LOGINNatatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag.
“Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto.
Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon.
Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.
Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife.
Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiyan nito sa pagbubuntis. Kung hindi niya lamang pinaglaglag ang kanilang anak ay limang taon na ito ngayon.
Alam niya na hindi siya nagpakita ng kahit katiting na pagmamahal rito noon ngunit hindi naman pumasok ni isang beses sa kanyang isip na hiwalayan si Mara. Sa katunayan pa nga ay gustong gusto niya na ring magka-anak. Nang maalala ang lahat ng iyon ay mas naging malalim ang aura ni Damon.
“Dame, may attitude ang auctioneer na yon. Bakit hindi nalang tayo maghanap ng iba para kay Grandpa? Napakaraming tao ang may alam sa pagsusuri ng mga antiques.”
Mas naging seryoso ang mukha ni Damon. “Marami ang may alam sa pagsusuri ng mga antiques pero ang gusto ni lolo ay ang auctioneer na ‘yon. Rony, paki-imbestigahan si Ms. Samara. Kailangan ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya.”
“Damon, bakit mo ipapa-imbestigahan ang babaeng ‘yon? Interesado ka sa kanya?” Sunod-sunod na tanong ni Lean rito.
Napaisip siya. Matapos umalis ang hampas lupang si Mara ay nanatili lamang si Lean sa tabi ni Damon ngunit wala pa siyang naririnig rito na gusto siyang pakasalan, kaya naman ay mas lalong napapaisip si Lean.
Naging panatag naman siya dahil tahimik at misteryosong tao si Damon na wala ring interest sa mga babae. Ngunit kakaiba ngayong araw. Iba ang titig nito sa auctioneer na naging dahilan kung bakit napapaisip si Lean.
“I’m not interested in her. Gusto siyang makita ni lolo kaya mas mabuti na ipa-imbestigahan siyang mabuti.” Nang marinig niya iyon y napanatag ang kanyang damdamin dahil ipapa-imbestigahan ni Damon ito para sa kanyang lolo.
Sabagay nga naman paano magkaka-gusto si Damon sa babaeng iyon? Siguro ay pangit siya kaya hindi niya ipinapakita ang kanyang mukha.
“Bumalik na muna tayo ng hotel.” Tumalikod si Damon at tuluyan nang umalis.
………
Bayolente ang pagtibok ng dibdib ni Mara at sumisikip ang kanyang paghinga nang makabalik siya sa opisina.
Gusto ni Damon na sumama siya sa syudad para sumuri ng mga antigo. Sa tatlong taon na sila’y kasal, alam na alam ni Mara kung gaano nakakatakot si Damon.
Umaasa rin ito na babalik siya at iyon na nga ang nangyari sa araw na iyon. Napaisip siya kung namukhaan ba siya ni Damon o hindi kaya ay ipapa-imbestigahan siya nito Hindi dapat malaman nito ang tungkol sa bago niyang buhay at mas lalong na ang tungkol sa kanilang mga anak.
Kaya naman ay dali-daling nag-dial si Mara sa kanyang cellphone. Pagkaring ay sinagot kagad ito. “Darling, kumusta?” Isang napakalamig at baritanong boses ang narinig ni Mara.
“Tulungan mo ako. May hinala ako na may nagpapa-imbestiga saakin. Hindi pwedeng malaman nila ang tinatago ko.” Alam ni Mara na hindi niya kayang pigilan si Damon sa pwede nitong gawin ngunit ang kausap niya sa kabilang linya ay may kakayahan na kalabanin ang mga Gallagher.
“Sure.” Isang salita lamang ay alam ni Mara na kayang gawin iyon ng kausap niya.
“This is the third time, Samara.”
“Pangatlong beses?”
“Ito ang pangatlong beses na tinulungan kita sa loob ng limang taon nating pagkakilala. Darling, paano kung gawin mo nang limang beses, pagkatapos ay magpakasal na tayo?”
Isang matangkad na lalaki ang kausap ni Mara sa kabilang linya at casual itong nakaupo lamang sa sofa habang ang kanyang bathrobe ay nakasiwang dahilan kung bakit kitang-kita ang kanyang perpektong abs na animo’y inukit pa. Walang emosyon niyang ginalaw ang kanyang mga labi at mas nakakatakot pa ito sa demonyo.
Nagkibit balikat si Mara. Magpapakasal siya sa isang demonyo? Alam niya na mas nakakatakot ang lalaking kausap niya sa kabilang linya kaysa kay Damon.
“Sir, walang kahulugan iyon. Tinulungan mo akong makatakas at ako naman ang gumagawa ng pera para sayo. Kaya wala tayong utang na loob sa isa’t-isa.”
“Pero mas maganda na kumita ako ng sarili kong pera kaysa ikaw ang kumita para saakin.”
Hindi na napigilan ni Mara. “Sir, sa tingin ko ay maghanap ka na lang ng babae na kayang i-manage ang ga-bundok mong mga yaman para sayo. Ang tanging magagawa ko lamang ay panatilihin ang mga ito.”
“Walang utang na loob.”
