Share

Kabanata 5

Author: periwinkleee
last update Last Updated: 2025-12-10 22:38:05

May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.

Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit  ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.

Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” 

Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seek

Sinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. 

Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. Nagpapasalamat siya na hindi niya naging kamukha ang pangit nilang papa. 

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Winter nang hindi niya namalayan na naitaas niya ang kanyang maliit na kamay at may senyas na ginawa. 

Napatingin si Damon sa bata at hindi niya maipaliwanag ang luksong dugo na nadarama sa mga oras na iyon. 

“Sinong mga magulang mo? Bakit mo sinulatan ang kotse ko?” Malamig na tanong ni Damon gamit ang malalim nitong boses. Walang paglalambing sa kanyang tono. 

Ngunit hindi natatakot si Winter sa kanya at naalala ang sinabi ng kanilang mama. Hindi raw sila pwedeng makipag-usap sa masasamang tao. Masamang tao ang kanilang papa dahil ilalayo siya nito sa kanilang mama sa oras na malaman nito ang tungkol sa kanila. 

“Kung hindi ka magsasalita, ibibigay kita sa mga pulis at hahanapin nila ang papa mo.” Banta ni Damon.

Napakurap naman si Winter. Naisip niya na tinutukoy ni Damon ang kanyang sarili.

“Kapag may ginawang mali ang mga bata, ang mama at papa nila ang mapaparusahan. Kaya ipapakulong ko ang papa mo.” Dahil alam ni Damon na takot ang mga bata sa pulis ngunit parang kakaiba ang batang bitbit niya dahil hindi niya man lang ito makitaan ng pagkabahala. 

Nang marinig iyon ni Winter ay gusto niyang  makuha ng pulis ang kanilang papa.

Napatingin naman si Damon sa bata, wala talaga itong takot. Kaya nag-isip siya ng iba pang ipapanakot. 

“Ipapakulong ko ang mama mo.” 

“Bakit mo ipapakulong si mama? Si papa nalang ang ikulong niyo. Huwag niyong kunin si mama.” Nag-aalala na saad ni Winter at masungit itong nakatingin kay Damon ngunit cute pa rin ang bata sa paningin niya.

Napahakahak naman siya sa mukha ng bata. Pwede niyang ipakulong ang tatay nito ngunit hindi pwede ang nanay niya? Hmmm. Siguro ay masa ma ang tatay ng batang ito. Iyon ang naisip niya. 

........

“Your name is Winter? Bakit mo sinulatan ang kotse ko? At sino ang mga kasama mo kanina?” 

Nakahalukipkip ang  batang si Winter at umiling iling pa saka ngumuso. “Hindi ko po sasabihin na ang pangalan ko ay Winter. Ako lang po ang nag-drawing sa kotse mo at wala po akong kasama.:” Sagot niya na bulol-bulol pa.

Napataas ng kilay si Damon. Tila ba napaka-loyal ng batang ito ngunit may pagka-pilya din.

“Kung hindi mo sasabihin ang mga kasama mo, tell me the name of your mother.” 

“Hindi ko po sasabihin.”

“Then wala akong choice kundi ang ipahuli ka sa pulis.” Nang marinig iyon ni Winter ay napakurap siya at mangiyak-ngiyak na sa mga oras na iyon. 

Ibinaba naman siya ni Damon sa sahig. 

Nagpunas ng luha si Winter at walang alinlangan itong tumakbo at pilya pa itong kumaway. “Takbo Winter. Takbo Winter.” Paulit ulit niyang sabi sa sarili.

Napataas ng kilay si Damon at napatingin sa maliit na bata, hindi niya ito hinabol. Nang akala ni Winter na tuluyan na siyang nakatakas ay nakita niyang tatlong hakbang lamang ang ginawa ni Damon para kargahin siya ulit nito. 

Umangat sa ere si Winter, sinubukan niyang sumipa ngunit hindi siya makagalaw. Kaya naman ay ipinasok niya na lamang ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at pinalobo niya ang kanyang pisngi na parang tinatakot si Damon nagmukha itong galit na buteteng isda 

Napa-angat ang sulok ng labi ni Damon at napaka-cute na bata ni Winter at dinala niya ito sa kanyang kotse. Nakita niya na naman ang nakasulat rito. “Tell me, kiddo. Bakit mo sinulat ang mga yan?” 

