Share

Chapter 1

"Mama, look, oh! Ang sungit ni Santa Clause!"

Natawa ako nang ituro ni Thalia ang lalaking nakadamit na Santa Clause at nakaupo sa kaniyang malaking sley habang nakikipag-picture sa mga bata.

Mukhang pagod na pagod ang taong nasa likod ng costume na santa kaya sinusungitan na ang mga batang nakikipag-picture sa kaniya.

"Baby, do you want to take a picture with Santa Clause?"

Umiling siya sa akin. "I don't want."

"But why?"

"He's mean!" pagkatapos sabihin iyon ay bigla niya akong hinila patungo sa corner ng mga chocolates. "Mama! Buy me this one, please?"

Nagpa-cute siya sa akin habang yakap ang malaking chocolate milk with peanuts. Ngumuso pa siya na lagi niyang ginagawa sa tuwing gustong-gusto niyang makuha ang isang bagay.

Bumuntong-hininga ako. "Hay nako! Okay na po, pero iyan lang, huh? Baka kung ano-ano na naman ang damputin mo."

Masayang inilagay niya sa loob ng hawak kong basket ang chocolate saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakangiti ako habang sinusundan siya ng tingin.

Thalia is now three years old. For the past four years, kahit na gipit na gipit ako, nagagawa ko pa rin maibigay sa kaniya ang mga pangangailangan niya, pero hindi ang kaniyang mga gusto.

Kahit na nais kong ibigay sa anak ko ang lahat ng bagay sa mundo, hindi ko magagawa dahil kapos kami sa pera. Mabuti na lang, lumaki siyang maunawain at hindi materyalismo. Sapat na sa kaniya ang mga kaya ko lang ibigay.

"Don't wonder too far, Thalia."

Tumigil ako sa harap ng mga delatang pagkain. Pumuwesto ako sa mga corned beef at tuna, kumuha ako nang dalawang corned beef at tatlong delatang tuna.

Mahilig si Thalia sa mga ito kaya napangiti ako habang tinitingnan isa-isa ang mga pinagdadampot ko. Magpapasko na, balak kong bumili rin ng manok para iluto ang paborito niyang fried chicken.

"No, yaya! I don't like those!"

"Pero, Dianne, masarap ito. Tsokolate, oh! Favorite mo."

"E, ayaw ko nga sa mga peanuts! Get me something without a nut!"

Mula sa kinatatayuan ay napatingin ako sa isang batang nakikipagtalo sa yaya niya. Napangiti ako nang makita ang nakabusangot pero cute niyang mukha. Sa palagay ko, magkasing edad lang sila ni Thalia.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Thalia kanina, nabura ang ngiti sa mga labi ko nang makitang wala na siya roon.

"Baby?"

Dali ko siyang hinanap sa paligid. Halos manlambot ang mga tuhod ko nang hindi ko siya makita kahit saan ako luminga.

"Thalia, where are you?"

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso nang hindi ko mahanap ang anak ko. Tandang-tanda ko pa noong ipinagbubuntis ko siya, kamuntikan na siyang malaglag dahil sa stress at problema na pinagdadaanan ko noon.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak dahil sa paghihiwalay namin ng ama niya. Kaya nang madala ako sa hospital at malaman na mahina ang kapit niya, ginawa ko ang lahat para makalimutan ang nakaraan. Pinilit kong maging masaya at healthy para hindi na siya mahirapan pa.

Sa awa ng Diyos, naipanganak ko siya nang hindi nagkakaproblema. I fell in love with her the moment I saw her. Halos matunaw ang puso ko habang karga ko siya sa mga bisig ko.

Mag-isa ko lang noon, desperas ng pasko, pero hindi ako malungkot. In fact, I was the happiest person in the world while I was holding her in my arms. Ipinangako ko na bibigyan ko siya nang maganda at masayang buhay.

Mabilis kong nilapitan ang isang saleslady na nakatayo. "Miss, may nakita ka bang bata? Nakasuot siya ng yellow summer dress, mahaba at kulot ang kulay brown niyang buhok?"

"Parang may napansin po ako kanina." Sandali itong luminga sa paligid at mistulang may hinahanap. "Ayon! Iyon ho ba ang anak n'yo?"

Napatingin ako sa gawi ng itinuturo niya. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang anak ko. Lalapitan ko na sana siya pero bigla akong natigilan nang mapansin ang lalaking kausap niya.

"Hindi ka ba nasaktan?" Nakaluhod ang isang paa ng lalaki sa sahig at mataman na nakatingin sa anak ko.

"Hindi naman, pero next time, watch where you're going, huh?"

Natawa ito sa sinabi ni Thalia. Nakangiting tinanguan nito ang anak ko. "Yes, ma'am! May kasama ka ba?"

"Oo! Mama ko!"

"Where's your mama?"

"Nandoon, bumibili ng foods!" Ngumiti ang anak ko bago tumingkayad para ituro ang buhok nito. "Look, oh! Same tayo. My hair is also curly!"

"You're right! And you have a very beautiful hair! What's your name, sweetheart?"

"Thalia! E, ikaw?"

"I'm Dylan, nice meeting you."

Mabilis akong nagkubli sa isang shelf nang makitang naglandas sa paligid ang mga mata niya. Malakas ang kabog ng puso ko habang umiiling. "Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol kay Thalia."

"Where's your mama? Halika, ihahatid na kita sa kaniya."

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Anong gagawin ko? Muli kong sinilip ang kinaroroonan ng dalawa, hawak na ni Dylan ang kamay ng anak. Pero bago pa man sila makahakbang, lumapit ang batang nakita ko kaninang nakikipagtalo sa yaya niya.

"Daddy! I wanna go home!"

Natigilan ako nang marinig ang tawag ng bata kay Dylan. Daddy. Ibig sabihin, itong bata ang anak nila ni Dayana?

"Did you got all the things you need?"

"Yes!" malditang sagot ng bata at pinagkrus pa ang mga kamay sa dibdib. "Who is she? Why are you talking to strangers? Hindi ba, it's dangerous to talk to someone you don't know!"

Natawa si Dylan bago hinawakan sa kamay ang anak nito at hinila palapit sa anak ko.

"She's not a stranger, sweety. She's Thalia, and this is my daughter, Dianne."

Natigilan ako nang makitang ngumiti ang anak ko at nilahad ang kamay. Pero sa halip na tanggapin ang kamay ni Thalia, tinabig ito ni Dianne at malakas na hinila sa kamay ang ama.

"Let's go, daddy! I wanna go home!"

Ayaw pa sanang umalis ni Dylan, pero wala itong nagawa nang magpumilit ang bata. Nakahinga ako nang maluwag nang patakbong bumalik si Thalia. Mabilis ko siyang hinarangan sa daan.

"Mama!"

"Where did you go? I was so worried!"

Lumuhod ako at mabilis siyang niyakap. Sasagutin pa sana niya ang tanong ko, pero agad ko siyang binuhat para makaalis doon.

Kulang na lang ay magtago kami habang binabayaran sa counter ang mga binili namin. Hindi puwedeng malaman ni Dylan na may anak kami. Hindi ngayon na tanggap ko na ang lahat.

Knowing him, alam kong kukunin niya sa akin ang anak ko oras na malaman niya ang totoo.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Adora miano
nakapanghihinayang,,talaga Pala Ang tukso kahit saan mapang akit,,gumawa ng malubhang kasal anan kahit may naapakan no a damdamin
goodnovel comment avatar
Adora miano
NAKU Ang hirap ng kwento,pag ibig
goodnovel comment avatar
Precita Rosales
napakaganda ng story sana matapos ko hangang sa huli
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status