Share

CHAPTER 4: DECISION

Sage's POV

"Sage, totoo bang buntis ka?"

"Si Nathan ba ang ama?"

"Miss Sage, totoo bang hindi si Nathan ang ama ng ipinagbubuntis mo ngayon?"

"One night stand lang ba?"

"Break na ba kayo ni Nathan?"

Halos hindi na ako makadaan dahil sa dami ng reporter at paparazzi na nag-aabang sa labas ng hotel na tinuluyan ko. Lahat sila ang tinatanong ay tungkol sa pagbubuntis ko at sa hiwalayan naming dalawa ni Nathan. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman ang mga bagay na iyon, pero sigurado akong si Samantha ang may kagagawan ng lahat ng ito. 

Kung alam ko lang na gagawin niya sa akin ito, sana una palang hindi ko na siya pinagkatiwalaan pa. Sana hindi ko na sinabi pa sa kanya ang lahat ng mga sikreto ko. 

"I knew it! Sinasabi ko na nga ba at may hindi talaga magandang nangyari noong gabi na 'yon e! Kaya naman pala parang may nag-iba rin sa pangangatawan mo at parati ka na lamang naduduwal." pangangaral sa akin ni Annelisse nang makarating na ako sa management agency building namin. 

Yumuko na lamang ako. "It was all Samantha's plan. May inilagay siyang kung ano sa inumin ko noong gabing iyon kaya ganoon nalang ako ka-hyper at ka-pusok noong gabi na iyon.  But I swear, Annelise. Hindi ko naman sinadya iyon, kung alam ko lang din na ganito pala ang mangyayari, hindi na sana ako nagpunta pa roon."

"Alam mo ba kung sino ang ama ng batang dala mo? Sino siya? Artista rin ba? Kilalang tao ba? Anong pangalan?"

"I-I can't even remember his face now... I don't know his name.. Masyado lang akong high nang gabing 'yon kaya siguro... siguro hindi ko na rin alam ang mga ginawa ko..." 

Napahilamos ng mukha niya si Annelise saka tumingin sa aking muli. "Ikaw ang laman ng lahat ng newspaper at ng balita ngayon, Sage. Buong bansa ikaw at ang ipinagbubuntis mo ang pinag-uusapan. Halos lahat na rin ng endorsements mo, lahat sila kinansela na ang contract. Pati ang upcoming project mo, sinabing ibibigay nalang sa iba."

Umiling-iling ako habang umaagos ang mga luha sa pisngi ko. "Anong gagawin ko, Anne? Hindi ko na alam kung ano pang kailangan kong gawin...t-tingin mo ba dapat kong ipalaglag ang bata?"

"Ano?! Nababaliw ka na ba, Sage?! Ipapalaglag mo ang sarili mong anak?!"

"Anong gagawin ko? Hindi ko talaga alam, Annelise... hindi ko na alam..."

Naupo siya sa tabi ko saka bumuntong-hininga. "Alam kong mahirap para sa'yo ang mga nangyayari, Sage. Pero nandiyan 'yan e, wala na tayong magagawa pa. At kung iniisip mong ang tanging solusyon lang ng lahat ng problema mo ay ang ipalaglag ang bata, nagkakamali ka. For God's sake, Sage! Anak mo pa rin 'yan!"

"Pero wala nang may gusto sa akin, Anne. Itinakwil na ako ni Daddy... iniwan na rin ako ni Nathan... At ngayon, lahat ng fans ko galit na rin sa akin. Saan pa ako pupunta? Wala na akong kakampi..."

"Kung wala ka nang kakampi, edi ano pala ako? Ano kami ng baby mo? Kakampi mo kami, Sage. At alam mo kung ano sa tingin ko ang dapat mong gawin ngayon?"

Tumingin ako sa kanya habang basa ng luha ang mga mata. "A-Ano?"

"Alagaan mo ang baby mo. Magpahinga ka na muna sa showbiz. Magpunta ka na muna sa ibang bansa at doon siya palakihin. Kung tingin mo iniwan ka na ng lahat, puwes, huwag mong iwanan ang sarili mo at ang baby mo. Iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal ng isang ina at ipangako mong hindi mo siya iiwanan kahit na anong mangyari gaya ng ginawa ng mga tao sa buhay mo." 

Napatingin ako sa tiyan ko saka marahan iyong hinipo kasabay niyon ang tuluy-tuloy na pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. 

Tama si Annelise, hindi ko dapat pabayaan ang anak ko. 

Marahil iniiwan na nga ako ng mga taong buong akala ko ay sasamahan ako habangbuhaty, pero hindi iyon dahilan para iwanan ko rin siya. 

Liam's POV

"Did you find her?" I asked Tristan, one of my men, as soon as I reached our base. 

"Base po sa nalaman namin boss, isa po siyang sikat na celebrity. Kaya lang, lumipad na po siya papuntang ibang bansa noong nakaraang linggo lang." 

I lit my cigarette up and looked at him. "Do you know what her name is?"

"Sage Willow, Sir."

"Sage Willow, huh?" 

I wonder what made her fly to another country. Is it because of what happened between the two of us? Or maybe because she wants to get away from me? 

Well, that's what she thinks. 

"Find that woman. Find her and bring her to me." I commanded.

"Yes, sir. By the way, sir. Hindi pa po nagbabayad si Mr. Philips sa perang inutan niya sa inyo noong nakaraang buwan. Pupuntahan po ba namin siya?"

I stood up and threw my cigarette away. "No, I will be the one to confront that old man." 

***

I kicked the door of his office open and he immediately got surprised upon seeing me with my men. I walked toward him with a smirk on my face. "Long time no see, Philips."

"L-Liam? A-Anong ginagawa mo rito?"

"Oh, so you forgot about our deal already? Don't you remember your promise that you would pay your debt today?"

"I-Iyon ba? Babayaran naman kita e. Kaya lang hindi pa kita mababayaran sa ngayon. Medyo kinapos kasi ako kaya naman---

Before he could even continue what he was saying, I pointed a gun at his mouth. "You know what kind of people I enjoy killing the most, Philips? Liars. I love shooting their mouth so they can't speak lies anymore. Want me to try doing that to you?"

"H-Hindi... please, Liam... Magbabayad naman ako next month e. Kahit kalahati lang muna ngayon, ayos lang ba iyon sa'yo?"

"I don't need bits of your money, Philips. I want it full. And if you can't give it now, then maybe you can just say hi to the devil for me." 

"Liam! Hindi! Please! Hindi na talaga---

BAAM.

I shot into his mouth before he could even speak again. I tossed the gun to the floor and took my cigarette out. 

"Clean this mess, Gregor. Don't leave anything." 

"Yes, boss."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status