Share

Kabanata 2

Penulis: periwinkleee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-10 22:37:30

Five years later

San Vieda  auction house hall 

Ang napakalaking venue hall ay punong-puno ng mga sikat na artista. Sa mismong auction ay agaw pansin ang postura ng kanilang auctioneer. Nakasuot ito ng puting Chinese collar dress at nakapusod ang itim nitong buhok at panghuli, nakatakip ng veil ang kanyang mukha kaya naman ay impossible na makita ang detalye nito. Ang kanyang mga galaw ay pino at mahusay. 

Kalmado at buong husay niyang pinapakilala ang bawat auction items na nakalagay sa stand. Ingles ang lenggwahe na ginagamit nito kaya naman mas sabik ang mga nanonood na mag-bid kapag sa kanya.  

Sa kalagitnaan ng mga nanonood ay may pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya, at may hawak itong gavel — ginagamit sa auction kung vote o sale ba ang isang item. Siya ang nagbibigay ng control sa auctioneer. 

“Siya ba ang taong gustong makita ni lolo?” Tanong ni Damon. Nakaupo ito sa second floor ng hall at lumilibot ang paningin sa buong lugar. 

“Opo, sir. Samara Campos ang pangalan niya. Isang auctioneer na nag-apply sa auction company limang taon na ang nakalipas.” At ibinigay ng assistant niya ang mga dokumento. 

“ Sa una niyang auction ay nakapag-benta siya ng isang landscape painting at ang starting price ay million at umabot po sa sixty-million pesos. Dahil doon ay isang gabi lamang niya sa trabaho ay sumikat siya. 

“Does she always wear a veil?" Tanong ni Damon at nakatitig sa auctioneer.

Napaisip ng ilang segundo ang kanyang assistant bago sumagot. “Opo, sir. Narinig ko rin na may nag-offer sa kanya ng ten million para lamang tanggalin ang kanyang veil pero tumanggi yong auctioneer. Kaya sinasabi ng lahat na pangit siya at iyon ang dahilan kung bakit ayaw nitong tanggalin ito.”

Tuluyan nang tinanggal ni Damon ang sigarilyo sa kanyang bibig. “She has a beautiful pair of eyes.” At tahimik na napatitig siya rito. 

Napaisip siya, paano naman magiging pangit ang kagaya ng auctioneer kung ganoong may maganda itong pares na mata? At ang mga matang iyon ay hawig sa isang taong kilala niya….si Mara.

Ang babaeng nang-iwan sa kanya at may divorce agreement itong finile limang taon na ang nakalipas. Kasabay din non ay ang pagpapalaglag nito sa kanilang anak na wala man lang paalam sa kanya. Magmula noon ay tuluyan na itong naglaho. 

“Bring her to see me.” Gusto niyan makausap ang auctioneer. 

Tumayo na si Damon at bahagyang nakapag lakad nang bigla siyang huminto. “Sa lumipas na limang tao, hanggang ngayon ay wala pa ring trace kay Mara?” 

Napuno ng kaba sa dibdib ang assistant. May kasabihan nga na hindi basta basta naglalaho ang tao sa parang hangin lamang. Ngunit sa kaso ng asawa niyang si Mara ay para na nga itong tuluyang naglaho sa ere, dahil sa loob ng limang taon ay wala pa rin silang trace sa kanya. 

Nang hindi ito makasagot ay mas sumakit pa lalo ang ulo ni Damon. “Ipagpatuloy niyo lang ang paghahanap.”  At tuluyan na itong umalis. 

Hindi alam ng lahat na ang isang Damon Hearth Gallagher CEO and Chairman ng Gallagher corporation ay inabandona ng sarili niyang asawa at hiniwalayan ito. Mas lalong hindi inaasahan ng lahat na limang taon na ring pinapahanap ni Damon ang asawa na nang-iwan sa kanya.