Dahil sa murang edad ni Winter ay impossibleng maintindihan niya iyon “Masamang asawa iniwan ang asawa at anak.” 

Ngunit nanatili pa ring nakatikom ang bibig ng bata at ayaw nang magsalita.

“Damon, anong nangayri sa kotse mo?” Seryosong tanong ni Lean. 

“Umamin na ang bata na siya ang may gawa niyan pero hindi na nagsabi kung sino ang mga kasama niya. Rony, tumawag ka na ng pulis.” 

“Masusunod sir, Damon pero paano ang bata?” 

Napatingin naman si Damon sa paligid at nakita niyang walang ibang tao roon. Sa tingin  niya ay nasa five years old na si Winter at hindi niya kayang iwanan ito nang mag-isa. 

“Hintayin natin ang mga pulis para matawagan natin ang mga magulang niya para makuha na siya rito.” Utos ni Damon. Binuksan niya ang sasakyan at pinaupo niya roon si Winter. 

Para bang nabagsakan ng langit si Winter, totoo nga ang sinabi ng kanyang mama na kukunin nga siya ni Damon at paghihiwalayin silang dalawa. Unti-unti siyang napaluha nang mapagtantong hindi niya na makikita pa si Mara. 

Nang makapasok si Damon sa loob ng kotse niya ay napansin niyang umiiyak si Winter. Alam niya sa sarili na hindi siya marunong makipag-usap sa mga bata at ayaw na ayaw niya rin na umiiyak ang mga ito sa harapan niya. Ngunit nang makita niya ang cute na batang si Winter, bigla na lamang lumambot ang kanyang puso.

“Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita sinaktan.” 

Mabilis na pinunasan ni Winter ang kanyang pisngi gamit ang mataba niyang kamay. “You kidnapped me. Hindi ko na makikita si mama.” Iyak nito at halos ay hindi na siya makapagsalita. 

Tahimik siyang pinagmasdan ni Damon bago nagsalita. “Ibabalik kita sa mama mo kapag tinawagan niya na ako.” 

Natigil naman sa pag-iyak ang bata. “Talaga po?” Ang kanyang malalaking mga mata na naluluha - luha pa ay diretso ang tingin kay Damon. May hinala naman ito na pine-peke lamang ni Winter ang kanyang iyak.

“Yes, pero kailangan mo munang sabihin kung bakit mo sinulatan ang kotse ko.” 

Mariin namang itinikom ni Winter ang kanyang bibig at napatingin kay Damon. Binigyan niya ito ng senyas na hindi talaga siya magsasalita. 

Kahit na madalas ay nang-uutos lamang si Damon sa kanyang trabaho at nirerespeto siya ng nakararami ay wala siyang magawa upang mapasunod ang paslit na nasa harapan niya ngayon. 

Nakita nila Gunther at Hunter kung paano kunin ang kanilang kapatid ng mga tauhan ni Damon kaya labis silang kinabahan. 

Gusto sanang tumakbo pabalik ni Gunther upang tulungan ang kapatid na babae ngunit kaagad siyang pinigilan ni Hunter. “Kamukhang-kamukha natin si papa. Kapag lumabas tayo rito, hindi rin natin maliligtas si Winter at mas lalo lang natin ipapahamak si mama.: 

“Pero paano si Winter?” Tanong ni Gunther.

“Kailangan muna nating mahanap si mama.” 

Nanginginig si Gunther at nakakuyom ang maliit niyang kamay. Nang ring ang cellphone ng isa sa kanila at nakita nilang si Mara ang tumatawag. 

Kinakabahan na rin si Mara dahil hindi niya makita ang tatlo. 

Napahilamos ng mukha si Gunther. “Oh no! Tumatawag na si mama.” 

Mabilis naman iyong sinagot ni Hunter. “Hunter. Gunther. Saan kayo nagpunta? Nasan si Winter? Kasama niyo ba ang kapatid niyo?” 

Hindi makasagot si Hunter kaya kinuha ni Gunther ang cellphone. “Mama, kinuha po ni Damon si Winter.” 

Nang marinig ni Mara ang sagot ng anak ay akala niya may mali sa kanyang pandinig. Ilang segundo pa ang nakalipas bago nakapag-react si Mara. 

Para siyang pinagsakluban ng langit sa narinig. 

