Share

Hiding the Cold Billionaire's Twins
Hiding the Cold Billionaire's Twins
Author: SenyoritaAnji

Simula

TINAAS NI CHANDRIA ang hawak na baso at nagpakawala ng tila nahihibang na tawa. Walang ni isa sa mga taong na sa paligid ang pumansin sa kanya dahil tulad niya, lango na rin ang mga ito sa nakakalasing na alak at ang iba sa kanila ay umiindak na sa ritmo ng musika.

“Cheers for the fuck it and fuck that!” she chanted and raised her glass once again like she’s having a toast.

She’s been here after the wedding that ended at exact three in the afternoon. Hindi na nga niya naibigay ang kanyang speech para sa bagong kasal dahil hindi niya kayang makitang nakatali na ang natatanging taong pinapangarap niya sa malapit niyang kaibigang si Solene.

Tinunga ni Chandria ang alak at muling tinawag ang bartender para magpasalin ulit ng alak. Wala na sa isip niya na kailangan niya pang magmaneho pauwi. Wala na rin sa isip niya na baka magagalit ang mga magulang niya sa oras na umuwi siya dahil mahigpit nilang pinagbabawal ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin.

‘Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang makalimutan ko siya sa pamamagitan ng paglasing sa sarili ko?’ tanong nito sa kanyang isipan.

Hindi matanggap ni Chandria ang nagawang pagpapakasal ni Solene kay Marco gayung alam nitong gustong-gusto niya ang binata. At kahit na labag sa kanyang kalooban ang pagsipot sa kanilang kasal kanina ay nagpunta pa rin siya. Para saan? Para ipamukha sa sarili niya na hinding-hindi na niya makukuha pa si Marco. Na kahit anong gawin niya, hinding-hindi na ito mapapasa kanya.

“Here’s your order, Miss.”

As soon as the bartender puts down the glass, she immediately pick it up. Walang kisap-mata niya itong tinunga at nang matapos ay mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.

“A glass of martini, please.”

Wala sa sariling naidilat ni Chandria ang mga mata at nilingon ang katabi. Ngumiwi pa siya dahil pakiramdam niya ay umikot ng three hundred sixty-degree ang buong paligid. Nanliit ang kanyang mga mata nang makilala niya ang binata.

“Teka, anong ginagawa mo rito?”

Sa kanyang tanong ay napabaling ang binata sa kanya. She then raised her brows. Namumukhaan niya ang binata ngunit hindi niya maalala ang pangalan nito. But then she doesn’t care who the hell this man is. Gusto niyang malaman ay kung ano ang ginagawa nito rito.

“Am I not allowed here?” wika nito sa matigas na ingles.

Wala sa sariling pinasadahan ng tingin ng dalaga ang binatang katabi niya. Hindi niya maiwasang mapangiwi. She must admit, he looks so handsome like hell. Ang kulay berde nitong mga mata ang mas lalong nagpapatingkad ng kanyang angking kagwapohan.

Her forehead knotted. “Hindi. May sinabi ba akong bawal ka? Tinatanong ko lang kung bakit ka nandito.”

Umismid ito. “Noisy woman.”

Matapos banggitin ‘yon ng binata ay saktong nilapag ng bartender ang Martini na order nito kaya naman hindi na siya pinansin ng binata matapos ‘yon. Wala sa sariling napanguso si Chandria at binaling na lang ang tingin sa dancefloor.

‘Sayang, gwapo pa naman sana. Masungit lang.’ sa isip-isip niya.

Muling nag-order si Chandria ng alak habang ang mga mata ay nakatingin sa dance floor. Sa tanang buhay niya, ngayon pa lamang siya nakapasok sa loob ng isang bar at uminom kaya naman bago pa sa kanya ang mga ganitong tanawin. And something inside her wants to dance. Pakiramdam niya ay kahit papano, kahit saglit ay makakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya naglalasing ngayon.

Kaya naman dala ng natitira niyang lakas ay bumaba siya sa high stool na kinauupuan niya at pasuray-suray na naglakad patungong gitna ng dancefloor. May mga natatabig siya ngunit hindi man lang siya sinisita dahil tulad niya, lango na rin ito sa alak.

