Share

Chapter 1

Chapter 1

Laglag ang panga kong tiningnan ang mga babasaging plato na ibinato nito sa sahig. Hindi ang presyo nang platong iyon ang ina-alala ko kung hindi ang kadahilanang kakahugas ko lang noon at sa dalawang segundo lamang ay sinayang niya ang pagod ko.

"Ilang beses na kitang tinawag sa labas, bakit hindi ka lumalapit?" hiyaw nito sa mukha ko. Hindi ko mapigilang mapaatras, no offense pero ang baho talaga.

"Madam Loriebelle, naguurong ho kasi ako. Wala namang ginagawa si Zel, hindi ho siya ang utusan niyo," paliwanag ko sa malumanay na boses dahil alam kong hindi na naman iyon maiintindihan nang makitid niyang utak.

Tinaasan niya ako nang kilay. Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin na lamang ang walis at linisin ang kalat na ginawa niya.

Sa totoo lang ay hindi naman siya ang amo ko rito sa restaurant. Kagaya ko lamang din siyang waitress dito pero akala mo na kung sino dahil palaging pinapaboran ni Mister Chua, ang may ari nitong pinagtatrabahuhan kong restau.

"Gano’n? Ipapasa mo na ang trabaho mo sa iba ngayon?" hirit niya. "Ano? Sino ba kasi ang may sabing mag-urong ka rito gayong dapat nandoon ka sa labas!" dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang paglilinis. May sakit kasi si Annika, siya dapat ang nandito. Masiyado na rin kasing napagod iyon sa kaka-over time lalo pa at hindi naman siya pinapalitan nang dapat na kapalitan niyang bruha tuwing gabi na.

Hindi ko man nakikita pero alam kong pinapanood niya ako sa ginagawa ko. Matapos linisin ang mga basag na plato ay itinuloy ko na ang pagsasalansan sa mga hinuhugasan ko kanina.

Walang mangyayari kung makikipag-away pa ako sa kaniya. Isa pa hanggat maari ayaw kong matanggal sa trabahong ito.

"Tapos na ho ako Madam, magtatrabaho naman ako sa labas,"

Akmang lalabas na ako nang maramdaman ko ang isang kamay na humila sa buhok ko. "Ang kapal naman ng mukha mong talikuran ako, ganda lang naman ang ambag mo rito!"

"Aray!" d***g ko nang mas higpitan pa nito ang kapit sa buhok ko. "Ano ba ang problema mo?" inis kong wika nang iharap niya 'ko sa kaniya.

"Bakit hindi ba totoo? Ano nga ba ang ginagawa ng laos na artistang gaya mo rito? Hah! Pinaglumaan ng panahon," aniya habang tumatawa. "Hindi ba’t may scandal ka?" kutya niya pa.

Ayaw kong patulan ang ka-childish-an niya. Hanggat maaari ay ayaw ko ng gulo, pero sobra na. Wala siyang karapatan na husgahan ako gayong wala naman siyang alam.

"Please lang, tumigil ka na," mariin kong utos sa kaniya pero hindi pa rin siya tumigil.

Naubos ang natitirang pasensya ko matapos niya akong marahas na itulak dahilan ng pagtama ko sa lamesa. Napaigik ako sa sakit dahil do’n.

I immediately grabbed the vase, itinaas ko iyon at akmang ibabato na sa kaniya nang bumukas ang pinto nang staff room.

Pumasok mula roon si Mr. Chua, umiiling iling at masama ang tingin sa akin. "To my office, Ariscalde," he ordered with full of authority.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Nakita ko pa ang nakangising mukha ni Lorie, acting like she have won.

Nang makalabas doon sumalubong sa akin ang dining area. Abala ang mga customer at pasalamat na lamang ako at walang nakapansin nang away sa loob.

Nalipat ang tingin ko sa ibang mga staff, may kakaiba silang tingin sa akin na ipinagtaka ko. Si Annika lang naman kasi ang close ko sa lahat ng nandito, iyong iba ay takot madamay sa ginagawa ng bruhang si Lorie o 'di kaya may inis sa akin kahit wala namang dahilan.

"Despite the embarrassment, i accepted you as my employee. Hindi ko naman inaasahan na ganito gagawin mo," akusa niya.

"Pero Mr. Chua hindi—"

"I heard everything!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Narinig ko ang lahat ng mga ginagawa mo with the crew, it's disappointing,"

I looked at him with confusion. Anong sinasabi niya? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang kahit na anong mali.

Mas lalo akong naguluhan nang kuhanin niya ang resume ko at itapon iyon sa basurahan. Isa lang ang ibig sabihin noon. "I'm sorry Ariscalde, pero tanggal ka na sa trabaho,"

"But sir, kailangan ko po talaga nang trabahong ‘to. Hindi po ako puwedeng mawalan ng trabaho, please sir," I pleaded.

May iniabot siya sa aking papel. Laglag ang balikat na tiningnan ko iyon. Kagat labi ko iyong kinuha sa kaniya. "Iyan na ang huling sweldo mo,"

Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko bago pinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng masikip na flyover. Wala na akong pakialam kahit pa nakapaa na lamang ako.

Bakit ba palagi ako pinahihirapan? Gusto ko lang naman magtrabaho para kumita ng pera. Damn that scandal! Hindi naman ako iyon e'.

Iyong scandal na iyon rin ang dahilan kung bakit natanggal ako sa pagiging artista. Kung bakit nawala ako sa showbiz at naging isang kaawa awang waitress.

Ano nga ulit ako? A forgotten rising star na bago pa man makalipad ay naputulan na nang pakpak. Ang mga awards ko noon ay tanging palamuti na lang ngayon.

