Hello po, thank you po sa inyo na nagbabasa sa story na ito. Sana po ay samahan niyo po ako hanggang sa dulo. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA'S POVSobrang sakit na nakikita ko ang ang ko na nahihirapan at nag-aagaw buhay. Kung puwede na ako na lang pero wala akong magawa. Humina ang pananalig ko at nawalan ako ng pag-asa para sa buhay ng anak ko. Bumalik ulit ako sa psychiatrist para magpatingin.At ngayon na maayos na ulit ako ay muli na naman akong sinusubok. Hindi na ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit ba ipinagkakait sa akin na maging masaya? Ano bang nagingg kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. "Anak, lumaban ka. Huwag mo akong iiwan. Vena, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin." Umiiyak ako habang nakatingin sa anak ko na unti-unting bumabagsak ang heartbeat niya. Kahit siguro sinong ina ay hindi gugustuhin na mawalan ng anak."Diyos ko, parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong makasama ang anak ko. Siya lang po ang mayro'n ako. Ito lang po ang hinihiling ko sa inyo. Ang anak ko lang po, parang awa niyo na po." Umiiyak na kausap ko sa ka
LIYANNA’S POV “Charles, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Nagulat kasi ako dahil bigla na lang may nag doorbell nang buksan ko ay si Charles pala. Ang buong akala ko kasi ay uuwi na ito sa Pilipinas. “Akala ko umuwi kana sa Pilipinas?” Tanong ko sa kanya.“Dito na muna ako,” sagot niya sa akin.“Wala ka bang game?”“Wala, i think hindi na ako maglalaro ulit.” Sagot niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko kasi na sobra niyang mahal ang basketball. Alam ko rin na ipinaglaban pa niya ito sa daddy niya. Galing si Charles sa pamilya ng mga politiko kaya inaasahan na lahat sila ay sasabak sa politika. Hindi na ako nagtanong sa kanya. Siguro ay pagod na rin ito sa paglalaro. “Nasaan si Mireya?” Tanong niya sa akin.“Nasa likod ng bahay, naliligo sa pool.” Sagot ko sa kanya.“Ang talino ng anak mo,” aniya sa akin.“Ang anak ko ay regalo sa akin ng Panginoon. Saksi ang panginoon sa lahat ng paghihirap ko Charles. Sa kabila ng lahat ay hindi niya kinuha sa akin ang ana
LIYANNA’S POVNanibago ako sa klima dito sa Pilipinas. Kahit si Mireya ay naninibago rin. Hindi pa stable ang kalagayan ni daddy. Salit-salitan kami ni mommy sa pagbabantay sa kanya. Ngayon ay ako ang magbabantay sa kanya. Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Daddy. Nang may biglang tumawag sa pangalan ko.“Liya, ikaw ba ‘yan anak?” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ng dati kong biyenan. Ngayon nakita ko ito ay bigla akong nagduda kong naging totoo rin ba siya sa akin noon. Baka katulad rin siya ng mga anak niya? Kahit na may doubt ako sa kanya ay kailangan ko itong irespeto. “Ikaw nga anak, saan ka galing? Namiss kita anak,” umiiyak na sabi nito sa akin.“Kumusta na po kayo mommy?” tanong ko sa kanya.“Okay naman ako anak, ikaw kumusta kana. Patawad sa ginawa ng anak ko.” Nagulat ako sa bigla niyang sinabi at niyakap rin niya ako.Nais ko siyang tanungin kong sino sa dalawa niyang anak. Lahat ng anak niya ay sinaktan ako. Pero pinili kong ngum
LIYANNA’S POVHindi ako pumunta sa birthday ng dati kong biyenan dahil hindi pa ako handa. Dahil mas pinaghahandaan ko ang party sa bahay nila Charles. Kinakabahan man ako pero alam ko na wala naman akong ginawa sa kanila para matakot ako. Habang naliligo ako bigla akong napatingin sa repleksyon ko sa salamin. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. Ang malaking peklat na saksi sa lahat ng pinagdaanan kong hirap. Pero sa kabila ng mga hindi magandang nangyari ay ito rin ang patunay na may buhay na nabuo sa loob ko. Na siyang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon at lumalaban.“Mommy, Tito Charles is already here!” Sigaw sa akin ng anak ko mula sa labas ng banyo.“Coming..!” Sagot ko sa kanya.Mabilis akong nag banlaw at lumabas na sa banyo. Nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kama namin. Nakanguso ito kaya mabilis ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi hanggang sa pinugpog ko ng halik ang buo niyang mukha.“Kanina pa ba ang Tito Charles mo?” Tanong ko sa kanya nang tu