Saktong pagdating ni Chandria sa gitna ng dancefloor ay nagpalit ng musika ang DJ. Mas naging nakakaindak ang tugtog nito kaya naman tinaas na ni Chandria ang kamay niya at hinayaan ang sariling sumayaw sa ritmo ng musika habang na sa gitna ng mistulang dagat ng mga tao. But then just a few seconds of swaying her body, someone held her waist from behind and a voice whispered through her ears making her throat run dry.

IRITADONG HINUBAD ni Leon ang tux na suot at nagpalit agad ng putting t-shirt kung saan siya komportable. Kanina pa siya nangangating umalis dahil hindi siya ang tipo ng taong magsasayang ng oras para lang dumalo sa isang kasal. Ngunit bilang pagrespeto na rin sa pinsan niyang minsan na rin niyang naging matalik na kaibigan ay dumalo siya. At nang sa wakas na matapos ang kasal ay agad siyang umalis. Wala na siyang balak na magtungo sa reception dahil hindi siya interesado. As long as he sends a gift, that’s enough.

“Pantaleon, ano itong problemang naririnig ko?”

Nilingon niya ang kanyang ama na kakapasok pa lang at nakakunot ang noo. Leon sighed and shook his head. “Don’t worry, Don Leonardo. I’ll be leaving tomorrow night to troubleshoot everything happened in Davao.”

His father, Leonardo Farris, nodded his head. “That’s good to know.”

Tipid ding tumango si Leon at pinulot ang susi ng kanyang kotse na nakapatong sa mesa saka siya nagmamadaling lumabas ng kanyang silid. Saktong pagdating niya sa living room ay siyang pagdating ng kanyang nakababatang kapatid na si Pierce at kasama ang asawa nito.

“Where are you going? Akala ko na sa reception ka pa?” tanong ni Pierce at inalalayan si Crizel na maupo, ang asawa nito.

“I have more important business to deal with,” tipid na sagot ni Leon sa kapatid.

“Kaya ka hindi nagkakajowa, e. Puro ka trabaho,” sabat ni Crizel sa usapan. “Bigyan mo kaya ng oras ang sarili mo para maghanap ng babaeng mapapangasawa, ‘no? Malapit ka na mawala sa kalendaryo.”

Leon rolled his eyes in a very manly way. “Stop being so nosy, pregnant.”

Natawa na lang ang huli sa kanyang sinabi habang siya naman ay agad na nagpaalam. Kailangan niyang matungo sa opisina para makausap ang board directors tungkol sa pagsabog na naganap sa Davao kaninang umaga na ayon sa balita ay galing sa branch ng kanyang negosyo.

Ngunit bago pa man makaalis si Leon ay nahagip ng paningin niya ang wedding ring sa palasingsingan ni Crizel. That made him smile bitterly before walking out of the house. At katulad ng dati, naramdaman ni Leon ang pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib na tila ba ay hinaplos ng matalim na kutsilyo ang kanyang puso.

Pagdating sa opisina ay doon binabad ni Fox ang sarili. Kabi-kabila ang meeting na kanyang dinaluhan at kabi-kabilang aberya sa negosyo ang kanyang narinig. But he’s not Pantaleon if he can’t fix anything… well, except for his broken heart.

Masyadong naging okupado si Leon na hindi na niya napansin pa ang oras. Nang muli niyang tignan ang orasan ay saktong alas otso na ng gabi kaya naman agad niyang sinara ang kanyang laptop at tinawagan ang kanyang secretary para ayusin ang lahat sa kanyang pag-alis bukas ng umaga.

Agad siyang bumaba sa unang palapag at binati naman siya ng guard na agad siyang nakilala. Hindi na niya ito pinansin at dumiretso na sa kanyang sasakyan. But then the moment his eyes landed on his passenger’s seat, he stilled.

That seat used to be filled by someone… and that someone is his brother’s wife, Crizel Azarcona. Ang babaeng hanggang ngayon ay nagpapatibok ng kanyang dibdib. Kaya ganoon na lang ang pait sa labi ni Fox kanina nang makita ang wedding ring ni Crizel. It was a big slap to him, a very big one.

Dahil doon, natagpuan na lang ni Fox ang sarili na patungong isang bar para aliwin ang sarili. Binabad niya ang sarili sa maraming trabaho kaya naman hindi naman siguro masama kung iinom muna siya ng ilang shots, ‘di ba?

