Share

CHAPTER 6: AFTER FIVE YEARS

Sage's POV

"Mommy, are we finally going to meet Auntie Anne?" tanong sa akin ng anak kong si Anya habang nakasakay kami sa kotse papunta sa tutuluyan naming condo unit.

Kauuwi lang namin galing sa Europe matapos ang limang taon at ngayon ay napagpasyahan ko na ring bumalik. Limang taon din akong nagtago roon para lamang makalimutan ang lahat ng masalimuot na nangyari sa akin at para na rin maalagaan ang anak kong si Anya.

Si Anya ay ang anak kong limang taong gulang na ngayon. Mayroon siyang mahabang buhok at napakagagandang kulay asul na mata na marahil ay namana niya sa kanyang ama dahil wala naman sa pamilya namin ang may ganoong kulay ng mga mata. 

Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang tungkol sa totoo niyang ama. Sinabi ko na lamang na matagal na itong wala. 

"Oo, anak. Mamaya, pupunta sa bahay natin si Auntie Annelise mo. Excited ka na bang makita siya?" 

"Super!" bulalas niya habang tila kumikinang ang mga mata.

Laking pasasalamat ko talaga dahil lumaking magalang at mabuti ang anak ko kahit pa ako lamang ang kasama niya sa loob ng limang taon. Noong una, talagang mahirap. Pero soon enough na-realize ko rin na may maganda rin naman palang nangyari sa akin. At iyon ay si Anya. Siya ang dahilan kung bakit kinaya ko lahat. 

Nang sa wakas ay makarating na rin kami sa condo unit, kaagad kong sinimulang ayusin ang mga gamit namin habang si Anya naman ay tinulungan ako sa pamamagitan ng pag-aayos ng toys niya sa loob ng kwarto naming dalawa. Hindi kasi siya nakatutulog kapag hindi niya ako katabi.

"Mommy, I found something!" biglang sigaw ni Anya saka tumakbo palapit sa akin at iniabot ang isang larawan. "Mommy, who is that man? Is he daddy?"

Ang nasa larawan ay walang iba kundi kaming dalawa ni Nathan noong kasasagot ko pa lamang sa kanya. Nakaakbay siya sa akin habang ako naman ay namamaga ang mga mata dahil kaiiyak ko pa lamang noon. 

"O-Oh, no. He's just one of mommy's friends. By the way, are you hungry now? Do you want me to make some burgers for you?"

"Burgers? Yes, mommy!" 

Pasimple ko pang nilukot ang litratong iyon saka ko itinapon sa basurahan nang makarating na ako sa kusina. 

Limang taon na rin ang nakalipas magmula nang huli kong makita sina Nathan at Samantha. Matagal-tagal na rin mula nang mahuli ko silang dalawa. Ang balita ko hindi pa rin sila naghihiwalay na dalawa, pero hindi pa rin sila kasal. 

Anyway, wala na rin naman akong pakialam sa kanilang dalawa, ano. Ang tanging concern ko na lamang ngayon ay kung paano ko mai-provide ang buhay na pangarap ko para sa anak kong si Anya. Wala na akong panahon para sa mga pag-ibig na 'yan. 

Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa may pinto kaya kaagad akong nagtungo roon upang buksan ito. 

"Sage!"

"Annelise!"

Kaagad kaming nagyakapan na dalawa. 

Kasama ko si Annelise nang magpunta ako sa Europe five years ago. Tinulungan niya ako hanggang sa maipanganak ko si Anya, pero matapos niyon ay bumalik siyang muli sa Pilipinas dahil kailangan niyang magtrabaho. 

"Oh my God, wala ka pa rin talagang kupas, Sage! Napakaganda mo pa rin!"

"Ikaw talaga, kahit na kailan napaka-sweet talker mo pa rin."

"Auntie Anne!"

Nang makita ni Anya si Anne ay kaagad siyang tumakbo palapit dito atsaka siya niyakap. Kahit kasi wala si Anne sa tabi namin ay parati pa rin kaming nagv-videocall sa kanya para makapag-usap silang dalawa ni Anya. 

"Ito na ba ang inaanak ko?! Aba! Napakaganda naman! Manang-mana ka talaga sa mommy mo!" 

***

"I'll be back, okay? Behave while I'm not here. Always listen to your Auntie Annelise." paalala ko kay Anya bago ako umalis papunta sa grocery store para bumili ng gatas niya at ng mga kakailanganin kong sangkap para sa lulutuin kong hapunan namin. 

Tumangu-tango naman siya. "Yes, mommy! I promise I wil behave!"

"That's my girl. Anne, ikaw na munang bahala kay Anya, ha?"

"Oo naman. Makikipag-laro lang ako sa napaka-cute na batang ito!"

Bago ako umalis ay h******n ko na muna si Anya atsaka nagpaalam. Medyo malayo rin kasi ang grocery store mula sa condo namin kaya naman kinailangan ko pang gamitin ang kotse ko. Napagdesisyunan ko na rin na bilhin na rin ang iba pang mga kailangan namin para hindi na ako mahirapang magpabalik-balik.

Kaagad din akong umalis sa grocery store nang mabili ko na ang lahat ng kailangan ko. Gabi na rin kasi kaya binilisan ko na. 

Nang malapit na sana ako sa may condo unit namin, bigla na lamang akong may naaninag na tao na naglalakad. Pulang pula ang mukha niya at pati ang damit niya. 

Noong una buong akala ko ay tatawid lang siya, pero nang makalapit na ako, doon ko nakita ang buong mukha niya at kaagad akong napahinto sa pagmamaneho. 

"Oh my God, nasagasaan ko ba siya o ano?" bulong ko sa sarili ko. 

Mabuti na lamang at wala gaanong tao sa bandang iyon kaya naman kaagad na akong lumabas para makita ang lagay ng lalaki. 

Kaagad akong napasigaw nang makita ko ang lalaki na nakalumpasay na sa sahig habang naliligo na sa sarili niyang dugo. 

"M-Mister?" nanginginig ang boses kong tawag sa kanya. 

Pero siyempre, hindi siya kumibo dahil wala nga siyang malay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya atsaka tinignan kung bahay pa siya. At nang malaman kong humihinga pa siya ay kaagad akong tumawag ng ambulansiya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Norwel Anajao
patay na ba Ang author nito Wala na ba kasunod na chapter.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status