Share

CHAPTER 5: THE MAFIA KING

Tanging mga putok lamang ng baril ang naririnig sa kabuuan ng isang napakalaking building kung saan nagtatago ang pinakakinatatakutang mafia king na si Liam Matt Weigland kasama ang mga tauhan niya.

Madilim ang buong paligid at ang tanging maaninag ay ang liwanag na nagmumula sa buwan. Sa bawat pagputok ng baril ay siya ring pagdanak ng dugo.

"Boss, mukhang tuluyan na po nilang napasok ang base natin! Kalahati na sa atin ang napatay nila!" sigaw ng isang lalaking humahangos habang may hawak na baril.

Kaagad namang tumayo mula sa kinauupuan niya ang isang makisig at matipunong binata na si Weigland hawak ang dalawang baril. "That fucking moron. He really planned on catching us empty-handed, huh? Does he really think he can beat me? Shoot all the morons you'll see and leave. Let's see each other to our base two."

"P-Pero paano po kayo, boss?"

"I'll fight that dumbass, then I'll proceed to our base. Wait for me there." tugon ni Weigland habang inihahanda ang kanyang sarili.

Maya-maya rin ay narinig na nila ang pagdating ng mga tauhan ng kanilang kalaban na papalapit kaya naman kaagad din nilang pinatay ang ilaw sa kwartong iyon saka nagtago sa likuran ng malaking pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ng malaking pinto na iyon ay kasunod din ng sunud-sunod na putok ng baril na naging sanhi ng isa-isang pagkatumba ng mga kalaban sa sahig.

"Go out!" sigaw ni Liam sa mga tauhan niya.

Kaagad naman silang tumakbo papalabas ng kwartong iyon. Buong akala nila ay tuluyan na silang makaaalis, ngunit bigla na lamang humarang ang mga tauhan ng kalaban nila saka sila isa-isang pinagbabaril. Mas lumakas pa ang putukan nang tuluyan pang dumami ang mga kalaban na nakapalibot sa grupo ni Liam.

Sa huli, walang natira ni isa maliban sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay bumaba sa isang motor ang isang matabang lalaki na malaki ang ngisi. "Liam Matt Weigland. Nagkita ulit tayong dalawa. Akalain mo, matagal-tagal din ang nakalipas pero wala ka pa rin talagang kupas."

"Joseph. You fucking idiot. Do you really think you can beat me just by betraying me?" ani Liam saka sarkastikong tumawa.

"Liam. Hindi mo pa ba nakikita? Napapalibutan ka na ng mga alagad ko. Isang utos ko lang sa kanila, paniguradong tapos na ang paghahari mo. Pero dahil may pinagsamahan naman tayong dalawa, pwede kitang bigyan ng pabor. Pwede kang maging kanang kamay ko kung gusto mo. Sigurado namang gusto mo rin iyon, hindi ba?"

Muling ngumisi si Liam saka pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Naglakad siya palapit kay Joseph saka ito dinuraan sa mukha. "Even if I die right now, you can never defeat me, Joseph. Just like before, you will remain as that little dickhead that I fed."

"Ikaw---

Bago pa man niya matapos ang pagsasalita niya ay nabaril na siya ni Liam sa ulo na ikinasanhi ng agarang pagkatumba nito sa sahig. Kasabay din niyon ang pagbaril kay Liam ng isa sa mga tauhan ni Joseph mula sa likuran niya. Nabaril siya nito sa may kanang balikat, dahilan upang mabitawan niya ang isa sa kanyang mga baril ngunit hindi iyon naging dahilan upang hindi niya mabaril ang mga nakaamba na sa kanya.

Muli, sunud-sunod ang pagpapaputok ng baril. Ngunit dahil ang iba ay naging abala sa pag-aalala kay Joseph, mabilis na nakasakay si Liam sa kanyang kotse at nakatakas.

"Damn it!" mura niya habang tinitignan ang sugat na natamo niya sa kanang balikat na gawa ng isang tauhan ni Joseph na bumaril sa kanya kanina lamang.

Buong akala niya ay nakatakas na siya, ngunit nang mapatingin siya sa kanyang side mirror ay doon niya nakita ang mga tauhan ni Joseph na nakasunod sa kanya sakay ng mga motor nito. Dahil doon ay mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa may makita siyang intersection kaya naman doon siya kaagad na lumiko.

Tila nga wala talagang makatatalo kay Liam sa taglay niyang galing sa lahat ng bagay. Bukod sa pagbaril at pakikipaglaban ng pisikalan ay kilala rin siya sa taglay niyang galing sa pagmamaneho. Namana niya iyon sa kanyang ama na isang mafia boss din noon ngunit namatay sa isang engkwentro sa mga malupit nitong kalaban.

Maya-maya ay bigla na lamang nag-ring ang kanyang cellphone kaya naman kaagad niya iyong sinagot.

"What do you want?"

"Oh, Liam. Why do you sound like you are so uninterested? Don't you miss your mother?" ani ng babae sa kabilang linya.

Ito ang kanyang ina. Isa itong kilalang doktor at artista ngunit bata pa lamang siya ay iniwan na siya nito upang sumama sa ibang lalaki kaya naman ganoon na lamang ang pagkalayo ng loob ni Liam sa kanya.

"I don't have time for you."

"I'm getting married tomorrow. I hope you can come. Liam, I know you're still mad at me. But please, I want us to be family again. I want you to be happy for me. I know you---

Bago pa man matapos nito ang sasabihin niya ay kaagad nang ibinaba ni Liam ang tawag.

Hindi pa rin tanggap ni Liam ang pag-iwan sa kanila ng kanyang ina. Para sa kanya, ang pang-iiwan nito sa kanila ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.

BANG.

Laking gulat ni Liam nang makarinig muli siya ng putok ng baril mula sa bintana ng kotse niya. Doon niya lamang nalaman na tuluyan na pala siyang nahabol ng mga tauhan ni Joseph.

Inilabas niyang muli ang kanyang baril saka sila pinaulanan ng bala. Habang abala sa pakikipagbarilan sa mga kalaban sa gilid at sa likuran niya ay hindi niya namalayang bangin na ang susunod na lalagpasan ng kotse niya.

Huli na niya nalaman iyon, kaya naman wala na siyang iba pang nagawa nang tuluyan nang mahulog ang kotse niya sa bangin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status