Share

Hiding The Mafia King
Hiding The Mafia King
Penulis: snowflower

CHAPTER 1: THAT NIGHT

Sage's POV

Hindi mahulugang karayom ang kabuuan ng bar ng ate kong si Samantha dahil sa dami ng mga bisitang inimbita niya para lamang sa akin. Isa itong club na iniregalo sa kanya ni Daddy noon dahil hilig talaga niya ang pagpunta rito.

"Congratulations, Sage!" sabay-sabay nilang bati sa akin.

Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "Thank you, guys!"

Katatapos lamang ng international film na ginawa ko sa Europe noong mga nakaraang buwan at dahil naging successful ito, napagpasyahan ng ate ko na magpa-party para sa akin.

"So, next na ba ang wedding ninyong dalawa ni Nathan?" tanong ng isa sa mga co-actressess ko na si Monica.

"Well, hindi ko alam sa kanya. Siya lang naman kasi ang hinihintay ko." tugon ko habang nanunuksong tumingin sa boyfriend kong si Nathan na abala sa pakikipag-usap sa ate ko.

Limang taon na kaming magkasintahan ni Nathan. Gaya ko, isa rin siyang kilalang aktor sa bansa. Hindi ko nga rin ba alam pero sa tuwing tinatanong ko siya about sa posibilidad na ikasal kaming dalawa ay parati siyang umiiwas, o hindi naman kaya ay sinasabing marami pa siyang gustong maabot mula sa pagiging isang aktor.

"Sage, since kababalik mo palang ulit dito sa Pilipinas, bakit hindi tayo magpakasaya? Let's drink!" sigaw ni Samantha hawak ang dalawang glass ng wine saka iniabot sa akin ang isa.

"Thanks, Sam. You really are the best stepsister!"

Ngumiti siya sa akin. "Of course. For my sister."

Magmula nang mamatay ang mommy ko dahil nang ipinanganak ako, kaagad na nagpakasal muli si Daddy at iyon ay walang iba kundi ang stepmother ko na si Mommy Melody at si Samantha na anak niya sa una niya ring asawa.

Nagpatuloy lamang kami sa pagpaparty hanggang sa bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Sage, are you alright?" tanong sa akin ni Samantha na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Kaagad naman akong tumingin sa kanya saka ngumiti. "Ayos lang ako. Medyo nahilo lang ako siguro dahil na rin sa alak at sa dami ng tao rito sa bar."

"Is that so? Do you want to take some rest for a while?"

"Huh? Hindi na. Tignan mo, lahat ay nagkakasiyahan, ayaw ko namang maging KJ."

"Are you sure about that?"

Tumango ako. "Oo naman. Alam mo, wala na talaga iyong pagkahilo ko kaya tara na at mag-party!"

"Ikaw talaga, Sage. Well, if that's what you want! Let's party!"

Kaagad kaming naglakad pabalik sa mga hindi magkumayaw na mga tao sa gitna ng bar na iyon. Sa hindi ko malamang dahilan ay tila bigla na lamang ako nagkaroon ng kakaibang pakiramdam at tila ba mas lalo akong nauhaw kaya naman kumuha pa ako ng alak atsaka iyon sunud-sunod na tinungga.

"Let's party!" ubod nang lakas kong sigaw saka ako nag-sayaw nang nag-sayaw sa gitna ng mga nagkakasiyahan na ring mga tao.

Kasabay ng napakalakas na tugtugin ang mapupusok na pag-indayog ng katawan ko na tila ba hindi na mapipigilan. Para akong sinapian dahil sa sobrang hyper ko nang gabing iyon.

Tuluy-tuloy lamang akong nag-sayaw hanggang sa maya-maya ay bigla na lamang may lumapit sa aking lalaki.

"Hey, beautiful." bulong niya sa tainga ko.

Dahil doon ay napatingala ako sa kanya.

Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa madilim at paiba-ibang ilaw ng bar. Ang tanging alam ko lamang ay higit na mas matangkad siya kumpara sa akin. Naaamoy ko rin ang alak sa kanya kaya naman nalaman ko kaagad na nakainom din siya.

Hindi ko lamang siya pinansin noong una sa pag-aakalang titigil din siya, pero maya-maya ay bigla niya na lamang akong hinapit sa bewang palapit sa kanya saka walang anu-anong inangkin ang mga labi ko.

Napahinto ako sa pagsasayaw saka tila estatwang nanatiling nakatayo lamang doon habang patuloy lamang ang estranghero sa paghalik sa akin. Tila may kuryenteng bumalot sa buong katawan ko at natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumutugon sa mga halik niya sa hindi malamang dahilan.

"Do you want to go somewhere else?" tanong niya sa akin nang humiwalay na siya.

"Huh?"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka nagsimulang naglakad. Ako naman ay walang kamuwang-muwang na nagpahila sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.

"A-Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pa sa kanya.

"I'll make you happy."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang iyon. Para bang gusto kong umatras, pero bago ko pa man magawa iyon ay naitulak niya na ako pahiga sa kama. Pagkatapos niyon ay siniil niya muli ako ng mapusok na halik.

Nag-init ang buong katawan ko sa bawat pag-haplos at halik niya. Pilitin ko mang itulak siya palayo ay hindi ko magawa dahil sarili kong katawan ang tumraydor sa akin.

"You are so beautiful..." muli niyang bulong habang nakatitig sa akin.

Sa pagkakataong iyon, nakita ko ang mukha ng kasintahan kong si Nathan sa kanya. Kaya naman nang muli niya akong hagkan, ay hindi na ako nag-atubiling halikan siya pabalik.

Ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking iyon nang hindi iniisip kung ano nga ba ang posibleng mangyari pagkatapos niyon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status