Share

Chapter Three

HTGD: Chapter Three

Malakas ang hangin. Alas singko na ng hapon at malapit na rin lumubog ang araw. Humahampas sa aking katawan ang simoy ng hangin, pati ang aking buhok ay nakikisabay.

Pagkatapos kong sagutin si Leon ay lumabas ako ng bahay at nagpunta sa likod bahay namin. Nasa ilalim ako ng malaking puno kung saan kami palagi tumatambay ni Victoria. Sa sinabi ko kanina at biglang pag-amin ay natabunan ako ng hiya kaya naman dali-dali akong tumakbo para makalanghap ng sariwang hangin.

Hindi ko alam kung nasa loob pa rin ba si Leon pero hinihiniling ko na sana ay huwag niya akong sundan.

Ngunit ayaw ata ako pagbigyan ng tadhana dahil ngayon ay papalapit na sa akin si Leon. Ang mata niya ay nakatutok lang sa akin, ang aking paa ay tila ba nakapako sa lupa dahil hindi ito gumagalaw.

I gulped. I am nervous right now. Ayaw ko pang harapin si Leon pero anong magagawa ko?

“L-Leon...”

“Don't run away from me, Serene.”

Ito nanaman ako at nahuhulog sa kaniyang mata na parang lawin. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Napatingala ako sa kaniya ng lumapit siya sa akin ng husto. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. Nanunuot ang panglalaking mabango niyang amoy at parang gusto kong umidlip sa kaniyang dibdib.

“Kailan pa?” napabalik ako sa reyalidad ng tanungin niya ako.

Napatulala na lang ako at napatingin sa mga palay na sumasayaw dahil sa hangin. Alam ko ang tanong niya at ayaw kong sumagot pero alam ko naman na wala akong takas ngayon.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

“Since I was fifteen? It's just a simple crush pero ayon e, lumaki. Pero, Leon, don't mind it, mawawala din 'to,” biglang kumirot ang aking dibdib.

“Don't mind it? he scoffed, "Serene, matagal kong hinintay 'to, ang gustuhin mo ako pabalik," huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "Gusto kita, Serene. Gustong-gusto."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang aking kamay at inilagay niya iyon sa kaniyang kaliwang dibdib kung nasaan ang puso niya. Namilog ang aking mata dahil sa lakas ng tibok no'n. 

“You feel that? It's because of you, Serene.”

“I-I... don't know...” para akong nawalan ng dila.

Masaya ako, masaya ako dahil gusto ako ng taong gusto ko. 

Tumulo ang aking luha. Tinignan ko siya sa kaniyang mata. I smiled at him and cupped his face.

“Why are you crying?” taranta niyang tanong at dali-daling pinunasan ang aking luha.

Napatawa naman ako.

“I am happy,” I bit my lower lip, tinignan niya iyon, “Masaya ako dahil ang crush ko gusto rin ako.”

I shook my head. My lips trembled because of happiness.

“No, this is not just a simple crush. It's more than that, Leon. I like you so much, Leon.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. He mumbled something but I didn't hear it.

“Let's be official, Serene. I'll court you everyday but I want us to be official right now.”

Napatigil ako tumingala sa kaniya.

“But how about your father? The Vice Governor, pati si Mama?” hindi ko mapigilan hindi mapaisip.

"Don't mind my father. Wala lang ito sa kaniya. And don't worry, ipagpapaalam kita sa mama mo."

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngunit tumango na lamang ako. He smiled at me genuinely at niyakap ulit ako.

“I couldn't believe it! Hindi mo alam kung gaano ako katagal nagpigil, Serene.”

“And I didn't know na gusto mo rin ako. Ayaw ko umamin sa'yo dahil baka masira ang pagkakaibigan natin.”

“Ayaw kitang biglain, gusto kong umamin sa'yo pero baka kuya ang tingin mo sa akin. Seven years gap, Serene.” napapikit siya at parang na-stress pa.

I chuckled. Humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin.

“Pero ikaw nagsabi na huwag ka namin na tawagin na kuya.”

