Beranda / Romance / Hired to Serve, Forbidden to Love / Chapter 87 — The Distance

Share

Chapter 87 — The Distance

Penulis: sweetjelly
last update Tanggal publikasi: 2026-05-24 22:17:47
Tahimik ako habang kumakain. Si Mama gano’n din. Pero si Ate, panay salita pa rin. Parang normal lang sa kanya na magkita-kita kami matapos niyang iwan kami noon.

“Marc, tell me… paano kayo nagkakilala?” Napaangat ako ng tingin. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor.

Pero si Ate, ngiting-ngiti pa rin. Excited sa kuwentong gusto niyang marinig.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Marc na hindi agad sumagot. Ilang beses pa siyang napalunok at napahaplos sa batok na parang nag-iisip ng tam
sweetjelly

Nakaka-happy talaga 'yong may comments akong nababasa... Thank you po...

| 1
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Magada
huwag masyadong malaking problema ang dumating sa kanila yong parang smooth lg yong hindi kmi ma stress ...
goodnovel comment avatar
Lyn Magada
miss a huwag mong gawing assistant ang ate ni calessia hindi na ako magbabasa kng siya assistant ni marc.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 87 — The Distance

    Tahimik ako habang kumakain. Si Mama gano’n din. Pero si Ate, panay salita pa rin. Parang normal lang sa kanya na magkita-kita kami matapos niyang iwan kami noon.“Marc, tell me… paano kayo nagkakilala?” Napaangat ako ng tingin. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor.Pero si Ate, ngiting-ngiti pa rin. Excited sa kuwentong gusto niyang marinig.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Marc na hindi agad sumagot. Ilang beses pa siyang napalunok at napahaplos sa batok na parang nag-iisip ng tamang isasagot.Inilapag ko ang tinidor at pinunasan ko ang labi ko. “Imposibleng hindi mo alam, Ate… imposibleng hindi kinuwento ni Papa sa’yo.” Sinadya kong diinan ang boses ko.Awtomatikong nawala ang ngiti niya. “I’m sorry, Calessia. Hindi ko alam na sensitive pala sa’yo ang topic na ’to…” Pumiyok ang boses niya. Napayuko rin siya.“Calessia…” Hinawakan ni Marc ang kamay ko. “I don’t think your sister meant any harm. I think she’s just curious.”Napatingin ako kay Marc. Mapang-unawa ang tingin

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 86—My Sister Returned 

    Calessia“Ma, ito po… bagay sa’yo,” sabi ko kay Mama habang pinapakita ko sa kanya ang bag na napili ko para sa kanya.Nandito kami sa mall ngayon. Namili ng mga supplies at mga outfit na rin para sa school. Next week na kasi ang pasukan, at lahat ng damit ko ay puro pang-corporate at mga designer gowns.Kahit alam ng marami ang status ko, mas gusto ko pa ring manatiling low profile. Para iwas na rin sa mga mata ng mga tao.“Anak, hindi na kailangan. Ang dami ko nang bag. Hindi ko na nga nagagamit lahat.” Kinuha niya ang hawak ko, pero ibinalik din sa istante.“Why don’t you buy something for your husband instead?” suhistiyon ni Mama.Napaisip naman ako. Ano nga ba ang puwedeng ibigay sa taong parang nasa kanya na ang lahat?Humawak si Mama sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa luxury boutique. “Nalilito ka kung ano ang ibibigay mo, ‘di ba?” natatawang tanong ni Mama.Tumango ako habang nakanguso. “Marami kang puwedeng ibigay. Belt, necktie, cufflinks, o kaya brooch.” Tumingin-tingin

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 85 — Words I Still Can’t Say

    Marc Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay at magising si Calessia. Kakabalik lang namin sa bansa. Ako, dumiretso agad sa headquarters para tingnan ang mga trabahong naghihintay sa akin. Si Calessia naman, pinauwi ko agad para makapagpahinga. Heto nga, at himbing na himbing ang tulog niya. Sabi niya kanina, hihintayin niya ako, pero natagalan ako sa pag-uwi dahil sa nagkapatong-patong na trabahong kailangan ng approval ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik kong hinubad ang mga suot ko bago dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo. Pagkatapos, pinunasan ko ang buhok ko saka bumalik sa kama. Suot ang bathrobe, humiga ako sa tabi ni Calessia. Maingat kong inangat ang ulo niya at ipinatong sa braso ko. “Asawa ko…” mahinang sabi niya sa antok na boses. Hinalikan ko siya sa noo. “Go back to sleep…” Niyakap ko siya. Mas lalo naman niyang idiniin ang pisngi niya sa dibdib ko habang nakayakap din sa akin. Kahihiga ko pa l

