Share

Chapter Five

HTGD: Chapter Five

Nasa loob na kami ng kotse ni Leon. Malakas ang kabog ng aking dibdib ngunit pinanatili ko ang walang emosyon kong ekspresyon. Ayaw kong makita niya akong mahina, lalong lalo na sa harap niya.

Hindi na ako ang dating Serene na niloko niya. I need to be stronger for my daughter, Eleanor.

“Talk. What do you want, Governor?” nasa labas aking tingin.

“As I said, I want my daughter.”

Napailing ako at napatawa sa tinuran niya, “You are really insisting that phrase huh? Hindi mo siya anak, Governor.” diin kong saad.

“Then who? I am not dumb, Serene!” hinila niya ang aking braso. Binigyan ko siya ng nanlilisik na tingin.

“Bitawan mo ako. Wala kang karapatan na hawakan ako!”

“Answer me! Who's the father? Hinanap kita, Serene!”

“I don't care kung hinanap mo ako, Governor. And do you really wanna know kung sino ang ama huh?”

Ngumisi ako sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa aking braso.

“Nasasaktan ako. Kakasuhan kita ng harassment!” hinawi ko ang kaniyang kamay ngunit ayaw niyang magpatinag.

“You didn't answer me. Who's the fucking father, Serene Vasquez!”

“Jesus! Why are you so concerned about my daughter's father, Leon! P*****a it's Hunter! Your cousin, happy?!” malakas kong sigaw sa kaniya.

Kita ko sa kaniya ang pagkagulat. Lumuwag ang pagkahawak niya sa aking braso kaya naman sinamantala ko 'yon para bawiin. I can feel the sting but I didn't mind. Huminga siya ng malalim at nilabas ang kaniyang cellphone, may kinalikot siya doon na para bang may tine-text siya.

“Let's do a DNA test.”

Napaupo ako nang maayos sa tinuran niya. Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa sinabi niya. Hindi pwede, malalaman niya kapag nagpa DNA test sila ni Eleanor.

I cleared my throat. Kahit na nagulat ay inayos ako ang postura.

“No need. At wala kang karapatan. You're just speculating, Governor. Anak ko si Eleanor at wala kang karapatan sa kaniya. Leave us alone.”

“Eleanor Sage is her name and I am Leon Rage. Tell me, Serene, masyadong magka-konektado ang pangalan namin. Hindi ako tanga.”

Napatawa ako sa tinuran niya, “Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no, Governor? Anong kinalaman ng pangalan ng anak ko pangalan mo? At paano mo nalaman ang pangalan niya?”

Para naman siyang nasaktan sa sinabi ko. Kumuyom ang kaniyang kamao, napalunok ako dahil baka suntukin niyo ako dahil sa inis.

But I trust him. Alam ko naman na hindi siya mananakit nang babae.

Hindi niya ako sinagot. Hinilot niya ang kaniyang sintido na para bang na i-stress na siya sa akin.

“You are still stubborn, I see. Then I guess, I'll just buy this land na kung saan nakatayo ang bagong bahay niyo. Madadamay din mga kapitbahay niyo. Matagal ng gustong bilhin ito ng mga shareholders ko to build a condominium here. Maganda ang pwesto at tourist attraction pa. What do you think, Serene?”

“W-What?”

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya. Hindi mapaniwalang tinitigan ko ang kaniyang mata, nanginginig ang aking kamay at napayukom ko ang mga 'yon.

“Gago ka ba? Bakit kailangan mo mandamay!” malakas kong sigaw ko sa kaniya.

His smirked like a devil. He chuckled at hinaplos niya ang kaniyang labi habang tinitignan ako.

Para tuloy akong clown sa mata niya. He is playing with me.

“Wow! Nagmumura ka na but no hard feelings, Serene. It's our long project at itong lupa na unfortunately kinatatayuan ng bahay niyo ay sakop ng gusto namin itayong bagong building. I guess, I'll inform my secretary about this,” kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagtipa at nakita ko na parang may tatawagan siya.

“Leon!” umalingawngaw ang aking boses.

Nilingon niya ako binaba ang kaniyang cellphone. Ang kaniyang katawan ay tuluyang humarap sa akin.

“Huwag kang mandamay ng ibang tao!”

“Then let's do a DNA test, Serene if you're not guilty. Let's do a DNA test kung hindi ko talaga anak si Eleanor.”

“Si Hunter ang ama niya!”

“Do you think I am dumb? Hindi ako bobo, Serene!”

“Masyado kang assuming, Leon!”

“May nangyari sa atin bago ka nawala, Serene! At sakto sa edad niya kung gaano ka katagal nawala na parang bula dito sa Marinduque.”

Umigting ang kaniyang panga. Damn it! This is hopeless. Nauubusan na ako ng palusot sa kaniya.

“That child is mine. It's our daughter at gusto ko siyang kunin kapag lumabas ang DNA test and I know na anak ko siya kahit hindi tayo magpang-abot sa ganito. You're just stubborn and still lying! Dinamay mo pa ang cousin ko, Serene.”

“Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko, Leon. Kaya ko siyang buhayin!”

Hindi ko na napigilang hindi mapaluha. Naiisip ko pa lang na mawawala sa piling ko ang aking anak ay parang sumusikip na ang dibdib ko.

Lumambot ang kaniyang ekspresyon ngunit sandalian lamang 'yon.

“But I can give her more than anything. Mas kaya ko siyang buhayin at kaya kong ibigay sa kaniya ang lahat. Remember, I'm not just a Governor, I'm also a CEO.”

Hinawakan ko ang kaniyang balikat. Humihikbi ako nagmamakaawang tinignan siya.

Alam ko ang kaya niyang gawin. Hindi siya nagbibiro. Ayaw kong may madamay na ibang tao dahil sa problema namin. Ayaw ko rin makuha niya sa akin ang anak ko.

“L-Leon... si Eleanor na lang ang mayroon ako. Please huwag mo siyang kunin sa akin.”

“Ako ba ang ama?”

Natigilan ako sa tanong niya. Parang kanina lang todo deny ako sa mga sinasabi niya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot, “Oo...”

Namayani ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita nang sinagot ko siya. Nakayuko ako habang pumapatak aking luha sa aking pisnge.

“Kukunin ko siya.”

Napaangat ang aking tingin. Kinuha niya ulit ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kinakabahang tinignan ko siya.

“L-Leon! Huwag ang anak ko!”

“I will file a custody, Serene. Alam mo naman siguro na ako ang mananalo kahit anong gawin mo. Humanap ka na ng abogado mo.”

“No! Huwag! Leon please!”

Niyugyog ko ang kaniyang balikat. Paniguradong magulo ang aking mukha dahil sa aking luha. Pero hindi ko na ininda 'yon.

“G-Gagawin ko ang lahat. Please, Leon! Huwag ang anak ko. Huwag ang anak natin, Please. Siya lang ang mayroon ako!”

“Gagawin mo ang lahat?” malamig niyang tanong.

Desperadang tumango-tango ako. Kailangan kong ibaba ang pride ko para sa anak namin. Ayaw kong mawalay sa'kin si Eleanor.

“Sa akin kayo titira. Mag-impake ka na. Kukunin ko si Eleanor pati ikaw na ina niya.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status