Share

Kabanata 3

Author: periwinkleee
last update Last Updated: 2025-12-10 22:37:37

Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. 

Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.

“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. 

Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. 

Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. 

Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. 

Hindi rin gaanong nagbabanggit si Mara ng mga bagay bagay tungkol kay Damon sa kanyang mga anak. Kaya naman ang kanilang mga nalalaman ay galing sa bestfriend ni Mara na si Katie, dahil hindi nila ito tinatantanan hanggat hindi ito nagkukwento. 

Kaya naman alam ng tatlo ang rason kung bakit kinailangan silang ilayo ni Mara at buhayin ang mga ito nang mag-isa. Alam nila kung gaano kasama si Damon at kung paano nito sinaktan ang kanilang mama. Tumatak sa kanilang isipan na hindi karapat-dapat si Damon na maging asawa pati mas lalong hindi siya karapat-dapat na maging ama nila. 

“Kuya Hunter and Gunther, anong ginagawa niyo?” Tanong ni Winter habang tumatakbo ito papalapit sa kanila. 

Agad namang tinakpan ni Gunther ang bibig ng kapatid. “Shh Winter, lower down your voice. Huwag kang makulit.” 

Tumango naman si Winter at kaagad na tinakpan ang bibig at nag-promise na hindi gagawa ng kahit anong ingay. Ngunit nang makita niya ang nakasulat sa kotse ang nagsalita siya ulit. “Kuya Gunther, mali ang spelling mo.” 

Nahihiyang iwinasiwas ni Gunther ang kanyang kamay. “Huwag mo nang pansinin yan.” 

 Agad namang hinawakan ni Hunter ang kapatid na babae. “Winter, hindi pa ba tapos si mama sa trabaho niya?” 

“Hindi pa po. Tinawag siya sa office ulit.” 

………

Manager’s office.

Nang makapasok si Mara sa loob kaagad na kumaway ang kanilang manager nang makita ito. 

“Samara, halika rito.” Pagpapakilala ng manager sa kanya. “Ito pala si Mrs. Gallagher. Mrs. Gallagher, this is our auctioneer that you are looking for.” 

Nagging tuwid ang mga titig ni Mara at napatingin sa guest, bahagya siyang napakislot. 

Lean Milante? Siya nga! Siya ang babaeng pinakamamahal ni Damon noon at tama ba ang narinig niya? Mrs. Gallagher?

 Kung sabagay ay labis siyang mahal ni Damon kaya natural lang hindi na ito makapaghintay na pakasalan na si Lean. 

Naramdaman ni Mara na nanuyo ang kanyang lalamunan at nanlamig ang kanyang buong mukha.

Hindi niya akalain na matapos niyang mapadali ang lahat lahat kay Damon para maikasal na sila ni Lean, ay makikita niya pa ang dalawang ito sa San Vieda. 

Nakasuot si Lean ng isang eleganteng dress at nang mapatingin siya kay Mara na nakasuot ng veil, nakitaan niya ito ng takot sa mga mata.

“Chief auctioneer?” Tanong nito at inilapag ang kanyang kape. “Pwede mo bang suriin ang mga  antiques namin?” 

Napaisip si Lean habang pinagmamasdan ito. Isang gabi lang ay naging sikat na siya at pati sa online ay pinag-uusapan siya ng mga tao na para bang isa siyang mahiwagang nilalang. Napaisip ito na magaling nga siya bilang auctioneer ngunit bakit wala siyang lakas ng loob na ipakita ang tunay niyang mukha.

Hindi tuloy maintindihan ni Lean kung bakit nais ni Don Lorenzo na makita ang auctioneer na ito. 

“So you are Samara Campos.” Malamig na saad ni Lean at napa buntong hininga ito. “Sinabi sa akin na hindi ka lang isang  magaling na auctioneer ngunit alam mo rin ang sumuri ng mga antiques? Gusto ka naming i-hire ng ilang araw at sasama ka sa amin sa syudad para suriin ang antiques ng mga Gallagher. You can name your price, Samara.” 

Tamad na kinuha ni Lean ang kanyang kape at sumimsim siya mula rito. Hinintay niyang lumapit sa kanyang si Samara para purihin siya. 

Malaki ang kumpyansa niya na walang sinuman ang may kayang tumanggi sa salitang “name your price.” Lalo pa at alam ng lahat ang reputasyon ng mga Gallagher. 

Nakaramdam si Mara ng panlalamig sa kanyang dibdib. Oo, magaling siyang sumuri ng mga antigo ngunit kahit anong gawin nila ay hinding-hindi ito sasama. Para saan pa na umalis siya sa syudad dahil ayaw niya nang makita pa ang mga ito. Kaya paanong papayag siya na pumunta ulit roon?

“I’m sorry Mrs. Gallagher. Ang trabaho ko ay auctioneer lamang. Kung gusto mo ng magsusuri sa mga antiques ay humanap ka nalang po ng propesyonal. Hindi ko po magagawa ito. Mauna na po akong aalis.” Nang matapos magsalita si Mara ay aalis na sana siya.

Ngunit tila ba ay nabigla roon si Lean. Hindi siya makapaniwala na tinanggihan siya ng auctioneer. 

“Sandali lang. Sa tingin mo ba ay kilala mo ako? Pag-isipan mong mabuti ang sagot mo.” 

“Alam kong mabuti na tinanggihan ko ang offer mo.” 

“Anong klaseng ugali yan? Babayaran ka naman namin kapag pumunta ka sa mga Gallagher. Bakit ayaw mong tanggapin? Tumayo si Lean at agad na hinawakan ang brason si Mara. Kailangang madala ni Lean ang auctioneer para magpalakas ng papel kay Don Lorenzo

Napayuko si Mara at napatingin sa kamay ni Lean na mahigpit ang hawak sa kanyang braso. Napakislot siya at mariing napatitig roon. 

Dahil may suot ito na green jade bracelet sa kanyang palapulsuhan. Mamahalin ang jade na iyon at unang tingin pa lang ay nakilala niya ang kanyang pagmamay-ari. Family heirloom nila iyon na ngayon ay suot ni Lean. 

Bigay iyon ng ina ni Mara na si Mirasol, at ibinilin nito sa anak na ingatan ang bracelet yon dahil magagamit iyon ni Mara pagdating ng araw. Ngunit dahil nga ay nagmamadali siya noong umalis ay naiwan niya ang jade bracelet sa mga Gallagher at ngayon ay makikita niya ito sa kamay ni Lean. 

Binibilhan naman ni Damon ng mga regalo si Lean kaya bakkit kailangang gamitin nito ang kanyang mga gamit? Bakit kailangang ibigay niya iyon kay Lean?

Hinila at hinawakan ni Mara nang mahigpit ang kamay nito. “Sayo ba ang jade bracelet na ito?” 

Tila ba ay hindi nasiyahan si Lean sa narinig. “Oo, saakin ito. Binigay ito sa akin ng asawa ko. Kaya kung hindi sa akin ito, kanino ito?”

Parang tinarakan ng punyal ang puso ni Mara. Alam na alam ni Damon na si Mara ang nagmamay-ari ng jade bracelet na iyon at ibinigay niya pa rin kay Lean! Si Damon nga talaga ang nagbigay rito. 

Napakawalang hiya! Nakuha niya pa talagang ibigay ang family heirloom nila Mara sa bagong asawa nito!

“Pakawalan mo siya.” Sa isang iglap ay may malamig na boses ang namayani roon. 

Agad namang napa angat ng tingin si Mara at nakita niyang lumitaw sa pinto ang isang lalaki. Napatitig siya sa malalim at misteryoso nitong mga mata. Matangkad ang lalaki, may magandang postura at napakagwapo ng mukha. 

Kahit na nakatayo lamang ito ay mararamdaman ang bigat ng kanyang aura na mas lalong tumindi sa paglipas ng panahon. 

Napakuyom si Mara nang makilala ito. Damon Gallagher! Siya nga talaga. 

Naalala niya na hindi nga talaga nagkakamali si Winter nang sinabi niyang nakita nito si Damon. 

