Share

Chapter Four

HTGD: Chapter Four

Present

Napabuntong hininga ako sa mga alaalang bumabalik. Tila ba ang pagkikita namin ni Leon ay isang tadhana na dapat mangyari. Totoo nga ang sabi ni mama, hindi malaki ang Marinduque para hindi kami magkita ng landas.

Nakatulog si Eleanor sa aking kandungan. Nakatingin lang ako sa labas ng taxi car habang yakap-yakap ang anak ko. Natatakot ako, natatakot ako sa gagawin ni Leon. Hindi siya mangmang para hindi niya mamukhaan si Eleanor, mula mata, labi, ilong at straktura ng mukha, nakuha ng aking anak sa ama niya.

Si Leon Rage.

“Dito lang si mama,” bulong ko sa aking anak at hinalikan ang kaniyang noo.

Buong byahe ay tahimik lamang ako. Iniisip ko pa rin kung babalik kami sa Palawan o mag-iibang bansa para lang makatakas kay Leon.

I am capable of providing my daughter with everything she needs. Hindi kami mayaman pero may income ako through my online business. I need to do something, nararamdaman ko na kayang gawin ni Leon ang lahat para lang makuha niya si Eleanor.

I heard six years ago na hinanap niya ako pero may nag protekta sa akin. He was mad because I left him behind. Siya pa may ganang magalit?

He cheated on me. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita at narinig ko noon. I was such a fool, I was such a fool of believing him.

Nangiligid ang luha sa gilid ng aking mata. Pinunasan ko 'yon kaagad. I sighed heavily at mas lalong hinigpitan ang yakap sa aking anak.

Pagkarating namin sa bahay ay dali-dali kong binuhat ang bag pati ang plastik ng Jollibee na favorite ni Eleanor. Tulog pa rin siya at nakadantay ang kaniyang pisnge sa aking balikat.

Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko kaagad si mama ngunit pumasok kaagad ako. Rumihistro sa kaniyang mukha pagtataka. Pumasok siya at sinirado ang pinto.

“Namumutla ka, Serene anong nangyari?”

“Leon found out, ma. We need to pack our things. Kailangan natin umalis nang Marinduque.” inilipag ko si Eleanor sa sofa. Napahilamos ako sa aking mukha at naiiyak na tinignan si Mama.

“Okay. Huwag kang umiyak. Sasama ako sa inyo ng apo ko. Tsaka mo na sa akin ipaliwanag lahat.” niyakap ako ni mama at hinimas-himas ang aking likod na para bang pinapatahan niya ako.

“Ma... Paano kapag kinuha niya si Eleanor...”

“Hindi mangyayari 'yan, ako ang bahala. Mabait si Leon anak.”

“He was furious, ma. I don't know. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.”

Pabalik-balik ako sa paglalakad sa sala habang kagat-kagat ang aking kuko. Naisuklay ko rin ang aking buhok gamit ang aking kamay dahil sa nerbyos. Huminto ako at hiniarap si Mama.

“That's it! Aalis kami dito ni Eleanor, ma. Kukunin ka namin kapag maayos na ang lahat. Hihingi ako ng tulong kay Hunter.”

“Malaki ang galit ni Leon kay Hunter anak. Huwag mo ng idamay ang tao sa problema niyo.”

“Saan ako tutulong ma? Si Hunter lang makakatulong sa akin para hindi kami mahanap ni Leon!”

“Calm down, Serene. Sige na, ako na ang mag-iimpake sa mga gamit niyo. Diyos ko! Hindi man lang kayo tumagal nang limang buwan dito sa Marinduque.” napapailing pa ito ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.

Nagmartsa ako papuntang kwarto at nakita ko si mama na inaayos ang mga gamit namin sa maleta. Kaunti lang 'yon dahil hindi pa kami nagtatagal dito. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang mga mahahalagang papeles namin.

“Ma?”

Napalingon ako sa labas ng pinto ng kwarto. Nakita ko Eleanor na kinukusot ang kaniyang mata, halatang kagigising niya lang. Agad akong pumunta sa kaniya at lumuhod para magpantay ang aming mukha.

“Baby? What do you need, anak?”

“Someone's looking for you po, Mama. 'Yong bad guy po kanina.”

Bigla akong natigilan. Namutla ako at dahan-dahan nilingon si mama na natigilan din dahil sa sinabi ni Eleanor.

Tumikhim ako at nginitian si Eleanor ng pilit kahit na nanginginig na ang aking kamay. “N-Nasaan siya?” bulong ko.

“Labas po, Mama.”

Tumango ako at mabilis na tumayo. Kinuha ko ang aking phone at binalingan ng tingin si Mama.

“Ma, dito lang po kayo. Pakainin niyo na rin po si Eleanor. 'Yong dala po namin na nasa plastik. Ako na ang kakausap kay Leon.”

“Ako na kaya anak—”

Umiling ako, “No, Ma. This is my problem. Ako na po ang bahala.” pagputol sa kaniya at dali-daling lumabas.

Pagkabukas ko ng pinto ay napasinghap ako dahil dibdib niya kaagad ang bumungad sa akin. Napatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya. Amoy ko rin ang matapang niyang pabango ngunit hindi masakit sa ilong.

Napalunok ako at inayos ang aking tindig. Hindi pwedeng mawalan ako ng balanse. Nakakapanghina ng tuhod ang presensya niya.

“W-What are you doing here, Governor?” diniinan ko ang pagbigkas sa kaniyang titulo na siyang nagpa-igting ng kaniyang panga.

“We need to talk.” malamig niyang saad.

“Para saan?” pagpatay malisya ko.

“Huwag kang mag maang-maangan, Serene.”

Kumirot ang dibdib ko. Ang pagbigkas niya ng aking pangalan ay may halong galit. Hindi na nga siya ang dati kong minahal, hindi na siya ang dating Leon na mahal na mahal ko.

“Kung tungkol ito kanina—” he cut me off.

“Oo. Tungkol ito kanina sa nakita ko. Tungkol ito anak ko.”

Kinuyom ko ang aking palad at masama siyang tinignan. Gano'n pa rin ang kaniyang mata, malamig at parang walang emosyon.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Leon. I mean— Governor. Anak mo? May anak ka na po?”

“Huwag na tayo mag gagohan dito, Serene. Let's fucking talk about our daughter.”

Natigilan ako. Huminga muna ako ng malalim at iniwas ang kaniyang malamig na titig.

“I don't know what you are talking about na may anak tayo pero sige, let's talk.”

“I see. Nagsisinungaling ka pa rin hanggang ngayon.”

Pagak akong tumawa at taas noo siyang tinignan. I smirked at him.

“Sinungaling? Sa akin pa talaga? Ako pa talaga? Leon, are you talking about yourself? Please, is this about leaving you behind six years ago? Bitter ka pa rin?”

Ang galing kong umarte kahit na nasasaktan na ang loob ko. Hindi nagbago ang kaniyang emosyon ngunit nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Let's not waste our time. Alright, kukunin ko ang anak ko sa'yo.” he scoffed.

Nayanig ang mundo ko. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Galit ko siyang tinignan.

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Now you're being feisty huh? Let's talk in my car and hear my terms about our daughter. Huwag mo akong galitin, Serene Vasquez.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status