Talaga nga namang napaka bagsik ni Mira dahil bukod sa hiniwalayan niya si Damon ay pinalaglag pa nito ang kanilang anak pagkatapos ay naka-block na ito sa lahat ng social media ng asawa. 

Determinado talagang mahanap siya ni Damon dahil gusto niyang tanungin ang asawa kung ano ba ang kasalanang nagawa niya at bakit humantong pa gaanong kasahol na bagay ang nagawa ni Mara sa kanya.

Nakatayo lamang doon si Rony, ang assistant ni Damon habang malamig na pinagpapawisan sa mukha. Hinanap niya  talaga si Mara sa lugar na alam niyang may posibilidad na mahanap ito ngunit wala pa ring balita. 

Kaya naman sa loob ng limang taon niyang paghahanap at hindi niya pa rin ito nati-trace ay para lamang siyang naghahanap ng karayom sa gabundok na buhangin. 

“Ma’am Mara, nasaan na po kayo?” Desperadong anas ni Rony.

……

Nang matapos na ang auction ay magiliw na nag-bow si Mara at umalis na sa auction hall. 

Limang taon ang nakalipas nang mag-apply si Mara sa San Vieda auction company. Pinalitan niya rin ang kanyang pangalan bilang Samara Campos at para makaiwas sa mga hindi inaasahang gulo ay naisipan niyang mag-suot ng veil sa auction house. 

Nang makarating siya sa office ay may maliit at napaka chubby na bata ang sumalubong kay Mara, gamit ang maliliit nitong kamay ay yumakap siya sa binti nito. 

“Mama.” Tawag ng bata sa kanya. 

Kaya naman ay napatingin si Mara sa batang nakayakap sa kanyang binti. Yumuko siya upang buhatin ang anak at ginawaran ito ng halik sa pisngi. “Hi baby Winter, nag-antay ka ba nang matagal saakin? Nasaan ang mga kuya mo?” 

Ngunit binilog lamang ni Winter ang kanyang kamay na nagmistulang bola. Inangat niya ang mukha upang sumagot. “Nasa labas mama, they are going to play.” 

“Oh, bakit hindi ka nila sinama?” 

“Sabi po kasi nila panlalaki daw po ang lalaruin nila kaya hindi daw po nila ako isasama.” 

Napasimangot lamang si Mara. Ang dalawang ‘yon, hindi nalang nila direktahin ang kapatid na ayaw nilang isama ito. 

Noon, talaga namang nasaktan si Mara at ang una niyang plano ay ipalaglag ang bata. Ngunit nang makita niya ang operating room ay hindi niya pala kaya ang gagawin niya sa kanyang anak. 

Makalipas ng dalawang buwan ay nanganak siya sa San Vieda. Triplets ang niluwal niyang mga sanggol, dalawang lalaki at isang babae. 

Ang pinaka panganay ay si Gunther matino ito, pangalawa ay ang sutil na si Hunter at ang bunso ay si Winter na pinaka cute sa tatlo. 

Nang mapatingin si Mara sa napaka-cute na kamay ni Winter ay nakaramdam siya ng galak sa naging desisyon niya noon na hindi pagtuloy sa pagpapalaglag sa mga ito. 

“Btw, mama. Hulaan niyo po sino ang nakita namin nila kuya ngayon.” 

“At sino naman iyan?” 

“Ang bad po naming daddy!” 

Buhol buhol ang pananalita ni Winter kaya hindi siya maintindihan ni Mara. 

“Sino ang nakita niyo Winter anak?” 

“Nakita po namin nila kuya ang aming bad daddy. Yong nakita po namin sa tv mama! Damon Gallagher po ang pangalan niya, iyong nakakatakot po.” At inangat pa ni Winter ang maliit niyang kamay at may sinenyas kay Mara.

Agad namang sumikip ang dibdib ni Mara habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng anak. Halos hindi niya na marinig ang pangalan ni Damon sa limang taong nagdaan at may mga pagkakataon na nakakalimutan niya na buhay pa pala ang taong iyon. 

