Share

Chapter Six

HTGD: Chapter Six

"Y-Yes, Ma... Ako na ang bahala, h-hindi ako sasaktan ni Leon, kami ni Eleanor, Ma. Don't worry about us, Babalik ako para sa ibang gamit namin. Salamat po," nasa labas ng bintana ang tingin ko habang kausap ko si Mama sa phone. Huminga ako ng malalim bago ko ito binaba.

Nandito kami sa kotse ni Leon. Wala akong nagawa no'ng hinila niya ako, kinuha niya rin si Eleanor. Nagtataka kanina si Mama pero no'ng tinignan ko siya ay nagpahiwatig ako na ako na ang bahala sa lahat, at nagpaubaya na lang ako na sumama kay Leon. Takot na takot ako at ramdam ko ang nginig sa aking katawan pero binalewala ko 'yon

Tinignan ko si Eleanor na nasa gitna naming dalawa ni Leon. Tulog na ulit siya dahil siguro sa pagod. After all, galing siyang school at kahit natulog kanina sa no'ng umuwi kami ay ito siya ngayon, bagsak at nakapikit ang mata— hindi na bago na matulog siya kaagad. It's her habit.

I caressed her hair. Sa labas pa rin ng binatana ang tingin ko, ni hindi ko tinapunan ng tingin si Leon no'ng nakasakay kami dito. Masyadong mabilis ang pangyayari at parang nasa ulap pa ang isip ko.

"To my penthouse, Fin."

Napapitlag ako sa boses ni Leon. I saw him through my peripheral vision. He is scrolling to his phone, napatikhim ako nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Para akong na-guilty dahil hindi naman ako direktang nakatingin sa kan'ya.

"Alexis, Cancel all my appointments scheduled for tomorrow. I have some things to do and it is important," he sighed and continued, "Stop asking and just do your job," malamig na saad niya at binaba kaagad ang tawag.

Kumalabog ang dibdib ko no'ng narinig ko ang pangalan na 'yon.

'Alexis...'

She is also my best friend and Leon sister. When I escaped- I didn't tell her about my pregnancy. Nawala na rin ako ng contact sa kan'ya dahil mas pinili kong talikuran ang lahat ng may ka-konekta kay Leon.

Alexis knew about my feelings for his brother, silang dalawa ni Victoria. She knew how I loved Leon. She had always said to me na sumuko na lang, ayaw niya akong masaktan ngunit nagmatigas ako. Sana nakinig na lang ako sa kaniya noon, at hindi nahulog sa patibong ni Leon.

"After natin mag-usap, uuwi rin kaagad kami ni Eleanor," basag ko sa katahimikan. Nilakasan ko ang loob ko at tinitigan siya.

Nagulat ako nang nakatingin pala siya sa akin. Still, I stared at his dominant blue eyes. He just kept staring at me but I insisted.

Tumikhim ako bago nagsalita, "If this is about Eleanor, we are doing well. Kaya na naming dalawa. Please lang, tama na, Leon. Si Eleanor na lang ang mayroon ako."

"Save that explanation of yours. We will talk in my penthouse," he looked away and I just sighed.

I smiled bitterly. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala akong kalaban-laban sa kan'ya. I am still a coward who always loses just for him.

Napagawi ang tingin ko sa rearview mirror at nakita ko si Fin na pa-simpleng tinitignan ako. He just smiled but Leon spoke.

"Focus and look at the front, Fin." parang yelo ang boses nito.

Napapitlag si Fin at napatikhim.

Isang salita ni Leon ay lahat susunod sa kan'ya. I still remember how he fired one of the directors in his company. The second chance is not in his vocabulary.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa tapat magarbong gusali. The memories flash back into my eyes as I look up through the windows. Binuksan ni Fin ang pinto ng kotse. Nilingon ko muna si Eleanor para sana kunin siya ngunit nakuha na siya ni Leon, karga ito.

Parang tulog mantika si Eleanor dahil ni hindi man lang siya nagising sa pagbuhat ng kan'yang ama.

I looked at Eleanor and Leon. Hindi maipagkakaila na mag-ama sila. The features of Eleanor- most of them nakuha niya sa ama niyang si Leon. Parang hinaplos ang puso ko nang nakita ko si Leon na dahan-dahang kinakarga ito. He also caresses her hair. I smiled bitterly.

Nang makapasok kami sa building ay nagsitinganan ang mga tao. Nagtataka kung bakit may karga-karga ang isang Leon Rage Montessori na isang bata. Hindi ito pinansin ni Lucius at dumiretso na kaagad sa elevator. Pumasok na rin ako at pilit na hindi pa rin tinitignan ang kan'yang mata.

He pressed the twenty-six button. Nasa harapan siya habang ako naman ay nasa likod. Naiwan naman si Fin para iparada ang kotse ni Leon.

Namayani ang katahimikan sa elevator. Naririnig ko ang sarili kong tibok ng puso. I saw him in the mirror looking at me. My knees got weakened because of it. You can feel his alpha and dominance, that's how dangerous he is.

The elevator opened. Wala pa rin pinagbago sa penthouse niya. Huling punta ko dito noong birthday niya kung saan...

'Kung saan nagsimula lahat ang pagkakamali...' isip-isip ko.

"Leon hijo, napaaga ka ata..."

Gulat akong napatingin sa nagsalita. I felt my eyes burning. Ayaw kong umiyak ngunit traydor ang aking mga mata.

"Serene hija... I-Ikaw ba 'yan."

"Manang Felise..." I sobbed.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa akin. Binitawan niya ang hawak niyang mop at niyakap ako nang mahigpit.

