LOGINCALESSIAMadalas pa ring umuwi nang lasing si Armando.Kahit gano'n, hindi rin nagbabago ang routine namin ni Mama.Araw-araw, maaga pa rin kaming gumigising para magluto. Pagkatapos ay naglilinis ng bahay na para bang normal lang ang lahat. Para bang wala kaming kinatatakutan. Walang pinaplano.Tinitiyak naming walang mapapansing kakaiba si Armando sa mga kilos namin.Pero dahil nga sa nangyari sa study, naging mas tahimik ako kaysa dati.Natural lang iyon dahil sa mga masasakit na salitang binitiwan niya sa amin.Pero masunurin pa rin kami at hindi nagtatanong.Bago pa man kami sumama sa kaniya, iyon ang lagi niyang sinasabi.Magtiwala lang daw kami sa kaniya dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa ikabubuti namin.Pero ngayon, ewan ko na lang.Ngayong araw, maaga na naman siyang umalis.Trabaho raw ang dahilan.At sa tuwing wala siya, saka lang ako lumalabas ng bahay."I'm just going for a walk," sabi ko sa bantay na nakapuwesto sa loob ng bakuran.Tumango lang siya habang kakaiba
CALESSIAMaagang gumising si Mama.Alam niyang umuwi na naman si Armando nang lasing kagabi.Tahimik siyang nagluto sa kusina ng paboritong hangover soup nito. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na magpahinga na lang, pero ngumiti lang siya sa akin."Mas sasakit ang ulo no'n kapag wala siyang mahihigop na mainit na sabaw."Ganito si Mama.Sa mahigit dalawang buwan namin dito, tinuring niya si Armando na parang anak niya.Sa ganitong paraan niya sinusuklian si Armando sa tulong nito sa amin.Kaya hinayaan ko na lang siya.Nang maluto ang sabaw, siya mismo ang nagdala nito sa study ni Armando.Sumunod ako nang ilang sandali.Bahagyang nakabukas na ang pinto. Kitang-kita ko ang eksenang nagpahinto sa paghinga ko.Nakatayo si Mama sa harap ng mesa.Nasa harap naman niya si Armando na nakatutok sa laptop.Hindi man lang niya tiningnan ang sabaw o nagpasalamat kay Mama.Parang naiirita pa siya sa presensya nito."Armando," mahinang tawag ni Mama. "Kumain ka muna kahit kaunti. Makakatulong 'y
MarcWala akong pinagsabihan na alam ko na ang location nina Calessia at Mama.Maging si Lola ay walang alam na hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa kanila.Noong matanggap ko ang balita, gusto ko agad lumipad papuntang Chile, pero pinigilan ko ang sarili ko.Ayaw kong mahalata. Lalo na ni Lola na halos araw-araw, paulit-ulit ang sermon sa akin.Tigilan ko na raw si Calessia.Hayaan ko na raw ito sa buhay na pinili niya.Pero paano ko gagawin iyon?Mahal ko siya.Asawa ko pa rin siya. Kasi hindi naman naisumite ang annulment papers na pinirmahan niya.Kaya may karapatan akong malaman kung ligtas ba siya.May karapatan akong makialam sa buhay niya.Sa loob ng ilang araw, maingat kong inayos ang lahat sa kumpanya.Lahat ng dokumentong kailangang pirmahan. Mga report na dapat kong i-review, mga meeting na puwedeng i-delegate. Maging ang mga follow-up na kailangan ng agarang aksyon ay isa-isa kong inayos.Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon.Kaya kahit wala pa akong kasiguraduhan
Marc Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ni Lola. Ang tanggapin si Monica bilang nurse kahit klarong-klaro na wala siyang respeto sa akin. “Sir Marc, time for your medicine.” Iniabot niya sa akin ang gamot. Tinanggap ko naman iyon at walang reklamong ininom. Pero hindi ko siya tiningnan. Tahimik lang siyang naghintay hanggang sa masigurado niyang nalunok ko na ang lahat bago siya umatras at umalis sa harap ko. Ganito siya. Kapag hindi ako nagsusungit, hindi rin siya nagsasalita nang kung ano-ano. Aalis lang siya at tatayo sa may bintana habang may ginagawa sa phone niya. Madalas ko rin siyang nahuhuling may katext o may kausap. Parang bawat galaw ko ay nirereport niya kay Lola. O baka naman may iba lang talaga siyang kausap. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga dokumentong nasa mesa ko. Ilang araw pa lang mula nang ma-discharge ako. Hindi pa natatanggal ang mga cast ko, pero heto ako ngayon, bumalik na sa Belmonte Holdings. Hindi lang para ibangon ang kumpa
Marc Ilang araw na ang lumipas mula nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kay Calessia. Kahit nandito pa ako sa hospital, ginagawa ko pa rin ang lahat para mahanap lang siya. Ngayon nga ay nasa harap ko ang mga taong inutusan kong hanapin siya. Kaya lang, wala silang silbi. Pare-pareho na lang ang report araw-araw. "Still nothing, Sir. We haven't found a single lead." Napatawa na lang ako nang mapait at pinaalis silang lahat. Gusto kong magwala. Ibato lahat ng mahawakan ko. Pero kapag nalaman ni Lola 'yon, baka totohanin niyang ipasok ako sa mental institution. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Ganitong-ganito rin ang nangyari noong pinaghahanap ko si Cara Rose. Kahit saang sulok ng mundo ako pumunta, wala ni isang clue tungkol sa kanya. Talagang ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap. "Ang gago mo, Marc!" Paulit-ulit kong dinaklot ang buhok ko. Ako ang nanakit, nagsinungaling, at sumira sa tiwala niya. Pero ngayon... Para akong
Marc“Calessia!”Nagising akong parang sakay pa rin ng kotseng pabagsak sa dagat habang isinisigaw ang pangalan ni Calessia.Pero nanigas ang buong katawan ko nang makita ko si Lola.Seryoso siya na parang hindi natutuwa na nagising ako.“Lola…” Paos ang boses ko. Parang maiiyak na inabot ko ang kamay niya.Hindi siya nagsalita, pero hinayaan niya lang akong hawakan siya.Napatingin ako sa kamay niya.Saka ko lang napansin ang suwero sa kamay niya.“Lola, what happened to you?”“Sir Marc…” Pigil ni Mrs. Alfonzo nang tangka akong umupo.“Hindi ka po puwedeng gumalaw. Kailangan mo pong magpahinga.”Kunot-noo akong tumitig sa kanya.Nagkatinginan naman silang dalawa ni Lola.Umiling ako.“No… I need to see Calessia—”“Matapos ang ginawa mo sa kaniya, tingin mo, gugustuhin ka pa niyang makita?”Natahimik ako.Uminit din ang mga mata ko habang nakatingin kay Lola.“Where is she, La?”Nagtangka akong umupo ulit, pero pinigil ako ng sakit. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko.Biglang hinila