Agad naman nang pinatay ni Mara ang tawag at nagtipa ng message sa kanilang manager. Hihingi siya ng dalawang araw na day off para magbakasyon at magpahinga. Nang makapasok siya sa loob ay kaagad niyang hinanap si Winter.
“Winter, tapos na si mama sa trabaho. Uuwi na tayo.” Nang mapatignin si Mara sa loob ay hindi niya na makita ang anak na babae.
…..
Sa kabilang dako naman sa underground parking lot ay may dalawang maliliit na sutil ang nakasilip sa pader.
Napasinghap si Hunter at binuksan ang kanyang computer. Nag-umpisa na siyang linisin ang kalat ni Gunther. Tinignan niya ang cctv kung makikita ang ginawa roon ni Gunther sa pag-vandal ng kotse ni Damon.
Na-hack naman kaagad ni Hunter ang mga cctv kaya nabura niya rin ang footage dahil lagot sila sa oras na malaman ng lahat kung sino ay may kagagawan ng drawing sa kotse ni Damon.
Samantalang si Gunther na nasa harapan ni Winter ay masayang naghihintay sa magiging reaksyon ng kanilang papa.
“Sino ang may kagagawan nito?” May grupo ng tao ang tumingin sa itim na Ferrari habang nasa likod naman si Damon.
Napatingin siya sa malalaking letra nakasulat sa kanyang kotse. “Masamang ama, iniwan ang anak at asawa.”
Napatingin si Rony kay Damon na may halong takot.
“Sino ang may gawa nito?” Tanong nito. Nababaliw na ba ang nag-vandal dito?
“Sinong may gawa nito? Isa itong kahibangan!” Mariing saad ni Lean.
Napatingin naman si Damon sa mga nakasulat na may malalim na ekspresyon. Nakita niyang mali-mali ang mga spelling. Kaya alam niyang bata ang may kagagawan nito.
“Hunter, titignan ko ang cctv ngayon na rin.”
“Hahaha!” Isang malambot na halakhak ang nangaling mula sa likod.
Dahil malakas ang pandinig ni Damon ay napaangat ang kanyang mga mata at tumingin sa paligid. Agad niyang nakita gamit ang mapanuri niyang mga mata ang dalawang maliit na ulo na sumisilip sa kanila at nagtatago ang mga ito sa likod ng pader.
Kaya naman ay kaagad na umaksyo si Gunther. “Nakita niya tayo! Takbo Winter!”
"Ano? Bakit—-” At nang tumingin si Winter sa kanyang likuran ay wala na ang kanyang mga kuya, nakatakbo na ang mga ito.
“Kuya Gunther! Kuya Hunter! Hintayin niyo ako!”
"Look. Hindi ako nananakit ng bata pero kailangan mong pumunta rito para magpaliwanag sa ginawa ng anak mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya ring pinatay ang tawag. Hindi naniniwala si Damon na naiintindihan na ni Winter ang sinulat nito sa kanyang kotse. Sa hula niya ay narinig ito ng bata sa mga nakakatanda sa kanya. Kaya kailangan malaman ni Damon kung ano ba talaga ang nangyari. Kaagad namang nadurog ang puso ni Mara nang marinig niya ang mga hikbi ni Winter at mas gugustuhin niya na lamang pumunta kaagad sa hotel na sinabi ni Damon.Dalawang hakbang ang ginawa niya at napatigil din bigla. Nainisp niya na nakita niya na ng isang beses si Damon sa auction house at kapag magkikita na naman sila ngayon ay baka mabilis siyang mabisto nito na siya si Mara. At kapag tuluyan siyang makikikilala nito at baka malaman pa ni Damon na anak ni Mara si Winter. Hindi maaari. Naglakad pabalik-balik si Mara ng ilang segundo habang hawak ang kanyang cellphone hanggang sa tinawagan ni
May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seekSinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. N
Natatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag. “Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto. Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon. Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife. Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiy
Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. Hindi rin gaanong nag
Five years laterSan Vieda auction house hall Ang napakalaking venue hall ay punong-puno ng mga sikat na artista. Sa mismong auction ay agaw pansin ang postura ng kanilang auctioneer. Nakasuot ito ng puting Chinese collar dress at nakapusod ang itim nitong buhok at panghuli, nakatakip ng veil ang kanyang mukha kaya naman ay impossible na makita ang detalye nito. Ang kanyang mga galaw ay pino at mahusay. Kalmado at buong husay niyang pinapakilala ang bawat auction items na nakalagay sa stand. Ingles ang lenggwahe na ginagamit nito kaya naman mas sabik ang mga nanonood na mag-bid kapag sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga nanonood ay may pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya, at may hawak itong gavel — ginagamit sa auction kung vote o sale ba ang isang item. Siya ang nagbibigay ng control sa auctioneer. “Siya ba ang taong gustong makita ni lolo?” Tanong ni Damon. Nakaupo ito sa second floor ng hall at lumilibot ang paningin sa buong lugar. “Opo, sir. Samara Campos ang pangalan niya
“Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?” Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya. Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol. Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.” Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin







