登入Salamat sa nag-iiwan ng kumento. Gandang umaga...
MARCHabang papunta ako sa hotel, tumawag ako sa tauhan ko.“Find a way to get Calessia and Mama out of the hotel.”“We’ll handle it, Sir.”Mabilis ang pagpapatakbo ko.Mahigit dalawang oras ang biyahe papunta sa hotel na tinutuluyan nina Calessia.Talagang siniguro nilang malayo ako sa kanila.Ang pinagtatakhan ko lang, paano nalaman ni Armando ang tinutuluyan nila?Ibig sabihin ba ay may tao na rin siyang nakamanman sa kanila?Kung ganoon, posibleng mapahamak sila.Kailangang mauna akong makarating roon bago si Armando.Hindi niya makukuha si Calessia.Napahigpit ang hawak ko sa manibela.Handa akong ibigay ang kalayaan at katahimikan na gusto ni Calessia.Kung kailangan kong lumayo sa kaniya para maging masaya siya, gagawin ko.Ang hindi ko papayagan ay mapunta siya sa kamay ng isang taong hindi ko alam kung mabuti o masama ang motibo.Hindi ko kayang ipagkatiwala sa iba ang kaligtasan niya.Lalo na kay Armando.Habang nasa biyahe ako, tumawag muli ang tauhan ko.“They’ve left the
MARCKaagad na pina-cremate ni Carlo si Cara Rose nang matagpuan ang katawan nito.Maski ang pamilya niya, hindi na siya nakita sa huling pagkakataon bago siya ipa-cremate.Then, a few days later, biglang sumulpot si Monica sa harap ni Lola.“Do you think Cara Rose is still alive?” tanong ni Lola.Tumango ako.“I think she may be Monica.”Napahawak si Lola sa bibig niya. Bumakas ang takot sa mukha niya.Tumayo ako at inayos ang kumot niya.“Lola, you need to rest. Magpagaling ka. I’ll take care of this.”Tumango siya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.Lumabas ako at kaagad na tinawagan ang mga tauhan ko.“I want Carlo’s house watched. Closely.”Ibinilin ko ring i-trace ang lahat ng naging lakad at transactions ni Carlo sa nakalipas na walong buwan.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong hinahanap ko.Lahat blanko pa. Hindi ako sigurado kung tama ba ang naiisip.Pero talagang kakaiba ang kutob ko.Parang may mas malalim pang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
MARC“Get out!” sigaw ko.Pinaalis ko ang lahat ng bisita.Hindi lang basta pinaalis.Pinataboy ko silang lahat sa mga tauhan ko.“Have you lost your mind, Marc?!”Sigaw ni Lola habang napahawak siya sa dibdib.Todo-alalay naman si Monica sa kanya, acting as though she was already her granddaughter-in-law.Nagtangis ang bagang ko habang dinuduro ko si Monica.“This was your plan all along, wasn't it?”Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Hindi rin siya makasagot.“You acted like you were angry at me because of what I did to my wife, but all you really wanted was to become Mrs. Belmonte.”Hinawakan niya ang kamay ko. Pumatak ang mga luha niya habang paulit-ulit na umiiling.“No... That wasn't my plan—”“Marc! Don't blame Monica. She didn't do anything wrong. She's only been taking care of you.”“That's her job.” Dinuro-duro ko siya.“Marc, enough!”Suminghal na naman si Lola. Agad siyang napahawak sa dibdib habang mahigpit pa ring nakahawak ang isa niyang kamay sa baston.“Monica
MARC“Calessia…” Akmang hahawakan ko siya, pero kaagad na naman siyang umatras.“Stay out of my life, Marc.” Madiin ang boses niya. Matalim din ang mga matang hindi ko na yata kayang salubungin.“Paano kung ayaw ko?”“Then I will hate you for the rest of my life.”Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at tuluyan niya akong iniwan.Mapait na lang akong napangiti habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.Hindi ko na siya pinigilan kahit parang nadudurog ang puso ko.Pinanood ko na lang siyang halos lakad-takbo habang papalayo sa runway.Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.“Give Calessia the documents and the money. Make sure she has everything she needs.”“Yes, sir.”“Then follow them. Wherever they go.”“Understood.”Ibinaba ko ang tawag.Kung pipilitin ko siyang manatili...Tiyak na ikukumpara na naman niya ako kay Armando.Hindi ko siya ikukulong.Tahimik ko na lang siyang babantayan.Sa ngayon...Iyon lang ang kaya kong gawin.Maya maya, tumunog ulit
MARC“Calessia…”Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.Maya-maya, unti-unting kumunot ang noo niya.“What did you just say?”Halos hindi ko marinig ang boses niya.Saglit akong napapikit bago humakbang palapit.“She’s gone, Calessia... And it’s all because of me.”Pero mas lalo pang dumami ang kunot sa noo niya.“Tama na, Marc—”“No, Calessia... Hayaan mo lang akong magsalita.”“Para saan pa, Marc? Tapos na, nangyari na ang lahat at hindi na mababago ’yon.”Mapait akong napangiti at napahagod sa buhok ko.“Alam ko! Pero gusto kong aminin kung gaano ako kagago.”Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya at napalitan iyon ng ekspresyong hindi ko maipaliwanag.“I liked the fact that she kept chasing me... until I suddenly pushed her away.”Bumigat lalo ang paghinga ko. Hindi dahil nalulungkot ako sa pagkawala ni Cara Rose, kundi dahil gusto kong sumigaw siya, magwala, at sisihin ako sa mga nangyari.Pero hindi na siya
MARC“Marc?”Napatingala ako.Na-miss ko iyon.Ang boses niya...'Yong paraan kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.Pero wala na ang lambing do'n.Parang bumalik kami sa unang araw na nagkita kami.“We need to talk.”Kumislap ang mga mata ko at ilang beses akong tumango.Agad akong sumenyas sa mga tauhan ko na umalis muna.Humawak naman si Mama sa kamay ni Calessia bago tumingin sa nurse.“Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.”Napatingin sa akin ang nurse, hinihingi ang permiso ko.Bahagya lang akong tumango at agad niyang itinulak palabas ng cabin ang wheelchair ni Mama.Kami na lang ni Calessia ang naiwan.Kaya lang, hindi ko alam kung sisimulan ko na bang magsalita. Kaya lang hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.Muli siyang umupo.Humakbang naman ako palapit, pero nanatili akong nakatayo.Hinintay ko na lang na siya ang unang magsalita.Para kahit paano, magkaroon ako ng lakas ng loob.Lumipas ang ilang minuto.Tahim