“Ano? Si Winter……paano?” Sa sobrang pag-aalala ay hindi makahagilap ng tamang sasabihin si Mara. “Nakilala ba kayo ng papa niyo?” Iyon lamang ang tangi niyang nasabi. 

“Hindi po mama.” Sagot ni Hunter. 

“Bumalik muna kayo ritong dalawa. Ako na ang bahala kay Winter.” Napahugot ng malalim ng buntong hininga si Mara at sinusubukan niyang maging kalmado. 

“Opo mama.” 

Nang matapos niyang kausapin ang kambal at may natanggap siyang tawag sa isang unknown number. Hindi maganda ang kutob ni Mara sa tawag na iyon. 

Nanginginig niyang sinagot ang tawag. 

“Ikaw ba ang mama ni Winter?” Tanong isang lalaki gamit ang malamig nitong boses. 

“Ako nga.” 

“Nasa akin ang anak mo.”  

Doon pa man ay agad na nakilala ni Mara ang boses ni Damon. Ginapangan siya ng kaba. “Anong kailangan mo?” 

“Pumunta ka sa Western Valley Hotel at doon mo kunin ang anak mo.” 

Narinig ni Mara ang paghikbi ni Winter sa kanilang linya kaya mas lalo siyang nag-alala. “Naiintindihan ko. Pag-usapan natin ito nang maayos. Babayaran kita kahit magkano. Please, huwag mo lang saktan ang anak ko.” Naging seryoso ang mukha ni Damon nang marinig ang  boses ng babae. Tila pamilyar iyon sa kanyang pandinig.

Habang inaalala ni Damon ang pamilyar na boses ay nag-umpisa nang umiyak ng malakas si Winter na nasa gilid lamang niya. Paiba-iba ng emosyon ang bata. Bigla na lamang kasi itong umiiyak tapos biglang tatahan at kapag may naalala ay umiiyak ulit. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 6

    "Look. Hindi ako nananakit ng bata pero kailangan mong pumunta rito para magpaliwanag sa ginawa ng anak mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya ring pinatay ang tawag. Hindi naniniwala si Damon na naiintindihan na ni Winter ang sinulat nito sa kanyang kotse. Sa hula niya ay narinig ito ng bata sa mga nakakatanda sa kanya. Kaya kailangan malaman ni Damon kung ano ba talaga ang nangyari. Kaagad namang nadurog ang puso ni Mara nang marinig niya ang mga hikbi ni Winter at mas gugustuhin niya na lamang pumunta kaagad sa hotel na sinabi ni Damon.Dalawang hakbang ang ginawa niya at napatigil din bigla. Nainisp niya na nakita niya na ng isang beses si Damon sa auction house at kapag magkikita na naman sila ngayon ay baka mabilis siyang mabisto nito na siya si Mara. At kapag tuluyan siyang makikikilala nito at baka malaman pa ni Damon na anak ni Mara si Winter. Hindi maaari. Naglakad pabalik-balik si Mara ng ilang segundo habang hawak ang kanyang cellphone hanggang sa tinawagan ni

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 5

    May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seekSinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. N

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 4

    Natatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag. “Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto. Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon. Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife. Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiy

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 3

    Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. Hindi rin gaanong nag

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 2

    Five years laterSan Vieda auction house hall Ang napakalaking venue hall ay punong-puno ng mga sikat na artista. Sa mismong auction ay agaw pansin ang postura ng kanilang auctioneer. Nakasuot ito ng puting Chinese collar dress at nakapusod ang itim nitong buhok at panghuli, nakatakip ng veil ang kanyang mukha kaya naman ay impossible na makita ang detalye nito. Ang kanyang mga galaw ay pino at mahusay. Kalmado at buong husay niyang pinapakilala ang bawat auction items na nakalagay sa stand. Ingles ang lenggwahe na ginagamit nito kaya naman mas sabik ang mga nanonood na mag-bid kapag sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga nanonood ay may pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya, at may hawak itong gavel — ginagamit sa auction kung vote o sale ba ang isang item. Siya ang nagbibigay ng control sa auctioneer. “Siya ba ang taong gustong makita ni lolo?” Tanong ni Damon. Nakaupo ito sa second floor ng hall at lumilibot ang paningin sa buong lugar. “Opo, sir. Samara Campos ang pangalan niya

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 1

    “Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?” Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya. Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol. Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.” Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status