Share

Chapter 2

Chapter 2

"Anak? Ayos ka lang?"

Kaagad akong nabalik sa ulirat matapos maramdaman ang marahan na pagpisil ni Mama Elle sa balikat ko.

This is new, I'm dozing off. Kadalasan kasi no matter what the situation is, ay mas lalo akong hindi mapakali at mas nagiging sensitive ako sa paligid ko.

Damn that guy. Ihinampas ko ang kamay sa lamesa. Nakita ko pa ang pagangat ng balikat niya dahil sa ginawa kong iyon.

Tiningala niya ako nang tumayo ako. Kinuyom ko ang dalawang kamao at saka pabagsak muling umupo.

"Anong problema? Matabang ba 'yong sabaw?" tiningnan niya ako ng may pagtataka at saka tinikman ang sabaw na nakahain sa mangkok ko. "Hindi naman ah, tama lang,"

Nasa loob kasi kami ng isang karinderya, inaya niya ako kanina matapos mai-report ang bastos na lalaking iyon.

Umiling lang ako kay Mama Elle at nagkibit balikat naman siya matapos ay pinagpatuloy ang pagkain.

Sumubo na rin ako. Hindi ko mapigilang isipin iyong buwisit na preso sa police station. Aba, hinding hindi ko talaga makakalimutan ang lalaking iyon kahit pa siguro sa kabilang buhay. Nakakainis!

"Would you believe me if i told you to marry me?"

I was stunned by what he said. Hindi ako nakagalaw at nanatili lang na nakatingin sa nakangisi nitong mukha.

This is not the first time I've been kissed. Syempre gamay ko na iyon dahil maraming romance na ang naganapan ko, series man o movie karamihan ay may kissing scene.

Hindi ko alam kung dahil ba dalawang taon na ang nakakalipas simula ng may h*****k sa akin, but this feels new to me.

Nagitla ako nang pumitik siya sa harapan ko. Tumunog ang suot niyang posas dahil doon. Inayos niya ang suot na cap. "I'm just kidding,"

Aniya habang malakas na tumatawa.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi kaya baliw ang isang ito?

Akmang magsasalita na ako ng pabalyang bumukas ang pinto. "Mr. Fontero! Sir! Where's Mr. Fontero?" malakas na bulahaw nang kung sino.

"I'm here," aniya at kaagad namang nilapitan noong babaeng bagong pasok rito at sa likod nito ay isa pang lalaki.

"I already talked with Aki, Riv. Hindi naman siya iyong naagrabyado. He freaking beat the kid to a pulp, dude!" wika noong lalaki habang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

"Well, that's good. Let's go, masakit na ang kamay ko," sagot naman ng buwisit na lalaki rito.

Gusto ko siyang sipain ngayon pero siguro ay hahayaan ko na lang. Ayaw ko na ring lumaki pa ito at pasalamat siya hindi siya pangit. Tumaas ang kaliwang kilay ko nang mula sa pagkakatayo ay bumalik ito. Humarap siya sa akin at inalis ang suot niyang takip sa mukha. "I'm too good for you, anyways," litanya nito at saka walang pasabing umalis.

Naaalala ko pang tulala lang ako noon at kung hindi pa ako sasampalin ni Mama Elle ay hindi ako magigising.

"Ma, satingin ko okay na ako rito," panimula ko nang ihatid niya pa ako hanggang sa tinutuluyan ko. "Bumalik ka na sa trabaho, nakaabala pa ako sa 'yo, baka hinihintay ka na nang mga alaga mo,"

He faced me with a frown. "Gaga ka, anong mga alaga? Noong umalis ka, aba'y umalis na rin ako. Hindi ko kinekeribels ang mga tao roon galit pa rin ako sa kanilang lahat!" aniya sa galit na tono.

"Ano? E 'di ano ng trabaho mo ngayon?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Freelancing, kung ano na lang ang nariyan. Isa pa hindi naman gaanong malaki ang kita natin do'n mga walanghiya sila," maktol niya.

"Sigurado ka bang ayos ka na iwan ko? Baka kung mapano ka na naman ha?"

Kaagad akong napangiti dahil sa tinuran niya. At least hindi nawala iyong pagaalala niya sa akin. "Oo okay na ako, aayusin ko pa kasi iyong mga requirements ni Tita Pat,"

Bumuntong hininga siya. "Balak mo pa ring ilipat sa Villiena ang Tita Pat mo?"

Tumango ako bago hinawakan ang mababang kulay green na gate ng apartment. "Yup! Hindi na kasi maasikaso sa Haliya Hospital at saka alam mo naman ang kondisyon ni Tita." Binuksan ko ang lock noong gate.

"Kung iyan ang gusto mo, walang wala rin ako ngayon eh. Basta kapag kailangan mo ng kasama, alam mo naman ang number ko tawagan mo ako ha?" pagwiwika niya gamit ang malambing na tono.

"Salamat ma, ingat ka." Tumango muna siya bago tumawag nang tricycle. Tinanaw niya pa muna ako hanggang sa makaalis na ang sinasakyan niya.

Kahit papaano masaya akong nagkita kami ulit, kung wala siguro siya kanina ay hindi ko alam kung hanggang saan pa umabot iyon. I felt really glad and relieved.

"Oh, nandito ka na pala ate Lin." Ang mukha ng anak nang landlady nitong inuupahan kong apartment ang sumalubong sa akin. "Hinahanap ka po ni mama kanina, kailangan mo na raw magbayad ng upa mo no'ng nakaraang buwan saka ngayong buwan," litanya niya.

Napakamot ako sa batok, masiyado ng marami ang bayarin ko at nakalimutan ko nang may bayarin pa pala ako rito sa apartment.

Ibinaba niya sa leeg ang headphone at saka tumingkayad, hinila niya rin ang kamay ko para magpantay kami. "Sasabihin ko sa kaniya na wala ka pa at nando'n ka sa boyfriend mo para next week ka pa niya singilin," bulong niya na kaagad kong ikinatawa.

Kinurot ko ang mataba niyang pisngi. Ngayon ko lang rin napansin ang cute na cute niyang pang sundalong damit. "Ikaw bata ka, tinuturuan mo pa ako! Sino naman ang boyfriend ko kung gano'n?" gatong ko sa sinabi niya.

Ngumuso siya at saka iminuwestra ang sarili niya sa akin. "Ako po, puwede mo po ako maging boyfriend. Hindi mo na kailangan magbayad ng upa," aniya habang tumatawa.

Aba't pinagloloko yata ako ng batang ito.

Mahina ko siyang pinitik sa noo dahil sa sinabi niya. "Sabihin mo sa mama mo bukas ko ibibigay, natanggal na kamo ako sa trabaho,"

Himas himas niya ang noo habang tumatango. "At saka nga pala Ton," pagtawag ko sa kaniya bago pa man siya makalabas ng apartment. "Aral muna ha? Nakita ko iyong grades mo kahapon puro palakol," asar ko rito.

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago padabog na sinarado ang pinto. Nang tuluyan na itong makaalis ay pasalampak akong nahiga sa maliit na kama. Hindi pa man ako nakakatulog ng tuluyan nang kaagad akong mapabalikwas nang bangon dahil sa malalakas na katok sa pinto.

"Lin!" tawag mula sa labas.

Wala akong choice kung hindi ang tumayo at tingnan kung ano iyon. "Aling Sina, ano po iyon?" pagbungad kong tanong sa landlady.

Mabait naman itong si Aling Sina, palagi niya akong binibigyan ng mahabang palugit kaya paniguradong hindi siya narito para maningil.

"Narinig ko kay Antonio na nawalan ka raw nang trabaho?" tanong niya patukoy sa batang si Ton Ton.

Napakamot ako sa batok. "Oo nga ho eh, kaya baka hindi pa po ako makabayad sa upa. Hayaan niyo po Aling Sina, maghahanap ako bukas,"

Akmang isasara ko na ang pinto nang ikalang niya ang kamay. "Aguy! Masakit!" d***g niya kaya naman dali dali ko iyong binuksan ulit.

"Pasensya na ho, may sasabihin pa kayo?" pagtatanong ko.

Pagabi na rin, siguro mga nasa alas kwatro na nang hapon. "Ayos lang, tinulungan mo naman ako sa pagaasikaso kay Marielle noong nakaraan," aniya habang tinutukoy ang asawa ng anak niyang si Kuya Andrew.

"Siya nga pala, hindi naman iyan ang pinunta ko rito. 'Di ba naaalala mo pa iyong anak kong si Allison? Ang gagang iyon naglayas kagabi!" nagpupuyos sa galit nitong litanya habang napapakamot pa sa kulubot na nitong noo.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya, ano namang pakialam ko kay Allison kahit kailan naman ay hindi kami nagkasundo noon. At isa pa, kung lumayas na siya. Sana h'wag na siyang bumalik.

May iniabot siya sa aking papel. "Para saan ho ito?"

"Address iyan nang kapatid kong si Teresita. May bakante kasing trabaho doon sa pinagtatrabahuan niya kaya naman ipapasok ko sana si Allison malaki kasi ang sahod, kaso alam mo na, may pagkatamad ang batang iyon kaya naman mas pinili na ang makipagtanan. Saka sakto lang at nangangailangan ka rin nang trabaho ikaw na lang ang pumunta at sasabihin ko sa kaniya," mahabang paliwanag niya.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko. Maybe in the heat of the moment, kaya nagawa kong yakapin si Aling Sina nang mahigpit. Hindi naman siya nagalit at hinayaan na lang ako.

On the contrary, siguro nga ay hindi na rin masama ang araw na ito.

"Ito ang magiging kwarto mo, libre naman ang pagkain at tubig rito kaya wala nang problema,"

Katulong ang trabaho nang kapatid ni Aling Sina, isa siyang mayordoma sa bahay na 'to. Hindi na rin masama ang maging katulong, sa puntong ito lahat siguro ng legal na trabaho ay papatusin ko na.

Malaki naman ang sweldo, ang kailangan ko lang gawin ay magalaga ng isang bata. Satingin ko ay kaya ko naman, hindi naman na pati sanggol iyong aalagaan ko.

Inilapag ko muna ang maleta ko bago sumunod sa kaniya paakyat. Malaki ang bahay na 'to. I've always dreamed of living in a house like this. How i wish marami akong pera.

Huminto kami sa isang kulay asul na pinto. May nakasabit doon na cardboard at nakasulat ang pangalan na Aki. Mukhang lalaki ang aalagaan ko.

Isang umiiyak na mukha nang batang lalaki ang sumalubong sa akin nang makapasok. Pero hindi roon natigil ang paningin ko, kung hindi sa lalaking nakatayo sa tabi nito.

He's wearing a suit and his tie is on the loose. Napalunok ako nang mariin kasabay nang mariin rin nitong pagtitig sa akin. I swear to god, ibang iba ang lalaking ito roon sa presong nakita ko ilang araw na ang nakararaan. Hindi nito suot ang mapaglarong ngisi sa halip ay nakakunot ang dalawa nitong noo habang inoobserba ako.

"We meet again,"

Ipinangako ko na kapag nakita ko ulit ang presong iyon ay sisipain ko talaga siya nang malakas hanggang sa mabaog siya. Ngayon, kaya ko pa kayang gawin iyon?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha makakaya mo nga kaya ngayon naku nag meet ulit kayo kapalaran nga naman hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status