Manang Felise is like my second mother. She is the mayordoma of the Montessori Family. Montessori always respected her, even the ruthless Leon Rage.

"Hija- ang tagal ka naming hinanap. Pati si Madame-"

"Manang, pakidala si Eleanor sa kwarto ko," Leon cut her off.

Hindi pa rin mawala ang gulat sa mata ni Manang Felise nang nakita niya si Eleanor.

"She is my daughter, Manang. Take care of her," inabot niya si Eleanor kay Manang Felise nang dahan-dahan. Sanay na si Manang Felise mag-alaga ng bata dahil sa Montessori Family, kaya alam kong mapagkakatiwalaan ko siya sa pagbantay kay Eleanor.

"Diyos ko! Napakagandang bata. Kamukhang-kamukha mo, Leon anak," nakangiti ito habang tinitignan si Eleanor.

"Serene and I will talk, Manang. We need to discuss something."

"Ngunit gusto ko pa makausap si Serene, hijo."

"We will talk about our daughter, Manang." may diin na saad nito.

Nanlaki ang mata ni Manang Felise napatingin sa gawi ko. Kiming ngumiti ako sa kan'ya.

"Paki-alagaan po si Eleanor, Manang Fel."

"A-Ako ang bahala... Sige na," utal pa nito at tumalikod na sa amin para dumiretso sa kwarto ni Lucius.

I sighed heavily when Manang left us. I panicked when Leon grabbed my arm.

"Let's go, we will talk in my office."

Hinayaan ko siyang kaladkarin ako. Nang nakarating na kami sa tapat ng office niya ay binuksan niya ito.

I stood and just watched him lock the door. He removed his blazer, niluwagan niya rin ang necktie niya. I saw his biceps through his white long sleeve. Napalunok ako.

"Now..." I looked at his eyes when he spoke.

"Her name?" tanong niya. Napairap naman ako dahil tinatanong rin ito kanina, para siyang sirang plaka

"Eleanor Sage Vasquez," I said confidently.

"Vasquez?" he scoffed.

"She is my daughter." asik ko.

"And also my daughter." may pagdiin sa bawat salita niya.

"I will file for custody."

Nanlaki ang mata ko at nanlambot ang aking tuhod. Ito ang kinakatakutan ko.

"You can't! Sabi mo hindi mo na gagawin! Ano ba, Leon!" I shouted. Lumapit ako sa kan'ya.

"You know I can, Serene," he smirked at me.

"Eleanor is still five years old. You can't take her away from me!" galit na sigaw ko.

Ayaw kong umiyak sa harap niya ngunit kapag si Eleanor na ang usapan...

"I am capable of giving her everything, Serene, which is that you can't do that for her."

"She is my child, Leon!"

Napaluhod ako. Hindi ko kaya. Ito ang kinakatakutan ko, ang kunin niya si Eleanor sa akin. Kaya niya, kaya niyang gawin lahat.

"Si Eleanor na lang ang mayroon ako. Huwag mo siyang kunin sa akin. Please..." hikbi ko sa bawat tulo ng luha ko.

"I can't do that. I am calling my lawyer now. You can hire for yours but I bet you will still lose to me."

"Gagawin ko ang lahat. Sinabi ko na sa'yo kanina, na gagawin ang lahat. Ang sama-sama mo!"

I lower my pride. Tiningala ko siya. Ang mata niya ay parang walang buhay. Wala siyang awa.

"G-Gagawin ko lahat... Huwag mo lang kunin sa akin ang anak ko."

"I am not a saint, Serene. You know that very well." lumuhod siya para pantayan ako.

He held my chin up as he looked at my eyes. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at kinuyom ang kamao ko.

"What can you offer when I can do and buy everything, Serene. Hm?"

"You are evil, Leon."

He chuckled in no remorse, "I fucking am."

I glared at him. Pabalang niyang binitawan ang baba ko at tumayo. Tinignan niya ako na parang isang alipin. Langit siya. Lupa ako.

"Stay here."

I gasped. He looked at me. Nakita ko ang kakaiba sa kan'yang mata ngunit saglit lang 'yon dahil napalitan 'yon kaagad. His cold blue eyes looked at me as he held his phone. Dinala niya ito sa kan'yang tenga.

"Fin? Fetch Eleanor and Serene clothes. Also, sabihin mo rin sa Mama ni Serene na sa'kin na titira ang anak niya."

Gulat akong napatayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"N-No... Si M-Mama..."

"I will talk to your mother, Serene."

Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap niya kay Fin. Natulala ako at hindi na pinansin lahat ng sinabi niya. Napapitlag na lang ako ng binaba niya ang tawag.

"She will be Eleanor Sage Montessori . Her last name must be changed to mine," he held my chin up once again.

"If you want to be with our daughter, stay here."

"Leon..." ang tangi kong nasambit.

My tears fell down my cheeks. He wiped it out with his thumb.

"I am a Billionaire and a Governor, Serene. No one can help you in this situation. I am Montessori." he said with pride.

Hindi ko siya kaya. Una pa lang talo na ako.

"Better give up and just follow all my orders. Understood." he said dominantly.

"Do you understand me, Serene?" pag-uulit niya ng may diin.

I just nodded.

"Hindi ka aalis dito hangga't hindi ko sinasabi. Babantayan mo si Eleanor katulad ng laging mong ginagawa. Ako na ang magpapa-aral sa kaniya at susunod ka sa'kin, susundin mo lahat ng iuutos ko. You can't run away again from me, never again," huling saad niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status