Isinuot ko muna ang kabilang sapatos bago pumasok sa loob ng light rail transit. As usual, sarsa na lang ang kulang sardinas na. Ikinapit ko ang kamay sa railings para hindi matumba.

Kailangan ko pang balikan bukas ang mga naiwan ko pang gamit. Kaagad akong nag-sorry sa katabi kong pasahero nang maapakan ko ang paa niya. "Salamat," wika ko nang hawakan niya ang malaking kahon na hawak ko dahil muntik na iyong mahulog.

"Kung ayos lang, ako na ang magdadala niyan." Tiningala ko siya dahil doon.

Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin matapos kong tumingala. Hindi ko mapigilang mapapikit. He's blinding. Masiyado itong guwapo sa puntong nakakasilaw na.

"Hindi na," pagtanggi ko at itinuon na lang ang tingin sa bakal na pader.

Nagpatuloy ang biyahe at patuloy lang sa kakadaldal ang lalaking katabi ko. Sa totoo lang ay nakakarindi na siya. Bukod sa feeling close siya ay hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niya. He's talking nonsense.

"Oh, this is my stop. Bye, miss." Binigyan ko siya ng bahaw na ngiti.

Nakahinga ako nang maluwag matapos niyang lumabas. Nagtaka ako nang hubarin niya ang coat niya at ipatong iyon sa balikat ko. "You should keep it. Promise me, hindi mo iyan tatanggalin,"

Bago pa ako makapagtanong ay lumabas na siya. Hindi ko na rin siya nakita dahil nga may iba ring lumalabas. Umandar muli ang train at mas lalong sumikip dahil mas doble ang mga pumasok na pasahero.

Akmang tatanggalin ko na ang coat, kaagad akong nagtaka matapos ay nahigit ko ang hininga. Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na sana ay hindi pa bumaba iyong lalaki kanina.

Kumuyom ang kamay ko, hindi ako makapagsalita. Somebody's groping my buttocks.

Inilibot ko ang paningin nagbabakasakaling may makapansin. Ngayon ko napagtanto kung bakit ibinigay niya sa akin ang coat na 'to.

Naiiyak na ako, wala na bang mas ilalala pa ang araw na 'to? This is the worst day for me. Natanggal ako sa trabaho, wala akong pera, and someone is molesting me. Ano pa? Ayaw ko na, nakakapagod na.

Mula sa namamasa kong mga mata ay may nakita akong pamilyar na postura. Despite my bleary eyes, I can't help but smile. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin nito ang ibinigay kong hobo bag.

I mouthed, "Help me."

Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa likuran ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa mga nakaharang na itinulak niya para lang makarating sa pwesto ko.

"Freaking pervert! Walanghiya! Walanghiya!" hiyaw niya sa pambabaeng tono.

Pinaghahampas niya nang bag ang lalaki sa likuran ko. Kaagad akong nakahinga nang maluwag at napakapit sa railings, i think my leg would fall off.

"Omg, Lin! Are you alright?" tanong niya na puno ng pagaalala. Hindi ako kaagad nakagalaw nang yakapin niya ako nang mahigpit.

Saktong bumukas na ang pintuan. Hindi pa man ako nakakabawi ay hinila na niya palabas ang lalaking humipo sa akin. He pushed him hard that made the man stumbled on the floor. Pinagsigawan niya pang bastos iyon at ipakukulong niya.

"Mama Elle," I called him teary eyed. I missed him so much.

Dalawang taon na rin noong huli kaming nagkita. After my contract got severed, at paalisin ako sa entertainment ay nawalan na kami ng koneksyon. He's my manager, and he will always be.

"Shh, h'wag ka ng umiyak. Ipapakulong natin ang lokong iyon, okay?" pagalo niya sa'kin.

Dinampot ng mga guard ang lalaki, kaagad naman akong isinama ni Mama Elle papunta sa malapit na police station.

"Hintayin mo ako rito, ako na ang kakausap sa kanila," aniya at saka ako iniwan sa isang mahabang bench.

Isinandal ko ang katawan sa sandalan nang upuan. Nakakapagod ang araw na ito.

Napalingon ako pakaliwa, kaagad tumama ang dalawang mata ko sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng bench.

Nakadikwatro ito at prenteng nakaupo, bumaba ang tingin ko sa kamay nitong may suot na posas. Pasimple akong umusod palayo nang tumingin ito sa 'kin. May suot siyang mask at sumbrero kaya naman mata lamang ang kita ko. Mariin akong napapikit, hindi kasi gaanong mahaba iyong upuan isang metro lang siguro ang pagitan namin.

Nanatili itong nakatitig sa akin. "Psh, what an eyesore,"

Nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig. Sinabi niya bang pangit ako? Ako? Pangit? Wala na akong iba pang maipagmamayabang maliban sa maganda kong mukha, laitin na niya lahat h'wag lang ang mukha ko.

"Anong sabi mo?" kumpronta ko at huli na bago ko pa pinagsisihan ang sinabi kong iyon.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapalunok na lamang. Inilibot ko ang paningin may isang pulis sa harap namin na nasa loob ng isang counter pero may kung ano itong ginagawa doon.

Bakit naman kasi ang tagal ni Mama Elle?

Pilit kong kinalma ang sarili. Kung may gawin man itong hindi kaaya-aya ay kaagad ko itong sisipain, hindi ako nagbibiro. Tama na ang kamalasan ko kanina.

Nanlaki ang mga mata ko ng tawirin nito ang pagitan namin at lumapit sa akin. Napako ang paningin ko sa mata nitong kulay asul at sa labi nitong, labi nitong nakalapat sa akin. What?

Tulala lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa humiwalay siya. Did he just kiss me?

"Would you believe me if i told you to marry me?"

A-Ano raw?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha sarap halik ng Blue eyes omg
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status