Kaya naman nang marinig niya na binanggit ni Winter ang pangalan nito ay binaha siya ng kanilang mga alaala at nakaramdam si Mara ng hapdi at kalungkutan. Ngunit ano nga ba ang ginagawa ni Damon sa San Vieda?

Alam lamang ng triplets ang pangalan ng kanilang ama, Damon Hearth Gallagher, oo nakita na nga nila ito sa TV nang ilang beses na ngunit baka namali lamang sila ng nakita ngayon.

“Wintek, anak. Baka naman nagkakamali lang kayo. Hindi iyon pupunta rito.” 

“But mama—-”

Dalawang katok mula sa pinto ang nakapagpatigil sa sasabihin ni Winter. 

“Sino yan?”

“Samara, busy ka ba? Gusto kang makita ng manager ngayon na din. May importanteng guest na naghahanap sayo. At gusto ng manager na pumunta ka na roon agad-agad.”

Importanteng guest? Maraming importateng guest ang kanilang auction house ngunit iilan lamang sa mga ito ang may kakayahan na pagnerbyusin ang kanilang manager. Kaya naman ay mas lalong naging kyuryuso si Mara sa kanilang guest.

“Sige, pupunta na rin ako doon.”  Saad ni Mara.

“Pero mama, nakita ko po talaga yong bad daddy namin!” Nakasimangot si Winter ngunit malambing pa rin ang boses nito. 

Tumingin naman si Mara sa kanyang anak. Nakita niyang napakurap ang mga malalaking mata nito habang mangiyak ngiyak na. “May work na naman po kayo mama?” May tono ng pagkadismaya sa boses nito. 

Agad namang inilapag ni Mara ang anak sa sofa. “Winter, babalik din kaagad si mama, okay? Hintayin mo lang ako saglit.” May paghingi ng paumanhin sa kanyang boses. 

Gusto pa sanang makasama ni Winter ang ina ngunit alam niya na hindi siya pwedeng mang-istorbo sa trabaho ni Mara. Kahit bata pa lang ay marunong nang  mag-isip ito. 

“Okay po mama. I will wait for you.”

“Mamaya lalabas tayo ng mga kuya mo at bibilhan ko kayo ng  favorite niyong spaghetti, okay? Here, kumain ka muna ng biscuit, Winter.” At binigyan ni Mara ang anak ng pagkain bago ito hinalikan sa pisngi. 

“Yehey!” 

Banayad namang napangiti si Mara sa ekspresyon ng anak. Tuluyan na siyang lumabas at sinuot niya na rin ulit ang kanyang veil. 

Ang naiwang si Winter naman ay kaagad na tumakbo sa pinto at sumilip sa labas. Nag-obserba kung ano nga ba ang nangyayari habang hawak niya ang biscuit ng dalawang kamay. 

Simula nong umalis si Mara ay unti-unti nang na-boring si Winter kaya naman ay agad niyang inilapag ang biscuit at pinindot ang kanyang smart watch. “Kuya Gunther, where are you? Hahanapin ko po kayo.” Tanong niya na bulol-bulol pa. 

Kaagad naman siyang naka-tanggap ng reply at sinend nga ng mga kuya niya ang location ng mga ito. Nasa underground park sila. 

………..

Sa kinaroroonan  ng underground parking lot ay may dalawang maliliit na sutil ang nakatayo sa harapan ng isang itim na Ferrari.

“Sigurado ka ba na sa bad daddy natin itong sasakyan?” At nakahalukipkip si Hunter nang tinignan ang kambal niyang si Gunther na parang kinakabahan.

Mission accomplished. Iyan ang nasa isip ngayon ni Gunther matapos niyang pinturahan ang Ferrari  ni Damon gamit ang acrylic paint.

“Hindi ako nagkakamali, Gunther. Nakita ko siyang lumabas mismo sa kotseng ‘to.” 