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 84—Homemade Dreams 

    “Asawa ko…” lambing kong sabi kay Marc na abala sa laptop niya.Nandito kami ngayon sa isang luxury cliffside terrace sa Positano. Ang ganda rito. Overlooking ang dagat. Malamig ang hangin at tahimik.“Yes, my wife…” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtipa niya sa keyboard.Napangiti na lang akong kinunan siya ng litrato. Nasa gilid niya ako, kaya kitang-kita ang tangos ng ilong niya.Diniin ko ang siko ko sa mesa at ipinatong ang pisngi ko sa palad habang nakangiting nakatingin sa kanya.Na-miss ko rin ang side niyang ’to. Seryoso, tahimik, at sobrang focused sa trabaho.Puro kasi sa akin umiikot ang atensyon niya nitong mga nakaraang araw. Totoong wala siyang kapaguran. Kahit saan kami abutan, hala tira. Nakatayo man o nakaupo, hala bira.Ikalawang linggo na namin rito. Ang akala ko talaga, isang linggo lang kami. Halos lahat ng magagandang pasyalan dito ay napuntahan na namin.At sapat na ’yon sa akin.Kasi sa loob ng dalawang linggo na ’yon

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 83 — To Our Future

    Calessia“Good morning, my wife…” nakangiting bati ni Marc pagdilat pa lang ng mata ko. Sinabayan niya pa iyon ng mabagal at matamis na halik.“Good morning, asawa ko…” sagot ko, pero sumuklob naman sa kumot.Kasi naman… naalala ko ’yong ginawa ko kagabi. Ni minsan hindi ko naisip na kaya ko pa lang gawin ‘yon… kaya ko pa lang magpaungol ng gwapong CEO.Kagat-kagat ko ang daliri ko sa ilalim ng kumot, pero sumiksik din siya sa loob.Hinila niya ako palapit sa kanya. Tawang-tawa ang loko. “Ngayon ka pa nahiya matapos ang ginawa mo sa akin kagabi?” Hinalikan na naman niya ako. Malalim. Parang may balak na naman.Bago pa siya tuluyang pumatong, inalis ko ang kumot na nakatabon sa amin.“Behave ka nga. Ang aga-aga pa…” Sinimangotan ko siya. “At saka… ang sakit pa ng balakang ko…”Agad naman siyang umatras. “Sorry…” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Hinaplos niya rin ang pisngi ko.Pero maya maya, pinadapa niya ako sa kama.“Marc, ano naman ang—”“Massage lang kita,” sabi niya na parang in

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 82—No One Compares to You 

    Namula ang mukha ni Calessia. “I-I’m…”Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang isuksok ko ang kamay ko sa likod ng baywang niya at dahan-dahan ko siyang pinadapa sa kama.Hinawi ko ang buhok niya sa isang tabi bago ko siya hinalikan sa batok.Napasinghap siya nang marahan kong sinipsip ang balat niya habang idinidiin ko ang sarili ko sa likod niya. Kaunting diin lang, saktong maramdaman niya ang init ko. Ang pananabik ko.“Marc…” hingal niyang sambit habang pilit akong nililingon.“Yes, my wife…” paos kong bulong bago ko inangkin ang labi niya.Habang magkahinang ang mga labi namin, kinapa ko ang zipper ng suot niya at dahan-dahang ibinaba iyon. Isa-isa kong inalis ang damit niya bago ko siya muling hinarap sa akin.Napakagat-labi ako habang tinititigan siya… pababa… hanggang sa dibdib niyang ngayon ay hawak ko na.Magaan kong hinulma iyon sa palad ko, minasahe, at paminsan-minsang nilalaro ang tuktok niyon.Napaawang ang labi niya. Napapikit siyang kumapit sa batok ko. “Marc…” mahi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status