Share

Chapter 31

Chapter 31

"Kheious..."

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko.

"U-Uuwi kami."

Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad.

"Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.

Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko.

Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya.

"Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.

Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko.

"Mommy, is that a coffee?"

"Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status