Doon napagtanto ni  Mara kung gaano ka-inlove sa isa’t-isa ang ito. Dahil nakuha pa talagang sumunod ni Damon kay Lean. 

Hindi kailanman inakala ni Mara na makikita niya si Damon sa loob ng limang taon niyang pagtatago. Hindi niya na rin ito kinasuhan dahil natatakot siya sa mangyayari. 

Sa oras na malaman ni Damon na may anak sila ay siguradong kukunin  niya ang mga ito sa kanya. Dahil ang mga prominenteng pamilya kagaya ng mga Gallagher ay hindi nila hahayaan na magkanda watak watak ang kanilang mga kadugo. 

Naging buhay na ni Mara ang tatlong niyang anak at hinding hindi siya papayag na mawawalay siya sa mga ito . Kaya iyon din ang rason kung bakit lagi siyang nagsusuot ng veil dahil doble ang kanyang pag-iingat sa mga nagdaang taon. 

Napakuyom siya nang makita niyang nakatitig sa kanya si Damon na para bang sinusuri nito ang kanyang mukha kahit na nakasuot siya ng veil. Dahil doon ay bumilis ang tibok ng puso ni Mara sa kaba. 

Agad namang binitwan ni Lean ang kamay ni Mara. “Dame, naka-usap ko na si Ms. Samara. Tumanggi siya na sumama sa mga Gallagher. Tila ba ay minamaliit niya tayo at ang mga Gallagher” At nag-iba ang ekspresyon ni Lean, naging maamo ito. 

Inangat ni Lean ang tingin at nakita niyang nakatitig si Damon kay Samara bago nagsalita. 

“Name your price.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 6

    "Look. Hindi ako nananakit ng bata pero kailangan mong pumunta rito para magpaliwanag sa ginawa ng anak mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya ring pinatay ang tawag. Hindi naniniwala si Damon na naiintindihan na ni Winter ang sinulat nito sa kanyang kotse. Sa hula niya ay narinig ito ng bata sa mga nakakatanda sa kanya. Kaya kailangan malaman ni Damon kung ano ba talaga ang nangyari. Kaagad namang nadurog ang puso ni Mara nang marinig niya ang mga hikbi ni Winter at mas gugustuhin niya na lamang pumunta kaagad sa hotel na sinabi ni Damon.Dalawang hakbang ang ginawa niya at napatigil din bigla. Nainisp niya na nakita niya na ng isang beses si Damon sa auction house at kapag magkikita na naman sila ngayon ay baka mabilis siyang mabisto nito na siya si Mara. At kapag tuluyan siyang makikikilala nito at baka malaman pa ni Damon na anak ni Mara si Winter. Hindi maaari. Naglakad pabalik-balik si Mara ng ilang segundo habang hawak ang kanyang cellphone hanggang sa tinawagan ni

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 5

    May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seekSinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. N

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 4

    Natatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag. “Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto. Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon. Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife. Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiy

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 3

    Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. Hindi rin gaanong nag

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 2

    Five years laterSan Vieda auction house hall Ang napakalaking venue hall ay punong-puno ng mga sikat na artista. Sa mismong auction ay agaw pansin ang postura ng kanilang auctioneer. Nakasuot ito ng puting Chinese collar dress at nakapusod ang itim nitong buhok at panghuli, nakatakip ng veil ang kanyang mukha kaya naman ay impossible na makita ang detalye nito. Ang kanyang mga galaw ay pino at mahusay. Kalmado at buong husay niyang pinapakilala ang bawat auction items na nakalagay sa stand. Ingles ang lenggwahe na ginagamit nito kaya naman mas sabik ang mga nanonood na mag-bid kapag sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga nanonood ay may pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya, at may hawak itong gavel — ginagamit sa auction kung vote o sale ba ang isang item. Siya ang nagbibigay ng control sa auctioneer. “Siya ba ang taong gustong makita ni lolo?” Tanong ni Damon. Nakaupo ito sa second floor ng hall at lumilibot ang paningin sa buong lugar. “Opo, sir. Samara Campos ang pangalan niya

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 1

    “Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?” Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya. Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol. Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.” Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status