Share

Chapter 49

Chapter 49

Mabagal lang ang ginawa kong paghakbang habang ninanamnam ang tamis ng manggang hawak ko. Hindi ko pa pala ito naubos, paano ko naman mauubos kung isang sako? Balak niya yata akong patayin sa dami ng binili niya.

Dala ang isang plastic ng mangga ay tinungo ko ang daan papunta sa kwarto ni Annika, siya na ang huling hindi ko pa nabibigyan e’. Tapos ko ng dalhan iyong mga chef sa kusina, mga tagalinis na nakasalubong ko, maging iyong tagabantay ng gate ay nabigyan ko na rin.

“Si Shelby pa nga pala. . .” pagkausap ko sa sarili at akmang babalik na paakyat pero sa huli ay napagdesisyunan ko ring mamaya nalang siya hanapin.

Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaki na ’yon? Sabi niya after this week ay kailangan na niyang bumalik sa manila dahil may kaso siyang dapat na asikasuhin.

“Argh, fuck!”

Mabilis na kumunot ang noo ko ng may marinig akong malakas na hiyaw na nanggagaling sa loob ng kwarto ni Annika, base sa tono ay boses niya ’yon, kailan pa siya nagmura ng gano’n?

N
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status