LIYANNA’S POV“Liya.” Sambit ni Carlos sa pangalan ko.Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon na kaharap ko siya. Sa loob ng ilang taon ay nagkita kaming muli. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Ayoko siyang bigyan ng pagkakataon na isipin na mahina pa rin ako. Na kagaya pa rin ako ng dati.“May kailangan ka ba, Mr. Ballarta?” Pormal na tanong ko sa kanya.“Puwede ba tayong mag-usap?” Tanong sa akin ni Carlos. Kakaiba ang tono ng pananalita niya. Mahinahon at may pag-iingat.“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi tayo magkaibigan para mag kumustahan pa. Excuse me, pero hinahanap na ako ng boyfriend ko.” Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako.Pero nagulat ako dahil pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Pero kaagad ko naman iwinaksi ang kamay niya.“Don’t touch me,” naiinis na sabi ko sa kanya pero pinilit kong maging kalmado.“Kahit saglit lang, just give me five minutes.” pakiusap niya sa akin. “Sorry, pero hinahana
LIYANNA’S POV“Good morning mommy,” nagising ako sa halik ng anak ko. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na ngumiti. She's such a sweet baby. Palagi siyang ganito tuwing ginigising niya ako.“Good morning my Mireya,” nakangiti akong nakatingin sa kanya. I hugged her so tight na para bang ayaw ko siyang pakawalan.“Mommy, it’s sunday po. Diba palagi tayong pumupunta sa church?” Nanlaki ang mata ko dahil tama ang anak ko. Simula noong ipanganak ko si Mireya ay ginawa ko ng panata ang magsimba every sunday. Pasasalamat ko dahil lumaking malusog si Mireya. Masigla akong bumangon, gusto ko na makita ni Mireya na palagi akong excited na pagsamba. Gusto ko siyang lumaki na maging mabuting tao.Sakto lang ang pagdating namin dahil kakasimula pa lang ng misa. Tahimik lang akong nakikinig habang hawak ang kamay ng anak ko. Nagtext rin sa akin si Charles na pupunta siya sa bahay. Kaya maaga rin kaming umuwi ni Mireya may balak pa sana kaming mamasyal kaya lang naisip ko na hindi ko pala siya
LIYANNA’S POVNang makauwi kami ni Charles ay kaagad siyang umalis. Pero bago siya umalis ay humingi siya ng pasensya sa paghalik niya sa akin. Naintindihan ko naman, napag-usapan rin namin na ituloy ang pagpapanggap. Ayoko man pero makulit siya. Ako naman ay hindi makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Nag-iisip ako kung ano ba ang gagawin ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Maaga pa rin akong gumising kahit na napuyat ako kagabi.Araw ng lunes ngayon at kailangan kong pumunta sa school na papasukan ni Mireya. Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay dumiretso na ako sa company. Ngayon ay binabati na ako ng mga empleyado namin. Natutuwa naman ako sa kanila dahil kilala na nila ako.“Good morning Ma’am, may bisita po kayo.” bungad sa akin ni Jessica.“Sino?” Tanong ko sa kanya.“Carlos po ang pangalan ni–”Hindi ko na siya pinansin at mabilis akong pumasok sa opisina ko. Kumunot ang noo ko dahil anong ginagawa niya dito? “What are you doing here?”
LIYANNA’S POVGalit na nilisan ko ang garden. Naiinis ako dahil pinapagalitan niya ang bata na wala namang kasalanan sa kanya. Nang dahil lang sa nakipag-usap sa ‘kin. Napaka-immature niya.Nakita kong nakaupo si Cathy sa couch kaya mabilis akong lumapit sa kanya. I cleared my throat bago ko siya kinausap. “Ahmm, Ate Cathy, puwede ba kitang makausap?” Tanong ko sa kanya.“Tungkol saan Liya?” Medyo masungit na tanong niya sa akin.“Gusto ko sanang humingi ng sorry sa nangyari kahapon,” sabi ko sa kanya.“Okay, nagulat lang rin ako sa ‘yo. You really changed Liya at hindi lang ako sanay. Ikaw ba ang nagpadala sa akin ng mga flowers?” Tanong niya sa akin.“Peace offering ko po ate,” sagot ko sa kanya.“Alam ko naman na sa ‘yo galing. Ikaw pa rin talaga ang lil’ sister ko. Namiss kita ng sobra Liya,” nakangiting sabi niya at niyakap niya ako.Niyakap ko rin siya, hindi ako puwedeng mag padalos-dalos. Kailangan kong kunin ang loob niya. I need to make plans bago ako pumasok sa giyera. Kah