Napatingin naman si Gunther sa sinulat niya sa kotse ng ama. “Masamang ama, iniwan ang asawa at anak.”  

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 8

    Bago pa matapos ang manager sa sasabihin ay pinatay na ni Damon ang tawag. Napaisip siya. Kaya ba nag-take ng leave si Samara dahil takot itong mabisto. Kung ganoon ay nagtatago nga talaga ito."Sir Damon, saan po tayo pupunta?"Tanong ni Addy na nasa passenger seat. "Mag-hire ka ng tao para imbestigahan ang kinaroroonan ni Samara Rosario ngayon na rin."Nang makita ni Addy ang galit na ekspresyon ni Damon ay hindi na siya naglakas ng loob para magtanong pa at kaagad na sinunod ang mga utos nito. Kampante si Damon na ngayon ay hindi na makakatakas pa si Mara. .......Dinala ni Mara si Amie at ang kanyang mga anak sa isang restaurant para kumain bago umuwi sa kanila. Habang kumakain ay maingat na nagkwento si Amie tungkol sa mga nangyari sa loob ng hotel. Nasabi rin ni Amie sa kaibigan na hindi naningil ng bayad danyos si Damon. At ang assistant nito ang umalalay sa kanila palabas ng hotel at ang mga tanong nito ay para bang nagdududa kay Amie. Kahit pa na walang nangyari ay nag-a

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 7

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Amie bago sumagot at pinigilan din niya ang mga nagbabadyang luha. "The truth is, nagkaroon ng kabit ang ama ni Winter. Nangyari ito noong namatay ang aking nanay. After knowing that, umalis ako at sinama ko ang anak ko. Napagkamalan ka lang ni Winter na papa niya dahil may pagkakaparehas ang style ng suot mong damit ngayon sa papa niya."Tila nag-replay sa utak ni Damon ang mga sinabi ni Amie. Napagtanto niya na may pagkakatulad ang kwento ng babae kay Mara noon. Dahil kasama nga ni Damon noon si Lean na nagdidiwang ng kaarawan nito, habang nilalamay ang ina ng kanyang asawa. Sa mga oras na iyon ay may hinala siya na may alam si Amie at nakikipaglaro ito kay Damon, ngunit ang kaibahan nga lang sa kwento nito, ay wala naman siyang kabit dahil si Mara lang ang babae sa buhay niya. Pinasadahan muli ni Damon si Amie, hindi niya ito kilala o hindi ito familiar sa kanya kaya impossible na may alam ito sa kanyang buhay, siguro ay masyado lang siya

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 6

    "Look. Hindi ako nananakit ng bata pero kailangan mong pumunta rito para magpaliwanag sa ginawa ng anak mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya ring pinatay ang tawag. Hindi naniniwala si Damon na naiintindihan na ni Winter ang sinulat nito sa kanyang kotse. Sa hula niya ay narinig ito ng bata sa mga nakakatanda sa kanya. Kaya kailangan malaman ni Damon kung ano ba talaga ang nangyari. Kaagad namang nadurog ang puso ni Mara nang marinig niya ang mga hikbi ni Winter at mas gugustuhin niya na lamang pumunta kaagad sa hotel na sinabi ni Damon.Dalawang hakbang ang ginawa niya at napatigil din bigla. Nainisp niya na nakita niya na ng isang beses si Damon sa auction house at kapag magkikita na naman sila ngayon ay baka mabilis siyang mabisto nito na siya si Mara. At kapag tuluyan siyang makikikilala nito at baka malaman pa ni Damon na anak ni Mara si Winter. Hindi maaari. Naglakad pabalik-balik si Mara ng ilang segundo habang hawak ang kanyang cellphone hanggang sa tinawagan ni

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 5

    May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seekSinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. N

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 4

    Natatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag. “Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto. Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon. Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife. Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiy

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 3

    Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. Hindi rin gaanong nag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status