“Dahil ayaw ko. Hindi naman kapatid ang tingin ko sa'yo.”

“Pero kailan mo ako nagustuhan? Hm?” nakangisi kong tanong sa kaniya.

Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin. Namumula ang kaniyang tenga at tumikhim.

“Let's go. Dumidilim na, Serene.”

Iniiwasan niya ang tanong ko. 

“Sagutin mo ako, Leon. Kailan pa?” pagtutukso ko pa sa kaniya.

“Damn it! Okay fine. Since you were seventeen. It's just a crush just like you but I couldn't help it. Bata ka pa and I don't want to be associated with you that's why nasa Manila ako but you were so funny, lovely and...” huminto siya at tinignan ako sa mata.

“Beautiful... So ethereal.”

Namula ang aking mukha sa pag-amin niya sa akin. Lumakas ang tibok ng aking puso habang nakatitig sa asul niyang mata. Tila nawawalan ako ng hangin sa aking dibdib habang hawak niya ang aking kamay.

Parang hindi totoo itong nangyayari ngayon.

Tumikhim ako nag-iwas ng tingin. Siya naman ngayon ang nakangisi sa akin.

“W-What?” utal ko.

“Nothing.” he is still smirking at me.

“Tara na! Gabi na nga, dumidilim na.”

Leon just chuckled. He held my hand and looked at me with his hawk eyes with full of happiness.

“Let's go?” pag-aaya niya.

“Nakahawak ka talaga sa kamay ko ha? Speed mo ha!”

“Yeah right. You are my girlfriend now.”

“Speed nga,” bulong ko.

“Don't worry, hanggang sa may gate lang. Baka mabigla sa atin si Mama.”

Mabilis ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mata.

“Mama? Kailan mo pa naging mama ang mama ko ha?”

Tumawa lang siya. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa bahay ngunit napawi ang aking ngiti ng nakita ko si Victoria na naglalakad patungo sa amin.

Bigla akong kinakabahan. Shit! Baka masamain niya 'to.

Pagdating niya sa harap namin ay una niyang tinignan ang kamay namin na magkahawak. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Leon at tinawag ang pangalan ni Victoria.

“Vicky!” kabadong tawag ko sa pangalan niya.

“What's the meaning of this, bff?” ang kaniyang mata ay nanlalaki.

“U-Uh...”

“Shit! Seri?” tawag niya sa akin.

“Kami na, Victoria.”

Napabaling ang tingin ko kay Leon ng inamin niya ang relasyon namin.

“W-What?!” gulat na gulat na tanong ni Victoria.

“Vick—” she cut me off.

“Kailan pa?! Bakit hindi mo sa akin sinabi, Seri?!” bigla siyang sumigaw.

Namutla naman ako dahil sa reaksyon niya.

“N-Ngayon lang, Vicky,” mahina kong sagot.

“Huh?! Pero kayo na?” lito niya pa rin na tanong at tinignan kami pareho ni Leon.

“What the hell, Leon! Ang bilis mo naman ata?!” sigaw niya pa ulit.

“Shut it, Victoria! Liligawan ko pa rin si Serene araw-araw.”

Napahinto si Victoria at tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngunit nakahinga ako ng maluwag ng bigla siyang ngumiti sa akin.

“Oh my Gee! Congrats, bff! Ang tagal mo ng hinihintay ito! Sabi ko sa'yo e! May gusto itong si Leon sa iyo e!”

“Vicky... Sshhh! Baka marinig ni mama!” saway ko sa kaniya.

Bigla niyang tinakpan ang kaniyang bibig at nag peace sign. Tinignan ko naman si Leon ngunit hindi siya nakangiti.

“Marami kang iku-kwento sa'kin, bff!” dagdag pa ni Victoria.

“Let's go! Sabay raw tayong mag hapunan sabi ni tita,” saad niya at hinila ang aking braso.

Nilingon ko si Leon at nginitian siya. I mouthed sorry but he just nodded.

This day is so unexpected. Masaya ako ngunit parang may pangamba sa aking dibdib.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
thank you po Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status