Pagdating niya sa loob ng bar ay agad siyang nag-order ng Martini. Hindi na sana niya papasinin ang katabi niyang babae nang bigla itong magsalita.

“Am I not allowed here?” tanong niya.

Ngayong nakatingin na sa kanya ang dalaga, ngayon niya pa lang na-realize na pamilyar ang mukha ng babaeng katabi niya. Ang mapungay na kulay asul nitong mga mata nakatingin sa kanya ang nagsasabi kay Leon kanina pa ito naglalasing.

Umismid ang dalaga sa kanya at bumaling ito sa dancefloor saka walang lingon na nag-order ng isa pang shot. Ngunit hindi pa man nakakarating ang order nito ay agad na itong bumaba sa stool at naglakad patungong dancefloor.

“Kilala niyo po ‘yon, Sir?” tanong ng bartender. “Kanina pa pong hapon siya rito. Panay ang order. Broken hearted yata.”

Hindi iniwan ng paningin ni Leon ang babaeng naglalakad patungong gitna ng mga taong nagsasayaw. Leon can’t help but wonder what happened? Sobrang lasing na nito na pati ang paglakad nito ay pasuray-suray na.

“Wala ba siyang kasama?” tanong ng binata sa bartender.

“Hindi po ako sigurado, Sir. Pero wala naman pong lumapit sa kanya rito o kasama niyang dumating. Mag-isa lang po siya,” sagot nito.

Leon nodded his head. Tinunga niya ang Martini na hawak at agad na nangunot ang kanyang noo nang makita kung paano magkumpulan ang mga kalalakihan sa dancefloor at hindi nakaligtas sa paningin ni Leon kung sino ang sinasayawan nila kaya naman pabalda niyang binagsak ang baso sa counter. Naglapag muna siya ng bayad sa inumin niya saka siya umalis sa stool at binaybay ang daan patungong dancefloor.

SHE CAN FEEL her whole body shivered the moment his lips landed on her ears. Napapikit si Chandria sa sensasyong hatid ng taong na sa kanyang likuran.

“Don’t you know dancing is forbidden?”

Hinarap niya ang lalaking nagsalita at hindi nagkamali si Chandria sa hula niyang ito ang lalaking katabi niya kanina. Bahagyang nahihilo si Chandria sa pagpapalit ng mga ilaw.

“Bakit? This is a freaking dancefloor, Sir. It’s normal for me to dance,” taas noong sagot ng dalaga. “Kailan pa naging bawal ang sumayaw ngayon?”

“When I’m around,” he replied.

Malakas na napasinghap si Chandria nang hapitin siya nito palapit at ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. At ngayong malapit sila ay tuluyang napagtanto ni Chandria kung gaano kagwapo ang lalaking kaharap niya.

“What?” she breathlessly asked.

Umiling ito. “Why are you drinking tonight?”

Wala sa sariling bumaba ang tingin ni Chandria sa labi ng binata. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya. She brushed her thumb through his bottom lip but then the man held her wrist.

“Answer me, woman. Stop tempting me.”

Napakurap-kurap si Chandria at napatingin sa mga mata ng binata. “What?”

“Why are you drinking?” pag-uulit nito sa kanyang tanong.

“To forget,” wala sa sariling sambit ni Chandria habang nakatitig sa mga mata ng binata.

“Why?”

Muling bumaba ang tingin ng dalaga sa labi ng binata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kung anong meron sa kanya at gusto niyang halikan ang mapula nitong mga labi.

Kaya naman dala ng kalasingan ay hinayaan ni Chandria ang sariling gawin ang kanyang iniisip. Hindi nito sinagot ang tanong ng binata at parang nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang mga kamay.

She wrapped her arms around his neck and pulled him close. At laking gulat ni Chandria na tila ba nabasa ng binata ang gusto niyang mangyari. He held her nape and pulled him, capturing her lips.

And he moved his lips against hers, Chandria totally forgot they’re in the middle of the crowd. And probably don’t care what will happen after this. Basta ang alam niya ay kahit saglit, kahit ngayon lang, nakalimutan niya ang sakit sa kanyang dinadala.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Minnie Minnie Moh
Bkit fox ng fox diba leon. Hayerrpp na yan nakakalito pero mgnda xa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nalito din ako hehe pero maganda umpisa pa lang
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
gulo author sino ba talaga si leon or fox
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status