elle? ” Paninigurado ni tita, mabagal akong tumango bilang sagot.

“Opo, tita. Siguro naman, balang araw ay matatanggap 'din ako ni Harris at mahalin.” Sabi ko at napabuntong hininga.

“Hindi naman kita masisisi, Elle. Sa sitwasyon mo ngayon ay nangyari na din ito sa akin noong kabataan ko pa at sigurado ako na nahihirapan ka rin sa sitwasyon niyong dalawa ni Harris,” sambit ni tita.

“Sana talaga mahalin niya rin ako, ” sabi ko.

“By the way, Elle. Saan ang venue ng kasal ninyong dalawa ni Harris? Tanong ni tita, saglit akong napaisip. Sa pagkaka-alala ko ay sa beach resort ang venue.

“Kung hindi ako nagkakamali, sa beach resort dito sa batangas po ang venue. ” Sabi ko.

“Nga pala, the the tita. Makakapunta naman po kayo hindi di ba? ” Tanong ko.

“Oo, naman. Hindi pwedeng wala kami sa special na araw ng bestfriend ng anak namin, ” nakangiting sabi ni tita. Napangiti ako kahit na nababagabag ako sa hindi ko malamang dahilan.

“Thank you, tita. ” Nakangiting sabi ko.

“Mukhang seryoso ang pinaguusapan niyo, ah. ” Biglang sulpot na sabi ni Cindy sa gilid namin. Hindi mo namalayan na nakarating na pala dito sa tabi namin.

“Tungkol lang sa kasal ang pinag-uusapan namin ng kaibigan mo, Cindy. ” Sambit ni tita.

“Oh! I see, ” Sambit ni Cindy sa kaniyang mommy.

“Tara na, Elle. Mom, aalis na po kami.” Sambit ni Cindy sa mommy niya, tumango naman si tita.

Tumayo ako habang sukbit ang aking shoulder bag na kulay pink.

“Aalis na po kami tita, ” sabi ko at nakipag beso sa kaniya. Nag umpisa na kaming maglakad ni Cindy papalabas ng pintuan ng bahay nila.

“Cindy, may dala akong sasakyan sa akin ka na lang ba sasabay?” Tanong ko ng makarating kami sa tapat ng kotse ko.

“Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo pupunta, diretso na din kasi ako mamaya sa club. ” Sabi nito kaya tumango ako, mabuti na lang talaga ay nandito si Cindy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aubrey Pasaylo
more bunos please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding The Gordion Triplets   FINAL CHAPTER

    Ngayon, ngayon ang pinakahihintay naming lahat. Ang unang kaawaran ng triplets namin ni Harris. Bilis ng araw, ang daming mga nangyari. Ang simpleng event para Sa kaarawan ng triplets ay nauwi sa isang napakalaking siremonya. Sinekreto kasi sa akin ni Harris at Stella, maski ang family ko na isang boggang kaarawan pala ang magaganap ngayong araw. Nasa isang resort kami sa tagaytay ito ang inasikaso nila Stella at Harris. Napaka swerte ko sa kanila…Wala na akong ibang hihilingin pa sa panginoon. Masayang pamilya.Kumpletong pamilya. Maraming salamat kay Lord dahil pinagkaloob niya sa akin ang ganitong kasayang buhay. Sa mga oras na ito, abala ang lahat ng bisita sa aming mga anak ni Harris. Ngayon kasi, pinakilala na ni Harris at ng buong Gordion family ang anak namin ni Harris. Pati ako pina kilala sa mga bisita. Maraming bigating mga tao ang nandito. Palagay na ang loob ko, masaya na ako dahil wala ng problema. Ngunit hindi ko magawang maging masaya ng sobra- sobra.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 64

    -3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 63

    Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 62

    ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 61

    -Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 60

    STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status